Chapter 120: Change
Nagmumukha kaming preso sa loob ng Palace. Tama nga si Mama... nafefeel ko na ang nararamdaman niya noon. Alam ko na ang nararamdaman niya noon. Ayoko ng ganito. Mukha akong nasa kulungan.
Kinuha ko ang cellphone ko para magpalipas ng oras.
May kumatok mula sa labas ng kwarto, tumayo ako para buksan ang pinto. Bumungad doon ang isang maid.
"Queen Serica wants to talk to you, Princess Michelle."
Tumango ako. "I'll go now."
Ngumiti siya at yumuko bago ako iwan.
Sinara ko ang pinto ng kwarto ko. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. Baka isipin ni Abuela na nag-eemote na naman ako ng kung ano-ano. Hindi ko na 'yon ginagawa! Nanonood na nga lang ako ng kung ano-ano dito sa kwarto ko.
Nanonood ako ng Disney movies at in-IG story ko ang ginagawa ko. And to my concern... nakita kong viniew ni Phoenix ang story ko. In-unfollow na niya ako, 'di ba?
Tapos na-viview niya pa rin ang stories ko? Stalker pa nga. Stalker ka, Velasquez.
Nag-story muna ako ng sarili ko. Iyong picture ko habang nasa balcony. Naka-upo ako at may hawak na wine. 'I miss Philippines' ang caption ko. Palabas na ako sa kwarto ko nang makita ang reply ni Lian.
julianmorell: *Phoenix. I miss Phoenix dapat 'yan.
Napailing ako at nagreply.
darlene.michelle: yeah. miss ko na siya.
Gago, nagreply naman agad siya.
julianmorell: isesend ko 'to!
Nanlaki ang mata ko kaya agad kong dinelete ang message ko pero ang gago na-screenshot agad. Sinend niya sa akin ang screenshot at tawa-tawa pa ang hayop.
Nag-pop up ang pangalan ng GC namin. Sinend nga ng gagong si Lian ang screenshot. Nag-react naman ng wow ang mga hayop. Panay din ang mention sa akin.
Ex na maganda ni Nix (Darlene): Gagong 'to. May nag-hack yata ng account ko. Hindi ako 'yan. May nag-hack ng account ko o baka si Darius.
Napamura na lang ako ng makita ang pangalan ko sa GC. Walangya! Sinong nag-lagay nito?!
Nagreply naman sila agad.
AKIN LANG SI DIAZ (Gavin): Sus... hack daw. Baka miss mo talaga!
Manhid na torpe pa. 2 in 1 (Andrei): HAHAHHAHAHAHA Napapaghalataang marupok tayo, lods.
Ex na maganda ni Nix (Darlene): Ulol. Gago. Pakyu. Walang gano'n. Gawa-gawa lang ng illuminati 'yan.
Kaniya-kaniya silang tawa react sa chat ko.
Straight na ngayon (Gianna): Miss ka na rin daw niya.
Single forever (Ivan): Beke nemen keye neleng dew elet.
Looking for sugar mommy na malapit ng mamatay (JP): Bumalik ka na daw... Pakasal na daw kayo.
Ex na maganda ni Nix (Darlene): no thanks.
Lumabas na ako para dumiretso sa opisina kung nasaan si Abuela. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita kong nakaupo sa swivel chair si Abuelo habang nakatayo malapit sa bintana si Abuela at may hawak na wine.
Lumapit ako kay Abuelo para bumati.
"Hi, did you eat lunch?" tanong niya.
Tumango ako. "Opo. I ate earlier," sagot ko at naupo sa sofa. May wine at wine glass sa center table. Mag-iinuman ba kaming dalawa ni Abuela dito?
"Good," ngumiti si Abuelo.
Kumuha ako ng glass at binuksan ang wine.
"What are you doing?" Tanong ni abuela nang makita ang ginagawa ko.
"Drinking, I'm so thirsty."
