14: They're just like us

568 2 0
                                    

JETHRO DOMINGUEZ

Dumiretso kaming anim sa bahay pagkatapos ng mga klase namin. Napag-usapan kasi namin na aaralin naming nang sama-sama 'yung kantang sinabi ni Kaykay.

"Okay guys. Gawin nating organized ang mga bagay-bagay, okay?" pangunguna ni Elocin sa amin nung nasa studio na kami. "Para makatipid sa oras, bawat teams magkakaroon ng 30 minutes para magkanya-kanya. Mac and Amiel, aralin niyo na 'yung mga kailangan niyong aralin. Jett and Kayela, kabisaduhin na 'yung kanta. Tapos ano, ikaw..."

At syempre, ayan na naman 'yung nakakahiya kong kaibigan na nahihiya sa isa ko pang kaibigan. Tulad ng sinabi ni Elocin, nagkanya-kanya muna kami. Kaming dalawa rin ni ugugin, magkahiwalay. Matagal na akong hindi kumakanta at tumutugtog. Pero tingin ko naman, marunong pa rin ako.

"Uy."

"Ano?" malamyang sagot ko kay Elocin na bigla na lang akong ginugulo sa kalagitnaan ng pagkakabisa ko.

"Bakit wala ka man lang binabanggit sa akin tungkol sa kanilang dalawa?"

"Bakit, nagtanong ka ba?"

"That's given dude" naiinis niyang sabi.
Napansin kong apektado talaga siya kaya sabi ko sa kanya, "They're just friends, best friends. Just like us. Don't think about it too much."

"If that's true, why is he acting so weird?" tanong pa rin niya.

Para kaming baliw na nagbubulungan dito, dahil sa pagka-praning nitong si Elocin.

"That, I am not sure about. But we all know na natural nang weird si Tyrone."

"Sssh" putol niya sa pagsasalita ko. "Don't mention his name. They might hear us."

Napabuntong-hininga na lang ako. "As I've always told you, bata pa lang kami talagang tahimik na tao na siya. May pagka-introvert at talagang weird na siya dati pa. Nung dumating si Kaykay, nung maging magkaibigan sila, somehow naging bright na bata siya kahit papaano. But when I say bright, I just mean na kumpara sa pagiging zombie niya, parang nagkabuhay lang, ganun. Nung umalis si Kaykay, bumalik 'yung dating Tyrone. At 'yon na 'yung Tyrone na nakilala mo."

"Ganun 'yung nagagawa ni Kayela sa kanya? Hindi kaya, gusto niya si Kayela?"

Hindi ko alam pero naiinis ako sa ideya na iyon. "Bakit hindi siya ang tanungin mo nang malaman mo."

"Sus. Para namang ako lang ang nag-aalala sa ideyang 'yon. If I know, somewhere diyan sa isip mo, nag-aalala ka rin."

Sasagot pa sana ako kung hindi lang sumingit sa amin bigla si Kaykay. "Uy kayong lovebirds diyan. Tapos na 'yung kalatahing oras."

Lovebirds? Oh shoot!!! Ang alam niya nga pala, girlfriend ko si Elocin. Malaking gulo ito, kapag narinig siya nung tatlo.

"Tara na, tara na!" agad kong sabi at nagsama-sama na kami para mag-ensayo.

Hindi naging ganoon kaayos 'yung pag-eensayo namin. Pero hindi rin naman ganoon kagulo. Hindi na rin nag-stay ng matagal 'yung apat pagkatapos namin mag-practice, may mga kanya-kanyang lakad din kasi.

"Ganyan talaga sila" bulong ko kay Elocin nung nakita kong nakatingin siya kay Tyrone at Kaykay na nagyakap. Masyado lang silang malapit sa isa't isa.

Nung wala na 'yung apat, wala kaming kibuan habang pumapasok sa bahay. Sabay rin kaming umakyat, pero wala pa ring kibuan. Mas unang madadaanan 'yung kwarto niya, kaya nauna siyang makapasok sa kwarto niya.

Nakatalikod na ako nung narinig ko 'yung sinabi niya, "Sabay tayong mag-dinner." Paglingon ko, nakasarado na ang pinto ng kwarto niya.

Nakahiga na ako nung tumawag si Elocin.

"Hindi mawala sa isip ko 'yung itsura nung dalawa" bungad niya.

"Sinabi ko naman na sa'yo, 'di ba? Ganun talaga sila. Okay lang 'yan, tocino" biro ko para hindi siya masyadong malungkot.

"Sige mang-asar ka lang" sabi niya.

"Pero may tanong ako. I'm serious. So you should think about it well. Naisip ko lang, ano bang inaasahan mong mangyari sa inyong dalawa ni Tyrone?"
"Huh? I don't get you" sagot niya.

"Baka ayaw mo lang intindihin. Sige na, may gagawin pa ako" sabi ko sa kanya. Pero napaisip ako sa sinagot niya.

"Okay. Pero gusto ko ring itanong sa'yo 'yung tinanong mo sa akin. Ano bang balak mo sa inyong dalawa ni Kayela?"
Sa amin ni Kayela? Ano nga bang gusto kong mangyari sa aming dalawa?

Pero magkaiba naman kami ni Elocin, eh. May nararamdaman siya para kay Tyrone. Samantalang wala naman akong nararamdaman para kay Kaykay. At ganun din naman ang nararamdaman ni Kaykay para sa akin. Malaki ang galit niya sa akin. Tsaka, hindi siya babae sa paningin ko. Hindi lang naman siya ang babaeng nakakapagpatawa sa akin tuwing malungkot ako. Hindi lang naman siya ang babaeng makakapagpakaba sa akin sa pag-alala. Hindi lang naman siya ang babaeng hindi ko kayang tiisin. Hindi lang naman siya ang babaeng puwede kong mahalin.

Ang gusto ko lang ngayon, hindi siya mawala sa paningin ko. Hindi rin ako magiging kumportable kung makikita ko siyang may ibang tao na kasa-kasama. Hindi ko pa alam kung bakit. Pero hanggat hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit gusto ko siyang nandito lang... hindi ko siya pakakawalan.

Gusto ko siyang bwisitin at asarin habang buhay. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang paiyakin. Gusto ko iyon gawin habang buhay.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now