I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 40

18K 386 2
By realQUEENaccount



Isabelle's POV


"Nasabi mo na ba sa kanya?"


"Hindi pa. Hindi ko pa siya nakikita simula kahapon. Tapos 'yong phone niya hanggang ngayon naka off pa din." Natapos na nga ang unli ko pero si Brayden hindi ko pa din na-contact "Sa tingin mo Dylan, magiging masaya ba siya kapag nalaman niyang magkaka-anak na kami?" Naki pag kita sa akin si Dylan dito sa Starbucks sa mall. Pumunta na ako dahil lunch time na rin naman at late ng dadating 'yong professor namin sa Economics.


Pinag-uusapan namin 'yong tungkol sa nangyari noong isang araw. Kaya nakipag kita sa akin si Dylan dahil nag-aalala daw siya. Baka daw kasi nagpatiwakal na ako dahil sa mga nangyari. Hindi ko nga alam na ganyan mag-isip si Dylan. Natatawa nalang ako sa kanya.


"Of course. May rason ba na hindi siya matuwa ha? And besides I can see that you love each other."


*sigh*


"Pero sa totoo lang naguguluhan pa din ako. Hindi ko ba alam kung mahal ko pa talaga siya o hindi na...Tapos hindi matanggal sa isip ko kung tatanggapin niya ba itong anak namin." Sabi ko at uminom sa frappe ko.


I don't really understand why am I feeling this. Naco-confuse ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Kung dati sure na sure ako'ng mahal ko siya, pero ngayon iba na. Hindi ko alam kung masyado lang ba akong nadala sa kagustuhan ko'ng maranasan ang maligawan kaya hinayaan at pinagbigyan ki si Brayden.


"Sa ngayon ay talagang maguguluhan ka pa, pero dadating din ang araw na malilinawan ka na. Lalo na't malapit na kayo magkaroon ng sariling pamilya ni Brayden. And believe me matutuwa si Brayden sa ibabalita mo sa kanya." Sana nga ay matanggap ni Brayden ang aming anak.


Natatakot kasi ako na matulad sa kapitbahay ko na si Ate Rose. Bigla ko kasi naalala 'yong naikuwento niya sa akin. Katulad ko ay may minahal si Ate rose na isang lalaki at 'yon ay ang nobyo niya noon. Base nga sa pagkaka-kwento niya sa akin ay pa'ng life time na ang pagsasama nila. Pero 'yon pala ay hindi. Ng malaman ni Ate Rose na buntis siya ay agad niya itong ipinaalam sa nobyo ngunit sa kasamaang palad tumakbo at nagtago 'yong lalaki. Malapit na ang kabuwanan ni Ate Rose pero hindi pa din nagpapakita 'yong lalaki.


Kaya ngayon na confuse na ako. Hindi na ako sure sa mga desisyon ko ngayon.


Pagkatapos namin mag-usap ni Dylan ay inihatid niya na ako sa school.


"Thank you  sa paghatid at sa libre." Sabi ko ng makarating kami sa tapat ng school.


"No problem. Alam mo naman na kapatid na ang turing ko sa'yo." Nang lubusan ko'ng makila si Dylan ay naging crush ko siya. Sobrang bait niya kasi at mapagmahal na kuya pa. Inamin ko sa kanya 'yon--na crush ko nga siya. Syempre close na kami kaya makapal na ang mukha ko haha. Pero tumawa lang siya 'non tapos sinabi niya na kapatid na ang turing niya sa akin. Hindi naman ako nasaktan ng sabihin niya 'yon kasi paghanga lang naman ang nararamdaman ko sa kanya noon eh.


"Ang saya palang maging kapatid ka no. Lagi ako'ng nalilibre. Hahaha."


"Hindi libre 'yon. Kasi next time ako naman ang i-ttreat mo." Sabi niya at tumawa din.


"Ha? Ano? Wala ako'ng naintindihan sa sinabi mo...Grabe nabingi na ata ako." Starbucks nga hindi ko ma-afford. Manlibre pa kaya. Butas na butas na nga ang pitaka ko.


Nagtawanan muna kami hanggang sa magpaalam na ako sa kanya.


"Thank you ulit. Ingat sa pagda-drive."


"Sure. Thanks too." He said. At pinaandar na 'yong kotse niya.


Nang hindi ko na matanaw ang kotse ni Dylan ay pumasok na sa loob ng school. Pero pagharap ko nagulat ako ng makita ko si Seraphina at kasama niya ang grupo ni Shania. Ang sama ng tingin nila sa akin.


Hindi ko na sana sila papansinin ng biglang mag-init ang ulo ko sa sinabi ni Seraphina.


"Umaastang mabait. 'Yon pala isa namang malanding babae."


"I don't believe this. Hinayaan mo'ng manligaw si Brayden sa'yo. Pero may kalandian ka namang ibang lalaki. What a slut." Naiiling na sambit ni Shania.


"Wag kayo'ng magsalita na parang alam niyo ang lahat at ang lilinis niyong tao. FYI hindi ako katulad niyong kung sino-sino ang nilalandi. Dahil sa atin. Kayo ang slut!" Nakikipag palitan lang din ako ng masasamang tingin sa kanila. Tumingin ako kay Shania "And you Shania, mukhang sa isang araw nga ay nakaka sampu ka'ng lalaki. So sa tingin mo, sino ba ang malandi sa ating dalawa?" Kung nagawa ako'ng apihin ng grupo ni Shania, pwes ngayon hindi ko na hahayaan na mangyari 'yon ulit.


"What?!" Gulat na sambit ng mga kaibigan niya. Si Seraphina ay mukhang hindi man nagulat sa aking sinabi.


Last last week ay inimbitahan ako ng isa ko'ng katrabaho na pumunta sa birthday niya. Inimbitahan niya din naman 'yong iba naming kasamahan. And naisipan nitong icelebrate ang birthday niya sa isang restaurant. At doon sa pinuntahan namin ay nakita ko si Shania na may kasamang lalaki. Hindi niya naman ako napansin dahil malayo ang table niya sa table namin. Noong una ay akala ko boyfriend niya 'yong kasama niya at nagdedate sila. Pero hindi, ng umalis 'yong lalaki ay ilang saglit lang may dumating na isa na namang gwapong lalaki. Hindi ko na dapat papansinin kung sino ba doon sa dalawang gwapo ang boyfriend niya. Ang kaso sa tuwing aalis 'yong mga lalaki na nakaka-usap niya ay may dadating na panibago. Hindi ko na nga mabilang kung ilan 'yong dinate niya.


"Hey! You slut! Oo masama ang ugali nitong si Shania. Pero hindi niya magagawa ang sinasabi mo, dahil may boyfriend siya at 'yon ay ang sikat na basketball player na si Ken Domingo." Taas noong sambit ng kaibigan ni Shania. I think her name is Kyla.


See, may boyfriend na pala hindi pa nakuntento. 


"Tama. Shania loves her boyfriend so much. Kaya wag kang gumawa ng kwento para siraan siya. Dahil imposible na gawin niya ang sinasabi mo!" Pagtatanggol sa kanya ng isa niya pa'ng kaibigan. 


"Magka-kaibigan ba talaga kayo ha? Looks like you don't really know your friend. But I don't care, kung ipagtatanggol niyo 'yang baho ni Shania." 100% sure naman akong si Shania talaga 'yong nakita ko. Hindi naman ako masamang tao na gagawa ng kwento para lang manira ng kapwa.


I feel pity for Shania's friend. Hindi man lang pala nila alam kung ano'ng klaseng tao ang kaibigan nila.


"Ang lakas din ng loob mo'ng gumawa ng kwento!" Gigil na sambit ni Shania.


"Alam mo bahala ka kung itatanggi mo 'yong sinabi ko. Tutal wala naman ako'ng pakialam kung lahat ng lalaki dito sa mundo ay i-date mo. Tsk."


Ayoko ng mag-aksaya ng oras sa kanila kaya naman naglakad na ako papasok sa school.


"You! Fvcking bitch!" Napalingon ako at nakita ko si Shania na palapit sa akin at galit na galit.


Pagkalapit niya sa akin ay akmang sasampalin na niya ako. Pero naging alisto ako at inunahan ko siya.


*Slap*


Gulat ang bumakas sa mukha ni Shania pati din ang mga kaibigan niya na nasa likod. Hawak niya ngayon ang pisnging sinampal ko habang matalim niya ako'ng tinitignan.


"Magpasalamat ka nalang dahil isang sampal lang 'yang ginawa ko sa'yo. Dahil kung ibabalik ko 'yong mga sampal na ginawa mo sa akin noon ay baka nasira na 'yang pagmumukha mo." Binigyan ko siya ng isang babalang tingin bago ako tuluyang naglakad.


-


Shania's POV


(Tutal nasampal naman si Shania. Kaya bigyan na natin ng kaunting exposure. Haha.)


"Shania, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Alexandra ng makalapit sila sa akin.


Hindi ko pinansin ang tanong sa akin. Dahil masama pa din akong nakatingin kay Isabelle na naglalakad palayo sa amin.


Walanghiya ang babaeng 'yon para gawin ito sa akin.


"You didn't expect that, right?" Pare-parehas kami napatingin kay Seraphina. Naka crossarms siya at ang tingin ay nandoon kay Isabelle na nalalakad "Mukhang ang babaeng minaliit mo noon ay natuto ng lumaban."


Lalo pa ako'ng naiinis dahil sa pag ngisi nitong si Seraphina. At alam ko'ng natutuwa pa siya sa nangyari sa akin.


"Huwag ka munang matuwa dahil hindi pa nag-uumpisa ang palabas." Tumingin siya sa akin ng nakangisi pa din.


"This is gonna be fun. I'll wait for that. Pero mukhang mahihirapan ka. Lalo na't may alam na siya diyan sa baho mo." Binigyan pa ako ulit ng isang ngisi ni Seraphina bago siya umalis sa harapan namin.


"Teka ano ba 'yong alam niyo na.hindi namin alam ha?" Tanong ni Devine.


"We're friends here. So we should know it too." Sabi naman ni Rita.


"Pwede ba manahimik kayo!" Sigaw ko sa kanila.


Pagbabayarin ko ang ko si Isabelle. Ang lakas ng loob niyang gawin sa akin 'to!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 18.7K 31
Meet Joanna Villanueva a regular school girl who really hates gangsters and wars. A girl that really likes to read books(ginagawang bahay Ang library...
12.1K 543 24
"I will protect you at all cost." - Aeron "Of course, your job is to protect me. Isn't it?" Amethyst.
2.1K 127 16
"I knew you were trouble when you walked in, but I still loved you more than you ever will" Normal na araw lang dapat ang lahat but then I encountere...
192K 3.1K 34
si ZOEY ay isay normal na babae, katatapos pa niya nag graduate ng highschool. Ngayon,pumapasok na siya ng isang malaki na skwelahan. Sa midge univer...