41: Faling, over and over again

501 3 4
                                    

KAYELA ALEJANDRO

Nagising ako sa tunog cellphone ko. Ang akala ko si Jett na naman 'yung nangiistorbo, pero napabangon ako nung makita kong si Tyrone pala yung tumatawag.

"Oh Tyrone?" tawag ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot ko.

"Magpunas ka na ng laway mo, tapos bumaba ka na at mag-almusal dahil naguusok na yung tenga at ilong ni Jett."

"Hah, 'wag mong sabihin na pinatawag ka niya sa'kin para lang gisingin ako?" tanong ko sa kanya.

"Just wash up already. Monster's patience, you know."

Tinanghali pala ako ng gising. Kasalanan ito nung bakulaw na iyon. Kung ano-anong sinabi niya kagabi, hindi tuloy ako nakatulog kakaisip.

"Wala rin naman palang kwenta 'yang relo mo" bungad niya pagdating ko sa restaurat. Kung alam niya lang na siya ang dahilan kung bakit ako napuyat, hindi niya masasabi iyon.

Pero dahil masyado pang maaga para makipagtalo, tahimik na lang akong umupo.

"Kumain ka na" sabi niya, saka nagsimula na ring kumain.

"Hindi mo man lang ba sila hihintayin?" tanong ko dahil wala pa 'yung mga kapatid niya.

"Kanina pa kumain 'yung mga 'yon. Tayo na lang ang hindi pa tapos, thanks to someone."

"Eh bakit hindi ka pa sumabay sa kanila, kung maaga ka naman palang nagising?" singhal ko sa kanya dahil ang sarkastiko na naman ng pakikipag-usap niya.

"Engot ka ba? Kung sumabay ako sa kanila, sinong makakasabay mo?"

Talaga naman itong bakulaw na ito. Ang aga-aga, nang-aaway na naman. Kung maka-engot siya, akala mo sinong matalino.

"Kumain ka na nga diyan, alam kong gutom na gutom ka na. Mahimatay ka diyan, kasalanan ko pa."

Eh kung siya kaya patayin ko?

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Na-enjoy ko naman 'yung pag-kain, may hindi lang talaga ako makain. Sa itsura pa lang alam ko nang masarap, kaya lang hindi ko alam kung paano ko kakainin.

"Nahiya ka pa" singit nung asungot saka kumuha nung isda at nilagay sa plato niya. Napansin niya sigurong tinitignan ko lang 'yung isda. Hindi marunong makiramdam. Nang-iinggit pa talaga, eh.

Kinain ko na lang 'yung mga kaya kong kainin, dahil baka maglaway ako sa harap nung asungot.

"There" sabi niya saka nilagay 'yung hinimay-himay niyang isda sa plato ko. Pagtingin ko sa kanya, kumakain na siya na para bang walang nangyari.

Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya nagbiro na lang ako para hindi maging awkward 'yung atmosphere. "Hoy bakulaw, kung may plano ka mang lasunin ako-"

"Bakit kita pag-aaksayahan ng panahon?" sarkastiko na naman niyang sabi. "Kahit lasunin kita, hindi ka tatablan. Baka 'yung lason pa yung malason sa'yo."

Kanina ko pa napapansin na iniiwasan niyang tignan ako. Nahihiya ba siya dahil nagiging mabait siya? O baka naiilang siya dahil sa mga pinagsasasabi niya kagabi?
Kanina pa siya parang ilang na ilang.

"Bilisan mo nang kumain diyan, hindi 'yang kung ano-ano ang iniisip mo" sabi niya maya-maya kaya napabalik na lang ako sa pag-kain.

Nung tapos na siyang kumain, tumayo na lang siya bigla at umalis. Sakto namang tumunog ang cellphone ko.

(italize) Without you, I feel broke-

'Yung bakulaw.

"Dalian mo nang kumain diyan at bumalik ka na sa kuwarto mo. Nakalimutan mong mag-bra." Pagkasabi niya nun, binabaan niya na rin ako.

I love you but I hate youOù les histoires vivent. Découvrez maintenant