36: Sa'yo lang 'yan

6 0 0
                                    

KAYELA ALEJANDRO

Hindi ako nagtanong dahil ang seryoso nung mukha niya habang sinasabi niyang kunin ko 'yung cellphone ko. Pagtingin ko ang daming beses niya na pala akong tinawagan.

"I tried to call you. 28 times" sabi niya. Nakita kong may mga text din galing kay Mr. Dominguez.

"Hindi ko alam, sorry" nasabi ko na lang sa kanya.

Lumapit siya sa akin, at hiwakan ako sa magkabilang balikat.

"Ngayon Kaykay, you explain to me, all that-" Hindi niya na natapos 'yung sasabihin niya nung biglang bumukas ang pinto. Nagulat kami sa dami ng estudyanteng sumugod sa amin sa loob. Ang daming nagsasalita. Ang gulo-gulo. May kumukuha ng litrato, at nahagip rin si Desa ng mga mata ko. Pati 'yung lalaki na naka-hoody at shades, parang nakita ko rin.

"Gosh hindi na siya nahiya."

"Kitang-kita ko na hinitak niya si Jett dito."

"Sa CR pa ng lalaki, ah! So desperate!"

"Gosh, so flirt!"

"What a bxxxx!"

Hindi ako makahinga. Ang sikip.

"Hilahin mo yung buhok!"

Tulong!

"Turuan natin ng leksyon!"

Wala nga pala dito 'yung tutulong sa akin.

"Humanda ka samin pagtapos nito!"

Lahat biglang lumabo. Hindi ko na makita 'yung mga mukha ng tao.

"You flirt, you won't get away with this!"

Hindi ko na sila marinig.

"GET THE FXXXX OFF!!!"

Sigaw na lang ni Jett ang huli kong narinig. Naramdaman ko 'yung braso niya sa bewang ko, tapos wala na. Wala na akong alam sa mga sumunod na nangyari.

Ang sumunod ko nang nakita, isang malaking baso ng chichaw. Tumakbo ako nang tumakbo papalapit dun sa malaking baso ng chichaw. Pero palayo rin iyon nang palayo. Kaya naman binilisan ko pa ang pagtakbo. Hanggang sa kaunting-kaunti na lang ay maaabutan ko na iyon

"KAYKAY~~~"

Nagising ako bigla at napa-upo mula sa pagkakahiga. Panaginip lang pala.

Pero teka, bakit ako pinalilibutan nitong mga ito? Tsaka nasaan kami?

"Okay ka lang Kayela?" tanong ni Amiel.

Pagtingin ko sa paligid, nasa clinic pala kami. Nasa kanan ko sina Mac at Amiel habang nasa kaliwa naman si Jett.

"Sinong gumising sa'kin?" buong pagtitimpi kong tanong. 'Yung dalawa tumingin lang kay Jett, na nakatingin lang sa akin. AHA! Kung ganun, siya pala. Sa sobrang inis ko sinakal ko siya.

"OKAY?! Paano ako magiging okay, ha?! Ang lapit-lapit ko na, eh! Kaunting-kaunti na lang abot na abot ko na! Salamat sa'yo hindi ko pa naabot dahil ginising mo ako!!!"

"Ahjfdsfkfk~~~"

Nagpapaliwanag si Jett pero hindi ko siya maintindihan, kaya bumitaw na ako sa pagsakal ko sa kanya. "Anong sabi mo?" tanong ko.

"Wala ka talagang utang na loob! Buti nga ginising pa kita, at least hindi ka sasama doon sa liwanag!"

Parang may dumaan na uwak sa harapan namin. Nagkatinginan lang kami nina Mac at Amiel.

"Liwanag!?" sabay sabay pa naming tanong kay Jett.

"Eh kanina may inaabot ka habang natutulog. Tapos nagsasalita ka pa. Eh 'di ba 'yung mga mamamatay na, may nakikitang liwanag sa panaginip nila. Sabi ng matatanda, 'wag ka daw sasama sa liwanag, kasi hindi ka na makakabalik ng buhay. Kaya ikaw! Utang mo ang buhay mo sa'kin!"

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon