26: A beauty or a beast

4 0 0
                                    

KAYELA ALEJANDRO

Pagmulat ko ng mga mata ko, nakapalibot na silang lahat sa akin. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Una kong nakita sina Jea at Tyrone sa kanan ko, sa kaliwa sina Amiel at Mac... kasama 'yung babaeng nalulunod kanina, na kaklase ko.

"Are you okay, Kayela?" tanong nung babae.

"Mukha ba siyang okay, Desa?" sabi ni Jea sa kanya.

Nun ko lang naalala. Iyon nga pala ang pangalan niya, Desa.

Gusto kong magpasalamat sa kanila, pero wala pa akong lakas na magsalita. Gayunman, pinilit ko pa ring lumingon-lingon sa paligid para hanapin si Jett. Wala siya sa kahit saan na malapit sa akin. Pagtingin ko sa bandang likod, nakita ko siyang naglalakad papunta kung saan.

"Salamat nga pala" singit ni Desa. "Anong nangyari dun kay Jett? Hindi ka man lang niya inalala. Grabe talaga siya sa'yo, hindi ka man lang niya sinubukang iligtas. Nanood lang siya dun, habang nalulunod tayo. He's so mean~"

"Hindi mo kilala si Jett, so shut that damn mouth" sabi ni Mac kay Desa, saka hinila paalis si Amiel. 

"What, may sinabi ba akong mali?"

"Miss I don't think it's the time na makisama ka sa amin. Kailangan nang magpahinga ni Kayela, excuse us" dire-diretsong sabi ni Tyrone sa kanya at inakay na ako.

Nginitian ko na lang si Desa, dahil hindi ko rin alam ang sasabihin sa kanya.

"Ako nang bahala sa kanya" sabi ni Jea kay Tyrone nung malapit na kami sa kwarto namin. "Uy ayos ka lang ba?" tanong ni Jea, nung nasa kwarto na kami at nagpapahinga.

"May iniisip lang ako."

"Ano?" tanong niya.

"Baka kasi nalulungkot na naman si Jett" sagot ko sa kanya.

"Bakit naman?"

Ikinuwento ko sa kanya kung paanong nahulog 'yung baril-barilan ko sa pool nung bata pa kaming tatlo nina Jett at Tyrone. Tinalon ko 'yung laruan ko pero malunod-lunod ako dahil malalim pala 'yung pool. Tumalon din noon si Jett, pero hindi naman pala siya marunong lumangoy. Hindi siya natuto. Na-trauma na kasi si dahil sa aksidenteng nangyari nung bata pa siya. 

Malaking kompanya na kasi talaga ang Dominguez Entertainment dati pa man. Kaya madalas na nasa panganib ang pamilya nina Jett nung bata palang siya. Muntik ng mamatay si Jett nung nalaglag siya sa pool noon sa takot sa mga taong nanghimasok sa bahay nila.

"Nung time na muntik na kaming malunod habang kinukuha 'yung laruan, sobrang lungkot niya. Hindi niya raw kasi ako naligtas. Ang alam niya lang daw ipahamak ako... Nung bata kami, siguro normal na masabi niya iyon. Pero ngayon, hindi ako sigurado kung nalulungkot ba talaga siya dahil doon. Kung baka nasasaktan lang 'yung ego niya... Maybe it hurts his pride."

Matapos makapaglinis ng katawan, nahiga na kami para matulog dahil mag-uumaga na. Napipikit na ako nung biglang tumunog 'yung cellphone. Pinahawak ko ito kay Jea nung tumakbo ako kay Desa. Nasabi niya sa akin na kamukha raw iyon ng cellphone na binili ni Jett nung huminto kami sa isang mall papunta dito... At hindi ko alam ang tungkol doon dahil tulog ako nung oras na iyon.

Pagtingin ko sa screen ng cellphone, Master Calling... ang nabasa ko.

Sinong Master?

"Hello? Sin-"

Hindi ko natapos 'yung tinatanong ko nung bombahin ako ng sermon nung tumawag.

"BAKIT BA ANG TAGAL MONG SAGUTIN YUNG TAWAG! NAKA-19 SECONDS PA BAGO MO SAGUTIN!!!"

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now