46: Frustrated cupids

411 1 4
                                    

KAYELA ALEJANDRO

"TYRONE!!!"

"What's the matter with you?" sabi niya nung nalaglag siya sa tubig. "Huwag mo akong ginugulat."

"Eh ikaw, pinakaba mo ako! Bigla ka na lang natulala!" sigaw ko sa kanya.

"Really? Sorry" kaswal niyang sabi.

"For scaring me?" tanong ko.

Umiling siya, "Nope. For this."

Bigla niya akong hinila sa pool at parehas na kaming nabasa. Kaya ayun, mukha kaming baliw na nagbasaan at naglaro na parang mga bata.

Umahon na kami nung nilamig na ako. Kumuha ng tuwalya si Tyrone. Isa sa kanya, isang ipinatong niya sa balikat ko, at isang ginamit niya para patuyuin at punasan ang buhok ko.

"Patay, nabasa 'yung uniform natin" sabi ko nung naglalakad na kami buhat ang sapatos at cellphone namin, palabas ng pool area.

"My fault. I'm sorry-"

"Hindi" sabi ko sa kanya. "Sa'kin 'tong isang 'to, kaya ililibre kita ngayon!"

Hinila ko siya sa kasabikang dalhin siya sa shop.

"Teka, gusto ko lang ipaalala sa'yo 'yung itsura natin pareho" sabi niya. Saka ko naalalang basang-basa pala kami pareho. "Hah. This kid" sabi niya at ginulo 'yung buhok ko. "May extra shirts ako sa locker."

"This won't do" sabi niya pagdating namin sa locker room. May tinawagan siya sa telepono. "Tyrone" bungad niya. "I need you to buy me some things" sabi niya doon sa kausap niya.

Nung napansin niyang nakatayo lang ako doon, at nakatingin sa kanya, lumapit siya sa akin at inabot 'yung susi ng locker niya.

Pagpasok ko ng locker room, hinanap ko 'yung number 302. Pero nagulat ako dahil may naaninag ako doon sa dulo nung locker room. May naghahalikan!!!

Pero mas ikinagulat ko pa nung nakita ko 'yung mukha nung lalaki.

"Mac?!"

Nagulat sila sa pagsigaw ko. Oo, ako rin nagulat kaya nga ako napasigaw.

"Uh... Sorry-" sabi ko nung napatingin sila sa akin pareho.

"Oh Kayela?" Tumingin siya sa babae, na nun ko lang napansing bukas 'yung butones ng polo. "Go, I'll call you" pagtataboy niya doon sa babae.

Binigyan lang ako ng masamang tingin nung babae nung dumaan siya sa akin habang inaayos ang uniporme niya.

"Hey sorry about that, Kayela" sabi niya sa akin habang inaayos din ang nagusot niyang polo. "What are you doing here? And bakit ka basa? Umulan ba?" tanong niya sabay lumapit.

Hindi ko naman namalayang napaatras ako sa paglapit niya.

"Oops, what now? Scared of me, er?" nakangiti niyang tanong. "Look" sabi niya saka lumapit pa at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang-balikat ko. "Yes, you're cute. Pero wala akong balak na agawin ka sa kaibigan ko. Wag kang matakot" sabi niya saka ako pinitik sa ilong.

Tuloy-tuloy na rin siyang naglakad paalis.

Napahawak ako sa ilong ko, habang bumubulong sa sarili ko.

Ano daw sabi niya?

"And besides." Napatingin ako sa kanya nung nagsalita ulit siya. "Hindi pumapatol ang demonyo sa mga anghel" sabi niya at tuluyan nang naglakad palabas ng locker room.

Ano daw?

Lalabas na sana siya, pero sakto namang papasok si Tyrone, na nagulat din nung makita niya si Mac.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now