The Lost Prodigy

Door jaydefied

637K 31K 4.7K

Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the... Meer

The Lost Prodigy
Maps
Prologue
I. A Flicker Amidst Darkness
1. Captured
2. Selected
3. Threshold
5. Danger
6. Flair
7. Mysterious
8. Savior
9. Pain
10. Raiden
11. Encounter
12. Gemstone
13. Tragic
14. Fallen
15. Anew
16. Rite
17. Wit
18. Choice
19. Purity
20. Beginning
21. Nightmare
22. Training
23. Gemini
24. Burden
25. Motivated
26. Unfinished
27. Caught
28. Punishment
29. Discovery
30. Past
31. Enigma
32. Threat
33. Flight
34. Ill
35. Ordeal
II. A Walk Amongst Thorns
36. Bound
37. Devil
38. Suspect
39. Assault
40. Fight
41. Jealous
42. Gone
43. Reborn
44. Ascension
45. Doom
46. Revelation
47. Cooldown
48. Favored
49. Freed
50. Revenge
51. Parted
52. Enlighten
53. Breathe
54. Escape
55. Reason
56. Betrayal
57. Pit
58. Flashback
59. Glimpse
60. Hidden
61. Awakening
62. Dawn
63. Chains
64. War
65. Mid
66. Reinforcements
67. Omen
68. Crimson
69. Sacrifice
70. Nox
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

4. Ally

13K 789 157
Door jaydefied

Tahimik akong naglalakad habang nagtatago sa likuran ng mga punong aking nadaraanan. Ilang kilometro na ang aking nalakbay gamit ang aking mga paa at heto ako ngayon, patuloy pa ring naghahanap ng isang diyamante.

Dalawang araw na ang nakalipas nang makarating kami dito sa Forestia. In those two days, I was lucky because I haven't crossed paths with possible enemies. I'm safe, for now.

But of course, my luck will surely run out soon.

I stopped when I felt a sudden movement of the ground. Napakapit ako sa puno na pinakamalapit sa akin habang patuloy ang pagyanig. Naramdaman ko ang mahinang paggalaw ng mga puno na dulot ng nagaganap na lindol. Natigil ito pagkaraan ng ilang minuto at kasabay nito ay ang pagkalma ng kapaligiran.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago bumitaw sa aking kinapitan. Earthquakes do happen everyday here in Forestia. Bago ako magpatuloy ay nakarinig ako ng tunog. My tummy is rumbling and indeed, I am starving.

Marami na akong nakaing ubas na napipitas ko sa daan. But those fruits weren't enough to fill my stomach.

From a distance, I saw some white mushrooms growing on a tree stump. It was really tempting but I've known better. These mushrooms are not the same with the ones back in my town. I don't have enough knowledge if those are edible and safe. Ang alam ko lang ay kailangang lutuin ang mga kabute bago kainin dahil minsan may lason pala ito na mawawala lang kapag niluto.

And starting a fire to cook those mushrooms might attract unknown dangers. 

Hindi ko na lang iisipin na nagugutom ako para kahit papaano ay maibsan ang kumakalam kong sikmura. Because the more I think of it, the hungrier I become.

Laking pasasalamat ko na lang dahil umulan kani-kanina lang. I was able to quench my thirst.

Napagpasyahan kong ipagpatuloy na lang ang paglalakad. Kailangan kong makahanap na ng blood ruby dahil iilan na lang ang natitira ngayon. At hindi ko hahayaang maging sagabal ang pagkagutom sa aking misyon.

Sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayang nakarating ako sa isang malawak na berdeng espasyo. Nagsasayawan ang mga matataas na damo sa malakas na ihip ng hangin. Nang makarating ako sa gitna ay napag-alaman kong napapaligiran ako ng mga matatayog na puno.

Napakapayapa ng lugar na ito.  Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking mukha habang nililipad nito ang mga hibla ng aking buhok. Pero nagulat ako nang biglang nagkaroon ng maliit na buhawi sa aking harapan at agad itong lumipad papunta sa akin.

Imbes na matakot ay napanatag ang aking loob sa hindi malamang dahilan. Hindi ako tumakbo paalis bagkus, hinayaan ko itong lumapit. Namangha ako nang bigla itong kumintab. Suddenly, a red gem appeared inside the tornado.

"A blood ruby," namamangha kong saad. It was tear-shaped and about the size of my palm. Nang masikatan ito ng araw ay kuminang pa ito nang husto. Its luster was enthralling.

Ilang metro na lang ang layo nito sa akin kaya agad kong inilahad ang aking kamay upang kunin ito.

Pero bago ko pa ito mahawakan ay napaatras ako dahil sa lumalakas na puwersa mula sa tornado. Mahirap maglakad papunta roon dahil sa hanging sumasagabal sa akin. Paikot ang galaw nito at tinutulak ako nito paatras, palayo sa diyamante.

Instead of being discouraged, I fought and persevered to walk towards the tornado. Hindi ko alintana ang puwersang tumutulak sa akin paatras at ipinagpatuloy ko lang ang paglapit doon. Ilang beses din akong tinangay ng malakas na hangin pero patuloy pa rin akong bumabangon.

Nang makalapit na ako ay bigla akong kinilabutan sa laki ng buhawi. Natakot akong baka liparin ako nito pero napagpasyahan ko ring gawin ang dapat. At iyon ay ang sumubok.

I gathered all my courage before reaching out to the gemstone. Surprisingly, I wasn't hurt when my hands touched the swirling wind. I felt a chilling sensation instead of pain when I came in contact with it. And as I pulled my hand out, I was surprised to see that I am already holding a blood ruby.

"Finally," bulong ko habang patuloy na namamangha sa ganda ng pulang diyamante. Sa wakas, makakaligtas na ako. Pagkaraan ng ilang minuto ay naglaho na ng tuluyan ang tornado at naging maaliwalas na ulit ang kapaligiran.

A loud explosion interrupted and eradicated the peacefulness. Nakita kong nagsiliparan ang mga ibon paalis sa hilagang bahagi ng kagubatan na malapit sa akin. Bumilis ang tibok ng aking puso kaya agad kong tinago ang diyamante sa hidden pocket ng aking combat suit. Mabilis akong naghanap ng matataguan dahil nararamdaman kong may paparating na panganib.

Dahan-dahan akong tumakbo patungo sa pinakamalapit na puno. Natakot ako nang makarinig ako ng malalakas na yabag ng mga paa na paparating sa aking direksyon. Maingat akong umakyat habang nagmamasid sa kung ano man ang paparating. Iningatan ko ang aking galaw dahil hindi masyadong matibay ang sanga na aking kinakapitan.

Tatlong lalaki ang lumabas mula sa madilim na kakahuyan. I have a feeling that they're not ordinary.

May dala silang maraming armas at masasabi kong delikado ang mga iyon. Tahimik na naglalakad ang isa na may hawak na baril habang ang dalawa niyang kasamahan ay maingay na nag-uusap.

"Sigurado ka bang may mahahanap tayong blood ruby dito?" tanong ng lalaking pula ang buhok sa kanyang katabi. May hawak itong isang matalas na espadang may bakas pa ng natuyong dugo. Nakakakilabot ang mukha nito na para bang isang mamamatay-tao.

Ngumisi sa kanya ang kanyang katabi bago sumagot. "Oo naman, pare. Gusto kong tayo ang maunang makatapos para makuha natin ang premyo. Papatayin ko ang sino mang hahadlang sa atin," sagot nito at naghagis ng isang dagger sa malapit na puno. Napalunok ako nang makitang bumaon ito sa isang sanga.

Kinabahan ako sa tatlong lalaki. Tiyak na wala akong laban sa kanila kapag nagkataon. Napakapit ako ng mahigpit sa malaking sanga kung saan ako naroroon habang minamasdan sila mula sa itaas.

I need to be extra careful. Ngayong may hawak na akong diyamante, magiging mainit na ako sa mga mata ng aking mga katunggali. Hindi ko alam ang makakaya nilang gawin para lang makapasa kaya susubukan kong umiwas sa panganib. At all costs.

Nakita kong yumuko ang ikatlong lalaki at parang may inaamoy sa kalupaan. Mayroon itong malaking pangangatawan at nakakapanindig balahibo ang presensya nito.

"May naaamoy akong isang babae. Malaki ang hinala kong nasa kanya ang isa sa mga pulang diyamante. At hindi pa siya nakakalayo," seryosong wika ng ikatlong lalaki sa kanyang kasamahan kaya agad silang natahimik. Bigla akong pinagpawisan ng malamig dahil sa aking narinig.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang umihip ng napakalakas ang hangin. Bigla akong napabitaw sa sanga pero agad ding napakapit ulit doon. Pero sa kamalas-malasan ay nahulog ang aking pana. Gumawa iyon ng ingay na siyang kumuha ng atensyon ng tatlong lalaki.

"Nandito pa rin siya. Kung sinuswerte ka nga naman," sarkastikong wika ng lalaking may hawak na espada habang iniikot ang kanyang patingin at inihahanda ang kanyang gagawing pag-atake. Agad kong itinago ang aking sarili sa likuran ng mga mayayabong na dahon ng puno upang hindi nila ako makita.

"Sa tingin ko, nanggaling iyon sa tuktok ng puno," rinig kong saad ng lalaking may hawak na dagger. Agad na sumeryoso ang mukha ng lalaking may hawak na baril kaya bumilis ang kabog ng aking puso. Huwag naman sana.

"Kung sino ang unang makapatay sa babaeng iyon ay siyang makakakuha ng diyamante. Simulan na!" parang nababaliw na wika ng lalaking may hawak na dagger at nagsimula nang hanapin ang kinaroroonan ko.

Nakarinig ako ng nakakabinging putok ng baril kaya napapikit ako. Akala ko natamaan na ako pero sa kabilang puno pala siya nagpaputok. Nakarinig ako ng sunod sunod na pagpapaputok kaya nataranta ako. Nagulat ako nang biglang may lumagpas na bala malapit sa akin kaya nawalan ako ng balanse at nahulog.

Sobrang sakit ang idinulot ng aking pagkakahulog kahit sa damuhan ako bumagsak. Pinigilan kong sumigaw para hindi marinig ng mga kalaban. Mabuti nga at nagagalaw ko pa ang aking katawan at hindi ako nabalian.

Nang akmang tatayo na ako ay bigla akong natumba dahil may bumangga sa akin. Tuluyan na akong napasigaw sa sakit dahil sa malakas na pagkakabangga nito na dulot ng kanyang hindi pangkaraniwang bilis. Dahil sa ginawang pag-atake ng lalaking may dagger ay tumilapon ako paatras ng ilang metro.

"WTF? Ikaw lang pala yung nakakuha ng blood ruby? So weak!" rinig kong bulyaw nito sa akin habang mabilis na tumungo pabalik sa aking direksyon. Napakuyom ang aking kamao dahil sa sinabi ng lalaki. Hindi ko hahayaang may mang-aapi pa sa akin. Kahit puno na ako ng pasa at galos, lalaban ako.

Mabilis kong kinapa ang aking paligid upang maghanap ng pwedeng gamiting panlaban. Nakapa ko ang nahulog kong pana kaya agad akong nabuhayan ng loob. Inihanda ko na ang aking atake at mabilis na nagpakawala ng sunod sunod na palaso sa pasugod na lalaki.

Madali niyang naiwasan ang mga iyon habang tinatawanan pa ako. Para siyang agilang sobrang bilis na bumubulusok patungo sa kinaroroonan ko.

