The Unkind Fate | ✔

By Lady_Mrg

9.7K 300 19

They say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teach... More

DISCLAIMER
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
85

84

33 0 0
By Lady_Mrg

"Papa..." Agad na tumayo mula sa pagkakahiga si Andy at nagmamadaling lumapit kay Faye.


"Bakit anak? may masakit ba sa'yo?" Tanong ni Andy pero umiling si Faye. "Nagugutom ka?" Tumango si Faye.


Nandito ako sa kwarto at hindi ako makalapit kay Faye dahil kapag nakita nyang malapit ako sa kanya ay iiyak at sisigaw sya, ayoko namang ipilit ang sarili ko lalo na hindi nya ako naaalala. Lahat ng kailangan ni Faye ay si Andy ang gumagawa dahil sya lang ang tanging naaalala ng anak ko.


Kitang kita ko ang pagod at hirap ni Andy maalagaan lang ang anak ko samantalang ako ay walang magawa.


"Papa, who is she?" Tanong ni Faye. Pangatlong araw na siyang paulit-ulit na tinatanong kung sino ako pero nakakalimutan rin nya maya-maya.


"She's your Mom. Hindi ka dapat natatakot sa kanya anak dahil sya ang Mama mo." May kinuha si Andy at ipinakita ang album na puro pictures namin. "Nakikita mo 'tong baby sa picture? Ikaw 'to at ito ang Mama mo. Sya ang nag-alaga sa'yo mula baby ka hanggang ngayon kaya hindi ka dapat matakot. Ito naman ay ako, ang pogi mong papa." Natawa si Faye at patuloy na nakinig kay Andy, maging ako nga ay natatawa sa pagkukwento nya. "Ito ang Ninong Chandler mo, si Chanchan kung tawagin mo."


"I know him...." Sagot ni Faye at pasimple kaming nagkatinginan ni Andy at pareho kaming napangiti. "I want to see Chanchan.."


"Papapuntahin ko sya mamaya." Ako ang sumagot kaya napatingin sa akin si Faye.


"I can't remember you, Mama..." Inosenteng sabi ni Faye. Hindi ko namalayang may butil nang luha ang pumatak sa mata ko nang marinig kong tawagin nya akong mama.


"It's okay anak, huwag mong pilitin... Maaalala mo rin ako." Ngumiti ako at nang ngumiti rin siya sa akin ay bumuhos na ang mga luha ko. "C-can I at least hug my daughter?"


"Yeah... I won't shout again..." Sapat na iyon para dali-dali akong lumapit at niyakap ng mahigpit ang anak ko. Sabik na sabik na akong makilala nya ako pero kailangan kong maghintay sa araw na iyon.


"Salamat anak, salamat." Paulit-ulit kong bulong. Nakiyakap na rin si Andy sa amin at naghiwalay-hiwalay lang kami nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Francis kasama si Jianna.


Hindi ako kumibo nang makita ko si Jianna dahil baka mapaiyak ko ang bata kapag nagsalita ako. Itinuon ko na lang ang pansin ko kay Faye at nakita kong nakatitig sya kay Jianna, maya-maya ay bigla syang sumigaw at umiyak ng umiyak. Hinagis nya lahat ng manika na nasa higaan nya at isinisigaw na paalisin ang batang kasama ni Francis.


"Parang awa mo na, ilayo mo ang anak mo sa anak ko. Francis, alang-alang kay Faye huwag mo nang dadalhin si Jianna." Natatarantang sabi ko at pinagtutulakan sila paalis habang si Andy ay abala sa pagpapakalma kay Faye.


"Shhh, anak tahan na." Bulong ni Andy at niyakap si Faye.


"She's a monster!! She said my Mama should die because her Mom is jealous, Papa. I hate her!" Pareho kaming nagulat nang diretsong magsalita si Faye na tila ba naaalala niya ang isang bagay kapag may nag-trigger dito.


"Tahan na anak, tahan na. Wala nang monster. Nandito kami ng Papa mo..." Bulong ko at niyakap ko rin siya. Ilang sandali lamang at kumalma na si Faye kaya dinampot na ni Andy ang mga hinagis na laruan kanina.


Madaling maalala ni Faye ang isang bagay kapag ipinakita sa kanya ang isang bagay na konektado sa kanilang dalawa nang taong gusto nyang maalala.


Kalmado na si Faye at bumalik na naman siya sa pagiging tulala. May parte sa akin na naiinis ako kay Francis pero may parte rin na naaawa ako dahil hindi niya alam kung sino ang lulugaran niya kanina, kung si Faye ba na sumisigaw o si Jianna na natatakot.


Kinabukasan nang umaga, alas kuwatro pa lamang ay hindi ko na iniwan ang banyo dahil sa tuwing kikilos ako ay parang may kung anong humahalukay sa sikmura ko. Wala na nga akong maisuka pero pilit pa rin akong nasusuka.


Hindi ko na ginising si Andy dahil alam kong pagod rin sya sa maghapong pag-aalaga nya kay Faye.


"Ayoko na..." Paghikbi ko. Hirap na hirap na ako at hilong-hilo. Parang ayoko nang lumabas ng banyo.


"Mahal? Nasa loob ka ba?" Kumakatok si Andy. Siguro ay nagising siya dahil sa ingay ko. "Ayos ka lang ba?" Binuksan ko ang pintuan at bumalik kaagad ako sa may lababo nang maramdaman kong susuka na naman ako.


"Ayoko na..." Pag-iyak ko. Umiyak ako ng umiyak at wala namang magawa si Andy kung hindi ang moral support. "Kung pwede lang na ikaw na lang ang maglihi, sana nga ikaw na lang!" Hinampas ko siya at napangiwi pa sya sa mga sinabi ko.


"Kung ako ang maglilihi, hindi ko gugustuhing mabuntis kung ganon." Pabalang na sagot niya.


Nang kumalma ang tiyan ko, pabagsak akong sumalampak sa sahig at malalalim ang paghinga. Binuhat na lang ako ni Andy pabalik sa folding bed na higaan ko at binigyan ako ng maiinom na tubig.


"May gusto ka bang kainin?" Tanong na lang ni Andy. Mag-aalisingko na ng umaga at oras na ng pagkakape ni Andy, ganitong oras sya madalas gumigising at umiinom ng kape.


"Wala, ayokong kumain." Sagot ko. Baka sa oras na kumain ako ay bumalik na naman ako sa banyo at ilabas lahat ng laman ng bituka ko kaya 'wag na lang.


"Pero bawal kang nalilipasan ng gutom eh, kahit kaunti lang kumain ka." Inabot niya sa akin ang biscuit at kinuha ko naman. Siguro naman ay pwede na 'to.


Habang kumakain ako, hinahaplos ko naman ang tiyan ko. Nakalimutan ko na na ganito nga pala kahirap ang pagbubuntis, mula sa paglilihi hanggang sa pagle-labor. Pagkapanganak ay puyat, pagod, at sakit ng katawan.


Nako, tatamaan talaga sa'kin si Andy kapag dumagdag sya sa sakit ng ulo ko!







After spending almost two months in the hospital, finally at nakapag-discharge na kami. Nakauwi na muli sa tunay nyang tahanan ang anak ko at mas masigla na siya kasya noon. Marami nang improvements at kailangan na lang niyang maging physically, mentally and emotionally healed. Kailangang maghilom lahat ng sugat niya bago sya pwedeng hayaan na bumalik sa paaralan.


Akala ko ay hindi ko na muling makikita na makulay ang bahay namin. Akala ko hindi ko na makikitang may makulit na bata ang maglalaro sa bawat sulok ng bahay at heto kami ngayon, pinapanood si Faye na buksan ang mga regalong natanggap niya noong birthday nya. Ngayon lang sya nagkaroon ng pagkakataon na buksan ang mga ito.


At makalipas lang ang apat na buwan ay mas naging active si Faye sa mga bagay-bagay. Palagi syang nakikipaghabulan sa Papa nya pero mabilis din syang mapagod kaya nga hanggang mapipilit namin syang huwag munang maglaro ng mga physical games ay ginagawa ko para hindi mabigla ang katawan nya.


"Mama look! It's a new doll! Pink-haired ariel doll!" Tuwang-tuwang sabi niya at isinayaw pa ang manika na hanggang tuhod niya ang laki. Kinarga niya ang manika at lumapit sa akin.


Naka-upo ako sa single sofa dahil pareho kaming mabilis mapagod ngayon. Umupo siya sa paanan ko at kinausap ako tiyan ko.


"Baby Dianne papahiramin kita ng toys ko basta 'wag mong sisirain ah. But this pink-haired ariel, I will give this to you as a welcome gift." Hinalikan pa niya ang tiyan ko. Napatawa pa ako ng bahahya dahil nakakakiliti ang ginagawa niyang paghimas-himas sa tiyan ko. "Mama, when will she come out?"


"Five months more anak. Matagal pa kaya pwede mo pang dagdagan ang ibibigay mong toys sa baby sister mo." Marahan kong pinisil ang pisngi niya.


"Yeah, I will give all my toys naman sa po sa kanya eh. When I grow up I will not play anymore kaya kay baby Dianne na lang po."


"Mahal na prinsesa nandito na ang gwapong hari. May pasalubong ako!" Pareho kaming napatingin sa pintuan at nandito na ang Papa nya.


"Donuts! Yay!" Nagtatakbo si Faye at kinuha ang pasalubong ni Andy, nakalimutan na ngang humalik sa Papa nya kaya itong boyfriend ko ay nakasimangot na lumapit sa'kin.


"Pinagpalit nya ako sa donut, mahal." Pinagtawanan ko na lang sya habang tinatanggal ko ang necktie at ang pagkakabutones ng polo nya. "Anak, paglabas mo dyan alam kong hindi mo ako ipagpapalit sa kahit akong pagkain." Hawak niya ang tiyan ko.


"Teka nga, nasaan ang pinabili kong cheese cake?!" Tanong ko dahil hindi ko nakita ang kanina ko pa inaabangan dumating.


"Naku... nakalimutan ko!"


"Nakakainis ka naman eh! 'Yun na nga lang ang pinapabili ko dahil nagke-crave ako sa cheese cake!" Sumimangot ako at bumalik sa pagkakaupo sa single sofa. Pabiro naman siyang tumawa at kinuha ang cake na pinabili ko.


"Ayokong pumangit ang baby natin kaya binili ko na lahat ng posibleng magustuhan mo. Ganun ko kayo kamahal!"



•°•

Lady_Mrg

Continue Reading

You'll Also Like

206K 10K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
20.6K 376 160
Recommended Stories in Wattpad Part 1: Discover a captivating collection of stories in "Recommended Stories in Wattpad," a curated selection of the m...
157K 937 30
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
10K 271 20
Keisha Fauz Alferiz. A girl who's living her life normal despite of everything that's happening to her family. She doesn't have a mother or father to...