I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 70

12.7K 258 0
By realQUEENaccount




Isabelle's POV



Kagabi ng maka-usap ko si Mama Laila ay sinabi niya na sa akin ang lahat. At ng maka-usap ko si Brayden kanina ay sinabi na din daw sa kanya ni Mommy Hailey ang lahat. Natatawa na nga lang kami sa pinag-mulan ng pag-aaway nila eh. Hindi ko nga alam kung makaka-uwi na kami ngayon. Dahil kaninang mag-almusal kami ay hindi pa din nag-uusap mga nanay namin. Balak kasi namin ni Brayden na once na nagka-ayos na sila ay uuwi na kami.




"I can't believe it. Dahil lang sa isang lalaki ay sinira nila ang pagkakaibigan nila."




"Yeah me too." Sangayon ni Brayden.




Hindi ko nga naiisip na ang dahilan ng pag-aaway nila ay dahil lang sa lalaki. Ni hindi nga sumagi sa isip ko 'yon. Tapos kagabi laking gulat ko nalang ng sabihin nga sa akin ni Mama Laila na lalaki ang pinag-mulan ng pag-aaway nila. At ang mas nakakagulat pa ay ang lalaking pinag-aagawan nila noon ay ang tunay ko'ng ama. Ang gwapo naman ng tatay ko para pag-agawan nila. 




"Pero hindi ka ba galit kay Mom?" Tinigil ko 'yong pagtutupi ko at hinarap si Brayden. 




"Nope. Alam mo ganyan talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Meron talagang mga taong nabubulag sa pag-ibig. At pag yung taong sobrang mahal mo ay nakita mo'ng masaya sa ibang babae o lalaki. Syempre iisipin mo nalang 'non na hindi sila pwedeng maging masaya. Kaya gagawa ka ng paraan para masira ang relasyon nila." 




"Pero dahil sa mommy ko. Kaya nasira ang pamilya niyo ni Tita Laila. At kung bakit ka nawalay sa kanila." 




Matalik na magkaibigan noon si Mama Laila at Mommy Hailey. Tinuring na din nila ang isa't-isa na tunay na magkapatid. Then one day, dumating sa buhay nila 'yong tunay ko'ng tatay. And parehas nila itong minahal. Pero ng malaman ni Mama Laila na sobrang mahal ng kaibigan niya ang tatay ko, ay siya na itong nagpa-ubaya. Ang kaso, mas mahal naman ng tatay ko si Mama Laila at mahal din naman ni Mama Laila ang tatay ko. Naging sila at sinekreto na muna nila ito kay Mommy Hailey at sa parents ni Mama Laila. Ayaw daw kasi ng parents ni Mama Laila doon sa tatay ko. Mahirap lang daw kasi. Bumebwelo sila kung paano ito sasabihin. Pero bago pa nila masabi ay nalaman na ni Mommy Hailey.




Nagpakalayo-layo ang mga magulang ko. Pumunta sila sa isang probinsiya at doon nanirahan. At doon din ako nabuo. And ng dumating na ang araw na ipapanganak na ako ay natunton sila ng grandparents ko. Of course they did everything para paglayuin sila. Sabi pa ni Mama Laila, kaya daw hindi niya ako nakasama dahil nga pinalabas na patay niya akong ipinanganak. Kung maaga nga lang daw niya nalaman na buhay pa ako, ay hindi aabot ng 18 years ang pagkakawalay ko sa kanya. Yung tatay ko naman daw ay wala na. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng 'wala na' kung patay na ba o nagpakalayo-layo lang. Hanggang ngayon ay wala daw siyang balita sa tunay ko'ng tatay kung nabubuhay pa ba ito sa mundong ibabaw.




After ng mga nangyari ay nagtanim na ng galit si Mama Laila at Mommy Hailey sa isa't-isa. Never ng nag-usap at nag-kita. They treat each other as mortal enemies.




"Huwag na natin isipin 'yon. Nangyari na kaya wala na tayong magagawa. Basta ang importante naman kasama ko na tunay ko'ng nanay." Pinisil ko ang ilong niya tsaka na lumabas ng kwarto. Kailan ko na kasing icheck 'yong mga nanay namin at baka kung ano ng ginagawang hindi maganda.




Nasa may kalagitnaan palang ako ng hagdan ng makarinig ako ng ingay. Tinignan ko ito at nagulat ako ng makita ko Si Mama Laila at Mommy Hailey na nandoon sa sofa at nagtatawanan. Hindi ko alam kung ano'ng tinatawan nila. Dahil hindi naman nakasindi 'yong TV at wala naman silang hawak na kung ano na pwedeng pagtawanan. Kahit si Bradyden ay nagulat din sa nakita niya ng makababa siya. Nagkatinginan lang kami at nagkibit balikat.




I came closer and interrupt them "Mukhang okay na po kayo ah." Parehas naman silang napatingin sa akin.




"Nagkaroon lang ng himala, Anak." Medyo tumatawang sabi pa ni Mama Laila.




"Mabuti naman po at nagka-ayos na kayo. Kala ko po balak niyo pa'ng mag stay tayo ng ilang linggo dito eh." Sabi naman ni Brayden. Naupo kami ni Brayden sa tabi nila at nakipag-kwentuhan na din. 




-




Gabi na at nandito kami ngayon ni Brayden sa mini garden. Nasa sala naman at nanonood si Mama Laila at Mommy Hailey. Talagang okay na nga sila dahil kanina pa sila hindi tumigil sa pagku-kwentuhan. At kung nasaan yung isa ay nandoon din yung isa. Para bang ayaw nilang mawalay sa isa't-isa.




"Siguro kaya nagbati na sila. Dahil takot na silang makulong ulit doon sa kwarto." Biro ko. Tumawa naman si Brayden. Pinagmamasdan lang namin 'yong mga butuin sa ulap. Nakaupo kami sa bench habang magkaholding hands pa.




"Naka-usap ko si Seraphina." Biglang sabi ko. Sa mga butuin pa din ang tuon ko. Pero alam ko na napatingin sa akin si Brayden "Sinabi niya lang naman niya sa akin na kaya siya bumalik ay para agawin ka sa akin... 'Yon din ba 'yong sinabi niya noong mag-usap kayo?" This time tumingin na ako sa kanya. Noong mahuli ko silang mag-usap ay hindi ko na kasi tinanong itong si Brayden. Ayoko naman magulo pa 'yong utak ko dahil lang sa pinag-usapan nila.




Tumango si Brayden sa tanong ko. Tumingin naman ako ulit sa ulap "Alam mo hindi kita pipigilan kung gusto mo siyang balikan--"




"Wait... What? Teka pinamimigay mo ba ako ha?"




"Hindi. Sinasabi ko lang naman." Ewan ko ba kung bakit ko nasabi 'yon. Eh ayoko naman ibigay itong si Brayden kay Seraphina. Siguro pagtatawanan ko nalang ang Brayden na ito kung sakali mang balikan niya pa si Seraphina. 




"Tsk. Siguro kaya pinamimigay mo ako dahil nakahanap ka na ng iba no." Pagmamaktol niya. Inirapan niya pa ako. At agad ko naman siyang binatukan.




"Aba sinasabi ko lang naman 'yon para kung sakali man na may balak ka ngang balikan siya, ay hindi ka na mahihirapan. At hindi ako magmumukhang tanga 'non."




Bigla naman niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko "Hindi ko naman 'yon gagawin no. Sinabi ko na nga 'di ba. Ikaw lang ang mahal ko at gusto ko makasama habang buhay. At nangako din ako sa mama mo."




"Nangako? Ano 'yon?" Ngunot noong tanong ko.




Pinisil niya lang ang makabilang pisngin ko at ngumiti "Secret." Sabay na sabi niya. Pipilitin ko pa sana siyang sabihin sa akin 'yong ipinangako niya kay Mama Laila ng biglang mag-ring 'yong phone niya. Hawak niya lang 'yong phone niya at tinititigan ito. Nagtaka naman ako.




Nang  mapansin niya na nakatingin ako sa phone niya ay binalak niya itong ibalik sa bulsa ng pants niya. Pero bago niya pa ito matago ay agad ko ng nakuha ang phone niya. Sinamaan ko siya ng tingin ng tangkain niyang agawin ang phone niya sa akin.




Unknown number lang 'yon tumatawag. Pero sinagot ko pa din ito. Syempre kailangan ko'ng alamin kung sino 'yong tumatawag sa lalaking 'to. Baka mamaya may iba pa'ng babae na umaaligid sa kanya.




["Hello, Brayden."] Sabi ng nasa kabilang linya. Hindi ako nagsalita at hinihintay lang ang susunod na sasabihin ng kausap ko. At tama nga ang hinala ko. Babae itong tumatawag.




["Hey it's me. Seraphina... Please puntahan mo naman ako dito sa bahay oh. I know you're free. Or maybe ako nalang ang pupunta sa condo mo. What do you think? I really want to see you. I really miss you so much."]




Aba't napakalandi talaga ng babae'ng ito ah. Ang lakas pa ng loob na tawagan si Brayden. Is this how she wants to take Brayden to me? And now I'm wondering kung ilang beses na ba'ng pumupunta ang babaeng ito sa condo unit ni Brayden. 




["Hey, you there?"]




Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita "Oh hi. Are you looking for Brayden? Well, he's here. Beside me..." Tinignan ko si Brayden at binigyan siya ng death glare.




["Who's this?"] Malamang hindi niya nakilala ang boses ko dahil nilandian ko kasi 'yong pananalita ko kanina eh. Haha.




"Me? You already know me, Seraphina."




["Isabelle!"] Gigil na sabi ni Seraphina.




Pinagpatuloy ko pa din 'yong malandi ko'ng boses. Para lalo siyang mainis. Kahit hindi ko naman nakikita reaksyon ni Seraphina. Alam ko'ng naiinis na siya "Yeah, It's me... Ah nga pala, sorry but Brayden is not available today. Alam mo na, we're doing the husband and wife thingy. Pinagsasaluhan naman ang gabing ito. So if you don't mind. Don't interrupt us. Bye~" Pagka-end ko ng call ay ibinalik ko na kay Brayden ang phone niya.




Nagtaka ako bigla ng makita ko na namumula ng parang kamatis 'yong mukha niya "Okay ka lang? Bakit ka namumula? May sakit ka ba?" Kinapa ko 'yong noo niya, pero hindi naman siya maiinit. Kinaway-kaway ko 'yong kamay ko sa harap niya dahil nakatingin lang siya sa akin. Ano ba ito nagma-mannequin challenge siya mag-isa?




Nagtaka naman ako ng bigla siyang tumayo at naglakad "Hoy saan ka pupunta?" Tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya tumingin sa akin.




"Ah... papasok na ako sa loob. Maiinit dito sa labas." Mainit? Baliktad ata utak nito. Eh kaya nga kami pumunta dito sa mini garden para magpahangin, kasi mas maiinit sa loob ng bahay.




Pero mukhang baliktad yata talaga utak nito eh "Papasok? Eh hindi naman diyan 'yong daan papasok ng bahay." Papunta kasi siya doon sa bodega na nandito sa mini garden.




Mukhang napagtanto niya naman 'yong sinabi ko at bigla nalang siyang napakamot ng ulo. Naglakad na siya papasok ng bahay. Dere-deretso lang siya at hindi man lang ako pinansin. Weird 'non. Hinayaan ko nalang siya at nag-stay na muna ako dito sa mini garden dahil hindi pa naman ako inaantok. 








Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 118K 37
Sandejas First Generation: "I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you." Leona Harriet Abelló and Ejercito...
2M 71.1K 56
Ano ang gagawin mo kung humingi sa 'yo ng favor ang bestfriend mo na magpapanggap ka bilang Girlfriend ng Boyfriend niya? Papayag ka ba? Kilalanin na...
2.1M 71.6K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
19.2M 582K 53
She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reape...