Kahit halata namang wala akong laban sa kanya, susubukan ko pa ring talunin siya. I won't let my life end without giving a fight.

I took a deep breath before aiming my attack on him. I focused my eyes at the target clearly as I tried my best to aim at his lower chest so that I can disable him for a while. Naging mahirap ang ginawa kong pagtutok sa kanya dahil hindi masundan ng mata ang kanyang bilis. Still, I'd managed to lock my attack on him.

I managed to fool him by acting that I had a hard time aiming at him. But when I got the right timing, I let my arrow fly at the direction he least expected me to do so.

"Bull's eye," wika ko habang pinapanood na matumba ang lalaki. The injury would incapacitate him for a while.

Bigla akong nakaramdam ng panibagong presensya at sa paglingon ko ay nakita kong itinaas ng lalaking may pulang buhok ang kanyang espada. Sinangga ko iyon gamit ang aking pana. Nahirapan akong pigilan ang atake niya dahil mas malakas siya kumpara sa akin.

"Give me the ruby and die," matalim nitong pahayag sa akin habang sinasangga ko pa rin ang armas niya. Inipon ko ang aking lakas at buong pwersa kong itinulak ang lalaki paatras.

"Never!" sigaw ko sa kanya at hindi ako nagdalawang-isip na sipain ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Napadaing siya ng malakas dahil sa sakit. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para hampasin siya gamit ang aking pana. Agad siyang natumba at tumama ang ulo niya sa isang malaking bato. I didn't have time to check if I killed him or just made him unconscious.

Kakatapos ko pa lang sa aking pangalawang kalaban ay sinalubong na agad ako ng sunod sunod na putok ng baril. As I looked back, I can see five bullets approaching me that's why I tried my best to dodge all of them.

Naiwasan ko ang naunang apat sa pamamagitan ng mabilis na paggalaw at pagsangga gamit ang aking punyal pero hindi ko inaasahang matatamaan ako sa kaliwang balikat ng panghuling bala. Unti unti akong natumba dulot ng sobrang hapdi at kirot. Tuluyang nalaglag ang aking mga luha. My hopes went down as I slowly fell on the ground.

ELLA

Natatakot. Nagugutom. Iyan lang ang ilan sa mga emosyong nararamdaman ko ngayon. Kalahating araw na rin akong paikot ikot sa parteng ito ng gubat kung saan maraming mga baging na kulang na lang ay maglambitin din ako para makaalis. It looks like I'm lost too.

Naalala ko na naman ang nangyari noong isang araw. Somebody just saved my life. Hindi ko akalaing may tutulong sa akin kung ang turingan ng bawat kalahok sa isa't isa ay magkalaban.

Laking pasasalamat ko na lang talaga sa taong iyon. And I hope to see that person again. Sana maging matalik ko siyang kaibigan. And hopefully, sabay kaming lalabas dito ng buhay.

Umilaw bigla ang wrist band ko kaya napatingin ako roon. Only thirty blood rubies left. May nakakuha na ng sampo. Kailangan ko nang gumalaw baka maubusan ako. But first, kailangan kong maghanap ng pagkain para bumalik ang aking lakas.

At mukhang nasagot ang aking dasal dahil may nakita akong halamang namumunga ng sari-saring prutas kaya agad akong pumunta doon. They come in a variety of bright colors that contrast the darkness of the forest where I am now.

Pumitas ako ng marami at sinimulang kumain para mabawasan ang aking gutom. Of course, I first used a spell to check if these fruits can be eaten.

"Sweet!" komento ko habang patuloy pa rin sa pagnguya. May rason naman pala kung bakit ako napunta sa bahaging ito.

Natigilan ako sa pagkain nang biglang humangin ng malakas. Nagsilipiran ang mga patay na dahon at nagsi-alisan ang mga ibon sa dakong silangan.

Something big is happening.

