24: Who is she?

527 3 0
                                    

KAYELA ALEJANDRO

Nagulat ako kanina dahil si Jea ang gumising sa akin. Muntik ko nang makalimutan, ngayon nga pala kami pupuntang Zambales. Buti na lang at tinulungan ako ni Jea at manang Sally sa pag-aayos ng mga dadalhing gamit.

Pagbaba ko, nakita ko agad sila sa sala. Nakakapagtaka dahil parang close-na-close na nag-uusap sina Amiel, Mac at Jea. Samantalang inis na inis si Jea kay Mac. Pagtingin ko sa isang gawi, tutok-na-tutok naman sina Jett at Tyrone sa kung anong pinapanood nila.

Medyo tahimik ang biyahe namin. Ihahatid kami ni mang Tomas at babalikan din sa isang araw. Nagkukulitan lang kami ni Tyrone sa byahe, dahil tulog ang isa ko pang katabi na si Jea. Si Jett naman, hindi ako pinapansin habang nasa tabi ni Mang Tomas. Mabuti naman.

"Gusto mo?" alok niya sa pagkain na hawak niya.

"Uy day old! Bakit meron ka nito?"

"Nakita ko lang 'yan sa daan, eh alam ko namang mahilig ka sa mga ganyan" sabi ni Tyrone.

"WOW!!! Binili mo talaga 'to para sa'kin?"

"Oo pinulot ko sa basurahan para sa'yo" sabi niya habang ginagaya ang tono ng pagsasalita ko.

"Bakit ginagaya mo ako!"

"Ikaw ang nanggagaya!"

"Ikaw!"

Nagulat kami nung may sumingit sa pag-aasaran namin ni Tyrone. "Huwag nga kayong maingay! Kung gusto niyong mag-ingay, lumipat kayo sa sarili niyong sasakyan."

Naku, naku. Epal na naman. Kahit kailan talaga laking asungot nitong Jett na ito, eh.

"Ang sungit mo! May regla ka?!" sabi ko sa kanya.

"Bakit, nireregla ba 'yung mga lalake?!"

"Bakit din, lalake ka ba?!"

"Sus, if I know, gusto mo lang mahalikan kaya mo 'ko tinutuksong bakla."

Tingnan mong kabwisitan nitong asungot na ito.

"Ang kapal ng kulangot mo! May sinabi ba akong bakla ka? Ikaw ang nagsabi niyan. Sus, umamin ka na lang. Tanggap ka naman namin" sabi ko pasa kanya.

"Kahit tumira ka pa sa ilong ko!"

"No thanks, magiging batang kalye na lang ako! Kahit kasya ako sa malaking butas ng ilong mo, pipiliin ko na lang tumira sa Mindanao."

Biglang sumingit si Tyrone sa aming dalawa ni Jett, "Huwag nga kayong maingay! Kung gusto niyong mag-ingay, lumipat kayo sa sarili niyong sasakyan."

Napatawa na lang kami ni Tyrone dahil gayang-gaya niya yung pagkakasabi ni Jett. Matapos 'yun inirapan lang ako ni Jett at ibinalik na sa harap ang tingin. Asar-talo, sus.

-

TYRONE LIM

Naisipan naming maglakad-lakad muna while waiting for Amiel who's getting our hotel room keys. Nauuna sina Jea at Kayela habang nasa likod yung dalawa.

"SORRY! SORRY TALAGA JETT!"

Narinig kong may sumigaw sa likod.

"Anong nangyari?" tanong ni Kayela habang tumatakbo papalapit sa amin.

Sumingit si Jea, "Hanggang dito ba naman may nakakakilala kay Jett?"

"Natapunan ng juice nung babae si Jett" bulong ni Mac sa amin.

Pamilyar siya. I think I've seen her somewhere before. I was thinking about that when I heard Kayela, "Kilala ko siya."

"Sorry?! Malilinis ba ng sorry mo 'yung shirt ko?!"

"Sorry talaga Jett. Papalitan ko na lang." The girl continued apologizing.

"Papalitan? Sa tingin mo mapapalitan mo 'tong damit ko ngayon?"

"Jett naman..."

"Hoy Jett!" Patay. Sumali pa si Kayela. Siguradong away-away na naman 'yung dalawa niyan.

"Wag ka ngang epal, puwede" sagot niya kay Kayela.

"Puwede ayusin mo 'yung ugali mo" sabi naman ni Kayela.

Siguradong hahaba pa ito.

"Ano bang pakialam mo!? Ikaw kaya matapunan ng juice?! Ang lagkit-lagkit kaya!"

"May pakialam talaga ko!"

"Ang tanong ko kung anong pakialam mo, hindi kung may pakialam ka!"

"Kilala ko siya!"

"Huh?" we asked in chorus.

"Classmate ko siya" sabi ni Kayela.

Maybe that's why she looked familiar to me. Pero puwede ring hindi. I'm not sure if it's the sea that is fishy or this stranger.

"Nandito ka rin pala. Pasensya ka na kay Jett. Alam mo naman ang mga nireregla."

Hinila ni Kayela si Jett sa tainga, at nilayo na sa babae.

"Aray! Hoy, hoy masakit! Sinong may sabing may karapatan kang pingutin yung tainga ko! Ano ba, Kaykay! Isa."

"See you around, classmate."

Sinundan na lang namin si Kayela habang inilalayo si Jett. For the last time, I looked back to that girl and saw her strangely smiling while looking at Kayela and Jett. Na binawi niya rin after seeing me looking at her.

Who is she?

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon