7: Hello Tyrone

675 9 8
                                    

ELOCIN

"No need for you to do that. Ililibre pa rin naman kita ng dinner kahit na hindi siya sumama sa atin" sabi niya paglabas namin ng gate. Nagsabi rin siyang ihahatid ako pauwi, but I said no.

"Asus. You should spend more time with her. Baka kasi hindi mo namamalayan, nagawa niya na 'yung paraan na sinasabi niya para makaalis sa inyo. Dapat nga binabantayan mo siya, eh."

"Hindi niya ko bodyguard."

"Iyan! Iyang pagiging matigas mo ang dahilan ng pagiging pangit at painful nung paghihiwalay niyo noon. Baka ganoon na naman kayo maghiwalay ngayon. Na naman."

"Stop being that desperate-all-knowing-bestfriend. And wait here" sabi niya sabay kuha ng cellphone niya at saka medyo lumayo sa akin.

"Dalhin mo bike mo" sabi niya sa kausap niya, at lumapit na sa akin.

"Jett, sinong tinawagan mo? Don't tell me-"

"Edi 'yung tatanga-tangang lalaki na mahal nitong tatanga-tangang babae sa harap ko. Yes, tinawagan ko si Tyrone."

"Si- siya. Siya 'yon?!"

You are so dead now, Jett.

"Ouch!!!!!!" sigaw niya matapos ko siyang sapakin sa mukha. "What the-"

Sisigaw pa sana siya, nang may tumamang ilaw sa mukha niya. Paglingon ko, nakarinig ako ng busina.

"Hey there."

Lumapit si Jett dun sa lalaki at saka nakipag-apiran.

"Hi" sabi niya sa akin. Yes, that's him. The guy I love. The only guy I have loved these past three years. The guy who put love in my dictionary. Yes, it's cringey. But yeah, that's him... ang lalaking tatlong taon ko nang minamahal nang palihim.

"Pwedeng maki-upo?"

Bago pa lang ako sa Williams University noon, at walang kaibigan. Lagi akong mag-isa, at sanay na ako doon noon, because I've been always alone since I was a kid. Palipat-lipat kasi ako ng school, so hindi na ako nagaaksaya ng panahon na makipag-kaibigan kahit kanino. It has always made me lonely. Feeling so invisible. Being nobody. Hanggang sa dumating siya sa buhay ko nung umagang iyon, habang kumakain ako sa pinaka-dulong upuan sa cafeteria.

"Su-sure."!

"Tyrone, may nakita ka na bang upuan?"

May tatlong lalaki ang lumapit sa kanya nun. As they sat there with me, I came to know their names. The annoying and arrogant one was named Jett, the smiling face was of Mac's, and the manly one was named Amiel. And there's Tyrone, of course.

Since then, we started having lunch together... At the same spot, as if it was ours. Hanggang sa naging kaibigan ko na sila. Hanggang sa marami nang naiinis sa akin dahil sa pagiging malapit ko sa kanila. Hanggang sa nasanay na lang sila. Same with me.

Hanggang sa nagkaroon kami ng heart-to-heart talk ni Jett, one time na sobrang lungkot niya. Nalaman niya 'yung sikreto ko at nalaman ko ang kanya. Mas nakilala namin ang isa't isa, at kaming dalawa na 'yung pinaka-palaging magkasama.

"Hey. It's getting late. Let's go." Her body started to feel abnormal. My way home would be really uncomfortable.

"Eto na ang kapalit ng pagpapanggap mo, Elo. You're welcome" bulong ni Jett nung makalapit na sa kanya. Umarte naman ang best actor, "Sige, sakay ka na doon. Siya na maghahatid sayo. Tutal ayaw mo sa akin."

Bahagya siyang itinulak ni Jett sa direksyon nito. "Hello Tyrone" bati niya nang makalapit. Patagilid siyang umangkas sa motorbike nito at inihawak ang kanan niyang kamay sa kaliwang balikat nito. Hindi ito ang unang beses na naka-angkas siya kay Tyrone, pero palagi pa rin siyang naiilang.

"Byyyeee~" mapang-asar na sigaw ni Jett habang pakaway-kaway pa.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa habang nasa biyahe. Hindi rin kasi maaasahan sa daldalan si Tyrone, man of few words talaga. Seryoso rin siya, madalas at kahit kailan hindi niya pa nakitang nakangiti. Kaya nga, making him smile became one of her goals. Pero kung may isa siyang hinahangaan kay Tyrone, iyon 'yung mga palihim niyang pag-aalaga sa mga tao sa paligid niya. He's really thoughtful and caring kahit hindi iyon halata ng iba. Tatahi-tahimik lang pero he cares. Talagang hindi niya lang ipinapaalam na may pakialam siya. Madalas nakayuko lang siya, nagsasalita lang kapag kailangan. Sa karamihan, tila may sariling mundo si Tyrone. Pero para sa kanya, ang katahimikan ni Tyrone ang paraan nito para malayang makapag-obserba sa mundo.

May isang bagay lang siyang hindi na-oobserve...

My feelings.

Napatigil siya sa pag-iisip nang mapansing huminto rin sila sa pag-andar. "Ba- bakit ka huminto?" tanong niya.

"Pwede bang sa bewang ka na lang humawak? Mas mabilis kasi kitang maihahatid." Sinusubukan niyang intindihin ang sinasabi nito, pero parang walang pumapasok sa utak niya. "Huwag kang mandiri sa'kin." Hindi niya pa rin maintindihan ang ibig nitong sabihin, nagulat na lang siya at kinuha nito ang mga braso niya at iniyakap sa bewang nito. "Here, let me do it."

Unang beses ito na nayakap niya si Tyrone. Not that she's taking advantage, pero hindi talaga siya sanay sa mabilis nitong pagpapatakbo kaya napahigpit ang kapit niya sa bewang nito. Hindi niya rin namalayan, nakasandig na ang kanyang mukha sa likod ni Tyrone.

Napadilat siya nang maramdaman na huminto na sila. Agad-agad niyang inilayo ang mukha sa likod nito at bumitaw sa pagkakayakap sa bewang. Tumalikod siya para ayusin ang buhok na nagulo-gulo. Magpapaalam na sana siya pero pagharap niya nakaalis na si Tyrone. As usual.

"Bye Tyrone" sambit niya kahit wala na si Tyrone. Nalulungkot siya, kasi pakiramdam niya tuwing maghihiwalay sila... iyon na rin ang huling araw na magkakasama sila.

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon