1: Start of something new

992 17 47
                                    

JETT

Talaga pa lang nandito na ulit siya, nasabi niya sa sarili.

Sa sobrang tahimik ng bahay nila, kahit nasa ikalawang palapag pa lang, narinig niya nang may nag-uusap sa ibaba. Balak niya lang puntahan si Poupou, his dog, pero hindi sinasadyang marinig niya ang pag-uusap ng dalawa sa sala.

Nagpatuloy siya sa pagbaba, hanggang sa mapahinto nang makita si Kayela. Is this really her?  Makailang beses niya ring naitanong iyon sa sarili, dahil muntik niya nang hindi makilala si Kayela. O baka hindi lang siya makapaniwala na ito na 'yung kababata niya.

Malinaw na malinaw pa sa isip niya ang itsura ni Kayela nung huli niyang makita. Funny how she's sitting right at the same spot of the sala where she sat back then. Back at that morning when she left.

Accidentally niya ring narinig ang usapan ng daddy niya at ni Manong tungkol sa pagre-resign ni Manong bilang family driver nila at paglipat nila sa Manila. Nagpaalam naman si Kayela sa kanya nun. 

"Happy ka siguro na aalis na ako 'no? Pero dapat magbabye ka pa rin kasi hindi na tayo magkikita kahit kailan."

Akala ni Kayela, magiging masaya siya sa pag-alis nito. People might have thought of that too. Lalo na at iyon ang nakikita nila. Na sa wakas wala na ang 'yung bwisit na bata sa bahay nila, kaya sa wakas wala na 'yung kahati niya sa atensyon ng daddy niya. Wala na 'yung epal. Well, akala rin naman niya. Maybe he was just too young back then.

He was 15, she was 12.

Pero kahit bata siya noon, marunong na siyang magsinungaling.

"Then go already. Ang tagal naman. Why are you still here?"  Siguro hindi talaga iyon ang gusto niyang sabihin nung mga oras na iyon. But what can he do? After all, it's all in the past now.

Iyon na rin ang huling beses na narinig niya ang boses ni Kayela. He didn't even look at her. Kaya hindi niya nakita kung paano siyang umalis. At wala na siyang balita tungkol kay Kayela sa nagdaang apat na taon.

Four years. Four long years for him, ewan niya lang kay Kayela. But most probably, baka wala lang para kay Kayela, baka hindi lang napansin. Dahil wala naman iyon pakialam sa kanya. Apat na taon ang lumipas, kaya siguro ganito na lang ang laki nang ipinagbago ni Kayela. 'Yung paepal na uhuging bata na palaging nakahambalang sa lahat ng gagawin niya noon, ibang-iba na ngayon.

Hello 16-year old, Kayela. You have changed. And so am I. Kung may hindi nagbago, iyon ay 'yung fact na iniwan siya ni Kayela. Hindi iyon magbabago, kahit malaki na ang ipinagbago niya ngayon.

"Good. That's great. So, wala naman na sigurong problema-"

Anong wala? Akala niyo lang wala.

"MAYROON" malakas niyang sinabi at saka bumaba't naglakad papalapit sa kanila. "Dad, kulang pa ba 'yung mga alaga nating aso?" Direkta niyang tinitigan si Kayela sa mga mata habang sinasabing, "Why bother getting a new one?"

That's when he saw her expression changed.

"Jett! Where are your manners? Is that how you welcome your childhood friend?" sermon ng daddy niya. "She's staying with us starting today, and I won't entertain any objection from you. Understood?"

He was already having a staring fight with her, kaya hindi niya na rin narinig pa ang sinasabi ng daddy niya. Ngayong nagkaharap na sila, mas natitigan niyang maigi si Kayela. Kahit gaano pa nagbago ang mukha ng dating uhugin niyang kababata, may nagsasabi sa kanya na siya pa rin si Kayela na nakilala niya... Mas gumanda lang.

Nanlaki ang mata niya nang masabi iyon sa isip. Agad niyang itinaboy ang iniisip na iyon, sakto naman dahil biglang tumayo si Kayela para harapin siya. Sa gulat niya, napadila lang siya saka naglakad palabas.

Paglabas ng bahay ay mabilis niyang isinandal sa pader ang likod habang nakahawak sa dibdib. Para kasing nagdadabog ang puso niya at gustong kumawala. Hinihingal-hingal siya na hindi niya maintindihan. Napatayo siya nang diretso nang marinig na may sumisigaw at papalapit sa likuran niya. "Hoy, saan ka pupunta?"

"My manners are missing, I'll go look for it" sarkastiko niyang sigaw kay Kayela nang hindi ito nililingon. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad papunta sa pool area dahil doon ang daan papunta sa dog space.

Pero maya-maya lang ay may naramdaman siyang tumama sa likod niya. "What the-" At sino pa nga ba ang may lakas ng loob na ganituhin siya, bukod sa uhugin niyang kababata.

"What do you want?!" tanong niya kay Kayela nung maabutan na siya nito.

"We have to talk. Sumama ka sa akin—"

Still bossy. She suddenly grabbed his wrist. He was taken back so he brushed her hand away. "We have nothing to talk about! Dun ka!"

Walang ibang ibig sabihin ang pagkabog ng dibdib ko, pilit niyang kinokondisyon ang isip habang kinukumbinsi ang sarili na hindi lang siya kumportable sa presensya ni Kayela kaya hindi niya makontrol ang sarili niya, sa isip, sa salita at sa gawa.

"Okay, kung ayaw mo sumama sa matinong paraan. Sasama ka sakin sa santuhang paspasan."

I love you but I hate youOù les histoires vivent. Découvrez maintenant