25: What time is it?

523 4 5
                                    

KAYELA ALEJANDRO

"Sino 'yung babaeng 'yon, Kayela?" tanong ni Jea habang naglalakad kami papunta sa kuwarto namin.

"Ah, classmate ko. Hindi ko nga lang maalala ang pangalan niya. Pero isa siya sa mga kumakausap sa akin palagi sa klase. Kaso palagi ko ring nakakalimutan na tanongin ang pangalan niya.

"At least, may kaibigan ka pa rin sa klase, kahit wala na si miss Elocin."

Hanggang makapasok, tuloy pa rin ang usapan namin ni Jea.

"Sa totoo lang, ayoko nang idikit ang sarili ko sa kahit kaninong nasa Williams. Gusto ko na lang makatapos nang walang nakakapansin. Ayokong nakikipag-sabayan sa mga rich kid."

Nangiti naman si Jea sa sinabi ko, "Eh bakit 'yung apat naman kasundo mo ha?"

"Hindi ah" tanggi ko. "Si Tyrone lang. Iba ang mundo nung tatlong 'yon sa akin."

"Sus mundo-mundo ka pang nalalaman. Pero balik tayo dun sa babae kanina, bakit pala siya nandito? Kasali rin ba siya sa contest? Nanalo rin siya?"

Hindi ko rin alam ang dahilan.

"Pinagtataka ko nga rin 'yon, eh. Ang laking coincidence na nandito rin siya. Pero bakit ba, eh hindi naman tayo ang may-ari nitong hotel" sabi ko na lang kay Jea, at nagsimula nang mag-ayos ng mga gamit.

Nagpapahinga na ako nung may kumatok. Baka si Jea lang, dahil lumabas siya kanina para daw magpahangin. (Ano siya, gulong?)

Nagulat ako pagbukas ko ng pinto, si Jett pala 'yung kumakatok.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

At dahil wala siyang kwentang kausap kahit kailan, "Wala" ang sinagot niya.

Bigla na lang siyang papasok sa kwarto, kaya hinarang ko siya. "Bawal ka rito, ano ka b-" Pero wala rin akong nagawa nung tinabig niya ako. "Aray! Ang kapal lang talaga ng balat mo! Doon ka nga sa kuwarto mo!"

Umupo siya sa kama ko. Tinitingnan niya lang ng paikot-ikot 'yung kuwarto. Teka, may nakikita ba siyang kung anong lumilipad na hindi ko nakikita?

"Okay ka lang ba dito?" tanong niya bigla.

"Huh?"

"Kung ayaw niyo dito, puwede naman nating papalitan-"

"Huh?"

"Kailangan ko bang palitan 'yung salita ko para lang maintindihan mo 'yung sinasabi ko?! Ang sabi ko, kumportable ka ba dito!!!"

"WAG KA SUMIGAW PWEDE!" sagot ko sa kanya.

"HINDI!"

"BAKIT-" Napatigil kami sa bangayan nung biglang tumunog 'yung tiyan ko.

Pepsi. Sa dinami-rami ng oras, lugar at taong kasama. Bakit ngayon pa kumulo ang tiyan ko. Dati naman mahina lang, bakit parang amplified yata 'yung tiyan ko ngayon. S'yempre dahil dakilang bwisit 'yung isa, ayun malakas at walang-katapusang tawa lang niya ang sunod kong narinig.

"Ano bang tinatawa-tawa mo?! Ngayon ka lang ba nakarinig ng tiyan na nagugutom ha?!"

Imbis na sumagot sa tanong ko, tumayo na lang siya at hinila ako.

"Anong oras na ba?" tanong niya habang tinatangay ako.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. "Bakit ba palagi mo na lang ako pinagtatanungan ng oras! Eh sinira mo nga 'yung relo ko 'di ba?" Tumawa lang siya sa sinabi ko. Ang saya-saya niya na sinira niya ang isa sa pinakamahahalagang bagay na mayroon ako.

"Oh" sabi niya habang inaabot 'yung cellphone niya. Tiningnan ko yung oras sa cellphone niya. "10:30" sabi ko at saka inabot ulit sa kanya.

"Sa'yo na" sabi niya at saka naglakad na.

Naiwan lang akong nakatayo habang nakatitig sa cellphone na nasa kamay ko. Hindi ko ma-absorb 'yung sinabi niya.

"Ano ba? Tatanga ka na lang diyan? Akala ko ba nagugutom ka na?"

Sus, pasimple pa itong asungot na ito.

Sumigaw ako sa kanya, "Puwede mo naman kasing aminin na nakokonsensya ka sa pagsira sa relo ko. Ninja moves ka pa eh no? Hoy hintay!"

Pagdating namin sa kubo, naghihintay na sila Jea pati yung tatlo. "Umupo ka na Kayela. Kanina pa ko nagugutom eh" sabi ni Mac sa akin, habang nakahawak dun sa bakanteng upuan para upuan ko.

"Bakit kasi hindi pa kayo kumain?" tanong ko sa kanila.

"Eh itong si Jett, nagpapahintay kala mo bading" sabi lang ni Amiel.

"Kumain na tayo, mauuwi na naman sa daldalan 'to" sabi ni Mac.

-

JETHRO DOMINGUEZ

"Eh si Jett?"

Narinig kong binanggit ni Jea 'yung pangalan ko habang nasa kalagitnaan pa rin kami ng pag-kain.

"Anong ako?" tanong ko sa kanila dahil nakatingin na pala silang lahat sa akin.

"Kanina pa kami nagtatawanan dito. Ikaw lang 'yung hindi. Halata tuloy na wala ka sa sarili mo" sabi sa akin ni Amiel.

"Hindi lang ako nakikinig. Pero mas okay naman ako kay Tyrone, hindi gumagalaw. Hindi pa nagsasalita. Minsan 'di mo nga alam kung buhay pa."

Inakbayan ako ni Tyrone. "Anong sabi mo?" sabi niya sa akmang mangsasapak. Napatigil kami sa tawanan nung may narinig kaming sumisigaw.

"Tulong!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sabay-sabay kaming napatingin sa beach.

"May nalulunod?!"

"Eh?! Nasaan 'yung mga lifeguard?" tanong ni Kaykay habang hinuhubad 'yung tsinelas niya.

"Wala na, bawal nang lumangoy ng ganitong oras eh?!" sabi ni Mac kay Kaykay, na nung oras na iyon ay tumakbo na papunta sa dagat.

Hinabol naman ni Jea si Kaykay. Hindi niya ba alam na magaling lumangoy 'yung kaibigan niya?

'Yung mga ganyang tao naman na nagpapakalunod, papansin lang iyang mga iyan. Kung gusto nilang mamatay, dapat hindi na sila hinahadlangan. Baka sakaling ikasaya nila. Tss, papansin.

"Si Kayelaaaaa!!!" sigaw ni Jea nung tumatakbo siyang bumalik sa amin. "Pinulikat si Kayela!!!"

Nagulat at nataranta ako sa sinabi ni Jea. Lahat kami naalerto sa sinabi niya. Lahat kami tumakbo sa dagat habang sinusundan si Jea. Tumakbo ako ng sobrang bilis hanggang sa nasa baybayin na ako. Kaso...

Kaso... Hindi ko kaya. Pero...

Kailangan kong iligtas si Kaykay.

Anong gagawin ko!!!

"Amiel! Sundan mo ko!" tumatakbong sabi ni Tyrone kay Amiel.

Tama. Sa mga ganitong pagkakataon, nandyan lagi si Tyrone. Siya na naman ang makakapagligtas kay Kaykay. Wala na naman akong magagawa. Palagi na lang...

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now