I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 92

10.5K 182 0
By realQUEENaccount




Isabelle's POV




"Napagod, napuyat, halos mabaliw na, napiga ng sobra ang utak, tumawa at umiyak. Lahat yan ay isang magandang alala para sa atin bilang isang estudyante. Mahirap mang pagsubok ang dinanas natin, ay narating pa din natin ang entablado na kung saan tutungtong tayo para tanggapin ang diplomang pinaghirapan at pinagsumikapan nating lahat. And now we are entering the real world. The real world na kung saan mas susukatin ang pagiging matiyaga natin sa buhay. And sooner or later we were going to see each others again like a professionals. Hope all of us will choose the right path. Congratulation to all of us graduates!"




After my last speech ay nagpalakpakan ang lahat. Even though I didn't made it for becoming the summa cum laude I am still happy. Ang importante naging worth it lahat ng paghihirap ko, nakapag graduate ako.




After the speech of summa cumlaude and other officials of school, and giving certificates it's time to cry and bid a goodbye to our friends. Kahit na magkikita pa din kami ng mga kaibigan ko ay hindi pa din namin maiwasan amg hindi umiiyak, dahil syempre iba pa din kapag sa school kayo nagkakasama-sama ng mga kaibigan mo at classmates.




"Congratulation again to all of you graduates!"




Nagpalakpakan kaming lahat sa sinabi ng School President. Naghiyawan kaming lahat at saby-sabay na inihagis sa ere ang aming toga hat.




'Mama Sally, Papa Gary. Graduate na po ako, at dahil po iyon sa inyo maraming salamat po sa lahat.' Bulong ko ng mapatingin ako sa langit.




Ang saya sa feeling kapag lahat ng pagod mo ay may magandang kapalit. Sabi nga sa akin ni Mama Sally noon, kapag pagod ka na huwag na huwag mo'ng iisipin na sumuko. Mag-pahinga ka pero huwag mo'ng hahayaan ang sarili mo na agad sumuko dahil sa bawat pagod ay may magandang bagay ang nag-aabang sa iyo.




"Bessssss! Congrats! Yihhh!" Ang hyper na naman ng Flare na ito.




"Congrats din, bes." Nagyakaan kami at maya-maya lang ay kinuha niya ang phone niya tsaka kami nag-selfie.




"Oh, kayo lang ba mag-kaibigan ha? Kaya hindi kami belong diyan sa selfie na 'yan." Pag-iinarte ni baklang Sebastian.




Hinila ko siya pati na din si Amber at Cleo, tsaka kami nag-picture hanggang sa mag-sawa kami sa mga itsura namin.




"Come on, let's go party na guys. Umiyak tayo kanina kaya mag-saya naman tayo ngayon! Wooooh!!" Sigaw ni Cleo at nagsasayaw pa.




"Yeah, come on! Party! Party!" Nakisayaw na din itong Sebastian.




Hay, nakakamiss na nga agad. Hindi ko na araw-araw makikita ang kabaliwan ng mga kaibigan ko.




Habang pinapanood namin ang kabaliwan ni Sebastian at Cleo ay biglang lumapit si Mama Laila at Papa Yves.




"I'm so proud of you, anak." Sabi ni Mama Laila sabay yakap sa akin.




"Thanks po, Mama Laila. Sorry po ay hindi po ako ang naging summa cum laude."




"You still did your best to become the magna cum laude. Kahit na hindi mo nakuha ang pinakamataas na honor, we're still proud of you. At kahit nga hindi ka masali sa honorable students, we're still proud of you. Hindi naman importante kung may honor ka o wala dahil ang importante ay nakapag-tapos ka ng pag-aaral. You made it on the top of your dream." Having a parents like them is a big blessings from God. I'm sure kung buhay lang si Mama Sally at Papa Gary ganyan din sasabihin nila sa akin.




"Your mom is right. And besides hindi naman nasusukat ang lahat sa pagkakaroon ng mataas na honor. May iba nga diyan grumaduate ng summa cum laude pero hindi naman ganoon kaganda ang mga trabaho nila. Basta ang isipin mo lang anak, ay dapat maging masaya ka dahil sa hinaba-haba ng panahon ay nakarating ka na rin sa dulo." Sabi naman ni Papa Yves. Pinunasan ko ang luha ko'ng tumulo at parehas silang niyakap.




"Thank you po. Mama Laila at Papa Yves. Mahal na mahal ko po kayo." Hindi man ako sa kanila lumaki at hindi ko sila agad nakilala bilang mga tunay ko'ng magulang ay masayang-masaya pa din ako dahil hindi pa naging huli ang lahat para magkasama-sama kaming tatlo at mabuo ang pamilya namin.




"Ah Mama Laila, Papa Yves, kay Brayden nalang po ako sasabay. May pupuntahan muna po ako."




"Oh okay. Doon nalang kayo dumaretso sa venue ah. Don't miss your party tonight, okay?''




Kasama ko'ng magce-celebrate ng graduation at mga kaibigan ko. In short, this is a big party. Si Cleo at Sebastian kasi parehas sila uuwi sa pamilya nila, at sa ibang bansa pa 'yon. Kaya naman naisipan na namin na magkakasama nalang kami magcelebrate.




"Opo, mag-iingat po kayo." I gave both of my parents a kissed on their cheeks.




"Guys, mauna na kayo ah. May pupuntahan lang kami ni Brayden."




"Gaga 'to. Bukas na nga kasal niyo, hindi pa kayo makapag-hintay." Heto na naman po si Sebastian, kung ano-ano na naman iniisip. Ang green talaga ng utak.




