21: Tears are like urine

560 5 4
                                    

KAYELA ALEJANDRO

Sa maikling kwento, bale nagkapalitan ng wish 'yung dalawa nung iwan namin sila sa party. Hindi tinanggap ni Jea 'yung pera ni Mac at hiniling niyang maigawa ng special squash porridge si lolo Marco. Hindi rin siya sumama sa paghatid kay lolo Marco sa airport, dahil ayaw niya nang magpanggap pa.

"Masyadong na-attach kay lolo Marco 'yung kaibigan mo" sabi nga ni Jett. At dahil dun humingi ng tulong si Mac sa akin, para makatulong kay Jea.

Dalawang araw na mula nung hinatid namin si lolo Marco. Kumportable ang loob ko sa kanya, dahil sobrang saya niya kausap. Pinagmamasdan ko siya nung panahong kinukwento ni Jea ang buhay niya. Mabait siya, at hindi matapobre. Siguro sa sobrang kabaitan ni lolo Marco, nag-guilty si Jea kaya hindi niya tinanggap 'yung napagkasunduang bayaran. Nalulungkot tuloy ako para kay Jea. Pero tingin ko, may magandang naidulot 'yung pagpapanggap niya. Nakilala niya si lolo Marco, at mukhang nakuha niya na rin ang loob nina Amiel.

Kaso naniniwala talaga si lolo na girlfriend ako ni Jett! Pinagpipilitan niya pang sa susunod naming pagkikita, ninong na namin siya ni Jett. Kahit anong deny ang sabihin ko, hindi na siya naniniwala. Kasalanan 'tong lahat ni Jett!!!

Nakakaloka. Wala pang isang buwan na nandito ako, ang dami nang nangyayari. Dalawang tao na ang hinahatid ko sa airport. At ngayon, disperas na ng pasko. Unang pasko na wala na si papang. Naiiyak na naman tuloy ako. Pero sa pool naman tumutulo yung mga luha ko, kaya hindi masasayang... Wenks, wenks, wenks.

"Oh 'yung korona mo nalaglag sa pool" sabi ng pamilyar na boses mula sa likod ko.

"Anong korona pinagsasabi mo diyan?" tanong ko habang pilit na pinupunasan ang sipon at luha ko.

"Ikaw na, ikaw na ang crying lady of the year" pang-aasar niya.

Nilingon ko naman siya, "Bakit ka ba nandito, ha?!"

"Teka, bahay ko 'to! Nakalimutan mo na ba, ikaw ang nakikitira rito! Kakalipat mo lang, ilang linggo nang nakaraan. Nung unang dating mo pa nga, sinabi mo sa akin na-"

"Oo na, oo na! Kailangan talaga ang dami mo laging sinasabi, eh!" sabi ko sa kanya para tigilan niya na ang pagdaldal niya.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, at nilaylay rin ang mga binti sa tubig. Pinipigilan ko ang patuloy na pagtulo ng luha ko, pero mas bumubuhos lang ang mga iyon.

"Hindi ako umiyak nung namatay si papa. Hindi ako umiyak nung libing niya. Kaya ang weird na umiiyak ako ngayon."

"Your father used to tell me, that tears are like urine."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Masamang pinipigilan. Manong said that we must release it regularly so it wouldn't overflow. Tingin ko, masyadong mahabang panahon mo nang hindi nare-release ang mga iyan. Baka magkasakit ka sa bato."

Hindi siya tumingin sa akin, habang sinasabi ang mga iyon.

"Ang laking arinola niyang nasa harap mo, ilabas mo na 'yan. Sama mo na 'yung uhog mo" dagdag pa niya.

Nagulat ako nung bigla niya akong hilahin at yakapin. Pero imbis na mainis, mas naiyak lang ako. Hindi ko na naisip 'yung iisipin niya, basta dinukdok ko 'yung mukha ko sa dibdib niya, saka umiyak.

Ganoon lang yung posisyon namin hanggang sa wala na akong mai-iyak. Inilayo ko na yung mukha ko sa dibdib niya, at umayos nang upo.

"Why are you so nice to me, these past few days? Don't get me wrong, pero alam nating pareho na hindi 'yan normal."

Bigla siyang lumayo sa akin.

"You're the one getting it wrong" sabi niya. "This is not me being nice. It's just that, every time I meet you, you're in need. What do you expect me to do?"

"The usual things you do" diretso kong sagot.

"You're being full of yourself again. Sinisigurado ko lang na mababaon ka sa utang na loob sa akin."

"Ows?" pang-aasar ko.

"Masyado kang nakakairitang pabayaan, okay! Maingay ka, kaya kailangan kitang patahimikin. Tumayo ka na diyan, kailangan mo akong samahan somewhere."

Hindi ko man alam kung saan kami pupunta, sumama na ako tutal naging mabait naman siya sa akin. "Bakit mo naman naisipang pumunta rito nang ganitong oras?" tanong ko sa kanya nung pinapasok niya na yung sasakyan sa sementeryo. Hindi siya sumagot at bumaba na lang ng kotse nang makapag-parada kami.

"Oh siya, saan dito?" tanong niya pagbaba ko.

"Adik ka ba?" tanong ko sa kanya. "Ikaw ang nagdala sa'kin, tapos ako ang tatanungin mo."

"Namimiss mo sila 'di ba?" tanong niya na hindi ko maintindihan. "Saan ba sila rito?"

"Sino ba?" tanong ko na naman.

"Parents mo malamang." Napangiti na lang ako nang maintindihan ko yung pangyayari. "Ano bang nginingiti-ngiti mo, ha! Dalian mo na nga, bubuhos na 'yung ulan!"

"Eh sa Ilo-Ilo sila nakalibing, eh."

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon