16: Sad song

616 4 6
                                    

JETHRO DOMINGUEZ

"AAARGGGGHHH~~~"

What's wrong with her? She's so stupid! Does she hate me that much?! Puro Tyrone! Tyrone! Tyrone! So clueless. Ako nga ang nagsabi kay Tyrone na nawawala siya!

Even if it's weird to admit, I was so worried about her. Hindi ko alam kung bakit. Inaantok na ako, pero hinintay ko siyang bumalik dahil hindi ako makatulog habang hindi pa siya nakakauwi.

Anong oras na, nasa labas pa siya! Hindi man lang ba niya nakikita iyon? Hindi na nga nagpasalamat, kung ano-ano pang sinabi.

Sinaktan niya ako. Tapo ngayon ipamumukha niya sa akin na wala akong puso! How stupid. Why do I even care?

-

ELOCIN CHUA

I had no idea this would happen again. Hindi ko akalaing mangyayari na naman 'yung kinatatakutan kong mangyari. After 3 years, here we go again. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon. Dahil balita ko, hindi sila nakapag-praktis ng maayos nung mga araw na wala ako. May isang praktis lang sila na magkakasama silang lahat, pero hindi pa rin ganoon kaayos.

Kasalanan ko naman na hindi ako magparamdam sa kanila buong linggo. Kasi naman, nalulungkot ako nang sobra. Sa mga panahong napag-isa ako, palagi ko pa rin naman silang binabantayan. Ayoko lang na makasama sila, dahil mas nalulungkot ako.

I realized so many things while I was alone. I also thought a lot about Jett's question. And these past few days, I've learnt a lot of funny things about those three.

Si Kayela... she's really a special person for Tyrone. But I'm sure they're just friends. But between Jett and Kayela? Hah! They feel the same way for each other. It's very easy to see that. Ewan ko ba naman kay Jett, bakit hindi niya makita iyon? They're a dummy couple. Parehas lang silang nagmamatigasan.

Back then, whenever he would talk about Kayela, I thought it's really possible for them. Akala ko naman sobrang imposible, walang kapag-a-pag-asa. But everything he thought about Kayela was wrong. I can see it in her eyes. Kitang-kita ko lahat sa mga mata ni Kayela.

"Elocin!!!" masiglang sigaw ni Kayela habang pababa ng hagdan. Niyakap niya nang mahigpit nang makalapit siya sa akin. "Ano ka ba, anong nangyari sa'yo? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Alam mo bang hirap na hirap kami nung wala ka. Sa sobrang miss ko sa'yo, akala ko nakita kita sa school nung isang araw! Ano bang nangyari?"

"May mga inayos lang ako. Mga bagay-bagay... Excited na ako para mamaya. Galingan niyo ah."

Pagdating ni Jett, dinaanan niya lang kami ni Kayela. Hindi na ako nagtaka. Nabanggit niya sa akin na hindi sila bati. Nakakatawa. Now that I know the truth, I can only laugh at them.

Sabay-sabay na kaming pumasok, dahil hinihintay kami nung tatlo para sa registration. Habang naghihintay sa opening ng event, naghintay muna kami sa cafeteria.

Nagtatawanan lang sila habang nagkukwentuhan. Habang ako, nag-iisip. If this is the right time to tell them kung bakit ako nawala ng isang linggo.

"Guys, I'm leaving."

"Ha? Hindi mo kami papanoorin?" sabi ni Amiel.

"Saan punta mo?" tanong din ni Mac.

"Sa Canada..."

Naging seryoso lahat ang itsura nila. Napatigil sila sa pagkain. At si Kayela, napahawak sa braso ko.

"I never thought that this day would come again. Akala ko, we're staying in the Phlippines for good. Pero ito, kailangan na namin lumipat ulit. It's really sad. But it makes me happy, to think na ito 'yung unang beses na may mga masasayang memories akong maiiwan. Sa lahat ng lugar na lilipatan ko, I've never made friends dahil sa takot na aalis rin naman ako sa mga lugar na iyon. Pero 'yung dalawang taon ko dito, kasama kayo... hinding hindi ko pagsisisihan."

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon