I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 8

31.9K 893 14
By realQUEENaccount


(Park shin hye as Flare)


Flare's POV 

 

Ugh! Kainis! It's been 5 days since I saw that scene. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nakita ko.


"Bes!" Nabalik ako sa realidad ng sumigaw sa taenga ko Sabel.


"Ano? Kailangan talaga pag-sisigaw sa mismong taenga ko pa?"


"Eh, hindi ka kasi nakikinig." Paano ako makikinig kung naalala ko ng naalala ang nakita ko? Kainis dapat ako yung kasama niya at dapat ako niyayakap niya hindi kung sino-sino'ng babae. Ugh!

"Ayan hindi ka na naman nakikinig. Problema mo ha?" Hinila ni Sabel ang isang upuan at lumapit sa akin. Doon ko lang napansin na kami'ng dalawa nalang sa room. Nag-uwian na pala.


"Wala." Sabi ko at nag-iwas ng tingin.


"Don't me. Bakit anyare na naman sa love life mo? Bokya na naman ba ha?" Nakita ko'ng nag-pipigil ng tawa si Sabel "Sus, hindi ka pa nasanay. Lagi naman na bobokya 'yang love life mo" Sambit niya at doon niya na inilabas ang kanyang malakas na tawa.


Palibhasa kasi ang babae'ng 'to may love life, kaya ang lakas mang-inis. Kahit naman pala may love life siya ay hindi naman halata.


Tawa lang ng tawa si Sabel, kaya naman tumayo na ako at lumabas ng room. Baka lalo lang ako'ng masiraan ng bait sa kanya. At hindi pwede'ng mangyari 'yon.


Napapabuntong hininga nalang ako, habang nag-lalakad. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at may pinag-masdan na picture. Ayan yung galit ko nawala bigla, kaya minsan ayaw ko'ng pag- masdan ang picture ng taong mahal ko, kasi kahit na galit na galit na ako sa kanya ay bigla-bigla nalang itong nawawala pag nakikita ko ang kanyang itsura sa personal o kahit sa picture.

"Hoy! Uyy, sino 'yan?" Mabuti nalang ay agad ko'ng naitago ang aking cellphone. Kung hindi ay baka nakita na ito ni Sabel. May lahi talaga'ng kabute ang isang 'to "Patingin naman. Ikaw bes ha. Nag-so-solo ka. Gwapo ba? Mabait? Yummy ba ang mga abs?" Sunod-sunod niya'ng tanong.


"Oo ang sagot sa lahat ng tanong mo, bes."


"Talaga? Patingin naman no'ng picture."


"Soon, bes." Sabi ko at nginitian siya. Nag-lakad na ako ulit, dahil alam ko'ng kukulitin pa rin ako ni Sabel na makita ang tinitignan ko. Sa ngayon ay hindi ko pa pwede'ng ipaalam sa kanya kung sino ba 'yun. Baka mabuking pa ako agad.


-


Isabelle's POV



Nakaka-intriga naman kung sino ang ma-swerteng lalaki na naka pag-pagising ulit sa puso ng bestfriend ko. Sana nga lang ay hindi siya katulad ng ibang lalaki na na-ku-kwento sa akin ni Flare. 


"Isabelle, thank you at sinamahan mo kami ng kapatid ko ngayo'ng araw ha" Sabi ni Dylan.


Mag-kasama kami ngayong araw, dahil tinext ako nito kung pwede ko ba silang samahan ng kapatid niya dito sa amusement park. Busy daw kasi ang mga magulang nila. Pumayag naman ako tutal tapos na ang klase ko at ang tagal na din simula ng nag-punta ako sa amusement park. 


Hindi niya daw kasi kaya'ng bantayan mag-isa ang kanyang kapatid pag nag-pupunta sila ng amusement, masyado daw itong na-e-excite sa tuwing nakikita ng kapatid niya ang mga rides and toys. Minsan na nga din daw nawala ang kanyang kapatid dito sa amusement. Nalingat lang daw siya saglit at pag-tingin niya ay ibang bata na ang kasama niya. Kaya ayun ayaw na ayaw niya na daw pumunta sa amusement ng silang dalawa lang.


