19: Hired Girlfiend (Again)

527 5 11
                                    

JEA ALCANTARA

"Isang pumpkin porridge, miss."

"Coming up!" sagot ko sa ale.

Hindi ko alam kung nagkataon lang, pero simula nung makasama namin si Kayela dito sa lugawan, parang ang lakas-lakas na nung enerhiya dito. Parang palaging umaga. Buti pa siya, kahit may problema sa tinitirhan niya, nagagawa niya paring kumanta-kanta habang nagse-serve sa mga customer. Samantalang ako, kahit anong gawin kong pagpapaka-abala, hindi pa rin mawala sa isip ko yung sandamakmak na pinoproblema ko.

Kailangan ko nang magbayad ng tuition. Dahil dalawang sem na 'yung utang ko. Tatlong buwan na rin akong hindi nakakapagbayad ng renta sa apartment. Tingin ko talaga, kailangan ko pa ng isang side-line.

"Hoy Jea, ito na yung lugaw" sabi ni Pao habang winawagayway ang kamay sa harap ng mukha ko. "Ano na namang ikinatutulala mo diyan?"

"Pao, ako na!" sabi ni Kayela, sabay kuha nung tray na hawak ni Pao at dinala doon sa aleng umorder nun. Si Pao naman pumasok na ulit sa kusina.

Pagkahatid niya nung lugaw, binalikan rin agad ako ni Kayela. "Iniisip mo pa rin 'yung sa tuition mo? Pati bills?" Tumango ako kay Kayela. "'Di ba sabi ko naman, gagawan natin ng paraan. Huwag ka na masyadong mag-alala, mahaba pa ang Christmas break."

Pagkasabi niya nun, inakbayan niya ko. At hinintay na ngumiti. "Thanks Kayela. Lagi mo na lang ako tinutulungan."

Tinawag ni Pao si Kayela, kaya tumakbo muna siya papuntang kusina. Naramdaman ko naman na may mga pumasok sa shop, kaya babati sana ako paglingon ko, "Welcome-"

"Jea." Yung kaibigan nung kaibigan ni Kayela. Si Mac.

"Sir Mac, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanya, habang naglalakad siya papunta sa kinatatayuan ko.

"Nandito ba si Kayela?"

Matapos kong tawagin si Kayela, tumambay na lang muna ako sa counter. Nag-uusap sina Mac at Kayela nung bigla na lang akong tawagin ni Kayela para pumunta doon sa pwesto nila.

"May sasabihin daw si Mac sa'yo" sabi niya paglapit ko sa kanila. "Umupo ka rito."

"Ano 'yon?" tanong ko kay Mac, habang kay Kayela nakatingin.

"May hiningi kasi akong favor kay Kayela, kaso ikaw 'yung tinuro niyang makatutulong sa akin."

"Hm, okay?"

"Birthday ko kasi ngayon. At kailangan ko nang isang tao na magpapanggap na girlfriend ko."

Ganun ba sila? Kailangang may girlfriend kapag nagbi-birthday?

"Ngayong gabi lang. Kailangan ko kasing may maipakilalang girlfriend sa lolo ko. Kung nandito lang si Elocin, siya ang hihingan ko ng tulong. Bukod kasi sa kanila ni Kayela, wala na akong kilalang matinong babae na puwedeng ipakilala sa lolo ko."

"Eh bakit ako? Ayokong magsinungaling!"

"You won't be lying. Magpapanggap ka lang naman?"

"Parehas lang 'yon, sir Mac! Ano bang meron sa lolo mo? Hindi naman kami close. Tsaka hindi ako marunong magpanggap. Itong si Kayela na lang."

"Theater Arts student ka naman, eh" singit ni Kayela.

"Tsaka kailangan mo ng pera 'di ba? Name your price" sabi ni Mac.

"Oo, pero hindi naman sa ganitong paraan. Para na rin akong nag-G.R.O. nito, eh?" sabi ko sa kanila.

"Jea, if you're worrying about "that" thing. Don't worry, kasi wala naman akong gagawin sa'yo. Hindi kita type. Baka nga kahit hawakan, hindi ko gawin sa'yo."

"Wow lang, ah? Para namang type kita, sir Mac!" Siya na nga lang hihingi ng tulong. Pero sa bagay, isang gabi lang. Mukhang hindi naman mahirap yung gagawin ko.

"So ano, payag ka na?"

Sige na nga. Hay naku. Magtitiwala na lang ako kay Kayela. "Ano bang kailangan kong gawin?"

"Maging girlfriend lang kita ngayong gabi. Iyon na 'yon. Sasakyan mo 'yung mga sasabihin ko, ngingiti ka sa mga bisitang ipapakilala ko sa'yo. Iyon lang."

