I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 30

21.5K 523 9
By realQUEENaccount



Isabelle's POV


Dumating na naman ang araw na kinaaayawan ng lahat. Pero ako natatakot ako ngayon. Ang dami-daming tanong sa utak ko.


Galit pa kaya si Amber sa akin? Okay na kaya si Kyro? Ligtas na ba siya? Magagawa pa ba ako'ng patawarin ni Amber?


Hayy. Sana naman bumalik na ang lahat sa dati. Dahil ayoko na ng ganito, nahihirapan na ako.


*Tok tok tok*


"Pasok po." 


Bumukas ang pinto ang iniluwa nito si Mommy Hailey "Anak, nandiyan na si Flare." 


"Sige po. Bababa na din po ako." Sabi ko at inilagay na ang mga notebooks ko sa bag.


"Sigurado ka ba'ng gusto mo ng pumasok? Pwede naman na i-excuse nalang kita." Tinigil ko ang aking ginagawa at hinarap siya.


Tumango ako "Okay lang po ako. Wag po kayong mag-alala sa akin."


Mommy hailey sighed heavily "Basta tawagan mo ako agad pag nagka-problema ha?" Bakas ko ang pag-aalala sa tono ng kanyang pananalita. 


"Opo." Sabi ko. Nahihiya na ako lalo 'kay Mommy Hailey dahil pinag-aalala ko na naman siya. Pero thankful din naman ako at nandiyan si Mommy Hailey para sa akin. Isa din siya sa mga taong nag-bibigay ng lakas ng loob sa akin na kayanin ko lahat ng problema ko at wag ako basta-basta bibigay. Siguro kung hindi dahil sa kanya/kanila ay matagal ko ng tinapos ang buhay ko.


Akala ko ay lumabas na ng kwarto ko si Mommy Hailey 'yon pala ay hindi pa. Nag-lakad siya pabalik sa akin at hindi malaman kung ano ang sasabihin.


"May problema po ba?"


"Wala naman...Well it's about Brayden." Parang nahihiya niyang sabi. Napa buntong hininga nalang ako.


"Wag na po natin siya pag-usapan...please. Masaya na din po ako kahit na hindi ko siya kasama." Totoo nga ba? Masaya nga ba ako? Well the answer is I don't know. Sobrang naguguluhan pa din ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.


"Tsaka po pala. Kung pwede po sana wag niyo ng banggitin 'kay Brayden ang nangyari sa akin at kung saan po ako nakatira." Nakatingin lang si Mommy Hailey sa akin at parang hindi sang-ayon sa desisyon ko. 


"*sigh* Okay." Niyakap ko siya at niyakap niya din ako pabalik. Lumabas na ng kwarto ko si Mommy Hailey at ako naman ay pinagpatuloy na ang pag-aayos ng gamit ko. 

  

Tapos ko ng ayusin ang mga gamit ko kaya bumaba na ako. Pagkababa ko ay naabutan ko si Flare at Mommy Hailey na nag-uusap. Nilapitan ako ni Flare ng makita niya ako.


"Kulit mo naman, bes. Sabi ko naman kasi na wag ka ng pumasok." Ano ba ang sa tingin nitong kaibigan ko. Pababayaan ko 'yong grades ko? Hindi naman pwede 'yon.


"Ano'ng gusto mo pabayaan ko 'yong oral defense natin ngayon? At pabayaan ko kayong ma ka-grupo ko? At ikaw itong makulit. Sinabi ko na ngang okay na ako." Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit mag-kaibigan kami ni Flare. Parehas kasi kaming makulit. Hehe


"Alam mo tara na. Baka malate pa tayo." Sabi ko at nilagpasan na siya.


Lumabas na din siya at si Mommy Hailey tsaka ko na ni-lock ang pinto. 'Kay Flare ako sasabay at si Mommy Hailey naman ay babalik na sa kumpanya nila.


"Mag-iingat kayo ha." Sabi ni Mommy Hailey.


