23: Pustahan

506 4 2
                                    

MACKANZIE AUSTRIA

"Pfffft." Minsan pa, narinig na naman namin ang pagpigil ni Jett sa tawa niya.

"Hindi kaya nakakain 'to ng pagkaing may saltik?" bulong ni Amiel sa akin, habang tinitingnan namin si Jett na kanina pangiti-ngiti.

"May pagkain bang ganun?" tanong ko kay Amiel.

"Tinitingnan ko lang kung maniniwala ka!"

Napaisip na lang ako, bakit kaya ganyan 'yang baliw na 'yan? Nawi-weirduhan na akmi sa kanya dahil kanina pa siya nasa harapan ng TV habang pangiti-ngiti. Bigla siyang matatawa, tapos pipigilan niya at ngingiti-ngiti.

Ang nakakaloki, ang seryo-serysoso nung palabas sa TV.

"Ano bang nangyari diyan?"

"Hindi kaya may pinagtripan na naman?" tanong ni Amiel.

Sumagot naman ako, "Pero hindi eh, iba ang tawa niyan kapag may napagtripan. Parang siyang lalaki na version nung mangkukulam." Bigla kaming natigilan sa sinabi ko. Nagtinginan lang kami, dahil nagkaintindihan na kami.

"Sabihin mo sa aking hindi posible 'yung naiisip ko."

"Eh paano nga kung nandito na 'yung mangkukulam?"

Parehas kaming kinilabutan.

"Malay mo napaaga ang pagdating niya, tapos nasa in-denial stage lang si Jett ngayon."

Parehas naming hindi nagustuhang isipin man lang ang ideya na iyon.

"Baka nahanginan lang ng konti 'yan" sabi ko na lang.

"Maybe he's taking drugs."

"Asa naman" gaya ko sa pagsasalita ni Jett.

May biglang sumingit sa amin, "Ako alam ko kung bakit."

"Jea?!" sabay naming nasabi sa gulat nang biglang pagsulpot ni Jea. Nandito nga rin pala siya dahil kasama namin siya sa Zambales.

"Kailan ka pa nandyan?" tanong ko sa kanya.

Sumagot naman siya, "Simula nung nag-usap kayo."

Pero ano namang malalaman niya? Anong alam niya kay Jett? Teka, teka. Hindi kaya?

"Pero mas mahalaga pa ba 'yon sa kung anong nalalaman ko?"

"Ano bang sinasabi mo Jea?" tanong ni Amiel sa kanya.

Imbis na sagutin 'yung tanong ni Amiel, tinanong niya kami.

"Nasaan kayo nung disperas ng pasko?"

"What does that have to do with anything?"

"Kasi alam ko kung nasaan si sir Jett nung araw na 'yon, at kung sinong kasama niya."

Sabi ko na nga ba. Teka, anong meron sa kanilang dalawa ni Jett?

"Oo nga pala, hindi kami sinipot ni Jett nun. Natural na kay Tyrone, pero first time na hindi kami sinipot ni Jett. Don't tell me, you're together?"

Umiling-iling siya sa tanong ni Amiel. "Hindi ako 'yung kasama niya nun, si Kayela."

"Si Kayela?"

"Hindi niyo ba alam, magkasama silang nag-celebrate. As in, silang dalawa lang" dagdag pa ni Jea.

"Woah, bakit naman magcecelebrate si Jett kasama si Kayela?"

"Date ang tawag dun" patuloy niya pa.

Mas natawa kami ni Amiel sa mga sinasabi ni Jea. Date? Yung dalawa? Imposible. Siguro hindi lang naiintindihan ni Jea kung ano man yung nalalaman niya.

"Nagpapatawa ka ba Jea? Baka naman-" Hindi na natapos ni Amiel 'yung sinasabi niya dahil pinutol na siya ni Jea.

"Edi huwag kayong maniwala. Tingnan niyo na lang kung bakit ganyan siya umakto ngayon."

Parehas kaming walang nasabi ni Amiel.

"May gusto si sir Jett kay Kayela" sabi ni Jea. At doon na talaga kami natawa nang sobrang lakas. Ang lakas ng trip ni Jea, isa pa siyang nakakain ng pagkaing may saltik.

"Jea, imposibleng mangyari 'yan."

Pero ayaw pa rin magpatalo ni Jea, "Bakit? Bakit imposible?"

"Jea, you don't know him. Yung dalawang 'yon, mortal enemies. And having them together is more than having World War 3!"

Umiling-iling si Jea.

"Ang OA naman nun, sir Mac. Eh hindi niyo ata kilala si sir Jett."

Na-insulto ako sa sinabi ni Jea. At malamang ganoon rin ang naramdaman ni Amiel, kaya sabi niya kay Jea, "We do. We know him very well."

Pero nakangiti lang si Jea na nagsasalita, "Mga sir, you see base na rin 'tong mga 'to sa sinasabi niyo at sa nakikita ko sa kanya. Kilala ko si sir Jett, kahit hindi bilang kaibigan o kakilala. Simply because he's a Dominguez. Pero sobrang iba talaga siya sa pagkakakilala ko sa kanya. At tingin ko, simula lang 'yon nung dumating si Kayela."

Sa totoo lang, medyo pansin ko rin na may nag-iba kay Jett nung nandito na si Kayela. Lalo siyang sumungit. Nung naligaw si Kayela, sobrang nag-alala siya. Hindi ko lang pinansin nun, dahil inisip kong responsibildad niya si Kayela dahil scholar siya ni tito.

"Sabi niyo sa'kin, bukod kay miss Elocin at sa inyong tatlo wala na siyang ibang pinapansin, kinakausap at pinag-aaksayahan ng panahon. Pero si Kayela ang kasama niya nung pasko."

Hindi kami nagsalita ni Amiel.

"Hindi niyo nga alam na kumakanta si sir Jett 'di ba? Alam niyo ba minsan kapag nagrereklamo si Kayela, madalas niyang nasasabi na minsan weird daw si sir Jett na bigla na lang babait sa kanya ng sobra. Nung nadapa si Kayela, siya pala ang gumamot sa sugat ni Kayela. Siya rin ang umaakay kay Kayela sa birthday mo. Hindi 'yon natural para sa Jett na kilala niyo 'di ba? O kilala niyo ba talaga 'yung kaibigan niyo?"

"Hindi pa rin ako naniniwala Jea" sabi ni Amiel.

"Ito pa. Nung disperas, dinala ni sir Jett si Kayela sa sementeryo. Akala niya kasi doon nakalibing ang mga magulang ni Kayela. Ang sweet niya 'di ba?"

"Hindi kami naniniwala" sabi pa rin ni Amiel.

"Ganito na lang mag-ibestiga tayo."

May bigla na namang sumulpot sa likod namin.

"Anong iimbestigahan niyo Jea?" tanong ni Tyrone.

Sumagot naman si Jea sa kanya, "Wala 'yon sir Tyrone."

"Nasaan si Jett?" tanong ni Tyrone kaya tinuro namin si Jett.

"Ayun oh, tinatawanan yung seryosong palabas sa TV."

"So, ano payag kayo?" tanong ni Jea, nung wala na si Tyrone.

"Ano namang mapapala natin diyan?" tanong ko. "Alam namin pareho na mas kilala namin si Jett kaysa sa'yo."

Pero tinukso pa rin kami ni Jea, "Natatakot lang kayo na mapatunayan kong tama 'yung hinala ko ano?"

Tumayo si Amiel, sabi niya "Call!"

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now