"Si-sige. Payag na ako" sabi ko.

"Call" sabi niya at saka nagmamadaling tumayo.

"Teka, teka. Hindi ko alam ang gagawin ko?"

"Don't worry, you'll know it later. I'm sorry, but I'm really in a hurry so I'll see you guys later" sabi niya lang at nagmamadali nang lumabas ng shop.

Pag-alis niya, hinarap ko si Kayela. Pagkakita ko sa kanya nakadaupdop na yung mga palad niya.

"Sorry na Jea!!! Kasi naisip ko lang naman 'yung-"

"Ano ka ba, ayos nga eh!" putol ko sa sasabihin niya. "Kaso hindi niya naman sinabi kung paano akong pupunta doon. Anong klaseng party. Hindi ko alam kung anong oras, anong susuotin."

"Baka bumalik siya dito, ganun. Tapos tsaka niya sasabihin sa'yo 'yung mga ganap doon sa birthday niya."

At dahil linggo ngayon, alas-syete pa lang nagsasara na kami. "Nakakapagod na araw naman, oh."

"Kaya nga, eh" pag-sang-ayon ko kay Kayela.

"Pero, teka Jea! Alas nuwebe 'yung simula nung party! Kailangan na nating magmadali."

"Hello, Kayela? May tatlong oras pa naman. Sa Wildwoods 'yung bahay nina Mac 'di ba? Isang tricycle lang 'yon."

"Pero nakalimutan mo na ba, hindi ka pa nakaayos. Kailangan na nating magbihis, kahit ano na lang suotin natin. Huy hindi ako marunong mag-ayos ayos ah, kaya mo naman yata sarili mo, eh?"

"Hah! Paano 'to-" Hindi ko natapos 'yung sasabihin ko, at sabay lang kaming napalingon ni Kayela sa pinto, dahil may pumasok sa shop.

"Yo!" bungad nung isa pang kaibigan ng kaibigan ni Kayela. Si Amiel, ata.

"Amiel? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kayela. Amiel nga.

"Susunduin ko 'yung girlfriend ni Mac" sabi naman niya.

"Fake girlfriend, sir Amiel" pagtatama ko sa kanya.

"Sige! Ikaw na ang bahala sa kanya!"

Matapos nilang magtinginan na parang nag-uusap, bigla na lang akong hinila palabas ng shop ni Amiel.

"Teka, hindi pa ako nakakapagpaalam sa boss ko" sinasabi ko, habang hila-hila niya na ako.

"Ako nang bahala" sabi ni Kayela na kumakaway-kaway na at ngiting tagumpay.

"Bye Kayela! By the way, kanina ka pa hinihintay ni Jett" sabi ni Amiel kay Kayela.

May pagka-abnormal mga pamumuhay ng mga kaibigan ng kaibigan ni Kayela. Yung isa kailangan ng girlfriend kapag birthday. Ito naman nanghihila na lang ng fake girlfriend ng kaibigan niya pasakay sa sasakyan. Pero may isa pang abnormal na kaibigan si Kayela. Na sumasama na lang kung kani-kanino at magpapanggap pa na girlfriend.

"Saan mo ko dadalhin?" tanong ko habang nagmamaneho na siya.

"Sa salon na pinupuntahan ng kapatid ko palagi."

"Anong gagawin natin dun?" tanong ko.

"Baka makikipag-chismisan sa mga bading doon?" pamimilosopo niya. Antipatikong ito! Magsama kayo nung kaibigan mong abnoy. "Of course, we'll dress you up. Hindi mo naman siguro binabalak na humarap sa lolo ni Mac na ganyan ang itsura mo?"

"Eh sir Amiel, ano ba kasing meron sa lolo niya? Hindi pa kasi naipapaliwanag ni Mac sa akin, eh."

"Alam kasi ng lolo ni Mac na pipilyo-pilyo siya, kaya ang gusto ng lolo niya magkaroon ng babaeng seseryosohin si Mac. His lolo's sick, kaya kahit anong hinihiling nun, pinabibigyan ni Mac. Eh itong si Mac, matagal na palang nagke-kwento sa lolo niya na may babae siyang sineseryoso, kahit wala naman talaga. Tapos nalaman niyang uuwi 'yung lolo niya ngayong birthday niya, may biglaang celebration tuloy. Na usually hindi naman ginagawa ni Mac."

"Hindi kaya ako magkamali? Paano kapag nabuking? Anong gagawin sa'kin nun? Baka naman ipatapon ako sa Pacific nun?"

"Stop worrying, basta sumakay ka lang sa'min and everything's gonna be fine."

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now