I'm secretly married to a Cas...

By realQUEENaccount

1.8M 43.1K 1K

The more you hate, the more you love ika nga nila. Pero mangyari kaya ito 'kay Isabelle at Brayden? Book co... More

The Author ^__^
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Thank You :)
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 3

34.6K 924 15
By realQUEENaccount


Isabelle's POV


Pag-katapos ng klase ay agad na ako'ng umuwi. Malapit na kasi ang midterm kaya kailangan ko ng mag-review. I'm running for summa cum laude at hindi ako pwedeng bumagsak.


Nakakahiya naman 'kay Mommy Hailey, kung pinag-aaral niya ako tapos hindi ko pa aayusin.


Dumaretso muna ako ng kusina. Nakakagutom kasi, eh.


Muntikan na ako'ng atakihin sa puso ng biglang lumabas ng kusina si Brayden. Mukhang kadarating lang din niya, dahil hindi pa ito nag-papalit ng damit.


Papasok na sana ako ng kusina ng hawakan nito ang braso ko.


"Akala mo ba, hindi ko malalaman na ikaw ang nag-buhos ng tubig sa akin noong isang araw, ha!" Nagulat ako sa sinabi ni Brayden. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makapag-salita.


Paano niya nalaman? Eto na ba ang katapusan ko? Kainis naman, oh.


"Ano'ng karapatan mo para buhasan ako ng tubig ha?!" Nabalik ako sa aking sarili ng sumigaw ulit si Brayden.


"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Pag-mamaang-maangan ko. Gustuhin ko man sabihin ang totoo, kaso baka mapatay ako niya ako ng wala sa oras. Hinila ko ang aking braso at pa-atras na naglakad.


Peste naman yung nag-sabi 'kay Brayden. Hindi ko na nga naalala 'yun, eh. Malaman ko lang talaga kung sino ang nagsabi sa kanya. Ipapalamon ko ng buhay sa pating.


"Ano'ng hindi alam?! Wag ka na nga'ng mag-maang-maangan pa!" Ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin sa akin. Habang patuloy ako sa pag-atras at patuloy din ito sa pag-sunod sa akin.


Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Lalo na ang hirap mag-isip, dahil sa mga tingin ni Brayden tapos ang lapit pa niya sa akin.


"H-hindi k-ko nga.... Ahhhh." Hindi ko napansin na malapit na pala ako'ng malaglag. Medyo mataas kasi ang tiles sa dining area.


Agad ko'ng hinawakan ang mga braso ni Brayden. Nagulat naman ito at sinubukan ako'ng hawakan, pero huli na parehas na kaming na-out of balance.


Wahhh! Mamamatay na ba ako? Kasi ang babagsakan ko semento, tapos madadaganan pa ako ng taong mas malaki pa sa akin. Huhu Ang grabe naman ng ikamamatay ko T.T


"Ay jusko! Ano ba ang ginagawa niyo'ng mga bata kayo?!" Teka patay na rin ba si Mommy Hailey? Bakit naririnig ko ang boses niya?


Ramdam ko naman na wala'ng masakit sa akin, kaya unti-unti ko'ng iminulat ang aking mga mata. Laking gulat ko ng makita ko'ng sobrang lapit ng mukha namin ni Brayden sa isa't-isa, nakapikit pa ang mga mata niya. Nakapa-ibabaw ako sa kanya and worst ang mga labi namin ay mag-kadikit.


Unti-unti rin iminulat ni Brayden ang kanyang mga mata. At katulad ko, gulat din ang bumakas sa kanyang mukha. Mabilis ko'ng inilayo ang sarili ko sa kanya.


Thank God I'm alive.


Tumayo na rin siya at "Yuck! Yuck! Yuck! Pwe!" Punas siya ng punas ng kanyang labi na animo'y kadiri-diri ang nangyari.


"Grabe ha. Maka-yuck ka parang may virus ako. Arte mo." Nag-inarte pa siya. Eh siya na nga 'tong nakakuha ng first kiss ko.


"Mga kabataan talaga, walang pinipiling lugar. Mga anak, alam ko naman excited na rin kayo mag-karoon ng sariling pamilya. Pero humanap naman kayo ng private place kung mag-se...."


"Mom!/Mommy!" Brayden/Me. Hindi na namin pinatapos ni Brayden si Mommy Hailey. Sobrang mali naman kasi ng iniisip niya at hindi naman namin gagawin 'yon.


"What? I'm just giving you some advice." Mommy Hailey said.


"It's not what you think, Mom." Sambit ni Brayden at biglang nag-walk out.


Kiss by accident? Jeez.


