27: I la-la-la-la loved you

527 3 6
                                    

TYRONE LIM

"Parang aso yang babae na yan."

"Hanggang ngayon, nakasunod pa rin ng nakasunod. Bakit ba naging kaibigan 'yan ni Kayela."

"Baka stalker mo, Mac."

"Sa'yo na pre."

That's Mac and Amiel talking about Desa. Nakaupo at nagkukwentuhan lang kami sa kubo, habang naglalaro sa tubig yung mga babae.

"Ang cute ni Kayela, ano?"

Sabay kaming nasamid ni Jett sa sinabi ni Mac pagka-alis na pagka-alis ni Jea.

"Bakit Mac, type mo?" tanong ni Amiel kay Mac.

"Bulag ka ba, o madilim lang talaga rito?" sabi ni Jett sa pagitan ng pagtawa niya.

"Why, hindi ka ba nagagandahan kay Kayela?" tanong ni Amiel kay Jett.

These two are being so weird. Why do I feel like they're up to something?

"Hindi. Uhugin kaya 'yon, nakanganga pa matulog. Parang hindi babae."

"Paano mo nalaman na ganun siya matulog?" tanong na naman ni Mac.

"Pare, don't tell me-"

If they're doing something, they should've thought of it well. They're too obvious.

"Tigilan niyo nga ko! Malamang kanina sa sasakyan. Wag niyo nga ko igaya sa mga galawan niyo."

Pasalamat sila, hindi sila nahahalata ng biktima nila.

"HOY MGA KAMBING!!!" sigaw ni Kayela sa amin. "TARA SWIMMING! Puro kayo tambay diyan!!!"

"Mag-isa ka!" sigaw pabalik ni Jett.

At hindi pa rin siya tinigilan nung dalawa.

"Do you think, I can try her?" tanong ni Mac.

"TRY?! Eh kung sinasapak kaya kita diyan! Nag-iba na ba type mo ngayon? Kakaiba yata ang taste mo ngayon" sagot ni Jett.

Mukhang nag-eenjoy yung dalawa sa ginagawa nila kay Jett.

"Oo nga, pre. Yung mga tipo ni Kayela, mga tipong nililigawan" dagdag ni Amiel.

"Okay lang. Para maiba naman. Okay lang naman 'di ba?" tanong ni Mac kay Jett.

"Bakit ako ang tinatanong niyo?! Pakialam ko naman sa uhugin na 'yon?"

Tumawa yung dalawa.

"Syempre, scholar niyo siya. Pamilya na nga kayo 'di ba. Bale, parang kapatid mo na siya?"

Halatang-halata kung anong pinalalabas nitong dalawang ito. Para namang may makukuha sila kay Jett.

"Hoy kayong dalawa" sabi ko sa kanila. "Somebody's looking for you, muntik ko nang makalimutan."

Tutulungan ko na si Jett, kawawa naman baka maiyak pa.

"Sino?" tanong ni Amiel.

"I didn't ask. Pero mukhang mga Canadian" sabi ko sa kanila.

Naging mabilis ang mga pangyayari. In a matter of seconds, wala na 'yung dalawa. Ang lakas ng trip nila. Iyon pala 'yung iimbistigahan nila nina Jea, ah. Nag-aaksaya lang sila ng panahon. Walang gusto si Jett kay Kayela. Hindi lang sila sanay sa dalawa.

-

KAYELA ALEJANDRO

"TYRONE!" sigaw ko kay Tyrone nung nakita ko siyang aalis na habang nagkakasiyahan pa kami. "Saan ka pupunta?" tanung ko nung maabutan ko na siya.

"Dun lang sa-" Hindi niya natapos 'yung sasabihin niya dahil bigla akong nabahing. Hala, sinisipon na ata ako. "Tsk, halika nga" sabi niya at saka ako inakay. Nagpadala na lang ako. "You're not supposed to let your hair dry itself. Ang lamig-lamig pa naman dito" sermon niya pa.

"Eh hinahabol kita" sagot ko.

"Nasan yung towel mo?"

"Naiwan ko, hinahabol kita, eh."

"So kasalanan ko pa na hinabol mo ko?"

"Parang ganun na nga" nakangiti kong sabi. Tapos napabahing na naman ako.

Pumasok kami sa isang coffee shop kung saan niya ako iniwan na mag-isang nakaupo. Sabi niya o-order daw siya ng maiinom namin. Pagbalik niya may dala na siyang tuwalya.

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan tungkol sa mga bagay na wala gaanong katuturan. Ganito naman palagi ang laman ng mga usapan namin. Mga bagay na hindi ganun kahalaga sa pamumuhay.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, tumunog yung cellphone niya.

What would you do if I told you that I la-la-la-la-loved you.\

"Hanggang ngayon, The Cab pa rin ang ringtone mo" sabi ko sa kanya.

What would you do if I said it tonight?

"Tumatawag si Jett, anong gagawin ko?" tanong niya sa akin.

What would you do if I told you that I la-la-la-la-loved you.

"Sige. Sagutin mo na. Baka mag-alburoto pa 'yan eh."

'Cause you know I la-la-la-lied.

"Nasa tapat daw siya ng kwarto mo" sabi ni Tyrone.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now