49: She's mine

433 1 2
                                    

KAYELA ALEJANDRO

"Hachuuuu!"

Wala kaming teacher sa dalawang magkasunod na subject. Buti na lang kasi, sinisipon ako at inaantok ako. Sa library na lang ako pumunta. Sinanay ko na rin ang sarili ko na mag-self study dahil sa mga kaklase kong hindi ako pinag-aaral nang maayos.

Walanjo! Pagpasok ko sa library, kinakatay na ako nung tingin ng mga tao. Walang maupuan. Wala rin matabihan. Umupo na lang ako sa sulok, kung saan walang makakakita sa akin. At nagsimulang mag-aral ng Geometry.

"Hachu!"

"Tichu!"

Nagulat ako dahil pagdilat ko mula sa pagbahing, may tissue na lumulutang sa harapan ko.

Pero s'yempre may nakahawak dun.

Nilingon ko sa kanan ko yung may-ari nung kamay, si hoody-guy.

"Maligo ka kasi, para hindi ako nababahing" sabi ko sa kanya sabay tanggap dun sa tissue.

"Sarili mo yung naaamoy mo" sagot naman niya at saka tumabi sa akin.

"Ikaw! Nabahing ako pag dating mo!"

"Hindi, ah! Kahit wala ako nababahing ka na!"

"Hoy hindi! Ngayon lang!"

"Kanina nga habang naglalakakad, bumabahing ka rin!"

"Paano mo nalaman? Ibig sabihin nandoon ka!"

"Lakas naman ng ilong mo, nasagap mo ako nun?"

"Oo, malakas signal ko!"

Inabutan niya ulit ako ng tissue nung patulo na yung sipon ko. "Uhugin ka pala, eh!"

Sandali akong natahimik. Dahil walang ibang taong tumatawag sa akin nun.

"Ew~ Uhog" pang-aasar niya.

"Huwag mo nga ako tawaging ganyan!"

"Bakit naman, uhog?"

"Wag sabi, eh!"

"Eh ang cute kaya, uhog?"

"Anong cute doon?!"

"Sssh~"

Napatigil kami sa pag-aasaran nung sumulpot yung librarian para patahimikin kami.

"Ikaw kasi, eh!" paninisi ko sa kanya.

Tama na ang isang tao na tumatawag sa akin nun.

"Kasalanan mo 'yan, uho-"

"Stop it! Kung ayaw mong ipakain ko sa'yo yung tissue na may sipon!" Ngumiti lang siya sa pang-aasar ko. "Magsabi ka nga ng totoo, maysa-ninja ka ba? Bakit kung nasaan ako, nandoon ka?"

"Walang utang na loob 'to, matapos kitang bigyan ng tissue?"

"Edi ayan na tissue mo oh" sabi ko sabay haggis ng tissue sa kanya.

"Yuck!!! Eewww~ Yuck!!!" sabay tanggal nung tissue sa jacket niya. At nagpunas ng panyo.

"Ang bading naman nito" sabi ko. "Kung makasumbat ka naman parang ginto 'yang tissue mo!!!"

"Sssh!!!" saway na naman nung librarian at saka tinuro yung nakasulat sa pader na 'Observe Silence'

"Kasi eh, babading-bading" bulong ko sa kanya pagalis nung librarian.

"Hindi ako bading! Gusto mo-"

"Ops! Alam ko na kung saan hahantong 'yan" putol ko sa sinasabi niya. "Pero seriously, ang lansa mo!"

I love you but I hate youDove le storie prendono vita. Scoprilo ora