My instincts are telling me to go there. Inilabas ko ang aking wand at agad akong nagbigkas ng spell. "Hyper celeritate!" Bumilis ang aking pagtakbo dahil sa spell na iyon. Mabilis kong tinahak ang direksyong iyon.

Tumigil ako sa aking pagtakbo nang maaninag ko ang isang malawak na grassland. I held on to a tree before catching my breath.

Then something caught my eye. May isang babaeng sinasangga ang isang atake ng lalaking may hawak na malaking espada.

Akala ko na matatalo na siya ng lalaki pero that girl made an unexpected attack. "Go girl!" wika ko habang napalakpak sa aking pinagtataguan. Natatawa na lang ako sa lalaking namimilipit sa sakit dahil sinipa yung ano niya. Palaban yung girl, gusto ko siyang maging kaibigan!

Nagulat na lang ako bigla dahil sa sunod sunod na putok ng baril. I can't stop the motion of the bullets with a spell because I'm too far from them and I am still regaining my lost stamina.

Kinabahan at natakot ako para sa babae. Nakita ko kung paano niya sinubukang umiwas sa mga naunang bala pero natamaan na siya ng panglima. Napatakip ako sa aking bibig habang pinapanood siyang bumagsak.

Nakita kong humakbang papalapit ang taong may baril sa nakahandusay na babae. Itinutok nito ang baril sa ulo ng babae kaya nataranta ako.

What to do?

I was rummaging my mind for any spell that can save the girl but I was taken aback when a huge ball of flames appeared across the clearing. Bumulusok ito patungo sa kinaroroonan ng masamang lalaki.

Hindi inaasahan ng lalaking iyon ang atake kaya hindi siya nakaiwas at natamaan siya ng napakalakas na kapangyarihang iyon. Tanging abo na lang ang natira sa kanya pagkatapos siyang tustahin ng nagliliyab na apoy. Kinilabutan ako sa aking nakita at naalala ko naman ang sinapit ng lalaki sa arena.

I tried not to vomit as that scene began unfurling before my own eyes.

Sa direksyong pinanggalingan ng mahika ay may nakita akong naglalakad na lalaki. Dahil malayo ako ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha. The only characteristic I can see is his messy dark brown hair being ruffled by a passing gust.

Pinuntahan nito ang kinaroroonan ng babae at hindi ko inaasahang bubuhatin niya ito. Kinabahan ako dahil baka may masama siyang intensyon.

I followed him as he entered the woody part of the forest once again while maintaining a safe distance. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong isinandal niya ang babae sa isang puno. May ipainom siyang kulay berdeng tubig na sa tingin ko ay healing potion.

Itinutok din niya ang kanyang kanang palad sa balikat ng babae at nakita kong umilaw ito ng dilaw na liwanag. Lumabas mula doon ang bala ng baril at nakita kong tuluyan nang naghilom ang malalim na sugat ng babae.

Is he an alchemist or a healer? But he can also control fire.

Bigla akong nakarinig ng ingay sa aking likuran kaya agad akong lumingon para alamin kung ano iyon. But I saw nothing, not a squirrel or any animal.

Nang ibalik ko ang aking tingin doon ay hindi ko na nakita ang lalaki. Naiwang mag-isa ang babae kaya agad ko siyang pinuntahan. Nang makarating ako roon ay agad akong naawa sa kanyang kondisyon. But still, she looks like an angel, so innocent and beautiful.

As I looked closely, I can feel that this girl is special. And I can feel that we are connected in some point.

Kahit hindi ko kilala ang babaeng ito, I won't leave her alone.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

28K 1.3K 38
Nascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits t...
47.7K 4.6K 40
Soulstone Academy is a place for soulbearers to nurture and train their abilities, but for the rebellious Raven Tempest, it is nothing more than a sc...
11.2M 503K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
338K 19K 56
COMPLETED | TAGLISH | PRS BOOK #1 A Fantasy/Adventure Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Xechateus, a world where Midnight Children reside, exi...