38: The Truth

1 0 0
                                    

KAYELA ALEJANDRO

'Yung unang retratong nakita ko ay kuha sa tapat ng gate ng bahay. Gabi, habang nagluluwag ako ng necktie. Siguro, ito 'yung kuha kagabi nung manggaling ako sa lugawan.

'Yung pangalawang retrato naman, kuha kanina. Palabas ako ng gate habang gulo-gulo ang buhok at nagbubutones ng uniporme.

Nilagyan nila ng kung ano-anong malalaswang captions 'yung mga retrato na nagsasabing sapilitan akong pumunta sa bahay nina Jett para akitin siya, dahil palagi akong tinatanggihan ni Jett.

'Yung pinakahuling retrato naman, kuha rin kanina, nung inaabutan ako ng sobre ni Jett. S'yempre nilagyan na naman iyon ng malisyosong caption na nagsasabing binayaran ako ni Jett para sa isang gabi.

Hindi ko na maintindihan kung anong gusto nilang mangyari. Sobrang kitid ng utak ng mga gumawa nito. Sobrang lawak din, para makagawa ng ganitong kuwento. Anon mukha pa ang ihaharap ko sa mga tao dito? Paano ko ipapaliwanag sa kanila na mali ang iniisip nila.

Kahit ayokong makita nila ako sa pinakamahinang side ko, hindi ko na napigilang mapaiyak. Hindi na rin naman nila ako pinigilan nung tumakbo ako papalayo sa lugar na iyon. Dinala ako ng mga paa ko sa isang lugar kung saan matatahimik ako. Sa pool area.

Umupo ako at nilaylay ang mga paa ko sa tubig.

Walang tao, kaya makakapagwala ako. Tubig lang talaga ang makakapag-pakalma sa akin. Simula nung dumating ako dito, wala na yatang katahimikan yung buong pagkatao ko.

"Tama naman sila. Hindi ako nararapat sa school na 'to. Dapat lang, umalis na ako. Wala namang may gusto na nandito ako. Ako mismo, hindi ko gusto dito. Hindi naman ito ang mundo ko. Hindi ako nababagay sa mundo na 'to. Dapat lang bumalik na ako sa mundong kinababagayan ko. Doon sa lugar kung saan tanggap ako."

"Dapat lang." Napalingon ako doon sa babaeng nagsalita. "Hindi ka talaga nababagay dito. Dapat nung una pa lang naisip mo na iyan."

Pamilyar sa akin yung boses na iyon. Hindi ko sana gustong iangat ang tingin ko, dahil baka masaktan ako. Pero kinailangan kong masiguro kung tama ang iniisip ko.

"De-Desa? Anong nangyayari, sa'yo?"

"Ako nga, Kayela. This is me. Ganito ako. 'Yung totoong ako, Kayela."

"Hindi kita maintindihan. Bakit-"

"HINDI KITA GUSTO. Hindi kita kaibigan. At kahit kailan hindi kita itinuring na kaibigan. Ginamit lang kita."

Nanaginip ba ako. Anong nangyayari? Anong sinasabi niya?

"Desa?" sabi ko saka hinawakan 'yung dalawang kamay niya.

"Stop. Stop pretending to be kind, Kayela. Ilabas mo 'yung kalandian mo."

"Desa kung tungkol 'to sa-"

"Too late, dear. Huli na para magpaliwanag pa. Kasi alam ko na ang lahat." Napasinghap ako nung maramdaman ko 'yung kamay niya sa mukha ko. Napahawak ako sa pisngi ko matapos niya akong sampalin. "Kulang pa 'yan, Kayela. Kulang pa lahat ng ginawa ko sa'yo, kapalit ng panlalandi mo sa kaisa-isang lalaki na minamahal ko."

Napakunot ang noo ko nung sinabi niya iyon.

"Oo, si Jett. Siya lang ang tanging lalaki na minahal ko. We're doing really well. Masaya na akong nakikita lang siya, kahit pa nga mula sa malayo. But everything changed, since the day you came. Masyado kang malapit sa kanila. Malapit na malapit kumpara sa akin, kahit kumpara kay Elocin."

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now