6: Special to him

680 10 7
                                    

JETT

"You're really funny, Kayela!" tumayo na siya nang marinig ang boses ni Elo habang nakikipagtawanan sa uhugin. 

Nung makalapit ang dalawa, magsusungit sana siya "Hoy bakit ang tagal niyo-HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Napatawa siya nang malakas para asarin si Kayela. Nagulat kasi siya dahil parang may make-up ito sa mukha.

"What are you laughing at, Jett? Ako kaya ang nag-ayos sa kanya" sabi ni Elo sa kanya.

"Eh kahit naman anong ayos diyan, walang magbabago sa itsura niya. Make-up, make-up pa hindi naman bagay sa'yo" sabi pa niya para lalong asarin si Kayela.

"Oo na, masaya ka na?" singhal ni Kayela saka siya nilagpasan palabas ng bahay.

Ayos lang siya? Bakit siya napikon? Madalas naman mang-aasar lang ito pabalik sa kanya. Pero bakit niya ba iniintindi si uhugin. Eh ito naman talaga ang gusto niya. Bakit parang naiinis siya sa sarili dahil sa ginawa niya.

"Oh ano? Tatanga na lang tayo dito?" tanong ni Elo habang nakatingin sa kanya. "Kung tumahimik ka na lang kasi para itago 'yung fact na nagandahan ka sa kanya, edi walang ganoon? Hindi 'yung nagsinungaling ka pa tungkol sa totoong sinasabi niyang mga mata mo." 

Habang nagmamaneho, panay tingin pa rin siya kay Kayela sa rear-view mirror. Halata namang naiinis pa rin ito sa kanya dahil mukha siyang matandang nasa menopause stage.

"Mababangga tayo o matutunaw siya" bulong sa kanya ni Elocin na nasa passenger seat. "Mag-drive ka nang maayos. Sa daan 'yung tingin, okay?" 

Sakto namang magsisimula pa lang ang service pagdating nila. Tahimik lang silang tatlo habang nagpi-preach ang pastor. Seryoso lang na nakikinig si Elocin, gayundin naman si Kayela na nasa kabila nito.

Gusto niya sanang batuhin ng balat ng bubble gum si Kayela pero bigla niyang naalala na galit pa pala iyon sa kanya.

-

KAYELA

Ang ganda niya. Unang kita niya pa lang kay Elocin, alam niya nang may class siyang babae. Kahit hindi pa nagpapakilala, alam niya na rin na siya ang girlfriend na tinutukoy ni Jett.

Naiinis lang siya sa mokong dahil pakiramdam niya napahiya siya. Unang beses pa naman niyang nakilala ang girlfriend nito.

Mabait din si Elocin sa kanya, kaya tingin niya hindi sila bagay ng bakulaw na Jett na iyon. Napapaisip tuloy siya kung anong nagustuhan nito kay Jett.

Aaminin niya sa sarili, medyo inabangan niya talaga ang magiging reaksyon ni Jett kung makita siya sa unang pagkakataon na nakaayos. 

Tapos tatawanan niya lang ako? Eh ano ba naman ang pakialam ko sa opinyon niya?

Sa inis niya kay Jett, medyo hindi siya nakapag-focus sa message ng pastor. Para kasi siyang naging third-wheel sa date ng mag-jowa. Nakalimutan na yata ng dalawa na kasama siya. Bulungan lang sila nang bulungan habang naglalakad, at hindi man lang siya kinakamusta habang nasa likod nila. Kung may nangidnap nga siguro sa kanya ay makakauwi 'yung dalawa nang hindi siya napapansin.

Pero paglabas ng church ay gumanda agad ang pakiramdam niya nang makita ang paborito niyang street food. "Manong! Pabili po ng chichaw!"

Dito lang kasi siya sa Baliuag nakakakain ng masarap na chichaw. 

"Magkano?" tanong ng tindero sa kanya na ipinagtaka niya dahil hindi naman siya nag nagtitinda.

"Aba, malay ko kuya. Ikaw ang nakakaalam ng price nito, eh. Kasi kapag ako tinanong niyo, free sasabihin ko." Sa kung anong dahilan ay tinawanan lang siya nung tindero. Sira na yata ang ulo. 

"Miss, ibig kong sabihin, gaano karami 'yung bibilhin mo" paliwanag niya.

"Ah~ akala ko po kasi tinatanong niyo sa'kin kung magkano. Siguro, dalawa na lang po nung ganyang naka-cup. Kuya damihan mo 'yung gravy ah."

"Oh, bente lang iyang dalawa na iyan" sabi ng tindero sa kanya. Doon niya na naalala na wala nga pala siyang dalang pera. 

"Kayela!"

Ayun! Lumingon siya kay Elo na nasa gate na ng church kasama 'yung bakulaw na nakatayo lang sa tabi niya. Nilingon niya si manong, "Wait lang kuya" saka tumakbo palapit kay Elo. "Elo, pwedeng pautang ng bente?"

"Of course." 

"Thanks Elo, babayaran na lang kita-"

"No, it's okay" putol nito sa sinasabi niya. "Kinuha lang ni Jett 'yung kotse."

As if naman may pakialam ako sa bakulaw na iyon.

Ala-sais na nang makauwi sila. Nagkayayaan pang kumain sa labas, pero dahil naiilang na siya nagsabi siyang hindi sasama kaya ibababa muna siya ng dalawa sa bahay. Pero pagdating sa bahay, nagsabi si Elocin na parang hindi niya na feel kumain sa labas.

"Are you sure, Kayela. Hindi ka na talaga mag-dinner?" tanong ni Elocin sa kanya.

Tumanggi siya at sinabing nabusog na siya sa chichaw. 

"Iyan lang kakainin mo?!"

"Oo! Anong masama dun?"

"Sa itsura mong-"

"Okay guys, calm down" awat ni Elo sa kanilang dalawa ni Jett. "Mag-aaway pa kayo niyan?  Mukhang kailangan ko na rin umuwi."

Pagkasabi nun, lumapit si Elocin sa kanya. "I had a great time with you, see you again. Soon."

Pagtapos bumeso sa kanya ay lumabas na ito kasama si Jett. Siguro ay ihahatid siya pauwi. Napa-isip na naman tuloy siya. Masyadong mabait si Elo para kay Jett. Pero ano bang malay niya kung iba ang trato ni Jett sa kanya. Katulad sa mga cliché na kwento, kung saan masama ang ugali ng lalaki sa lahat at titiklop sa isang babae. Panigurado, espesyal siya kay Jett.

Pero puwede rin naman kasi 'yung kabaligtaran, tutal abnormal naman si Jett. Baka mabait siya sa lahat, tapos sa akin lang siya asungot. Pero kahit ano pa man, hindi pa rin magbabago tingin ko sa kanya. Isang malaking tinik sa lalamunan ko. Asungot na bakulaw.

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon