11: Kaykay is missing

617 7 10
                                    

KAYELA ALEJANDRO

Pepsi! Nakakahiya kina manang Sally. Kalahating oras na pala nila akong ginigising. Huli na ako. Buti na lang paggising ko, ang dami nilang tumutulong sa akin.

Hinatid ako ni mang Tomas sa Williams University. Nag-alok din siya na samahan na ako hanggang sa loob, pero nahihiya ako dahil masyado ko na silang naabala.

Inabot ko sa guard 'yung letter na binigay sa akin nina manang Sally kanina. "Ah okay, dito kakaliwa ka diyan tapos kapag nakita mo na 'yung building mo, pagpunta sa klase ipakita mo ulit 'to sa teacher niyo."

"Okay po, thank you kuya" sabi ko sa guard at sinundan 'yung direksyon na tinuro niya. Kumaliwa ako tulad ng sinabi ni kuya at tiningnan yung mga kwarto na nandoon. Wala naman akong makitang mga tao.

Nakalimutan ko itanong kay kuya kung paano puntahan yung kwarto ko. Ang sabi lang sa papel AC301. Pero 'yung mga kwarto dito AD101 pataas lang. Naglakad lang ako ng naglakad dahil wala akong makitang tao.

Kung saan-saan na ako sumuot dahil naghahanap ako ng tao. Hanggang sa napunta ako sa isang building na puro computer lab. Hindi ko naman maistorbo yung mga tao sa loob dahil mukhang abala silang lahat. Napunta na ako sa science labs, music rooms, cooking labs...

Teka saan nga ba ako nanggaling? Hala. Saan ba ako dumaan? Ang lawak naman ng iskwelahang ito. Hindi ko alam kung nasaan na ako.

Naglakad-lakad na lang ako, sa paniniwalang may patutunguhan ako kahit ano pang mangyari.

Hanggang napunta na ako sa oval. Sa dulo nung oval, may gate papunta kung saan. Akala ko makakalabas na ako, pero pagpasok ko dun, malawak na field lang ang nakita ko, at gates na may nakalagay na: Volleyball court, Basketball court, Tennis court, Badminton court, Swimming Pool, at kung ano-ano pa. Tapos sa dulo, may 'EXIT'

"Finally!"

Tumakbo ako papunta doon, pero paglabas ko garden yung nandoon. Paikot-ikot ako para hanapin yung 'exit' pero wala naman. Halos ilang minute rin akong nagpa-ikot ikot.

Naiinis na ako! Ano ba kasing iniisip ko, bakit kung saan-saan na ako napunta. Huli na nga ako sa klase ko, mukhang hindi pa ako makakapasok talaga. Naiiyak na ako.

Napaupo na lang ako, at napasipa sa sobrang inis ko. Bakit naman ganito ang nangyari sa unang araw ko? Wala rin akong mahihingan ng tulong, dahil wala naman akong kakilala rito. At kahit pa meron, eh wala naman akong load.

Si Jett na tanging kilala ko rito, hindi ko naman maasahan. Walang pakialam iyon, basta maayos ang lagay niya.

"ARGHH~"

Napadukdok na lang ako, habang naiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ako lalabas dito, hindi ko na rin mahanap yung labasan na pinanggalingan ko kanina. Bakit ba kasi ang laki naman ng lugar na ito! Bakit ang tataas nung mga halaman!!!
Nakakainis pa, dahil sa isang gilid ng isip ko, umaasa ako na dadating na lang si Jett para tulungan ako! Na napaka-imposible naman kasi!

"ARGHH~~"

Napatigil ako sa pagsigaw nung nakarinig ako ng mga yapak na parang papalapit sa akin. Iaangat ko pa lang ang ulo ko nang magsalita yung taong lumapit at ngayon ay nasa harapan ko
"Alam mo ba'ng nakikitaan ka na? O sinadsadya mong ipagmayabang 'yung brand ng panty mo?"

-

JETHRO DOMINGUEZ

"Hindi ko pa rin siya nakikita. Sigurado ka bang kaklase ko siya?" tanong ni Elocin, na tinawagan ko habang wala pa 'yung sunod naming teacher.

