44: The Wedding

431 2 4
                                    

KAYELA ALEJANDRO

"Papunta na ako diyan, huwag kang aalis diyan" sabi niya nung malaman niyang nasa tapat ako ng pinto ni Jea.

Pagdating niya, hinila niya kaagad ako mula sa kung saan, hindi ko pa man dinn natatapos 'yung tanong ko. "Ano na naman-"

"Let's not talk here"

"Puwede, 'wag mo ko ini-English. Pangit mo, hindi mo ikinaguwapo" sabi ko habang nasa elevator na kami.

"Ikaw ang pangit! Uhugin ka!"

"Ikaw rin naman, ah!"

"Mas ka pa rin!!!"

Sasagot pa sana ako, pero saktong bumukas ang pinto ng elevator at may matandang sumakay.

"Taba mo!" bulong niya sa akin.

"Ang baho ng hininga mo!" sabi ko sa kanya. Kaso hindi bulong 'yung nagawa ko. Napatingin tuloy sa amin yung lolo.

"Kapag nag-aaway ang mga magkasintahan ngayon, nagkakalabasan na ng baho..."

Nanahimik na lang kami hanggang sa makalabas na kami ng elevator. Lumabas kami ng hotel at umupo sa isang bench na nasa baybayin.

Umalis siya saglit, tapos may dala na siyang gatas at tinapay pagbalik niya. Parehas lang kaming tahimik habang lumalagok ng gatas at kumakain ng tinapay. Hindi ko na lang natiis 'yung katahimikan kaya nilahad ko 'yung kamay ko sa kanya.

"Akin na 'yung ipapakita mo" sabi ko sa kanya.

"May ano... Ah, kasi..."

Ano bang ipapakita nitong mokong na ito? May nasira na naman ba siya sa gamit ko?

"WOW~~~"

Napatingin din si Jett nung biglang gumana 'yung fountain na nasa gilid namin. Sandali akong na-destruct pero maya-maya ay naalala ko rin 'yung ipapakita niya raw sa akin.

"Ano, ipapakita mo ba o hindi? Kasi kung gusto mo ako na lang ang dudukot diyan sa bulsa mo?!" sabi ko saka sinubukang kapain 'yung bulsa niya.

"Wait Kaykay, no-"

Pilit kong inaabot 'yung magkabilaan niyang bulsa, pero para siyang timang na nakikiliti kaya hindi ko makuha-kuha 'yung laman ng bulsa niya.

Parang may nakapa akong kung ano na parang palawit o ewan.

"Akin na kasi" sabi ko pa rin habang nagpupumilit na kunin 'yung nasa kanang bulsa niya.

"Kaykay, teka. Ano ba, stop-"

Naglikot siya, kaya ayun. Nangyari na naman 'yung hindi dapat nangyayari.

Napadapa ako sa dibdib niya sa sobrang pag-iwas niya kanina. Sandali kaming nagkatinginan hanggang sa sumigaw-sigaw siya.

"Ahhh~ Hoo! Hoo~"

Nanlaki 'yung mata ko nung mapagtanto kong natapunan ko pala siya nung mainit na gatas.

"Hala, sorry! Sorry!" Pinagpagan ko 'yung damit niya, pero tinaboy niya 'yung kamay ko.

"I can handle this" sabi niya.

"Nagi-Ingles ka na naman."

"I mean, kaya ko na 'to! At dideretsuhin na kita! Kasi parang lagi na lang may sumisingit kaya hindi ko matuloy-tuloy 'yung sasabihin ko sa'yo! This is so frustrating!"

Nakita kong iritang-irita na siya habang sinasabi iyon.

"Kasi Kaykay. Totoo pa rin 'yon. Yung-"

"KUYAAA~~~"

Mariin siyang napapikit nung narinig niya 'yung pagtawag sa kanya ni Guess. Paglingon namin tumatakbo palapit sa amin si Guess.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now