17: Confess

590 5 1
                                    

ELOCIN CHUA

Pinalitan nila 'yung kanta. Kung hindi ko nga kilala si Jett at Kayela, aakalain kong magka-ayos sila ngayon. Palakpakan at pamilyar na tilian ang sumunod kong narinig matapos ang performance nila.

Ang dami ko pa pa lang hindi alam tungkol sa apat na iyon. Ngayon ko lang nalalaman ang mga ito, kung kailan aalis na ako. Kung napaaga lang sana ang pagdating ni Kayela.

"Elo, kamusta 'yung ginawa namin?"

"You did great! Thank you for performing for me."

Ngumiti lang sa akin yung apat na nasa likod ni Kayela. At pagkatapos ay umupo na sila sa tabi ko. Sina Mac at Amiel, abala lang sa mga cellphones nila. Si Kayela at Tyrone naman may kung anong pinag-uusapan. Pero itong si Jett na nasa tabi ko, seryosong nakatingin lang sa harap.

"Alright, a round of applause for Aaron, Jiro, Jesser and James!!!"

Maya-maya narinig ko na may ibinulong si Jett habang nagpeperform 'yung grupong sumunod sa kanila.

"Ikaw pala si James Sy..."

Ilan pang grupo at mga solo contestants ang nagperform matapos sila. Hanggang sa dumating na ang oras para sa pag-anunsyo ng nanalo.

"And our champion for this year's W-Factor!!!"

Umalingaw-ngaw ang malakas na tunog ng drum roll sa buong gym.

"It's none other than... participant number... 16!!!"

Matapos ang event, dumiretso kami sa shop ng kaibigan ni Kayela, malapit sa bahay nina Jett.

"Sabi ko na tayo ang mananalo, eh" maangas na sabi ni Amiel habang hinihintay namin yung mga order namin.

"Ito na po yung order niyo" sabi nung Jea, dala ang mga inorder namin. She is a friend of Kayela. Sabi nila magkaroon man lang daw kami ng mini-celebration. Maliit lang 'yung shop, but it's neat and mukhang friendly naman si Jea as well as the shop's owner.

Matapos naming kumain, niyaya ko sila sa bahay. Nung una sabi ko, doon namin gawin 'yung talagang celebration. Despidida party na rin. Pero sabi nila mas maganda kung matutulog na rin sila sa amin.

"Ang laki ng kwarto mo, Elo" sabi ni Kayela. "Sigurado kang, okay lang sa'yo na dito ako matulog?"

"Oo naman! Alangan naman pasamahin kita sa apat doon sa kabilang kwarto" sabi ko sa kanya. "Speaking of which, bakit ba ang tagal nung apat? Sabi nila tatawagin nila tayo after 10 minutes? Ganun ba sila katagal maligo't magbihis?!"

"Hindi ko alam sa mga iyon" sabi niya at saka umupo sa tabi ko. The next thing I knew, tinakpan niya na ang mata ko ng panyo. I did not try to resist since I kinda felt like they're having something for me.

Naramdaman ko na lang na dinala niya ako sa kung saan. Pumasok kami sa isang kwarto. At nung nandoon na kami, pinaupo niya ako. That's when I heard Mac and Amiel arguing while whispering.

"Ikaw na~~~"

"Hay nako, ako na nga" sabi ni Jett. Tapos naramdaman ko na lang na tinanggal niya yung panyo sa mata ko. "Panoorin mo. Ito lang nakayanan namin" sabi niya.

Tinanggal ni Mac 'yung takip nung projector. At saka nagsimula ang flashback-ing. Naroon 'yung mga litrato namin mula nung mga bagong magkakakilala pa kami. 'Yung mga araw na pumunta kami sa kung saan-saan, para solusyunan ang kung anong kalokahan nung apat.

Bumalik lahat ng alala ko sa mga pinagdaanan namin. Nakakalungkot pag naiisip kong, iiwan ko na yung makukulit na 'to bukas.

"Nagustuhan mo?" tanong ni Mac.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now