"Mas gaga ka. Puro kabastusan nasa utak mo... Sige na bye guys, see you later." Nag-wave nalang ako sa kanila at pinuntahan na si Brayden.




"Tara na?" Brayden asked. I nodded as a answer. Binuksan niya ang pinto ng kotse kaya pumasok na ako sa loob. At sumunod naman siya.




"Congratulation, mahal ko." Binigyan ako ng halik ni Brayden sa aking noo.




"Congratulation din sayo, asawa ko." We smiled to each other. He hold my one hand and then he started the engine of his car.




"Mama Sally, Papa Gary. Kamusta na po kayo?" Naupo ako sa harap ng puntod nila tsaka inilapag ang mga bulaklak na binili ko. Ipinakita ko din 'yung diploma ko.




"Ito po'ng diploma na ito, para po sa inyo ito. Kung hindi po dahil sa inyo wala ako'ng ganito at hindi ko maabot ang mga pangarap ko."




Bata palang ako sila na talaga itong naging tulay para maabot ko lahat ng pangarap ko. May mga pagkakataon na gusto ko ng sumuko at sumuko na ako, pero si Mama Sally at Papa Gary, tinulungan at tinuruan ako, na kung gusto ko'ng maabot lahat ng pangarap ko ay paghirapan ko iyon, dahil bago mo maabot ang mga pangarap mo ay kailangan mo muna dumaan sa maraming pag-subok. At sa mga pagsubok na iyon huwag mo'ng kakalimutan na may karamay ka at tutulong sayo.




Habang nakatingin ako sa puntod nila ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko "Ma, Pa, kasal ko na po bukas... Nakakatawa nga po dahil noong nagpunta ako dito ay engage palang ako, pero ngayon po ikakasal na ako." Oo, bukas na ang kasal ko. Hindi ko alam kung paano nangyari, basta sinabi nalang sa akin ni Brayden ng makalabas ako ng hospital noon, ay magpapakasal na kami 1 day after namin grumaduate. Ewan ko nga kung bakit gusto niya na agad kaming magpakasal.




"Nakakalungkot nga lang po at wala kayo sa pangalawang kasal ko... *heavy sigh* Ma, Pa, Maraming-maraming salamat po sa lahat. Hindi man po kayo ang nag-luwal sa akin dito sa mundo, kayo pa din po ang magulang ko na pinakamamahal. Kahit po wala na kayo sa tabi ko, alam ko naman po na lagi niyo pa din akong ginagabayan. I love you nanay Sally and tatay Gary." Biglang humangin ng malakas at napangiti nalang ako ng mararamdaman ko'ng may malamig na hangin ang yumakap sa akin. Hindi ako natatakot dahil alam ko'ng si Mama Sally at Papa Gary iyon.




Matapos ko'ng kausapin sila Mama Sally at Papa Gary ay bumalik na ako kay Brayden. Napangiti nalang ako ng makita ko siya. Hindi pa din mag-sink in sa utak ko na bukas na nga, bukas na nga ako ikakasal sa lalaking mahal na mahal ko.




"What's with the smile?"




"Nothing, I'm just happy. I'm happy because you're the man I love." Sino nga ba naman ang hihindi sasaya kung kasama mo ang taong mahal mo.




"I am happy too, because you are the woman that God made for me... for me only." Ipinalibot niya ang mga kamay niya sa bewang ko at unti-unti niyang inilalapit ang kanyan mukha kaya naman umiwas ako. Hindi naman sa ayaw ko siyang halikan ako. Baka kasi masyado kaming madala at saan pa mapunta.




"Tara na nga. Baka mauna pa honeymoon kesa sa kasal eh."




"So? Pwede naman dalawang honeymoon." 




"Manahimik ka nga." Papasok na sana ako sa kotse ng may maalala ako. Kinuha ko ang isang envelope sa bag ko at iniabot kay Brayden "Oh."




Takang kinuha naman ni Brayden iyon "What's this?"




"Open it." Kahit nagtataka pa din siya ay binuksan niya yung envelope.




Pero ako itong nagtaka at nagulat ng bigla niya iyon punitin at pagpira-pirasuhin.




"Why did you do that?" I asked.




"It's because we don't need it. I don't care if you didn't sign it or you did. Dahil papakasalan pa din kita, kahit na maraming sumagabal at kahit na si kamatayan pa 'yan. I will surely find a way to marry you." There is surely a reason why I still ended up to him. Maybe beacause of his side that no one knows except me. A man that gives me a lot of pain but always make a way to be with me.




"Pero bakit nga ba hindi mo pinirmahan yung divorce paper natin? Because all this time I thought we are already divorce. And why you didn't tell me?" Psh. Kanina sabi niya wala siyang pake tapos ngayon magtatanong.




"Dahil..." I came closer to him "Dahil itong puso at utak ko ay nagka-sundo ng pipirmahan ko na 'yung divorce paper natin. Sabi ng utak at puso ko, mahal na mahal kita at kahit anong sakit pa ang ibinibigay mo sa akin mamahalin pa din kita, dahil ikaw lang ang lalaking gusto ko'ng makasama."




The day when I am going to sign our divorce paper, that is the day that I am sure I want to be with Brayden forever. Siya lang at wala ng iba.

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
10.3M 221K 64
(#1) "YOU BITCH! HOW DARE YOU! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?! ARE YOU HAPPY THAT YOU RUINED MY LIFE?! gigil na sigaw niya sa akin at sinampal ako. "D...
14.5M 776K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...