45: Vice versa

443 4 7
                                    

KAYELA ALEJANDRO

Dalawang araw matapos ang hindi-natuloy na kasal, balik-klase na kami.

"Good job, Alejandro. You may go now" pantataboy na naman ng adviser ko sa akin.

Wala naman siyang nasabing hindi maganda tungkol sa mga project na ipinasa ko sa kanya. Mababait pa naman sa akin 'yung mga kaklase ko, kaya may nahiraman ako ng notes.

"Welcome back, Alejandro" sabi ni hoody-guy paglabas ko ng faculty room... Na weird na namang nakasandal sa pader at naka-hoody plus shades na palagi niyang suot sa hindi ko na gustong malaman na dahilan.

"Ikaw na naman?"Ngumiti lang siya, pero mas mukha nang normal kumpara sa mga creepy niyang ngiti noon.

-

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya habang pasubo nung pagkain.

Niyaya niya akong sabayan siya sa pagtatanghalian sa canteen. At dahil mukha namang hindi siya mangangain, pinagbigyan ko. Isa pa, maraming beses niya na akong natulungan.

"Eh ikaw, bakit ganyan ka makaporma?" Marahan lang siyang tumawa sa tanong ko. "Holdaper ka ba? Espiya? Taga North Korea?"

"Hindi. Takot lang akong umitim" sabi niya habang nakangisi.

Alam ko namang hindi siya seryoso sa sagot niya, kaya ako na lang ang nanghula.

"Huwag mong sabihin sa'kin na disguise mo iyan. Na isa kang sikat na tao, na artista ka, tapos nag-aaral ka dito pero hindi alam ng tao-"

"Bingo."

"Anong bingo?" tanong ko sa kanya dahil bigla na lang niya akong hinanapan ng biscuit.

Napaisip ako habang nakatingin lang siya sa akin. "Aha! Artista ka?"

Tumango siya. Kssunod nun ang panandalian naming pananahimik, saka naman ako tumawa.

"Lolo mo, artista!" sabi ko sa kanya.

"Actually, business man siya."

Wala akong nakitang bahid ng pagbibiro sa mukha niya, kaya tumigil na lang ako sa pagtatawa.

"Seryoso ka ba?" Tumango lang siya sa tanong ko. "Eh bakit hindi kita kilala?"

"Baka wala kang TV" sabi niya at nagpatuloy na ulit sa pag-kain. "Ayoko ng atensyon hanggang dito sa school. Dito na nga lang ako tahimik, magugulo pa. Oras na malaman ng mga tao na dito ako nag-aaral, kukuyugin nila ako dito."

"Ha?! Hindi ba't mas kakuha-kuha ng atensyon 'yang suot mo sa kainitan ng panahon?"

"Hanggang ngayon naman, hindi pa nila ako, so I think effective naman 'tong disguise ko."

Humigop ako ng juice bago ulit siya tanungin. "Eh paano 'yan, alam ko nang ikaw 'yan?"

"Eh hindi mo naman ako kilala, eh" sabi niya.

Napatango-tango naman ako. Sa bagay, kahit may mapala ako sa pakikigulo sa buhay niya dito sa campus... hindi ko iyon pag-aaksayahan ng panahon. Pero naalala ko bigla 'yung unang beses naming magkita.

"Bakit nga pala, kilala mo ako? Kahit nung una pa lang na magka-interact tayo, alam mo na ang pangalan ko."

"Nakalaban namin kayo sa W-Factor. Nag-perform ka kasama 'yung apat na 'yon" sabi niya sabay turo ng nguso sa bandang likod ko.

Paglingon ko, naglalakad 'yung asungot kasama 'yung tatlo sa corridor. Mabilis kong sinubsob 'yung mukha ko doon sa pagkain, at mabilis na kumain. Nag-aalala kasi ako sa kung anong eksena na naman na puwedeng gawin ni Jett, kapag nagkita kami.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now