I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 76

10.5K 219 2
By realQUEENaccount




Brayden's POV




"Ysa, please stop stressing yourself. Alam mo naman na nakakasama sa'yo ang ma-stress. Lalo na sa kambal natin." Kahapon kasi ng matapos ang klase nila ay bigla na lang siya nag collapse. May klase pa ako nun at tinawag lang ako ni Flare at ibinalita sa akin ang nangyari kay Ysa.




Sinabi ng doctor na dala lang daw ng stress ang pagkakahimatay ni Ysa. At nang tanungin ko naman si Flare kung napano ba talaga si Ysa, ay wala siyang maisagot. Basta ang alam niya ay bigla nalang umakto ng kakaiba si Ysa.




Pansin ko naman na ang weird nga ni Ysa ng ihatid ko siya sa bahay nila. And everytime I'm asking her, she's just saying 'nothing'. Kaya naman ng tanungin ako ni Tita Laila ay wala akong maisagot.




"Stop worrying. Sa tingin ko ay sumama lang ang pakiramdam ko kahapon kaya ako nahimatay."




"See. You're not even sure what really happened to you yesterday. The doctor said, it's because of the stress kaya ka nahimatay. I almost died worrying to you and to our babies'. Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala, Ysa. Dahil alam mo'ng hindi ko kakayanin na mawala kayo ng mga anak natin." Huminto sa paglalakad si Ysa. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap.




"Sorry kung nag-pa stress na naman ako. Sorry kung pinag-alala kita. Sorry na. Promise hindi ko na hahayaang ma-stress pa ako." Mag-sorry man siya o hindi. Basta marinig ko lang ang boses niya ay biglang lumalambot ang puso ko. Yung galit na nararamdam ko sa kanya biglang nawawala, well hindi ko naman natitiis na magalit ng matagal sa kanya.




Kahit nga siguro gumawa pa siya ng paulit-ulit na pwede kong ikagalit ay never pa din ako magtatanim ng galit sa kanya.




"Apology accepted. Basta mangako ka na hindi ka na ulit babalik ng hospital, babalik ka lang doon kapag magpapa check-up ka at kapag manganganak ka na ha?" Parang bata na tumango-tango si Ysa habang nakangiti pa. Ngiti na hindi ko makakayanang hindi ko makita "Now tell me what really happened to you yesterday. Ano ang dahilan kung bakit ka na-stress?" Yung ngiti niya ay biglang nawala. Nakatingala lang siya sa akin at para bang nagmamakaawa na huwag ko ng alamin.




"Huwag ka ng makulit. Hindi naman ako magagalit eh."




Hindi niya pa din ako sinagot. Humiwalay lang siya sa pagkakayakap tsaka tumingin sa wrist watch niya.




"Ay nako. Oras na. Halika na baka malate na tayo." Nauna na siyang maglakad sa akin. Naiiling ay napangiti nalang ako sa asal niya. Mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin kung ano ba talaga ang dahilan ng nangyari sa kanya kahapon. 'Di bale na kukulitin ko na lang siya hanggang sabihin niya sa akin.




-




Nandito lang ako sa labas ng room nila Ysa. Hinihintay ko lang siya dahil lunch time na.




"Sabi ko naman kasi sayo mauna ka na sa cafeteria e." Umalis ako sa pagkakasandal ko sa pader at hinarap si Ysa ng nakapamulsa.




"Gano'n din 'yon. Maghihintay pa din ako doon. Tsaka ayaw mo ba yon sabay tayong pupunta sa cafeteria." I said and winked to her.




"Ito talagang love birds na ito. Kung saan saan nalang nagpapakita ng kalandian." Sabi ng bitter na si Sebastian.




"Oo nga." Sang-ayon ng tatlo pang kaibiga ni Ysa. At pati din pala ang mga kaibigan ko ay naki-sang-ayon.




"Si Brayden lang naman itong malandi no. Huwag niyo akong idamay." Ouch. Tagos hanggang kalamnan ko yun ah.




Hindi ba pwedeng kahit 4 months palang ang kambal namin sa tiyan ni Ysa ay ipanganak na niya ito? Lagi nalang kasi akong nasusungitan. Pag lalambingin ko maiirita naman siya parang ngayon lang oh.




"Ano ba. Sabi ng huwag kang umakbay eh. Naiirita nga ako." Inalis niya yung pakaka-akbay ko sa kanya at biglang umusog.




"Nilalambing lang naman kita eh."




"Huwag mo akong lambingin dahil yung lambing mo nakaka-irita." Mukha ngang iritang-irita na siya. Konti nalang suntukin niya na pagmumukha ko eh.




Hindi ko na tinuloy ang paglalambing ko sa kanya. Nag pangalumbaba nalang ako habang hinihintay ang mga kaibigan namin na makabalik sa table namin. Mahirap na at baka masuntok nga ako.




"Do you know the rumors huh? Na iyang si Isabelle ay buntis daw... sa ibang lalaki."




"Yep. Ang landi talaga ng babaeng 'yan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya pa ang niligawin ni Brayden. Isipin mo nalang boyfriend niya na si Brayden pero nagpabuntis pa din siya sa iba."




What the F! Si Ysa nagpabuntis sa ibang lalaki?! Sino ba ang nagpakalat ng tsismis na 'yan ng maiuntog ko sa pader ang ulo para naman mapagtanto niyang mali ang ikinakalat niyang balita. At bakit wala akong kaalam-alam sa tsismis kay Ysa. Ngayon ko lang nalaman ito. Hindi ko tuloy alam kung alam ni Ysa ang tungkol sa tsismis sa kanya. Or maybe dahil sa tsismis kaya siya nahimatay kahapon? It's possible.




Pinapakinggan ko lang yung dalawang babae na nasa kabilang table. Hindi ko nga alam kung nagbubulungan lang ba sila. Hindi ko naman pala pwedeng sabihin na nagbubulungan sila dahil rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nilanh dalawa. Baka hindi lang nila alam kung paano bumulong.




Napatingin ako kay Ysa at mukhang hindi niya naman alam na pinag-uusapan siya dahil may nakasalpak na earphones sa tenga niya.




Malaman ko lang talaga kung sino ang nagpapakalat ng maling tsismis tungkol kay Ysa, iuuntog ko talaga ang ulo sa pader.




Dumating na yung mga kaibigab namin at nag-umpisa na kaming kumain.




Pagkatapos namin kumain ay pinauna ko na sila Ysa sa room nila. Dahil kailangan ko pang alamin sa dalawang babae kanina kung saan nanggaling yung rumour na pinag-uusapan nila kanina.




Kasama ko si Caleb at Matthew. Nandito lang kami sa tapat ng cr ng girls sa tabi ng garden, nakasandal sa pader habanv hinihintay na matapos ang dalawang babae na mag-cr. Ipinaalam ko sa dalawang kaibigan ko ang gagawin ko. At katulad ko gusto din nila iuntog sa pader yung ulo ng naninira kay Ysa.




Nang matapos yung dalawang babae ay humarang kami sa daan. Nginitian ko sila at konti nalang ay maihi na sila sa sobrang kilig.




"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong sabihin niyo sa akin kung kanino niyo nalaman ang tsismis na nagpabuntis si Ysa, sa ibang lalaki."




"Ano naman ang makukuha naming kapalit kapag sinabi namin sayo?" Sa pananalita palang ng babaeng 'to, siya nga dapat amg sabihan na malandi.




Hindi naman ako pwedeng basta-basta magpasindak sa babaeng ito. Baka mamaya may makakita pa at sabihin kay Ysa na nakikipaglandian ako kung kani-kaninong babae.




"Ouch. Mukhang may kumagat ata na malaking langgam sa abs ko." Napatingin ako kay Caleb na unti-unting itinataas yung uniform niya. Nakita ko naman yung dalawang babae na nakatingin sa ginagawa ni Caleb, napapalunok pa sila.




Natawa nalang ako dahil pati si Matthew ay naki gaya din "Mukhang may kumagat din sa abs ko ah... Uhm girls can you help me? Paki kamot naman itong abs ko." Mas lalo pang napapalunok yung dalawang babae dahil talagang ipinakita ni Matthew agad ang kanyang 6 pack abs. Si Caleb kasi ay nagpapa thrill pa. At konti nalan ay lumuwa na ang mata nung dalawang babae. 




Hahawakan na sana nung isang babae ang abs ni Matthew pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya "Mahahawakan niyo lang ang abs ni Matthew at Caleb kung sasagutin niyo ang tanong ko kanina."




"Hindi namin alam kung sino ang nagkalat na nabuntis ng ibang lalaki si Isabelle. Basta bigla nalang naging usap-usapan dito sa school na buntis si Isabelle, pero hindi ikaw ang ama." Sabi ng isang babae. Take note kausap niya nga ako pero ang tuon niya ay paliwas-liwas sa abs ng dalawa kong kaibigan.




Hinila nung babae yung kamay niya at ayun ninamnamn na niya at ng kasama niya ang mga abs nila Caleb at Matthew.




But what did she said? Hindi nila alam? The hell. Lakas nilang makitsismis hindi naman pala nila alam kung kanino galing ang pinag-uusapan nila kanina. Sayang effort. Wala din naman pala akong mapapala sa dalawang babaeng ito.




Matapos mapagnasaan nung dalawang babae ang abs ni Matthew at Caleb ay naglakad na kami papuntang classroom.




"Walanghiya para tayong nabogus. Pina-ubaya namin ni Caleb ang pinaka-iingatan naming abs tapos hindi naman pala natin malalaman kung sino yung taong nagkalat ng tsismis tungkol sa asawa mo." Reklamo ni Matthew.




"Sinabi mo pa. Feeling ko nga matatanggal na yung abs ko kanina. Ang gaganda nga nila ang gagaspang naman ng kamay... Hoy Brayden ilibre mo kami mamaya sa bar ha. Dahil sayo naisakripisyo ko pa ang abs ko."




"Tsk. Sino ba kasing may sabi na gawin niyo 'yon? Ni hindi ko nga iniutos na itaas niyo yang uniform niyo at ipakita doon sa dalawang babae ang mga abs niyo. Kaya magtigil kayong dalawa sa kaka-reklamo kung ayaw niyong pag-untugin ko ang mga ulo niyo."




Kailangan ko'ng malaman kung sino ang nagpakalat ng tsismis tungkol kay Ysa, bago pa isipin ng lahat na maruming babae si Ysa. Sarap talaga itapon sa ibang planeta yung mga taong mga mahilig manira ng kapwa. Mga walang magawa ng matino. Tsk.



****


For typos and grammars. Sorry for that.

Continue Reading

You'll Also Like

14.5M 776K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
19.2M 582K 53
She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reape...