I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 55

15.1K 318 5
By realQUEENaccount



Uwian na namin at kay Flare ako sumabay. Hihahatid pa sana ako ni Brayden sa bahay ang kaso sinabi ko huwag na. Tutal mag babasketball naman sila ng mga kaibigan niya. 



Pagkadating namin ni Flare sa bahay ay agad ko siyang hinala papasok. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko. Inopen ko yung fb ko at hinanap yung mga picture na nakita ko kanina. Pagkakita ko doon sa mga picture and daming mga likes, more on angry likes. Tapos ang dami na din ng comment.



"Problema mo, bes?" Nakita ko na palapit sa akin si Flare. Umiinom pa siya ng tubig.



Hinila ko siya at pinaupo sa tabi ko "Kita ng umiinom yung tao eh." Reklamo niya.



Hindi ko siya pinansin. Inalis ko sa lap ko yung laptop at ibinigay sa kanya. Tinignan niya lang ako at nagtataka pa siya. Binitawan niya yung baso sa tabi niya at tumingin na sa laptop.



"Walanghiya! bes, anong kalandian ito?!" Binatukan ko naman siya sa sinabi niya. Kalandian agad? 



Kinuha ko na ulit sa kanya yung laptop "Ang judgmental mo." 



"Eh ano'ng ibig sabihin ng mga 'yan? Bakit iba-ibang lalaki ang kasama mo?"



"Ewan ko. Wala nga ako'ng matandaan na nakasama o nakita ko na 'tong mga lalaki na 'to. Except lang sa dalawang picture na ito."



Yung unang picture. Yun yung kasama ko si Q-- yung bago ko'ng friend. Ito yung time na sabay kaming umuwi. At yung second picture naman ay ito yung time na may lalaking tumabi sa akin na pinahawak yung bulaklak na para sa gf niya. And the rest hindi ko na alam. Seven pictures yon at yun nga iba-ibang lalaki ang kasama ko. Kanina ko pa iniisip kung nakipag-date ba ako kung kani-kanino. Ang kaso wala talaga ako'ng maalala eh. Tsaka hindi naman ako yung klase ng babae na kung kani-kanino nakikipag-date.



"Lagot ka kay Brayden, bes, kapag nalaman niya 'yan."



"Sige manakot ka pa. Eh kaya nga kita isinama dito sa bahay para tulungan mo akong alamin ang mga tungkol sa pictures na ito. Kasi nga hindi ako yang nandiyan sa pictures."



"Hindi daw. Tignan mo nga oh. Kamukhang-kamuha mo yang nasa pictures. Ano 'yon may kakambal ka?" Nakatingin lang siya doon sa mga pictures.



Ang kulit naman ng babaeng 'to. Mas pinaniniwalaan pa yung mga nasa pictures kesa sa akin. Eh hindi nga kasi ako 'yon T_T. Wait. Kung si Flare naniwala agad na ako yung babae sa pictures. Ibig sabihin may possible na paniwalaan din ni Brayden 'yon O.O Wahhh! Hindi pwede 'yon.



Tumayo ako at ginulo-gulo ang buhok ko. Lakad-lakad lang ako at nag-iisip kung paano ko masusulusyunan yung mga pictures. Kung paano ko mapapniwala yung mga nakakita at makakakita na hindi ako ang nasa pictures. Yung dalawang pictures pwede ko pang aminin na ako nga yun. Pero wala namang meaning ang mga 'yon. Si Q friend ko lang naman. Tapos yung isang lalaki hindi ko naman kilala. Kainis! saktong inaabot niya pa naman sa akin yung bulaklak ng makunan yung litrato na 'yon.



Saktong pagka-open ko pa naman kanina doon din inupload yung mga pictures. Ano 'yon, sadyang inupload ang mga 'yon kung kailan nag open ako ng fb? Hindi ko naman malaman kung sino yung nag-upload dahil anonymous yung pangalan ng user. Tinignan ko din yung fb nung anonymous pero wala naman siya kahit isang friends. Wala din information about sa kanya.



Nabalik ako pagkaka-upo ng may maalala akong kakaiba sa mga pictures. Inagaw ko yung laptop kay Flare tapos isa-isang tinignan yung limang litrato ulit.



"Gotcha!" Sigaw ko. 



"Ang alin?"



"Bes, look closely pansinin mo ang pagkaka-iba ng limang pictures na ito sa dalawang pictures na ito."



"Uhm...Iba-iba ang kasama mo'ng lalaki tapos iba-iba din yung lugar."



"Gaga. Hindi 'yon. Yung suot ko." Nakaka-taas ng blood pressure itong kaibigan ko. Ang slow din minsan eh.



"Sa dalawang picture naka pants ka. Sa lima naman naka dress ka---NAKA DRESS KA?! WHAT?! NAKA DRESS KA?!" Hindi naman pala siya gano'n ka slow. Lipat-lipat ang tingin ni Flare sa akin ay doon sa mga litrato sa fb.



Talagang magiging ganyan ang reaksyon ni Flare. Kasi nga never ako'ng nagsuot ng dress. Para sa kanya isang himala pag nagsuot ako ng dress. Magpapa-party pa nga daw siya nun kapag mag dress ako.



"So masasabi mo pa ba'ng ako 'yan?" Umiling-iling si Flare, pero nandoon pa din ang gulat niya sa mukha.



Mabuti nalang at naalala ko yung suot ko don sa mga litrato. Yun ang gagamitin ko'ng ebidensya na hindi ako 'yon. Maaring photoshop lang ang mga litrato na 'yon. Inedit at pinalabas na ako nga yung babae sa litrato.



Ang kailangan ko nalang gawin ay tawagan si Brayden. Bago niya pa makita yung mga litrato.



-



Brayden's POV



"Pahinga muna tayo." Nagpunta ako sa bench  kung saan nakalagay ang mga gamit namin.



Kinuha ko ang inumin ko sa bag. Tsaka ito ininom.



"Bro, okay ka lang?" Tanong ni Matthew. Naupo siya sa tabi ko.



Tumango lang ako. Tahimik lang kami nakaupo ng mga kaibigan ko sa bench. Kanina pa ako hindi makapag-concentrate. Naaalala ko ang mga nakita ko kanina.



Ako yung unang nakabili ng pagkain namin kanina. Sinabi ko sa dalawa na mauna na ako dahil baka gutom na si Ysa. At hindi ko inaasahan yung mga nakita ko ng makabalik ako sa table namin. Nakita ko yung mga pictures na tinitignan ni Ysa kanina. Mga litrato niya na may kasamang iba-ibang lalaki.



"Sa tingin niyo, mahal ba talaga ako ni Ysa?" Out of the blue kong sabi. Alam ko na napatigin yung dalawa sa akin.



"Pumayag ba siyang ligawan ko siya ulit dahil mahal niya pa rin ako o dahil lang gusto niyang gumanti sa akin?"



Isa lang ang naiisip ko. At 'yon ay ang gumaganti siya sa akin. Gumaganti siya sa mga nagawa ko sa kanya noon. Sobrang sakit lang dahil akala ko mababalik ko na yung dating pagsasama namin.



"Teka nga. May problema na naman ba kayong dalawa?"

 


"Ano ba sa tingin mo Caleb? Lagi naman ganyan yang mag-asawa na 'yan. Puro LQ--What the hell!"



"Ang ingay mo. Napano ka?"



Naririnig ko lang yung dalawa na nag-uusap pero hindi ko na maintindihan. Ginugulo pa din ang utak ko nung mga g*agong kasama ni Ysa. Heto na nga yata ang karma ko. Bumabalik na sa akin ang mga ginagawa ko noon kay Ysa. Fvck!



"Bro, you need see this." Kinuha ko yung phone na inaabot sa akin ni Matthew.



At mabilis ko itong naitapon ng makita ko na naman ang mga litrato na nakita ko kanina sa phone ni Ysa. Tumayo ako at nagsisisigaw. Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.



"Bro. Chill ka lang." Caleb.



"Chill? Sa tingin mo ba makakapag-chill ako kung niloloko lang naman ako ng babaeng mahal ko?! Makakapag-chill ba ako kung yung karma ko dumadating na ha?! Pvchang buhay 'to oh!"



Narinig ko na nagriring yung phone ko. Kinuha ko ito at nakita ko na si Ysa yung tumatawag. Katulad ng ginawa ko kanina ay itinapon ko din ang phone ko. Wala na akong pake kung masira 'yon. 



Lumapit ako sa isang puno na malapit sa kinaroroonan namin. At doon ko inilabas ang lahat ng galit na nararamdaman ko. Pinagsusuntok ko lang ang puno. Dumudugo na ang mga kamao ko pero hindi ko pinansin 'yon. Kanina pa din ako pinipigilan ng mga kaibigan ko.



"Ahhhhhh!!!!!"



"Bro, tama na."



"Bitawan niyo ako!" Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ng mga kaibigan ko. Hinarap ko ulit yung puno tsaka pinagsusuntok ulit.



Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Mukhang nararamdaman ng langit ang lungkot at inis ko ngayon. Pero kahit na umuulan na nagpagkalakas-lakas ay hindi pa din ako natitinag.



Nang maramdaman ko ang pagod. Doon lang ako huminto. Napaupo nalang ako sa lupa habang patuloy pa din sa pag-iyak.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 28.8K 37
Highest Rank achieve:# 10 in teen fiction. ••••••••••• Si Bealyn Almirez ay na arrange married kay Rafael Sy. Araw araw ay parang alipusta siya dito...
576K 18.2K 63
Paano kung nalaman mo ang totoong pagkatao ng mahal mo? Magagawa mo pa ba syang tanggapin? A lot of revelations will be revealed. This is the book 2...
12.1K 543 24
"I will protect you at all cost." - Aeron "Of course, your job is to protect me. Isn't it?" Amethyst.
1.2M 13.1K 50
Losing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when she finally accepts the fact that she'll...