"Ingat din po kayo. Bye."


"Ingat Tita."


Pumasok na si Mommy Hailey sa loob ng kotse niya. Nang maka-alis na siya ay umalis na din kami ni Flare at nag-tungo na sa school.


-


**Santa Monica Academy**


"Sino hinahanap mo?" Tanong bigla ni Flare "Si Amber ba?"


Tumingin ako sa kanya at marahang tumango.


"Mukhang wala naman ngayon 'yon dito sa school. Eh 'di ba tapos na 'yong oral defense nila. Tapos itong subject na ito lang ang pinapasukan natin ngayon. Kaya malabo na pumunta 'yon dito." Alam ko naman 'yon eh. Pero nag babaka sakali lang naman ako na makikita ko pa din siya sa school. Gusto ko siyang makita sa personal upang humigi ng kapatawaran. Hindi niya kasi sinasagot ang mga texts and calls ko. 


"Wag ka'ng mag-alala, bes. Tutulungan kitang magpa-liwanag 'kay Amber." Flare said and tap my shoulder.


"Hey. Groupmates it's our turn. Grabe I'm super kinakabahan." Sabi ng ka group namin na si Mikaela. Nauna na siyang pumasok sa AVR room at sumunod naman kami ni Flare.


Ayon sa mga panels ay maganda daw ang topic na napili namin for our thesis. Medyo tumabingi nga lang dahil sa last na question sa akin. Hindi ko kasi ito nasagot, bigla kasi ako'ng na blangko at nakaramdam din ako ng pagka-hilo.


"Bes, okay ka lang?" Tanong ni Flare ng maka-labas kami ng AVR. Inalalayan naman ako ni Flare at Mikaela sa may upuan sa labas ng AVR.


"Girl you okay?" Tanong ni Mikaela.


"Oo okay lang ako." Sabi ko. Hawak ko pa ang ulo ko dahil medyo sumasakit pa din ito.


"Here, drink some water." Sabay abot sa akin ni Mikaela ng bottled water. Kinuha ko ito at ininom.


"Thanks." Sabi ko. Ugh! Ang wrong timing naman nitong headache ko >.<


"Sige una na ako ha. Bye. See you around groupmates." Buti pa itong si Mikaela parang walang pinoproblema.Hindi nawawala ang mga ngiti niya sa kanyang labi.


Umalis na si Mikaela at naiwan nalang kaming dalawa ni Flare. Isinandal ko ang ulo ko sa may pader at ipinikit saglit ang aking mga mata. Nang bigla ako'ng makaramdam na nasusuka ako. Mabilis ako'ng tumayo at nag-punta sa malapit na restroom. 


"Bes! Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Teka hihingi ako ng tulong." Nag-papanic na sambit ni Flare. Aalis na sana siya palabas ng restroom ng hawakan ko ang kanyang isang braso gamit ang aking kanang kamay.


"Wag na bes." Sabi ko. Binitawan ko na siya at binanlawan ang bibig ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng palda ko at pinunasan ang aking bibig. Lumabas na kami ng restroom.


"Sigurado ka---" Hindi na natuloy ni Flare ang sasabihin dahil tumunog ang kanyang phone. Kinuha niya ito sa kanyang bag at sinagot ang tawag.


"Yes, tita?"


"Opo."


"Natapos ko na po'ng gawin. Napa primahan ko na din po."


Sinisenyasan ko si Flare na maglalakad-lakad muna ako. Baka sakaling mawala ang aking hilo.


"Wait lang po, tita." Medyo inilayo ni Flare ang phone at tumingin sa akin "Saan ka pupunta?"


"Diyan lang. Lalanghap lang ng sariwang hangin. Tawagan mo nalang ako pag-uuwi na tayo." Sabi ko at kinuha sa kanya ang bag ko. Mukhang importante din kasi ang pinag-uusapan nila ng tita niya.


"Sasamahan na kita."


