48: Wallbuddy

419 2 4
                                    

JETHRO DOMINGUEZ

Takot ako sa kulog.

"Jett, okay ka lang ba?" tanong niya kaya bigla kong tinanggal yung kamay ko sa braso niya.

"Bzzzzrzngnngng!!!"

Napakapit na naman ako sa kanya nung biglang kumulog. Napatingin siya kaya inalis ko ulit yung pagkaka-kapit ko sa kanya. Nagulat ako nung iharap niya ako sa kanya at tinakip ang magkabila niyang kamay sa tainga ko.

Hanggang sa leeg ko lang si Kayela, kaya kahit nakayuko ako nakikita niya pa rin ang mukha ko. At siguro nahalata niyang hindi pa rin nawawala yung kaba ko. Kaya sinandal niya yung ulo ko sa kaliwang balikat niya, habang nakatakip pa rin sa kaliwang tainga ko yung isang kamay niya.

"Huwag ka nang matakot" bulong niya habang tinatapik ang kanang kamay sa likod ko.

Biglang kumabog yung dibdib ko kaya napaatras ako, pero mabilis niya akong napigilan.

"Sssh, okay lang. Isipin mo na lang na pader ako, para hindi ka mandiri" bulong niya.

"Pwede bang poste na lang?" bulong ko din sa kanya. "Mas madaling yakapin ang poste kaysa pader."

Habang tumatagal, mas dumadami yung tao. Mas sumisikip. Medyo nagkakatulakan, kaya hindi sinasadyang napakapit ako sa bewang niya. Napalunok ako sa gulat.

"Wag ka nang mailang. Pa- pader ako."

Dahil sa sinabi niyang iyon, napayakap na ako nang tuluyan sa kanya. Habang sumisikip, humihigpit yung yakap ko sa kanya.

Ganitong-ganito si Kayela kahit noon pa lang. Siya ang wallbuddy ko. Tulad ngayon niyayakap niya rin ako noon, para pakalmahin. Dahil kumpara sa kahit na sino, siya ang pinaka-nakakaalam ng mga kahinaan ko.

-

MACKANZIE AUSTRIA

"Kanina nung may nabasa ka sa phone mo, nakita kong nagbago yung expression ng mukha mo" sabi ni Jea, habang nakaupo lang kami sa sala at umiinom ng kape na tinimpla niya.

"Wala 'yon" simpleng sagot ko sa kanya. At saka pinilit na ngitian siya.

"Fake!" sabi niya sabay palo sa braso ko. "Hindi 'yon ang nakikita ko sa mata mo."

Napataas naman ang kilay ko.

"Bakit, ano bang nakikita mo?" tanong ko sa kanya.

"Pain" sagot niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, dahil pakiramdam ko nasisilip niya yung kalooban ko.

"Stop talking nonsense, hindi ko alam ang pakiramdam ng masaktan. Nakalimutan mo na ba? Im not capable of loving, the same way na hindi ako nakararamdam ng sakit."

Humarap siya sa akin. Pumikit siya saka ininat ang mga braso niya. "Ganito na lang, sir Mac. Kunwari pader ako, puwede mong sabihin sa akin lahat hindi ako sasabat. Makikinig lang ako."

Marahan niyang dinilat ang kanan niyang mata, sabi niya "Huwag mo lang ako susuntukin, kasi kahit kunwaring pader ako, masasaktan pa rin ako pag sinuntok mo ako."

Pinikit niya na ulit yung mga mata niya at ibinaba ang mga kamay niya.

"Ano ka ba, Jea-"

"Pader nga! Kakasabi ko lang, eh."

"Jea?"

Ayaw ko sa lahat, eh yung pinaghihimasukan ang buhay ko. Ayoko na kinakaawaan ako. Ayokong makita ng tao na mahina ako. Dahil hindi ako mahina.

"Puwede mong sabihin lahat sa akin... Bibigat nang bibigat 'yang nasa loob mo kapag hindi mo binahagi sa iba?"

"Ano ba'ng alam mo?"

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon