I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 87

12.7K 291 116
By realQUEENaccount




Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng laking gulat ko ay wala na si Ysa sa kinatatayuan niya kanina.




Nagpunta ako sa banyo at inisip na baka bigla lang siyang napa-cr, pero pagtingin ko, wala siya. Sa veranda naman ng kwarto ko ako tumingin, ngunit wala din siya doon.




"Mom, nakita niyo po ba kung saan nagpunta si Ysa? Nandito lang po siya eh. Dito ko lang po siya iniwan." Tinuturo ko pa 'yung kinatatayuan ni Ysa kanina.




Lumabas ako ng kwarto ko at hinanap siya sa buong bahay.




"Ysa! Nasaan ka ba?!" Sigaw ko sa buong bahay.




Sigaw lang ako ng sigaw sa pangalan ni Ysa. At patuloy siyang hinahanap dito sa bahay. Bawat sulok ng bahay pinuntahan ko. Kahit nga sa maids room pumunta ako para tignan kung nandoon siya, pero nabigo lang ako. Kahit akyat-baba na ang ginagawa ko at hingal na hingal na ako, ay hindi pa din ako tumitigil sa paghahanap kay Ysa.




"This is not funny anymore! Lumabas ka na please! Ysa!!"




"Anak, ano bang pinagsasabi mo? Isabelle is not here, nasa hospital siya, at hindi pa din nagigising." Napatingin ako kay mom sa sinabi niya.




Paano nangyari 'yon. She's with me awhile ago. Ang saya-saya pa namin. Impossible naman na panaginip lang ang lahat ng 'yon. Ramdam ko ang masakit niyang kurot. Nayakap ko siya, nahalikan, naka kwentuhan at kasabay kumain. Lahat 'yon alam ko totoo, kaya impossible ang sinasabi ni mom.




"Is this some kind of prank, mom? If yes, sige po suko na ako." Ngumiti nalang ako, dahil baka nga prank lang ang lahat ng ito. At lahat ng mga kilala ko ay nandito lang sa loob ng bahay at nagtatago, o kaya naman may mga hidden camera "Guys! Please come out! At kayo Caleb and Matthew, nakisali pa talaga kayong mga ugok kayo!" Sabi ko at tumawa pa ng malakas.




Tawang lang ako ng tawa kahit na parang ewan ng nakatingin sa akin 'yung mga maid.




"Ma'am, nababaliw na ho ba si Sir? Kasi po kanina ng mapadaan ako sa kwarto niya naririnig ko siyang tumatawa, rinig ko ho dahil medyo nakabukas ang pinto. Akala ko nga po nanonood lang siya ng comedy, pero pagsilip ko po sa kwarto niya, nakapatay ang TV tapos po wala naman siyang hawak na gadgets. Para po bang may kausap, eh ang kaso siya lang po mag-isa sa kwarto niya. Ang mas weird pa po, nung kumakain siya, may sinusubuan ho siya. Hindi ko po alam kung nababaliw na si sir o may kaibigan lang po siyang multo." Natigil ako sa pag-tawa ng marinig ko yung sinabi nung isang maid kay mom.




Nababaliw?! Multo?! Hindi ako nababaliw at mas lalong wala akong kaibigan na multo, dahil hindi naman multo si Ysa. Totoo siya at buhay na buhay. Kaya impossible rin itong sinasabi ng maid namin.




Natigil 'yung maid sa pagsasalita ng lumapit ako sa kanila ni mom "Hindi mo ba nakita?! Ysa was with me that time! Siya ang kasama ko, at hindi multo! Siya ang katawanan ko at sinusubuan ko ng pagkain. Hindi multo!"




"S-sir, wa-wala naman po kayong kasama, ba-baka kaluluwa na po ni Ma'am Ysa 'yon. Sabi po kasi noon ng lola ko, nagpapakita ang kaluluwa ng isang tao sa kanyang pamilya o mahal kapag ito'y mamamaalam na."




Gulat ang bumakas sa akin. Ramdam ko na nanginig ang buong katawan ko at nanghina ang aking tuhod. Naluha na ako ng tuluyan dahil sa aking mga narinig.




"Anak, there is no time. Kailangan na natin pumunta ng hospital."




-




Mabilis kaming nagpunta ni mom sa hospital. Sinabi niya sa akin na tumawag sa kanya si Tita Laila, at sinabi nitong may nangyaring hindi maganda kay Ysa.




Ayaw ko'ng tanggapin na lahat ng mga ginawa ko kanina, kasama si Ysa ay naglaho ng parang isang bula dahil hindi naman pala ito totoo. Mga akala na naging isang maling akala. Kasiyahan na napalitan rin agad ng lungkot. Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung paano ko pa pipilitin labanan at tiisin ang sakit na nararamdaman ko.




"Time of death, June -- 11:45pm." Ang mga salitang ito ang bumungad sa akin ng makapasok kami ni mom sa hospital room ni Ysa. Nakita ko ang mga babaeng kaibigan namin ni Ysa na humagulgol na ng iyak. Pati ang mga lalaki ay naiyak din. Si Tito Yves ay kino-comfort ang humahagulgol na si Tita Laila at Rhaine. Narinig ko naman si mom sa likuran ko na umiiyak na din.




"No!!!! Ysa!!!!" Sigaw ko. Lumapit ako sa walang buhay na si Ysa at niyakap siya ng mahigpit "Please, Ysa! Huwag mo naman gawin sa akin 'to! Gumising ka naman! Hindi mo ako pwedeng iwan! Ysa please wake up!"




Lalo akong naluluha, dahil kahit anong pakiusap ko ay hindi siya nagigising.




"Are you really that tired, Ysa? Ganyan ka na ba kapagod kaya iiwan mo na ako? Paano na ako? Paano na ang kambal natin? Paano na kaming mga mahal mo sa buhay?"




Parang lahat na ng masasakit na feelings ay dinadanas ko na ngayon. Habang yakap-yakap ko ang walang buhay na si Ysa, ay mas lalo ko'ng nararamdaman na unti-unting sinasaksak ang puso ko. Hindi ko na alam kung ano na ang dapat kong gawin, parang gusto ko nalang sumunod kay Ysa. Parang gusto ko nalang din mawala sa mundong ito. Ano pa ang saysay ng buhay ko, kung 'yung babaeng sobrang mahal ko ay sumuko na... iniwan na ako. Pero kahit gustuhin ko man ang mamatay na, ay hindi pwede. Lalo na't nangako ako kay Ysa na magpapakatatag ako at aalagaan ko ng mabuti ang kambal namin.




Bakit ba ganito. Pinasaya nga ako ni Ysa ng sobra kanina, pero binawi niya din lahat agad ang kasiyahan ko, at pinalitan ito ng sakit at lungkot.




"Ysa! Please gumising ka na!! Ang sakit na eh. Sobrang sakit na!! Sige na Ysa, gumising ka na!" Patuloy pa din sa pag-agos ang mga luha ko.




"Anak, tanggapin na natin. Tanggapin na nating iniwan na tayo ni Isabelle." Si mom iyon.




"No mom! Hindi tayo iiwan ni Ysa!! Hindi pa siya patay!!! Ysa 'di ba matapang ka?! Hindi mo kami iiwan 'di ba?! Patuyan mo naman sa kanila na tama ako oh. Please gumising ka na!" Niyakap ko ulit ng mahigpit ang katawan ni Ysa. Ayoko kong tanggapin na wala na si Ysa... Ang babaeng minahal ko ng higit pa sa sarili ko. Kanina lang sobrang saya pa naming dalawa. Kanina lang, ramdam ko pa ang mainit niyang katawan. Pero ngayon, wala na. Nawala na ang mga alaala na nangyari kanina.




"Doc, parang awa niyo na. Buhayin niyo si Ysa... Kahit magkano babayaran ko, basta buhay niyo lang siya... Pakiusap..." Pagmamakaawa ko sa doctor.




"I'm sorry, hijo. Pero wala na kaming magagawa dahil kusa ng sumuko ang pasyente." 




"Nagpakita ka lang ba sa akin kanina dahil mamamaalam ka na ha?! Pinasaya mo lang ba ako dahil ito na ang huling sandali mo? Ysa naman, huwag ka naman ganyan. Alam mo'ng hindi ko matatanggap na mawala ka. Hindi ko kakayanin! Kaya please Ysa, please gumising ka na!!"




Kahit anong gawin ko ay hindi na siya magigising. Hindi ko na ulit makikita ang mga maganda at matamis niyang ngiti. Ang pagsusungit niya sa akin sa tuwing meron siya. Mga kalokohan na ginagawa niya para lang inisin ako. Ang mga luto niya, hinding-hindi ko na matitikman pa. Ang mga yakap niya, hinding-hindi ko na mararamdaman pa. Hinding-hindi ko na din makikita ang mala kamatis niyang mukha dahil sa kilig, kapag napapakilig ko siya. Ang makatabi siya sa pagtulog, sa pagkain, sa panonood ng movies at ang mga bonding namin. Lahat 'yon ay maglalaho na. At lalong hindi ko narin maririnig ang mga I love you's niya sa akin. At higit sa lahat hinding-hindi ko na mapapakasalan at makakasama pa ang babaeng mahal ko, at ina ng kambal ko.




Wala na. Wala na ang babaeng kumukumpleto at nagbibigay kulay sa buhay ko. Iniwan na ako ni Ysa.




*****

A/N;

Pasensya na po sa mga mali na nababasa niyo dito sa story ko. Hindi ko pa kasi nae-edit. Typos, wrong grammars, and mga kulang na words. Sorry for that.  At kung pansin niyong pumangit na ang daloy nitong story, pasensya na po. Huwag niyo akong awayin ah. Hehe  peace tayo ✌✌✌✌

  


For the next update, sa friday na po. ^^

Continue Reading

You'll Also Like

48.4K 1.1K 40
Desperation lead him to create a nasty thing. Angelo Pimenova who was deeply madly in love to Shieneva Monasterio. Mahal niya ito at hindi niya hahay...
576K 18.2K 63
Paano kung nalaman mo ang totoong pagkatao ng mahal mo? Magagawa mo pa ba syang tanggapin? A lot of revelations will be revealed. This is the book 2...
83.8K 2.1K 43
Sabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya...
2.1K 127 16
"I knew you were trouble when you walked in, but I still loved you more than you ever will" Normal na araw lang dapat ang lahat but then I encountere...