Hindi ko gusto'ng ganito mawala ang first kiss ko T.T


-


Mommy Hailey came home today, because she needs to meet her business partners here in the philippines. At umuwi din daw siya dahil malapit na ang kaarawan ko.


Kakatapos lang namin mag-dinner. Sobrang dami din ikinuwento ni Mommy Hailey. Kulang pa ata ang dalawang araw bago matapos ang mga kwento niya. Nabanggit niya din si Mamita at lolo. Kahit matanda na daw ang mga ito ay sobrang lakas pa din. Para daw pa'ng teenager ang mga buto. Namiss ko na tuloy sila. Last ko silang nakita ay noon pa'ng 17th birthday ko. Sa skype nalang kami nag-kaka-usap.


Nandito ako sa kwarto ko. Dapat ay nag-rereview ako, ngunit hindi pumapasok sa utak ko ang aking mga binabasa. Naaalala ko ng naaalala ang nangyari kanina.


"Kainis!kainis!kainis!" Sigaw ko at nag-tatatalon sa aking higaan.


Pumunta nalang ako sa aking radyo at nag-patugtog ng malakas. Pag nakikinig kasi ako sa music ay nawawala ang stress ko.


"Wow fantastic baby, Dance i wanna dan dan dan dan dance fantastic baby, Dance i wanna dan dan dan dan dance wow fantastic baby" Sabay ko sa kanta at sinabayan ko din ito ng sayaw.


*Tok! tok! tok!*


Grabe ang sayang sumayaw. Kahit hindi ako marunong. Ipupush ko ito, ako lang naman ang nakakita sa sarili ko. Wala kasi ako'ng talent sa pag-sayaw, eh. Naaalala ko pa, dati nakita ni Brayden na sumasayaw ako. Tapos sabi niya isa daw ako'ng kawayan na sumasayaw. Hay naku. Kasalanan ko ba kung hindi ako nabiyayaan ng talento sa pag-sayaw?


*Tok! tok! tok!*


Istorbo naman 'tong kumakatok. Bumaba ako sa aking kama at binuksan ang pinto.


"Can you please lower your music! Ang ingay-ingay mo! Baka nakakalimutan mo'ng nagpapahinga si Mommy?" Kahit kailan talaga kontrabida ang lalaki'ng 'to sa buhay ko.


"Hindi ko naman nakakalimutan. Ikaw ba nakakalimutan mo? Tsaka bakit sound proof naman yung room ni Mommy Hailey, ah. kaya hindi niya maririnig yung pag-papatugtog ko ng malakas." Apat ang kwarto dito sa mansyon. Ang isa ay guest room. Ang kwarto naman namin nila Brayden at Mommy Hailey magkakatabi lang.  Tapos yun kwarto ko ay nakapagitna sa kwarto ng mag-ina.


"Pwes, ako rinig na rinig ko sa kwarto ko 'yang music mo!" Sasabihin na ang lakas ng music ko, pero yung boses niya mas malakas pa.


"Bakit, ikaw ba nung nanonood ka ng bold tapos ang lakas pa ng volume pinakialam kita? Hindi di ba? kaya mind your own business"
I want to laugh, but not now. Halatang gulat na gulat si Brayden sa sinabi ko. 

Hindi naman totoo yung sinabi ko. Sadyang gusto ko lang inisin itong si Brayden. Ang sarap niya kasing asarin, eh. Whahahaha.


"What are you talking about?! Since when I watched bold huh?"


"Denial king. Tss" Sige lang, mainis ka lang. 


"Alam mo pasakit ka talaga sa buhay ko, eh. Wala ka'ng magawang matino!" Ako pa ngayon itong walang magawang matino? Eh siya nga 'tong wala ng ginawa kundi ang sungitan at sigawan ako.


"Well the feeling is mutual! Tse!" Sambit ko at pabagsak na isinarado ang pinto ng kwarto ko.


Araw-araw nalang sumasakit ang lalamunan ko. Mag-kaharap lang kami ni Brayden, pero kung mag-usap kami parang ang layo ng agwat namin sa isa't-isa. Puro sigawan.



Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1.9M 36.3K 45
First Sequel of HSAC. This is the story of Nichole, the only princess of the Cullen Family. ^^ An almost perfect girl who met a cold and heartless h...
192K 3.1K 34
si ZOEY ay isay normal na babae, katatapos pa niya nag graduate ng highschool. Ngayon,pumapasok na siya ng isang malaki na skwelahan. Sa midge univer...
724K 12K 36
[UNDER MAJOR EDITING] 'Prince Charming' Siya ang matagal ko ng inaantay. Nabulag siguro ako ng mga Walt Disney Movies na napapanood ko, kung saan la...