"Wala 'yon. Wala rin naman ako'ng ginagawa sa bahay." Friends na kami ngayon ni Dylan. Mabuti na nga lang at hindi na ito nag-tanong tungkol sa nangyari noong nasa playground kami sa village. At si Brayden? Ayun bipolar pa din. Pero minsan nga naiisip ko na pinag-seselosan niya si Dylan. 


Bigla-bigla kasi siyang nagagalit pag nakikita niyang mag-kasama kami ni Dylan.


*FLASHBACK*

"Saan ka galing?" Tanong ni Brayden sa akin pag-kauwi ko ng bahay.

"Sa park. Nakipag kita ako 'kay Dylan" Sabi ko. Ayoko naman mag-sinungaling, dahil wala naman ibang meaning ang pag-kikita namin. Meron kasi itong libro na kailangan ko para sa isang subject namin, kaya minsan ay nakiki-pag kita ako para hiramin sa kanya ang libro. Mahirap kasi'ng hanapin ang libro na kailangan ko kaya nanghiram nalang ako. Mabuti nalang talaga at meron si Dylan.

"What?! At bakit ba napapa-dalas ang pag-kikita niyong Dylan na 'yan ha?" Pasigaw na sambit nito.

"Eh, kasi nga po nanghihiram ako ng libro sa kanya, para 'dun sa isang subject namin. Hindi ko naman pwedeng hiramin ng matagal, dahil ginagamit niya din yung book." Paliwanag ko.

"Bakit hindi ka bumili? At kailangan talaga makiki-pag-kita ka pa? O baka naman nag-dadahilan ka lang para makita mo ang lalaking 'yon!" Ang sakit-sakit na nga nga ulo ko, tapos itong si Brayden dadag-dag pa.


Napa-buntong hininga ako at kinuha ang libro sa bag ko, para maniwala ito'ng totoo ang sinasabi ko.


"Et--Asan na 'yon?" Sabi ko ng pag-labas ko ng libro ay wala na siya sa harap ko.


Tignan mo 'to. Hindi maniniwala, tapos pag ipapakita ko naman sa kanya ang ebidensya bigla-bigla'ng aalis. Ang bipolar talaga. Ugh!


*END OF FLASHBACK*

"Kuya, Ate. 'Dun tayo sa carousel" Sabi ni Kyro. Ang cute-cute niya talaga. Hinawakan nito ang mag-kabilang kamay namin ni Dylan tsaka hinila papunta sa carousel.


Bumili na si Dylan ng ticket for two. Kaya naman pumila na kami.


"Ikaw na ang sumama 'kay, Kyro." Sabi ni Dylan.


"Huh? Ikaw nga dapat eh. Para ma-picturan ko kayo."


"Ako nalang. Hindi kasi ako sanay sumakay ng carousel." Tumango ako bilang pag-sang-ayon. Pinapasok na kami ni Kyro kaya humanap na kami ng pwedeng sakyan. Si Kyro ay sa kabayo at ako naman sa elephant na katabi lang ng kanya.


Nakaka-miss ulit maging bata. Naalala ko pa na 7th birthday ko noong una kami nag-punta ng parents ko sa amusement park. Sobrang saya ko 'non habang naka-sakay kaming tatlo sa carousel.

Bakas sa mukha ni Kyro ang sobrang saya, kaya naman hindi ko maiwasan hindi mapangiti. Si Dylan ay ayun naging photographer namin. Maraming pa kaming rides na sinakyan, pero yung mga pambata lang na pwede 'kay Kyro. Sumakay din kami ng ferris wheel at nag-punta sa mini horror house, noong una ay ang lakas ng loob ko, dahil pang-bata lang naman 'yung mini horror house. Pero ng pumasok na kami sa loob ay todo ang sigaw ko. Nakakahiya nga, dahil dinaig pa ako ng mga bata. Sila nag-eenjoy habang ako sigaw ng sigaw T.T


"Hahaha. Si ate Isabelle takot hahaha." Nako pasalamat 'tong si Kyro at cute siya at pasalamat din siya at bata siya. Tama ba'ng tawanan pa ako? Kasalan ko ba kung matakot ako?


"You're really funny, Isabelle. Imbis na matakot ang mga bata ay bigla nalang sila mapapatawa hahahaha." Hay nako. Mag-kuya nga talaga ang dalawang 'to.


"At least napasaya ko kayo." Sabi ko.


Bago kami umuwi ay nag-laro muna kami ng kung ano-ano. Like basketball, ring a bottle, fishy-fishy, shooting galleries and many more. Sobrang nakaka-enjoy talaga ang araw na ito, kahit medyo nakaka-pagod. Si Kyro kasi ay nakipag-habulan pa, nakuha na namin mapagod ni Dylan, pero siya ay ang hyper pa din.



-


Hinatid na ako ni Dylan pa-uwi, dahil medyo oras na at baka mapano pa daw ako. Si Kyro na ang hyper kanina ay tulog na. Sa back seat siya naka higa, pero may harang naman para hindi siya mahulog.


"Thank you, Dylan ah." Sabi ko ng makarating na kami ng bahay.


"Ako ang dapat mag-thank you. Dahil pumayag ka'ng samahan mo kami. So, thank you."


"Ok lang. Nag-enjoy din naman ako. Ingat kayo ha. Bye kuya Dylan." Sabi ko at tumawa ng malakas. Ayaw kasi nito na tawagin ko siyang kuya. Ang awkward daw.


"Ikaw talaga. Sige na pumasok ka na, dahil baka kanina pa nag-aalala ang mga kasama mo diyan sa bahay." Tinanggal ko na ang aking seatbelt at bumaba. Kumaway pa ako 'kay Dylan ng makababa na ako. Hinintay ko muna maka-alis ang kotse niya bago ako pumasok sa loob.

Bubuksan ko palang ang pinto ng bahay ng bigla itong bumukas at iniluwa si Brayden.

"Saan ka galing? Sino yung nag-hatid sayo? Hindi ka ba marunong tumingin ng oras ha?" Bungad niya sa akin "Oh baka naman gusto mo pa'ng bigyan kita ng isang katutak na relo para malaman mo ang oras." 

Eto na naman siya. Magagalit na naman at aawayin ako. Nakakasawa na ah.


"Nag-pa-alam naman ako 'kay Mommy Hailey" Sabi ko at pumasok sa loob.


Inaantok na ako.


"Porke ba nag-paalam ka, dapat oras ka na uuwi ha? Bakit si Dylan na naman ba ang kasama mo?" Ugh!Tatay ko ba siya? At bakit niya ba ako pina-pakialaman? Dati hindi niya naman ako pina-pakialam pag oras ako'ng umuuwi, saan ako galing at sino ang kasama ko. Mas gusto ko pang wala siyang pakialam sa akin, dahil hindi naman kami masyado'ng nag-aaway. Pero ngayon, halos araw-araw na kami kung mag-away at sagutan.


Pumanik nalang ako at hindi siya sinagot. Wala ako'ng gana na maki-pagtalo sa kanya.


"Bakit kayo na ba ng Dylan na 'yun? O nanliligaw na siya sayo? Siya ba kasama mo ha!?"


Hindi ko na napigilan ang inis ko kaya huminto ako sa kalagitnaan ng hagdan ang hinarap siya.


"Oo, Kasama ko si Dylan! Nag-punta kami ng amusement park! Ang saya ko nga ngayon, eh. Pero ng dahil sayo nawala 'yun. Oh, masaya ka na ha!?" 


Umakyat na ako papunta sa aking kwarto at sa sobrang inis ko ay pa-bagsak ko'ng isinara ang pinto.


*****

Hope you like it.

Enjoy reading guys.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 127 16
"I knew you were trouble when you walked in, but I still loved you more than you ever will" Normal na araw lang dapat ang lahat but then I encountere...
48.4K 1.1K 40
Desperation lead him to create a nasty thing. Angelo Pimenova who was deeply madly in love to Shieneva Monasterio. Mahal niya ito at hindi niya hahay...
276K 2.2K 101
"She know she can. She believed, she reached her dream." (TAGALOG - ENGLISH) Highest Rank: #1 in Poetry #2 in Poems
46.9K 3.1K 40
MAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena B...