37: This is too much

1 0 0
                                    

JETHRO DOMINGUEZ

Nasaan na ba 'yon?! Dalawang minuto na lang at mapaparusahan na siya.

"What's the problem dude?" tanong ni Amiel.

"Wala."

"May hinahanap ka?" tanong na naman niya.

"Wala nga sabi."

Bigla namang sumingit sa usapan si Mac, "Eh bakit parang may hinihintay ka?"

"Bakit parang may hindi ka pa nakikita na gusto mong makita?" sabi na naman ni Amiel.

"Nag-aalala ka ba, na baka-"

"HINDI KO NGA HINIHINTAY SI KAYKAY! PAKI KO BA DUN!"

"Yo, yo, yo. Easy ka lang pare. Si Tyrone 'yung tinutukoy namin eh."

"Teka, binanggit ba natin si Kayela?" painosenteng tanong ni Mac kay Amiel.

"Oo nga. Teka, wala rin ba si Kayela?"

"Baka naligaw ulit."

"Hindi, baka may pinuntahang-"

Hindi ko na lang pinakinggan 'yung mga sinabi nila. Tumayo ako, at maglalakad-lakad para hanapin si Kaykay.

"Oy pare. Saan ka pupunta?" narinig kong tanong nila nung naglalakad na ako palayo.

"Iihi. Nakakatawa mga joke niyo, eh."

"Taga-pagpag, gusto mo pre?" pahabol pa ni Amiel.

At ayun, narinig ko na naman yung nakakainis nilang tawanan. Mga alaskador!

Pinuntahan ko si Kaykay sa klasrum nila, pero wala ng tao doon. Nagmadali akong pumunta sa CR, pero nung paliko pa lang ako, may dalawang lalaki akong nakitang nag-uusap. Hindi ko na sana sila papansinin, dahil wala naman silang kwenta. Pero hindi ko naiwasang marinig yung pinag-uusapan nila.

"Ano balak mo dito, pare?" sabi nung walang-kwentang-tao number 1.

"Namnamin mo! Okay na sa'kin yung ibabayad satin nung babaeng 'yon" sabi naman nung walang-kwentang-tao number 2.

"Sigurado ka pre? Akin nalang to, ha?" sabi nung number 1, sabay taas nung bag at mga damit na hawak niya. Pamilyar sa akin yung bag na hawak niya, pati yung school at P.E. uniform na hawak nila. Wala pang patch yung uniform, kaya siguradong baguhan ang may-ari nun.

"Pero 'tong cellphone, akin 'to!"

Nanlaki yung mata ko nung makita ko yung cellphone na inangat nung isang ugok. Kaya naman pala pamilyar yung mga gamit. At kung hawak nila yung mga damit na iyan ngayon, anong suot nung uhugin na iyon?!

Tumakbo ako palapit doon sa dalawang ugok. "HOY~~~" Hindi ko na sila binigyan ng pagkakataong makapagsalita at makalaban.

"Anong ginawa niyo sa kanya!?" tanong ko habang nakadagan sa isang ugok.

"Jett..."

"SABIHIN NIYO SAKIN!!! Nasaan na yung may-ari nung mga 'to!!!"

Hindi sila sumasagot.

"NASAN SIYA!!!"

Susuntok pa sana ko, kaso dumating na yung dalawa.

"Jett!"

"Akala ko ba iihi ka?"

-

KAYELA ALEJANDRO

Tahimik lang ako habang naglalakad kami ni Jett papunta sa gym.

Nung nagbibihis kasi ako, bigla na lang nawala yung mga damit na pinatong ko sa taas ng cubicle ko. Hindi naman ako makalabas dahil nakasando at cycling lang ako. Naiiyak na ako nun, dahil hindi ko malaman kung paano akong lalabas doon.

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon