I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 62

13.3K 314 10
By realQUEENaccount





Isabelle's POV




Nandito ako ngayon sa condo unit ni Brayden. Weekend naman ngayon at wala din akong trabaho tsaka tinatamad akong lumibot. Kaya naman naisipan ko nalang na pumunta dito sa unit niya. Tutal miss na miss na din niya daw ako. Nandito lang kami sa sala at nanonood.




"Ah! 1 month na pala."




"1 month? Ang alin." Takang tanong ni Brayden.




"1 month na si baby sa tiyan ko." Kumuha ako doon sa popcorn na hawak niya tsaka ito kinain. Binalik ko na din ang tuon ko sa pinapanood mo.




"Oh tara punta tayo sa obgyn mo." Napatayo pa.




"Ang OA mo na naman. Kagagaling lang natin doon kahapon." Hinila ko siya ulit pa-upo.




Ang bilis lang ng araw. Hindi ko akalain na one month na nga akong buntis. Kahapon nga lang kami humanap ng obgyn ko eh. Hindi pa namin alam kung anong gender ng baby namin. Maghintay muna daw kami ng mga 18 weeks at doon malalaman na kung boy ba o girl ang baby namin.




Tahimik lang kami na nanonood ni Brayden ng bigla akong mag crave sa isang pagkain "Gusto ko nga apple."




"Sige." Tumayo siya at pumunta sa kusina. Pagbalik niya may dala na siyang isang platito na may apple. Naka balat at slice pa ito.




"Heto na." Nilapag niya yung platito sa lamesa tapos umupo ulit.




"Ehh. Ayoko 'yan."




"Huh? Ang sabi mo gusto mo ng apple di ba? Apple naman 'yan."




"Oo nga. Ang kaso hindi ganyang apple."




"Anong gusto mo?"




Ngumiti ako ng malawak at sinabi sa kanya ang gusto ko.




"Apple na kambal."




-




Brayden's POV




"Apple na kambal." Pagkasabi nun ni Ysa ay agad akong napatayo sa gulat.




Seriously. Apple na kambal? Meron ba nun?




"Saan naman ako hahanap ng gano'n? Eh ang alam ko lang naman saging na kambal." Parang last week lang naghahanap siya ng figurine na kambal. Ngayon naman apple na kambal. Ang hilig naman sa kambal nitong mahal ko. But who knows. Baka kambal pala ang anak namin. Kung mangyari man 'yon. Pwes ang galing ko talaga. Haha.




"Panghanap mo ako. Basta gusto ko ng apple na kambal." Pagmamaktol niya. Napapakamot nalang ako sa ulo dahil wala talaga akong ideya kung saang lupalop ng pilipinas ko hahanapin ang gusto niya.




"Pwede ba na iba nalang? Saging na kambal nalang bibili ko sa'yo. Mas masarap 'yon."




"A-Y-O-K-O. Gusto ko apple na kambal. Hindi saging na kambal...Sige kung ayaw mo ako nalang ang hahanap." Patayo na siya kaya agad ko siyang pinigilan.




I sigh "Ok. You stay here. Hahanapin ko lang yung gusto mo ha." Hinalikan ko siya sa noo. Kinuha ko yung wallet at susi ng kotse ko sa lamesa tsaka na umalis.




Mukhang mag-aala dora ako ngayong araw ah.




Pagkadating ko sa market ay agad akong nagpunta sa fruit section para hanapin yung lintik na kambal na apple na yun.




"Miss. Meron ba kayong kambal na apple dito?" Napatigil yung babae na pinagtanungan ko sa ginagawa niya. At halata ang pagtataka sa kaniyang mukha.




Hindi ko alam kung uulitin ko pa ba yung tanong ko. Dahil baka mamaya pagtawanan pa ako nito "Nevermind." Umalis na ako. Nagpunta ako kung saan banda yung mga apple. Pero wala naman akong nakita ng maghanap ako.




Naghanap naman ako sa iba. Kahit sa mga vendors nagtatanong na din ako. Napagtatawanan na nga ako eh. Pero hindi ko nalang pipansin yun. Ang importante mahanap ko yung kambal na apple na yun. Kung saan-saan na ako naghanap. Nilibot ko na din ang buong palengke pero wala talaga. Lahat ng nagtitinda ng prutas pinagtanungan ko na. Hindi ko na nga napansin na inabot na ako ng gabi. Umalis ako sa condo ko ng 1:30pm. Ngayon 6:00pm na pero nandito pa din ako sa daan at naghihintay ng himala.




Kinuha ko yung phone ko at dini ang number ni Matthew.




Calling Matthew...




["I miss you too, bro."]  Bungad agad ni Matthew. Tumawa pa siya.




"G*go. May alam ka bang lugar kung saan ako pwede bumili ng kambal na apple?" Deretsa kong tanong.




["Ano? Kambal na apple? Pfft."] Yung tawa niya kanina ay mas lalo pang lumakas. Inend ko na yung call dahil halata naman na wala siyang alam tungkol sa tinatanong ko. Psh! Sabi ko na nga ba at pagtatawanan din ako nun.




Next ko naman tinawagan ay si Caleb.




["Napatawag ka bro?"]




"May alam ka bang nagtitinda ng kambal na apple?"




Ilang segundo din siyang tahimik. At ayon tumawa din ng pagkalakas-lakas.




["Haha...Baliw ka...hahaha...na... Kambal na apple? Hahahaha patawa ka. Hahaha."] Ang titino kausap ng mga kaibigan ko sa totoo lang -____- Ramdam ko yung suporta nila sa tanong ko. Tsk.




Katulad ng ginawa ko kay Matthew ay pinatayan ko din si Caleb. Mga letche!




Pinagpatulog ko nalang ang paghahanap. Bahala na kung saan ako mapadpad.




-




Pagka dating ko sa bahay ay agad ko ng pinark yung kotse ko. Yung mga paa ko hindi ko na masyadong maramdaman. Gutom na gutom na din ako. Inubos ko kasi ang lahat mg oras ko para lang makahanap ng gusto ni Ysa. Ang kaso bigo ako. Wala akong nahanap. Halos inabot na ako ng dis oras ng gabi sa daan. Bandang huli strawberry at saging na kambal ang binili ko. Bahala na kung ano ang magiging kapalaran ko mamaya.




Nakarating na ako sa unit ko pero nandito pa din ako sa labas. Ewan ko ba feeling ko may sasalubong na flying objects sa akin pag binuksan ko itong pinto.




Hinga ng malalim.




1...




2...




3...




Hahawakan ko na sana yung door knob ng biglang bumukas yung pinto.




"Mahal...Ysa...Isabelle." Aish. Ano bang pinagsasabi ko.




Bigla akong napalunok ng mapansin ko na nakatitig lang siya sa akin. Ni hindi man siya kumikibo "H-hi?" Para talaga akong ewan.




Basta ang alam ko nakita ko nalang ang sarili ko na nakaluhod sa harap ni Ysa. At nagpakaka-ewan.




"Hoy. Ang weird mo. Tumayo ka nga diyan."




"Sige kahit anong parusa tatanggapin ko. Basta huwag lang yung makikipag hiwalay ka sa akin... Hindi ko kasi nahanap yung gusto mo. Eh meron ba nun? Pinagtatawanan na nga ako ng mga pinagtatanungan ko kanina...pero ginawa ko naman ang lahat para hanapin yung kambal na apple na 'yon. Kaso wala talaga eh...Please don't leave me. Pag iniwan mo ako ikamamatay ko."




Nanatili lang ako'ng nakayuko at hinihintay yung pagsagot ni Ysa. Pero nakuha ng mangawit ng batok. Hindi pa din siya nagsasalita. Pagtingin ko sa kanya napaawang nalang ang bibig ko.




Nakita ko siya na nakasandal sa may pinto. Hawak ang isang plastic at enjoy na enjoy sa pagkain nung strawberry at saging na kambal "Mabuti nalang wala sa labas mga kapitbahay mo. Dahil kung hindi baka nagpatawag na ng taga mental ang mga 'yon. Tsaka ano bang pinagsasabi mo'ng huwag kitang iiwan? Sino ba may sabi na iiwan kita?..." Naiiling niyang sabi sa akin. Yung itsura ko gano'n pa din shock at nakaawang ang bibig "Nabaliw ka na." Sinubo niya yung strawberry na hawak niya at naglakad na pabalik sa loob ng bahay.




Right now. Hindi pa din mag sink in sa akin ang nangyari. Kulang nalang pati bundok akyatin ko para lang hanapin yung gusto niya. Tapos...kinain niya pa din yung binili ko. Ni hindi niya man naalala yung inutos niya sa akin.




Teka. Dapat pala matuwa pa ako kasi hindi siya nagalit. Dapat nga magtatatalon pa ako sa tuwa. Grabe ano ba 'tong pinag-iisip ko. Tsk.tsk.

Continue Reading

You'll Also Like

83.8K 2.1K 43
Sabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya...
990K 24.9K 108
Nagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po a...
359K 5.8K 94
Now that Eri and Uno are in a relatonship, can Eri really love this man who had something to do with her past? Find out.
276K 2.2K 101
"She know she can. She believed, she reached her dream." (TAGALOG - ENGLISH) Highest Rank: #1 in Poetry #2 in Poems