A/N;
Ang daming reason kung bakit ilang linggo din ako hindi naging active sa wattpad at hindi ako nakapag-update. Pero hindi ko na iisa-isahin pa 'yon. Unawain niyo nalang sana ako. At habaan niyo nalang din pasensya niyo readers. Thank you.
#SorryyyyyyyyyyyyyyReadersT.T
~❤~❤~❤~❤
Isabelle's POV
"Yes it's me. It's nice to see you again, Isabelle."
Si Shania?! Pero bakit? Siya din kaya ang nagpapadala ng mga death threats sa akin? Sh*t hindi ko maintindihan kung siya nga ba talaga. Ang tagal nawala ni Shania. And all this time akala ko tinigilan niya na ako, pero mukhang hindi pa pala.
"Kung ano man ang iniisip mo. Oo ako nga... Ako nga taong gustong patayin ka. At lahat ng mga death threat na natatanggap mo, lahat 'yon ay galing sa akin. And I came back to kill you, with your babies. Dahil hinding-hindi ako papayag na maging masaya." Masama lang ang tingin ko kay Shania. Tumatawa lang siya ng malakas, para na siyang nababaliw. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin "Oh, sorry for doing that. Kating-kati na kasi itong palad ko na sampalin ka eh." And again she laugh like an evil.
"Gosh! Ang ingay naman! Can't you see I'm sleeping!" Napatingin lang ako kay Seraphina na nagbubusit. Pero pagmulat niya, ay nagulat siya ng biglang itutok ni Shania ang hawak niyang baril sa mukha niya.
"How are you, Seraphina? Miss me?" Takang nakatingin lang sa kanya si Seraphina. Marahil hindi niya din nakikilala agad si Shania. Dahil sa red hair ni Shania kaya hindi mo siya agad makikilala. At medyo pumuti din kasi siya. Parang lumamon ng ilang galon ng gluta "It's me my friend."
"Sha-Shania?!" Utal na sambit ni Seraphina. I can see her fearness because her body is shaking. Kunsabagay sino ba ang hindi matatakot kung tututukan ka ng baril sa mukha.
"Why are you stuttering? Are you scared? Bakit ka naman natatakot, para namang hindi tayo naging mag-kaibigan." Iiling-iling pang sabi ni Shania. Ibinaba na ni Shania ang baril niya pero sinampal niya naman si Seraphina "Good thing you are also here. Atleast hindi na ako mahihirapan pang patayin kayong dalawa." Umalis na ng kwarto si Shania. Naiwan namang nakatulala si Seraphina.
Panigurado niyan at nag-aalala na si Mama Laila lalo na si Brayden. Nag-iisip lang ako ng kung ano-ano ng biglang magsisisigaw si Seraphina. Useless naman ang paghingi niya ng tulong dahil wala naman nakakarinig sa kanya.
"This is all your fault! Sinabi ko na kasing huwag na tayong pumunta sa lugar na ito pero nagpupumilit ka pa din! So ngayon paano tayo tatakas dito ha?!" Damn! Ako pa talaga ang sinisi ng babaeng ito.
"Hindi kita pinilit na sumama sa akin. Kaya huwag kang magreklamo diyan. Baka gusto mo'ng kausapin ko si Shania at paki-usapan ko'ng patayin ka na niya!" Kainis. Ganito na nga sitwasyon namin maninisi pa siya. Eh sumama-sama lang naman siya ng malaman niyang nasa kapahamakan si Brayden.
Hanggang ngayon nakatali pa din kami ni Seraphina. Wala kaming magawa para makatakas kami. Si Seraphina mukhang malapit ng mapaos dahil sa walang sawa niyang kakasigaw. Ayoko naman umiyak dahil kung iiyak ako hindi naman kami makakatakas. At ramdam na ramdam ko na din kasi ang panghihina dahil simula kanina ay hindi pa kami kumakain. Ewan ko nga dito kay Seraphina at hindi pa nauubusan ng lakas.
"Give us some foods! I'm hungry!!!!!!!" Sigaw ni Seraphina. Pero nung walang pumansin sa kanya ay nanahimik siya. Buti naman. Dahil rinding-rindi na ako sa kakasigaw niya "Wala ba talaga silang balak na pakainin tayo? Breakfast. Lunch. And now dinner. Balak ba tayong patayin ni Shania sa gutom ha? Well it's working. I'm dying now!" Mamamatay na nga lang ang babaeng ito hindi pa din naaalis ang kaartehan niya. Yung iba nga diyan ilang araw hindi kumakain pero siya isang araw lang naman, pero nagrereklamo na nga. Kunsabagay anak mayaman eh.
Parehas kaming napatingin ni Seraphina ng bumukas ang pinto "Pwede ba Seraphina tumigil ka! Kanina pa ako naririndi sa'yo!" Sinamaan pa ng tingin ni Shania si Seraphina.