"Wag na. Wag ka'ng mag-alala ligtas ako'ng magpa-pakita sa'yo haha." Hindi ko na siya hinintay sumagot at nag-lakad na ako paalis.


Konti lang ang mg estudyante ngayon sa school. Sa totoo lang ay wala naman talagang pasok ngayong araw dahil may importanteng agenda ang mga teachers. Ang kaso mayroon talagang mga teacher na masyadong masipag pumasok.


Mukhang effective naman ang ginawa ko'ng maglakad-lakad muna dahil nawawala na ang sakit ng ulo. Naisipan ko naman na pumunta ng graden. Mas fresh kasi ang hangin 'don.


"Ay sorry." Sabi ko sabay labas ng garden. Pag-pasok ko kasi sa loob ay may nakita ako'ng dalawang lalaki na naka-higa sa damuhan. 


"Ysa?" My heart started to beat fast when I heard that very familiar voice.


Jeez! 'Di 'to pwede. Hoy puso! Manahimik ka diyan ah.


Binilisan ko nalang ang pag-lalakad pero naabutan niya pa din ako.


"Ysa, wa--"


"Ahhh!" Daing ko ng hawakan niya ang kaliwa ko'ng braso. Medyo may pilay pa kasi ito pero inalis ko na ang arm brace na nakalagay. Feeling ko kasi hindi ako maka-kilos ng maayos.


"What's wrong? Are you okay?" Alala niyang tanong.


Tinignan ko lang siya saglit bago ako nag-lakad ulit.


"Bakit ba ayaw mo'ng makipag-usap sa akin ha?"


"Leave me alone."


"Hindi kita lulubayan hanggat hindi mo sinasabi kung bakit ayaw mo'ng makipag-usap sa akin." Ugh! Hindi ko alam kung bobo ba siya o nag bobo-bobohan lang. 


"Can't you see or feel it huh? I still love you, Ysa." Wow ha. Still? Ni hindi niya nga ako minahal. Ang masaklap ginawa niya pa ako'ng panakip butas. Tapos ngayon sasabihin niya na 'I still love you, Ysa' Sarap upakan ah.


Blah!Blah!Blah! Wala ako'ng naririnig.


"Hindi mo ba ako narinig ha? Sige uulitin ko. Mahal pa din kita, Ysa. Mahal na mahal." Mabuti nalang at walang tao kung nasaan man kami ngayon. Dahil kung hindi marami ng nakarinig at baka grabe na ang abutin ko next time.


Sa sobrang inis ko ay tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya "Pwede ba tigilan mo na 'yang mga kasinungalingan mo. Dahil nadala na ako at hinding-hindi na ako magpapaniwala pa sa lahat ng mga kasinungalingan mo! So stop following me and L-E-A-V-E-M-E-A-L-O-N-E-! Grrr!" Padabog ko pa siyang inirapan. Grabe nakaka taas talaga ng blood pressure ang Brayden na iyon!


At kahit na nakalayo na ako sa kanya ay narinig ko pa din ang kanyang sinabi. At hindi ko napigilan aking sarili na hindi mapangitisa aking mga narinig.


"Sorry ka nalang dahil hindi kita lulubayan! Mag-hintay ka lang, dahil gagawin ko ang lahat para mabawi ka. Kahit na makulitan ka pa o magalit sa akin hindi pa din ako titigil. Kasi ganyan kita kamahal. Narinig mo 'yon ha?! Mahal kita Mrs. Isabelle Villanueva-Anderson! Mahal na mahal na mahal na mahal kita!"


------

Here's the medyo mahaba-habang update. Pang bawi lang hehe.

Enjoy.



Continue Reading

You'll Also Like

126M 4.3M 144
**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they...
19.2M 582K 53
She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reape...
14.5M 776K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...
2M 71.1K 56
Ano ang gagawin mo kung humingi sa 'yo ng favor ang bestfriend mo na magpapanggap ka bilang Girlfriend ng Boyfriend niya? Papayag ka ba? Kilalanin na...