Isabelle's POV
You took everything to me! Now you're going to pay. Your life and your babies' life. Kung hindi naman siya mapapasaakin mabuti pa'ng dalhin ko na kayo ng mga anak mo sa impyerno!
*Bang*
"Huwag!... Panaginip lang pala." Feeling ko totoo ang napanaginipan ko. Parang totoo na nabaril nga ako at namatay.
Para akong tumakbo ng ilang kilometro dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sa sobrang pawis ng buong mukha ko.
Totoo nga yung sinasabi ng iba na huwag matutulog ng pagod dahil pwedeng bangungutin nun. Half day lang kasi kami ngayong araw. At pagka-uwi ko pa ay inayos ko itong kwarto ko at sa sobrang pagod ko ay nakatulog na ako, ni hindi na nga ako nakapag palit ng damit.
'Sana naman hindi magkatotoo ang napaniginipan ko' Bulong ko sa akin sarili. Huminga ako ng malalim tsaka na tumayo at nagtungo sa banyo para maligo.
Matapos ko'ng maligo ay naisipan ko na pumunta kila Q, hanggang ngayon kasi ay tinuturuan ko pa din ng journalism ang pinsan niyang si Venus kapag may free time ako. Nakaka proud nga dahil hindi nasayang ang pagtuturo ko kay Venus dahil nag champion siya sa nilabanan niyang News writing last january. And sa katapusan nitong march ay may laban na naman siya. Kaya naman hindi ko pa din ini-stop ang pagtu-tutor kay Venus.
Pagbukas ko ng gate ay may huminto na lalaking naka motor. Bumababa ito sa motor at lumapit sa akin.
"Kayo po ba si Ms. Isabelle Villanueva?" Tumango naman ako sa lalaki. May iniabot siyang sobre sa akin. Kinuha ko ito at umalis na yung lalaki.
Inilagay ko na muna sa bag ko ang sobre at nagtungo na kila Q. Pagkadating ko sa bahay nila ay nag doorbell na ako. Agad din naman akong pinagbuksan ng gate ni Q.
"Tsk. Nandito ka na naman." Masungit na bungad sa akin ni Kara. Naka upo siya sa mahabang sofa habang naka cross arms at nakataas ang isang kilay.
Remember her? Siya yung babae na unang kita palang sa akin ay sinungitan na nga ako. At siya din yung may gusto kay Q, one sided love nga lang eh. Kasi wala naman gusto sa kanya si Q. Mabuti na nga lang at twice or thrice a week ko lang tinututor si Venus. Napag-alaman ko kasi kay Venus na laging nandito sa bahay nila si Kara. Eh sa tuwing nakikita pa naman ako ni Kara lagi niya akong sinusungitan. And obviously she doen't like me.
"Si Venus nandoon ba sa kwarto niya?" Tanong ko. Tumango naman si Q. Nginitian ko siya bilang pasasalamat. Bago ako pumunta sa kwarto ni Venus ay nginitian ko din si Kara pero inirapan niya lang ako. Hinayaan ko nalang siya dahil sanay na rin naman akong iniirapan niya ako sa tuwing ngingitian ko siya.
Pumunta na ako sa kwarto ni Venus at naabutan ko naman siyang busy na nakatutok sa laptop niya, pero ng makita niya ako ay iniwanan niya ang ginagawa niya sa laptop.
"Hi, Ate Isabelle."
"Hi, din sayo Venus na pasaway." Umupo ako para pantayan siya at pinisil ang kanyang pisngi. Nakakabilib dahil 8 years old palang itong si Venus ang talino na. Paano pa kaya psg tumanda na siya, baka tinalo na niya IQ ko.
"Seriously, Venus. Ako ang magiging soon to be asawa ng kuya Quinn mo, but you never called me ATE. You're so mean to me." Nakita ko nalang si Kara na nasa may likuran ko habang naka pout pa.
"Simply, because I don't like you. You're acting more child than me. And I like ate Isabelle for my Kuya Quinn, not you!" Ano ba namang bata 'to. Kung hindi lang mukhang bata itong si Venus iisipin ko ng matanda siya dahil sa pinagsasabi niya.
And Venus is right. Itong si Kara parang bata kung umakto para siyang inuluwal na agad na hindi pa kumpleto ang parte ng utak niya. Or parang natanggalan lang ng turnilyo sa utak. Everytime I'm here, they're always fighting. Dahil lang sa hindi pagtawag ni Venus ng 'Ate' kay Kara.
"Sa tingin mo ba papatulan pa siya ng kuya mo? Look she's already pregnant. And soon she will have her own family with her child and husband. And that husband is not your kuya Quinn! So weather you like it or not, ako ang magiging asawa ng kuya mo. Tapos!" Sabi ni Kara at tinalikuran na kami. See, tama bang pati bata ay patulan pa? Saang planeta ba galing ang kara na ito.
Bukod sa mga kaibigan ko at pamilya. Si Kara na yung pinakamasayang tao noong malaman niya na buntis ako. Sinabi niya pa noon na good thing that I'm already pregnant atleast malabo na ligawan pa daw ako ni Q.
"Eh kung tapusin ko kaya ang buhay mo." Nagulat ako sa sinabi ni Venus kaya naman tinakpan ko agad ang bibig niya. Eh itong bata kaya na ito, saang planeta galing. Ang tabas masyado ng dila.
Inalis ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig ni Venus at hinarap siya ulit "Venus, don't say that. Alam mong masama magsabi ng ganoong bagay. Buti nalang at hindi narinig ni ate Kara mo ang sinabi mo."
Mga bata nga naman oh. Kung ano-ano nalang natututunan na salita.
Matapos ko'ng pangaralan si Venus ay nag-umpisa na akong turuan siya. And as usual hindi naman ako nahirapan sa pagtuturo sa kanya dahil mabilis lang siyang matuto.
Isang oras ko lang tinuruan si Venus dahil may pupuntahan pa ako. Nag punta muna ako sa cr para tignan yung natanggap ko'ng sulat. Ramdam na ramdam ko'ng nanginginig ang buong katawan ko habang hawak hawak ko ang sulat na tanggap ko.
'Your time is coming.'
'Yan ang nakasulat sa papel. The truth is pang-apat na beses ko na itong may natanggap akong death threat. Yes death threat. Ewan ko ba kung sino ang nagtatangka sa buhay ko at sa buhay ng mga anak ko. Pero kahit na ilang beses na akong may natanggap na death threat ay wala pa din akong pinagsabihan, dahil once na may pagsabihan kasi ako ay madadamay sila. At ayoko namang may madamay pang ibang tao ng dahil sa akin.
Ibinalik ko sa bag ko ang papel at lumabas na ng cr "Isabelle, okay ka lang?" Nagulat ako kay Q na biglang sumulpot sa harap ko.
"Yes, I'm okay. Mauna na ako." Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.
"Are you sure? Inaalala mo ba yung tungkol sa tsismis sayo?"
Lintik na tsismis 'yan. At lintik din yung taong nagkakalat ng maling balita tungkol sa akin. Dati narinig ko na din yung tsismis tungkol sa akin na nagpabuntis daw ako sa ibang lalaki pero hindi ko pinansin yun kasi hindi ko naman alam na ako pala yun. Hindi nama kasi ako assuming na tao. At kahapon narinig ko pa yung dalawang babae sa cafeteria na pinag-uusapan ako. Malamang inisip ni Brayden na hindi ko naririnig yung dalawang babae kasi busy ako sa phone ko. Kahit busy ako ay narinig ko pa din ang dalawang babae na nag-uusap.
"Hindi. Hindi ko na pinoproblema 'yun. Dahil hindi naman totoo... Sige na mauna na ako ah. Thank you." Ngitian ko lang si Q at umalis na ng bahay nila.
Pagkadating ko sa cafè na pupuntahan ko ay nakita ko na ang kikitain ko. Naglakad ako papunta sa table kung nasaan siya at biglang inilapag ang sobre na natanggap ko kanina at ang cellphone ko.
"What's this?" Seraphina asked. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at ng makita ko si Seraphina kanina ay bigla nalang siya ang naisip ko na gustong magpapatay sa akin.
"A death threat note for me." Sabi ko. Pinindot ko yung play button sa phone ko para iparinig sa kanya ang unang death threat na natanggap ko noong nag-date kami ni Brayden. Unknown number kasi ang nagcall sa akin nun, at naka ugalian ko ng irecord ang mga taong tumatawag sa akin na hindi ko naman kilala.
I'm not yet done. Dapat noon pa nagpasagasa ka na. Pero hinayaan mo pa ang sarili mo na mabuhay! That's why this time I'm going to make sure that I'll bring you to hell... with your babies'
"Sorry to accuse you, pero ikaw lang 'tong tao na naiisip ko'ng gustong magpapatay sa akin at sa mga anak ko. Ganyan na ba talaga kasama ang budhi mo ha?!"
"Pinaki-usapan kitang makipag kita sa akin 'cause I want to apologize for all the bad things I did to you. Hindi para akusahan mo ako sa isang bagay na hinding-hindi ko magagawa!"
"Hindi magagawa? Eh ikaw lang naman 'tong nagiisang babae na gustong-gusto akong mawala sa buhay ni Brayden." I know I'm being judgmental. Pero ng dahil sa sobrang sama ni Seraphina, kaya siya itong naging suspect ko.
"Oo tama ang sinabi mo. But I never think to kill you. At mas lalong hindi ko kayang pumatay ng mga walang kamalay-malay na sanggol. Tanggap na tanggap ko kung sasabihan mo ako ng masasakit na bagay, 'cause I deserve it. Pero hindi ko lang matatanggap na akusahan mo sa isang bagay na hindi ko naman magagawa." I can see on Seraphina's eyes that she's trying not to cry. Ano ba ito acting lang o totoo talaga ang sinasabi niya? Aish! Hindi ko alam! Kung sakaling hindi nga siya, sino naman?
Sino ang taong gustong patayin ako at ang mga anak ko?
****
For typos and grammars. Sorry for that.