22: Skyway Avenue

509 5 6
                                    

JETHRO DOMINGUEZ

Kasabay ng pagpalpak ng plano ko ay ang pagbuhos ng ulan. Hinila ko siya at sumilong kami sa isang waiting shed. "Bakit hindi mo naman sinabi agad!?" singhal ko sa kanya.

"Hello? Hello, nasaan ang utak mo? Hindi ka naman nagtanong, ah!!!" sagot niya.

Sinabi niyang doon sa Ilo-Ilo hiniling ng mga magulang niya na ilibing sila, dahil doon sila nagkakilala. Nakakainis dahil umuulan, ayoko pa naman sa ulan.

"Wow. Umuulan..." Hindi talaga kami magkakasundo.

"Ang hilig mo sa ulan, shokoy ka ba?" tanong ko sa kanya. Pero binatukan niya lang ako.

"Puwede namang sirena ang sabihin mo!!! Anong oras na?"

"Alas nuwebe" sabi ko.

Tahimik lang kaming pareho. Pero hindi nakakailang yung katahimikan. Hanggang sa nagsalita na naman siya, "Salamat."

"Sus, hindi naman nangyari."

"Salamat pa rin" pilit niya. "Pero ako naman ang samahan mo!"

"Saan? Baka naman gantihan mo lang ako. Ngayon pa lang-"

"Sumama ka na lang! Teka anong oras na ba?"

"Alas nuwebe nga!" sagot ko ulit.

"Luh? Kanina pa alas-nuwebe ah? 'Di ba gumagana 'yang relo mo!?"

Tiningnan ko ang oras, "Joke lang. Quarter to ten na." Nung tumila yung ulan, dinala niya na ako sa lugar na gusto niyang puntahan. "Anong lugar naman 'to?" tanong ko pagdating namin.

"Lugar kung saan, may mararating ang barya mo" sabi niya saka ako hinitak kung saan. Habang naglalakad kami sa eskinita, nakikita ko yung mga foodcarts sa magkabilaan.

"This is Skyway Avenue" sabi niya pagbaba namin sa palengke.

"Are you ready?" tanong niya pagdating namin sa dulo ng eskinita.

"Ready for what?"

"For the attack." Bumilang siya ng tatlo saka tumakbo papunta sa unang cart. "Anong tinitingin-tingin mo diyan! Tikman mo lahat 'to!"

Nagpatangay na lang ako sa kanya nang hilahin niya ako. Ang daming niyang pinatikim na kung ano-ano sa akin. Yung penoy ba 'yon, balot, isaw? Tapos pinakain niya rin ako ng tenga ng baboy, ulo ng manok at fishballs. May chinese at japanese street foods din at kung ano-ano pa."

"Dito ka lumaki sa Bulacan pero hindi mo alam ang lugar na 'to. Hindi lang mamahaling pagkain ang masarap. Quits na tayo. Para na rin tayong nag-exchange gifts nito."

"Exchange gifts? Wala naman akong binigay sayo."

"Nakalimutan mo na ba 'yung sinabi mo tungkol sa wish nung galing tayo kina Mac?" tanong niya.

"Hindi naman kailangang may kinukumpletong simbang-gabi para lang matupad ang wish, eh. Para na ring sinabi na nababayaran ang wish. Hindi kailangan ng material, pisikal na bagay o gawain kapag humihiling. Sometimes, praying earnestly for it works better."

"Wow, ang cool mo sa part na 'yan Jett. Pero tulad nga ng sabi mo, katulad lang ng wishes ang gifts. Hindi kailangang pisikal o materyal. It just have to be sincere. Basta may puso. Kaya salamat dahil dinala mo ako doon with good intentions. Kaya hayaan mo namang ikaw ang dalhin ko sa isa sa pinakapaborito kong lugar dito sa Baliuag."

Siguro nga, dinala niya ako rito dahil alam niya kung paanong dumadaan lang ang pasko sa bahay ng mga Dominguez. Si daddy, parating may inaasikaso. Si Guess, siguradong nasa bahay ng boyfriend niya. Si Bench, nasa farm kasama sina tita. At ako... kadalasang nasa bahay lang ako at natutulog. O kaya naman, kasama 'yung tatlo.

Ang daming tao sa perya na pinuntahan namin. Puro sigawan at tawanan ang naririnig ko.

"Oh, eto na ticket mo!" sabi niya nang makabili na ng ticket namin. "Para sa rides 'yan, pero ngayon maglalaro muna tayo!" Natagpuan ko na lang ang sarili ko na masayang naglalaro ng kung ano-ano kasama siya. Ngayon ko lang nalaman na ganito kasaya sa perya.

"Oh, para sa'yo" sabi niya habang may inaabot na tasang nakakahon.

"Ano'ng gagawin ko dito?"

Sumagot naman siya, "Kainin mo kung kaya mo?" Tiningnan ko lang siya, "Ano bang ginagawa sa mug, Jett? 'Di ba iniinuman?"

Madami pa kaming ginawa pagkatapos ng games. Nanood kami ng mga palabas at sumakay ng iba-ibang rides.

"Okay, last ride for tonight" sabi niya habang nakapila kami sa Ferris Wheel. Tahimik lang kaming naghihintay, nung nakasakay na kami. Masaya ako. Hindi ko akalaing ganito lang pala kadali sumaya. Kapag kasama ko talaga siya, parang nag-iiba 'yung pagkatao ko. Para akong hindi si Jethro Dominguez.

"Kaykay..."

Masaya lang siyang nakatingin sa labas nung nagsimulang umandar.

"10... 9..."

Naputol 'yung sasabihin ko, dahil biglang nagbilangan yung mga tao. Sakto namang nasa tuktok kami nung huminto ang Ferris Wheel.

"8... 7..."

Rinig na rinig naming dito sa itaas ang sabay-sabay na pagbilang ng mga tao sa ibaba.

"5... 4..."

Hanggang pati siya, nagbibilang na.

"3...2..."

"MERRY CHRISTMAS!!!!!!!!!!!" sigawan ng mga tao.

Naramdaman kong umuga 'ung sinasakyan namin. Paglingon ko ulit kay Kaykay, nakatayo na siya at akmang yayakapin ako.

Naging mabilis ang mga pangyayari, naramdaman ko na lang 'ung mga braso niya sa leeg ko.

"Merry Christmas, Jett."

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now