"Oo, iyon 'yung pagkakarinig kong sinabi ng tauhan ni daddy kay Manang Sally kanina."

"Maghintay na lang tayo. Malay mo may mga inaayos pa siya sa registrations or what. Baka kinakausap pa siya ng director or whoever."

"Oh sige na, sige. Basta sabihan mo ako kapag nandyan na siya."

"Sige, ibati mo na lang ako dun sa dalawa. Pati kay ano, alam mo na" pasimpleng sabi niya. Pagdating talaga kay Tyrone nag-iiba ang tono ng pagsasalita niya.

"Malas mo, wala siya dito."

Pagkatapos namin mag-usap ni Elocin, hindi pa rin ako mapakali, kaya tinext ko na si mang Tomas.

"Naihatid niyo na ba si Kaykay?"
Ilang sandali lang ay sumagot naman si mang Tomas, "Naihatid ko na po siya sir. 9AM nung binaba ko siya. Di na siya nagpasama sa loob. May problema po ba?"

WHAT?! Alas-dose na, pero wala pa siya sa klase nila?!

Binulsa ko ang cellphone ko at tinawag si Mac na natutulog. "Hey! Dude!" Pati si Amiel na nasa malayo binato ko ng nilukot na papel.

"What?"

"Kaykay's missing. We've got to find her!"

"Kaykay, you mean that girl na scholar ng dad mo na nakatira sa inyo?" sabi ni Mac na hindi pa ganoong gising.

Tumatakbo kaming lumabas ng kuwarto para puntahan si Elocin sa klase nila. Nasa kabilang building sila, sa building ng High School.

Ipinaalam naman siya sa teacher nila, kaya pinayagan siyang lumabas. "Oh, ano bang nangyari? Sinong humahabol sa inyo?"

"Si Michael Jackson" sagot ni Mac.

"Tumahimik ka" sabi ko sa kanya. "Hanapin na natin si Kaykay. Baka kung anong nangyari dun. Hindi marunong sa direksyon 'yon, eh."

"Teka, si Kayela yung babae sa bahay niyo, right?" sabi ni Amiel.

Wala nang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko na pwedeng nangyari sa kanya. Paano kung napagtripan iyon?

"Jett, calm down. We'll look for her."
"Okay, walang pumansin sa tanung ko" sabi ni Amiel.

"Si Michael Jackson ang tanungin mo" narinig kong gatong ni Mac kay Amiel. Nag-asaran pa sila pero hindi ko na naintindihan dahil nga hindi na gumagana ng maayos yung isip ko.

"Tama na nga yan" saway sa kanila ni Elocin.

"Wala ba talagang papansin sakin?" sabi ni Amiel.

"Si Michael Jackson"

"Pwede ba, Mac!"

"Si Tyrone ba nasaan?" tanong ko.

"Hello, nandito akooo~ Pansinin niyo ako!"

"Amiel, shut up!"

"Eh kasi naman wala rin naman pumapansin kay Michael Jackson."

"Mac, tone down!"

Tinitext ko si Tyrone kaya hindi ko na napapansin yung tatlo. Hanggang sa sumigaw na lang si Elocin.

"TEKA~~~ MAGULO NIYO!!! Paano tayo magkakaintindihan, kung ganito!?"

Napatingin kami sa buong hallway, wala naman siguro kaming nabulabog sa lakas ng sigaw niya hindi ba?

"Ang gulo niyo, Elo. Not magulo niyo" pagtatama na naman ni Mac sa kanya na hindi na lang pinansin ni Elocin dahil nagsimula na siyang magpaliwanag. "Walang ibang magsasalita. Just listen to me! Hiwa-hiwalay tayong maghahanap sa kanya. Okay?! And when you get to see her, tell us immediately."

"Okay, I texted Tyrone too. Sana mabasa niya" sabi ko sa kanila. At pagkatapos ay nagsimula na kaming maghiwa-hiwalay.

I love you but I hate youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें