I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 39

17.2K 409 7
By realQUEENaccount



Third person's POV


*tok tok tok*


"Mrs. Anderson, may malaki po tayong problema." Iniharap ni Mrs. Anderson ang kanyang swivel chair sa sekretarya at binitawan ang hawak na mga dokumento.


"What is it secretary Lim?" She asked oh her secretary.


Lumapit ang kanyang sekretary sa kanya at may inilapag ito'ng isang folder. Kinuha naman ito ni Mrs. Anderson para alamin kung ano'ng nilalaman ng folder.


Hindi makapaniwala si Mrs. Anderson ngayon sa kanyang nababasa. Mga dokumento na naglalaman ng isang masamang balita.


"Secretary Lim, ano'ng ibig sabihin ng mga ito? Paanong na bankrupt ulit ang kumpanya natin?! Akala ko ba napa-balik niyo na lahat ng investors natin?!" Hindi lubos akalain ni Mrs. Anderson na muling maba-bankrupt ang kumpanyang pinaghirapan nila ng kanyang asawa. Noong una ay agad nilang itong nalutasan lalo na't tinulungan sila ng pamilyang Montellion. (Ang mga magulang ni Seraphina)


"Lahat ng mga investors po natin noon, Ma'am, ay bumalik. Hindi lang ho namin maintindihan kung bakit nag back-out na naman sila ngayon. Pinilit na din ho namin silang bumalik ngunit sinasabi nilang wala na silang mapapala sa ating kumpanya dahil palugi na ito."


Umiisip na ngayon ng paraan si Mrs. Anderson kung paano niya kakausapin ang kanyang mga investors na 'wag ng ituloy ang pagba-back out nila. Sobrang laki din ng naitutulong ng investors si Ms. Anderson sa kanyang kumpaniya. Kaya hindi niya pwedeng basta-basta hayaan na umalis ang mga ito.


"Please, secretary Lim. Help mo to fix this. Alam mo kung gaano ka-importante ang kumpanya na ito sa akin." Ang buong akala ni Mrs. Anderson ay 'yon lang ang problema ng kanilang kumpanya, ngunit ang hindi niya alam ay may mas malaki pa'ng suliranin ang paparating.


-


Isabelle's POV


Habang kumakain ako ng agahan ko ay nagbabasa ako ng libro. Guide for pregnancy 'yong title ng book. Hiniram ko ito sa kapitbahay ko kanina. Nakita ko kasi noong nakaraang linggo na nagbabasa 'yong buntis ko'ng kapitbahay nitong libro. Kaya naman naisipan ko'ng hiramin para magkaroon ako ng ideya. Hindi din naman basta-basta ang pagbubuntis.


Excited na nga ako ngayong araw para sabihin kay Brayden na buntis ako. Pero naiisip ko na, sabihin ko nalang kaya sa kanya pag-sinagot ko na siya ulit. Para naman maramdaman ko ang feeling ng isang nililigawan. Hehe. Kainis nga kasi kahit ilang beses ko ng sinasabi na hindi ko na siya mahal eh pinayagan ko pa din siya na manligaw. Tanga na kung tanga. Pero mahal ko pa din talaga si Brayden.


And about 'don kay Ms. Laila Parker--Naalala ko na pangalan niya. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin 'yon. Sabi kasi dito sa binabasa ko dapat pag buntis wag nagpapa-stress. Kasi pati si baby maapektuhan. Dapat always happy lang. Hindi ko alam kung bakit gano'n 'yong mga sinabi niya sa akin kahapon pero sa tingin ko sinabi niya lang 'yon para paglayuin kami ni Brayden. Hay, naaalala ko tuloy sa kanya si Seraphina the bitch.


Nakita ko sa aking wrist watch na 6:20am na kaya naman tumayo na ako at nilinis ang aking pinagkainan. Good mood din kasi ako ngayon dahil tinext ako ni Brayden kagabi na susunduin niya ako ngayon ng 6:30am.


"Baby, 'wag ka'ng masyado ma-excite pag nakita mo si papa mo ha." Sabi ko at hinimas ang tiyan ko. Hindi naman siguro mali ang iniisip ko na si Brayden ang ama nitong anak ko. Siya lang naman ang naka anuhan ko--Basta 'yon.


Nandito na ako sa labas ng apartment ko at hinihintay nalang ang pagdating ni Brayden. Naalala ko'ng itext si Dylan para sabihin sa kanya na isekreto niya muna ang pagbubuntis ko. Gusto ko kasi na bukod kay Dylan at Ms. Laila Parker. eh si Brayden ang next na maka-alam.


Nang masend ko na 'yong text ko kay Dylan ay naghintay na ako ulit. Nararamdaman ko ng nangangawit ang paa ko pero wala pa di'ng Brayden na dumadating.


"Ang tagal naman ng papa mo, Anak, nagugutom na ako." Tinignan ko 'yong wrist watch ko at nakita ko'ng 6:35 pa. Kinuha ko na muna 'yong mamon na nasa bag ko para kainin. Gutom na talaga ako at si baby.


Nakuha ko ng maubos ang mamon ko. At nakuha ko na din bumalik sa loob ng bahay para umimon ng tubig. Pero wala pa ding Brayden na dumadating. Naiinis na ako! Kinuha ko 'yong phone ko sa bag at dinial ang number niya.


"The subscriber is cannot be reach please try again later."


"The subscriber is cannot be reach please try again later."


"The subscriber is cannot be reach please try again later."


Sa sobrang inis ko ay in-off ko 'yong phone ko at tinanggal din ang battery. Bwisit! Paasa siya! Tinext niya pa ako. 'Yon pala hindi niya naman ako susunduin.


"Bahala ka sa buhay mo!" Ibinalik ko na 'yong phone ko sa bag. At naglakad na papuntang kanto.


-


"Uy bes, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Flare. Nandito kami ngayon sa room at hinhintay ang last subject prof. namin.


"Hindi. Si Brayden kasi eh." Nakapangalumbaba ko'ng sabi.


Inilapit ni Flare ang upuan niya sa pwesto ko. Para alam niyo na maki-tsismis.


"Oh napano siya?"


"Kagabi kasi tinext niya ako'ng susunduin niya ako kaninang umaga. Pero naghintay ako hindi naman siya dumating."


"Tsk. Nagpadala ka naman kasi agad 'don sa ginawa niya. Alam mo naman na malabo ng magbago 'yong lalaki na 'yon." Makapag-salita ang Flare na ito parang hindi siya kasama sa mga nagpupush sa akin na pumayag makipag-usap kay Brayden.


"Ay ewan. Bahala siya." Umayos na ako ng pagkaka-upo ng dumating na ang professor namin. Si Flare ay bumalik an sa pwesto niya.


Tapos na ang klase kaya naman uwian na. Kinuha na namain ni Flare ang aming gamit at lumabas na sa room.


"Bye guys." Paalam sa amin ni Cleo, Amber, at Sebastian.


"Bes, hatid na kita." Alok ni Flare.


"Sure." Sagot ko. Maglalakad na sana kami ulit ng makita ko 'yong mga kaibigan ni Brayden na lumabas sa room nila.


"Bes, wait lang ha." Nialpitan ko ang mga kaibigan ni Brayden.


"Caleb, Matthew. Si Brayden?" Tanong ko. Nagtinginan sila at sabay na nag-kibit balikat.


"Kanina pa nga namin siya tinatawagan kaso naka-off 'yong phone niya. Hindi nga din siya pumasok ngayong araw." Sabi ni Matthew.


Nakakapag-taka naman. Tinext niya palang ako kagabi tapos hindi naman pala siya papasok ngayong araw. Baka naman bigla siyang nagkasakit. Hindi namna ako galit sa kanya. Naiinis lang.


"Ah gano'n ba. Sige salamat." Sabi ko at binalikan na si Flare.


Hay, sana naman okay lang si Brayden.


-


"Besss. Umuwi ka na. Inaantok na ako eh." Pagkahatid ni Flare sa akin dito sa bahay ay bigla daw siyang tinamad na umuwi agad. Kaya naman nag-stay muna siya dito sa bahay ko.


"Mamaya na, bes. Tsaka 6pm palang oh. Hindi naman 'yon 'yong oras ng tulog mo." Umayos siya ng pagkaka-upo sa sofa at nilipat ang channel ng TV.


"Eh sa inaantok na ako. Bumalik ka nalang ulit dito sa bahay next time." Niyuyugyog ko na siya para lang mapilit ko siya "Tsaka maawa ka naman sa akin baka tumaas ang bill ng kuryente ko."


Bigla niyang pinatay ang TV tsaka tumayo "Oo na, heto na uuwi na po."


"Hehe. Ingat, bes. Byebye. Muah." Nagbeso kaming dalawa tsaka ko siya hinatid sa may gate.


"Bes, isarado mo ng maayos 'yang mga bintana at pintuan mo sa bahay ha." Paalala ni Flare.


"Yes po nanay. Hahaha."


"Tse! Sige na byebye, bes." Hinintay ko lang na makaalis ang kotse na sinasakyan ni Flare bago ako pumasok sa loob ng bahay.


Bago ako pumanik sa kwarto ko ay dinouble check ko muna kung naka sarado ba ng maayos ang mga bintana at pinto. Nang masarado ko na ng maiigi lahat ay umakyat na ako.


Syempre bago ako matulog nag-pray muna ako. Kailangan magpasalamat kay God sa lahat ng blessings na natatanggap natin.


Pagkatapos ko'ng mag-pray ay nahiga na ako.


"Goodnight baby. Mama loves you."


Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 118K 37
Sandejas First Generation: "I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you." Leona Harriet Abelló and Ejercito...
10.3M 221K 64
(#1) "YOU BITCH! HOW DARE YOU! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?! ARE YOU HAPPY THAT YOU RUINED MY LIFE?! gigil na sigaw niya sa akin at sinampal ako. "D...