"Then give us some foods. At pakawalan mo kami ditong bruha ka!" Parehas lang naman silang bruha. Tsk.
"Hoy! dalhan niyo nga ng pagkain ang dalawang ito!" Utos ni Shania sa tauhan niya. May pumasok na isang lalaki at inilapag sa sahig ang pagkain na dala niya. Inismiran lang kami ni Shania at naglakad na ito palabas.
"Hoy bruhang babae! paano kami kakain kung hindi mo kami kakalagan ha?! Pag ako talagang nakatakas dito, kakalbuhin kita!" Halata na ngang walang balak si Shania na kalagan kami pero itong si Seraphina lalo pang pinalala. Talaga ngang hindi na kami makakakain nito.
Bumalik si Shania sa harap namin "Nang dahil sa sinabi mo lalong ko kayong gugutumin." See. Bwisit talaga! Tinawag ni Shania yung lalaking nagdala ng pagkain at inutusan niya itong kunin ang mga pagkain na nasa sahig.
Nakikipag sagutan lang si Seraphina kay Shania. Wala namang magawa si Seraphina dahil nakatali siya, at kahit maalis niya ang pagkakatali sa kanya ay hindi niya pa din naman magagantihan si Shania, dahil bago niya pa siguro magawa 'yon ay nabaril na siya. Lagi pa namang may dalang baril si Shania.
Hindi na nga ako nakikisabay kay Seraphina dahil nanghihina na ako. Wala na akong maraming lakas na natitira pa.
"Nasaan si Brayden? Ano'ng ginawa mo sa kanya." Out of the blue ko'ng tanong.
Natigil sa pagsasagutan si Seraphina at Shania, at parehas na napatingin sa akin.
"Pinahihirapan ko pa siya eh. But don't you worry, because before I'll kill you, I will let you to see him." Nagsmirked pa sa akin si Shania. At naglakad na siya palabas.
"Hoy! Bruha ka talagang Shania ka!!! Lagot ka talaga sa akin kapag may nangyaring masama kay Brayden!!!" Kung maka react naman ang Seraphina na ito parang siya ang asawa ah.
But I'll swear, sa oras na may mangyari kay Brayden. Talagang gagawin ko ang lahat para gantihan si Shania.
-
Tatlong araw na ang nakakalipas. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay patuloy pa din ang pagpapahirap ni Shania sa amin. Pinapahirapan, sinasaktan at ginugutom ang ginagawa niya sa amin. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay isang beses palang kami kumakain ni Seraphina. Puno na nga din kami ng pasa at sugat sa buong katawan dahil sa pagpapahirap ni Shania sa amin.
Napabalikwas ako sa pagkaka-upo ko sa sahig ng bumukas ang pinto at ibinalibag ng isang lalaki si Seraphina papasok.
"Seraphina." Alalang sambit ko.
Tumingin si Seraphina sa akin na luhaan. Napansin ko na may panibago na naman siyang sugat sa mukha at meron din maliit na hiwa sa leeg niya. 'Yang mga sugat na iyan ay bakas na kakatapos lang siyang pahirapan ni Shania.
Sa buong araw, hindi pwedeng wala kaming panibagong sugat ni Seraphina. Wala kasing lumipas na araw na hindi kami sinasaktan ni Shania. Sa isang araw, apat o limang beses kaming pinahihirapan. Lahat ng ginagawa sa amin tinitiis ko nalang. Nilalakasan ko ang loob ko, dahil nagbabakasali pa din akong makakaligtas kami ni Seraphina. At matatakasan na namin ang pagpapahirap sa amin.
"Isabelle, ayoko na... Hirap na hirap na ako." Iyak lang ng iyak si Seraphina kaya naman niyakap ko siya.
"Please, lakasan mo lang ang loob mo. Kakayanin natin no." Tanging pagpapalakas lang ng loob ni Seraphina ang naitutulong ko sa kanya. Naiisip niya na ngang kitilin na ang buhay niya, pero sinasabi ko nalang na parehas kaming makakatakas. Parehas kaming mabubuhay basta tatagan lang namin ang loob naming dalawa.
Bumukas ulit ang pinto, at may pumasok na dalawang lalaki. At alam ko na kung anong susunod na mangyayari.
"Please tama na. Maawa kayo!" Hinawakan ni Seraphina ng mahigpit ang kamay ko ng hilain ako ng dalawang lalaki "Wala ba kayong mga puso ha?! Ganyan din ba ang ginagawa niyo sa nanay o mga kapatid niyong babae ha?! Sinasaktan sila!"
"Tumigil ka!" Sigaw ng isa at sinampal ng malakas si Seraphina. Nang mabitawan ako ni Seraphina ay doon na ako hinila ng tuluyan ng dalawang lalaki.