I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 44

16.5K 367 1
By realQUEENaccount



Isabelle's POV


Nandito ako ngayon sa bahay ni Ate Rose. Hindi ako pumasok sa school at work dahil nanghihina ako kanina. Pero ngayon medyo okay na ako, kaya pumunta na muna ako dito sa kapitbahay ko para di ako bugnutin sa bahay. Baka kasi mamaya atakihin ako sa sobrang inip.


Nagku-kwentuhan kami ni Ate Rose. About sa life namin. Para alam niyo na makilala namin ang isa't-isa. Nasabi ko na nga din sa kanya na buntis ako. At ayon, pinipilit niya ako na sabihin ko kay Brayden. Dahil sabi niya iba-iba naman daw ang ugali ng mga lalaki. At malakas din daw ang kutob niya na tatanggapin ni Brayden itong baby namin. Parang si Dylan lang e no.


So, napag-isip-isip ko naman na itry ko ng sabihin kay Brayden. Tutal dalawang tao na 'yong nagsabi ng positive sa akin. Pero paano ko naman sasabihin kung hanggang ngayon hindi pa nagpapakita sa akin ang mokong na 'yon? Apat na araw na ang lumilipas. At apat na araw na din ang siyang hindi nagpapakita, gawain ba 'yon ng isang matinong manliligaw? Hindi na talaga tumino ang lalaki'ng 'yon.


At sa school naman. Hindi pa rin ako tinantanan ng mga nambubully sa akin. Everyday nalang may sumasalubong na kamalasan sa akin. Pero pinaka worst na ginawa sa akin ng mga fans ni Brayden, eh 'yong kahapon. Kinulong nila ako doon sa lumang room na nasa 5th floor ng school. Walang masyadong nagpupunta doon kaya walang nakakarinig sa akin. At 'yong gamit and phone ko naman ay kinuha nila. Nakalabas lang ako dahil 'yong mga kaibigan ko ay hindi tumigil na hanapin ako.


"Ate Rose meron pa ba?" Tanong ko. Naubos ko na kasi 'yong binigay niyang naka slice na orange and apple. Ang kaso gusto ko pa.


"Meron pa naman doon sa loob." Ako na ang tumayo para kumuha. Baka mamaya manganak pa siya ng wala sa oras.


Ano kaya ang feeling kung kasing laki ko na 'yong tiyan ni Ate Rose.


"Isabelle, mukhang may naghahanap sa'yo." Sabi ni Ate Rose ng pumasok siya sa loob.


"Po?"


"May naririnig kasi ako'ng kumakatok. Nakita ko doon sa bahay mo kumakatok, pero hindi ko nakita 'yong mukha." Paliwanag niya. Sino naman kaya 'yon. Wala naman ako'ng inaasahan na pupunta sa bahay. Hindi naman pwede 'yong mga kaibigan ko. Dahil sinabi ko'ng wag muna sila pupunta ng bahay. Namumulubi kasi ako sa kanila eh. Imbis na ako 'yong ilibre, eh ako pa 'yong manlilibre.


Tinignan ko nalang 'yong sinasabi ni Ate Rose. Sumilip muna ako para tignan. Nakita ko na may isang lalaki at babae na nakatayo sa harap ng bahay ko.


"Tao po!" Sigaw nung lalaki na mukhang body guard nung babae. Lalabas na sana ako para lapitan sila ng bigla ko'ng mamukhaan 'yong babae. Kaya napabalik ako sa loob. Nandito lang ako sa may gate at sinisilip 'yong mga naghahanap sa akin.


"Oh ano'ng ginagawa mo diyan? Bakit ka nagtatago?"


"Ay kalabaw--Sshh. Ate Rose wag kang maingay." Sabi ko tas sumilip ulit.


"Eh bakit nga? May atraso ka ba sa mga 'yan?" Mahina niyang tanong. Pati siya ay nakisilip na din.


Tsk. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito. At paano niya naman nalaman ang tinitirhan ko. Ang tinutukoy ko eh si Ms. Laila Parker, 'yong real mother ko daw.


"Wala ate. Nakikita mo ba 'yang babaeng naka tayo sa harap ng bahay ko? 'Yang naka formal attire, tapos louis vuitton ang bag. 'Yang may katabing maskulado na lalaki...Siya 'yong naikuwento ko sa'yo na nanay ko daw." Mukhang kailangan ko na ata lumipat ng bahay "Aray, bakit ate?" Reklamo ko ng batukan niya ako. Nakalimutan ko palang may pagka sadista itong si Ate Rose.


"Eh bakit kailangan mo pa'ng i-describe? Kitang-kita ko naman 'yong tinutukoy mo. Siya lang naman 'yang nag iisang babae na nasa tapat ng bahay mo."


"Hehe. Sorry na. Chill ka na ate, baka bigla ka'ng manganak diyan." Kumakatok pa din 'yong lalaki sa gate ng bahay ko. At ako tinitignan pa din sila. Kasi obvious naman na ayoko silang harapin.


"Nanay mo naman pala 'yan. Bakit hindi mo puntahan at kausapin?"


"Ate hindi naman ako sigurado sa sinabi sa akin. Tsaka galit ako sa kanya dahil first time palang namin nagkita agad-agad tutol na siya. At siya pa 'yong number 1 na tutol na sabihin ko kay Brayden itong tungkol sa pagbubuntis ko." Talagang hindi ko maintindihan kung bakit. Kung bakit tutol 'yang si Ms. Laila Parker "Ah. Ate Rose pwedeng manghingi ng favor? Pwede puntahan mo sila tapos sabihin mo na wala ako sa bahay, naka out of town ako."


"Ha?"


"Ah hindi pala out of town, masyadong obvious. Ano nalang...uhm...ano... sabihin mo nalang Ate Rose na umuwi ako sa probinsiya namin at hindi mo alam kung kailan ang balik ko...Ate sige na pleaseee. Please. Please." Pagmamakaawa ko. Nagpa-puppy eyes pa ako para medyo effective.


"Oo sige na, ngayon lang 'to ha?"


"Yihhh. Thank you Ate Rose. Opo promise, ngayon lang 'to. Thank you talaga." Sabi ko at niyakap pa siya.


Lumabas na si Ate Rose at kinausap sila Ms. Parker. Hindi ko sila marinig dahil hindi naman gano'n kalapit itong gate ni Ate Rose sa gate ng bahay ko. At medyo mahina din ang boses nila.


Nakikita ko lang silang nagtatanguan. Ilang sandali lang ay pumasok na si Ms. Parker sa isang itim na kotse. Pati din 'yong lalaki na mukhang body guard. Nagtago ako ng dumaan 'yong sasakyan sa kinaroroonan ko.


"Oh." May inabot na isang envelope sa akin si Ate Rose "Pinabibigay 'yan nung babae."


Ano naman kaya ito?


"Alam mo Isabelle. Kaninang kausap ko siya. Naawa ako sa kanya. Alam mo ba'ng umiiyak siya habang kinakausap ko siya? Nanghihingi siya ng tawad at sabi niya na sabihin ko daw sa'yo." Umiiyak? Eh bakit naman siya umiiyak? Dahil ba nagsisisi siya sa ginawa niya sa akin ng una kaming magkita?


"Maybe she has a reason kung bakit naging gano'n siya noong magkita kayo. Just take time to think. Nanay mo man siya o hindi dapat hindi ka pa din nagtatanim ng sama ng loob diyan sa puso mo." Nakakainis lang naman kasi dahil hindi maganda ang trinato niya sa akin.


Imbis na maramdaman ko na siya nga ang nanay ko. Ay iba ang naramdaman ko sa kanya. At 'yon ay galit.


Hay. What should I do?


-


Bago ako matulog ay kinuha ko sa drawer 'yong sobre tsaka envelope. Hawak ko lang ang mga ito at nagdadalawang isip na buksan.


Pero bahala na.


Tinignan ko 'yong laman ng envelope at una ko'ng kinuha ay 'yong mga pictures. Picture ni Ms. Parker na malawak ang ngiti habang salo-salo 'yong tiyan niya. Halos hindi man lang nagbago ang itsura ni Ms. Parker.Tapos meron naman na picture pa din niya pero may kasama na siyang lalaki na nakaakbay sa kanya, mukhang 'yong kasama niya ay asawa niy. Yung background nila ay kubo at mukhang nasa probinsya sila.


Tinitignan ko lang 'yong mga picture at nagtataka ako kung bakit ni isa ay wala man lang picture nung baby. O kahit 'yong nanganak lang si Ms.Parker.


Pero ang mas nakapagtaka kung bakit ako lumuluha pero masaya naman ako habang tinitignan ang mga litrato. Ano ba ito, tears of joy?


Next ko naman tinignan ay 'yong nakita ko na may nakalagay na something sa maliit na supot.


"Ano 'to?! Sa akin ba ito?!" Gulat ko'ng sabi ng makita ko na buhok 'yong laman ng plastic. Kung akin itong buhok, posible na pinakulam ako ni Ms. Parker. O.O Grabe ba ang galit niya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya, kaya niya ako pinakulam? Pero ano'ng klaseng kulam naman kaya ang ginawa sa akin?


Hindi ko na pinansin 'yong buhok at tinignan ko na 'yong mga dokumento na laman din ng envelope. Una ko'ng nabasa ay DNA Result. At ng basahin ko ang mga dokumento ay hindi ako makapaniwala.


S-siya nga ang tunay ko'ng ina?!

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
32.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
276K 2.2K 101
"She know she can. She believed, she reached her dream." (TAGALOG - ENGLISH) Highest Rank: #1 in Poetry #2 in Poems
12.1K 543 24
"I will protect you at all cost." - Aeron "Of course, your job is to protect me. Isn't it?" Amethyst.