Prologue

1.1K 27 30
                                    

"... Hindi kung sino lang ang Papang mo sa akin at sa pamilya ko. What we had is more than an employer-employee relationship. You know that full well. He's a family to us and so are you. Did you really think na kaya kong tanggihan ang huli niyang hiling sa akin?"

"Pero-" Tututol pa sana siya sa dating boss ng Papang niya. Pero hindi na niya nagawa dahil agad itong nagsalita ulit.

"Dear, that was your father's last wish. Hindi rin ito ang unang beses na dito ka titira. Wala naman masyadong nagbago, kami pa rin ito, pamilya pa rin ang turing namin sa'yo, walang nagbago. Besides, hindi ko naman kayang ipagkatiwala ka sa ibang tao."

Hindi naman po sila ibang tao, medyo malayong kamag-anak lang, nasabi na lang niya sa isip.

"Can we stop arguing about this? Saka na ulit tayo mag-usap tungkol dito, kapag nasa legal age ka na. Which is two years from now."

"Pero po-" magpo-protesta pa sana siya pero talagang hindi na yata siya pakikinggan ni Sir. Dominguez.

"No more buts. I shall keep my promise to your Papang. Please understand. Para rin sa'yo ito. He wants the best for you, let's give it to him."

Sa bwisit na pangako na iyon magsisimula ang lahat... ulit.

Kung hindi ba naman talaga siya inaasar ng tadhana, ng universe at kung sino pang puwede niyang sisihin sa puwedeng mangyari sa pagtira niyang muli sa bahay ng mga Dominguez.

Sa totoo lang, ayos lang naman sa mga tita niya na makituloy pa rin siya habang nag-aaral pa. Graduating na rin naman siya ngayong school year, at plano niyang isabay sa college ang pag-raket. Hindi niya problema ang pag-aaral dahil sa scholarship. Tumutulong siya sa pagtitinda sa karinderya ng tita niya, kapalit ng pagpapatuloy at pagpapakain sa kanya. Kung bakit sa dinami-rami lang kasi ng mga tao na paghahabilinan ng Papang niya ay dito pa sa mga Dominguez.

Tatlong buwan na mula nang pumanaw ang Papang niya. Nalulungkot pa rin siya, pero palagi naman niyang sinusubukan na maging maayos at magpatuloy sa buhay. Apat na buwan na lang sana, matiwasay na siyang makatatawid sa kolehiyo kung hindi lang pumasok sa eksena ang mga Dominguez.

Sa totoo lang, mapalad siya na may mga taong handang kumupkop sa kanya, kahit hindi niya naman sila kadugo. Mapalad siya na may 'magandang' buhay na naghihintay sa kanya. Hindi niya rin gustong pagmukhaing masama ang mga Dominguez dahil kung tutuusin, walang problema sa kanila. Walang problema sa titirhan, sa mga taong makakasama... maliban lang talaga sa isa.

Walang halong ka-OA-yan, pero mansyon talaga ang naghihintay na tirahan sa kanya dito. Mayaman kung sa mayaman ang pamilya na handang kumupkop sa kanya. Kaya lang, may halimaw na itinatago ang mansyon at ang pamilyang ito.

Hindi naman sa ala-Beauty and the Beast dahil hindi literal na halimaw ang tinutukoy niya. Mataimtim na lang siguro siyang magdarasal dahil mukhang hindi niya na mapipigilan pa si Sir Dominguez.

"-Hey, Kayela, are you okay?"

Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig niya si Mr. Dominguez na mukhang kanina pa siya kinakausap. "Yes po, ayos lang po" sagot niya. "Kung talaga pong wala na akong magagawa para baguhin pa 'yung isip niyo, kayo na po siguro ang bahala."

Pero sa isip niya, alam niya na hindi magtatagal at makagagawa rin siya ng paraan para hindi niya na kailangang makitira sa pamilyang ito.

"Good. That's great. So, wala naman na sigurong problema-"

"MAYROON."

Patay ka diha dung-inday.

Bahagya pa siyang napapikit nang marinig ang boses na iyon. Nagkasabay silang tumingin ni Sir Dominguez sa pinanggalingan nung halimaw, este nung taong nagsalita.

"Dad, kulang pa ba 'yung mga alaga nating aso? Why bother getting a new one?"

Hindi ako aso. Ako si Kayela Alejandro ang ampon ng mga Dominguez. At 'yung isang iyon... siya ang itinatagong halimaw ng pamilyang ito, si Jethro.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now