"No. Put that aw-"
"Let her drink, Serica. She's in legal age now." Putol ni Abuelo kay abuela. "But don't drink too much." paalala niya.
Uminom ako nang makakuha.
"Let's go, Darlene," sabi ni Abuela.
"Where?"
"To another room. Follow me." Una siyang lumabas.
Nag-paalam muna ako kay abuelo bago sumunod kay Abuela sa labas.
"I want to show you something..." si Abuela. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa isang kwarto.
Pinihit niya pababa ang lock bago kami pumasok sa mga ginto?! Nanlaki ang mata ko! Ang daming gold bars! Ang daming mga alahas na sobrang kinang, may mga mini crown rin ako nakikita na nakalagay sa glass.
"Is this a real crown?"
"Yeah, it is." Lumapit siya. "That's your Mama's crown when she was your age, let's go there. I'll show you something."
Sumunod ako kung saan siya pumunta. Tumigil kami sa harap ng isang pulang kurtina. Actually, maliit lang ang kurtina na 'yon para takpan ang isang glass.
Hinawi niya 'yon at napatingin naman ako sa loob ng glass.
"This is a tiara. Rhinestone tiara..." Sabi niya at hinaplos ang glass. "That supposed to be your Mama's tiara when I declared that she'll be a Queen in this Kingdom but she ran away after her goddamn speech. I felt so embarrassed after she left her coronation day. Everyone asked me why she did that or why she left her own mother? I admitted, I felt bad for her but still I tried to find her to know what her reason was. I guess... I have been too cruel to her."
"She was right though; I force her to do things she doesn't like," dagdag niya.
"Why can't you accept that she doesn't like to be like you?" I asked.
"Because I want her to inherit everything from your grandfather," sagot niya. "You know that she has half siblings, right? And they want everything from us. They even tried to kill you so many times..." Ay, alam niya pala. "I want you to inherit everything. I want everyone to know that you are my one and only heiress. I want you to be crowned as my future Queen using this tiara on Sunday." May kinuha pa siya na mas maganda sa nauna. "You'll be the Queen... two days from now."
Napatitig ako sa glass box
Walang salita na lumabas sa bibig ko.
Kokoronahan na talaga ako as Queen? Hindi na ba magbabago 'yon? Baka naman pwede namin pag-usapan dalawa 'to. Baka lang naman.
Pero sa mga nangyayari sa Palace... sa tingin ko... hindi mapag-uusapan ng matino 'to. Masyado ng handa ang mga tao para sa linggo. Buti na lang nagagawa ko pang kumalma sa mga nangyayari.
Panay din ang bati nila sa akin at iyong mata ng mga friend ni abuela tuwang-tuwa at parang pati sila handa sa mangyayari sa coronation day. Iyong mata walang inaasahan na disappointment sa akin.
'Di ba balak namin mag-swimming? Ito na ang araw na 'yon. Gusto ko lang mawala lahat ng iniisip ko ngayon. Nakakainis ba naman lahat ng nalalaman ko mula sa Pilipinas?! Kung pwede ko lang burahin ang Iris sa buhay ko nagawa ko na kaso wala naman akong magagawa.
Mukhang sila na nga yata ni Phoenix! Palagi kong nakikita ang stories niya, at kung hindi man 'yon. Puro post niya ang nakikita ko. Hindi naman ako bitter kaya hindi ko bina-block kaya instead na masaktan at makita, hindi ko na lang tinitingnan.
Lakas ko rin naman kasi, alam na puro gano'n ang makikita tapos titingnan pa. Hindi rin tanga, ampucha. Katulad ng iba d'yan, halatang ayaw na nga sa kanila pero pinagpipilitan pa. Nagmumukha tuloy tanga.
Iyong pagiging tanga sa love life.... sakit 'yan at sakit lang rin sa puso ang makukuha niyo d'yan kaya huwag araw-arawin dahil lalong lalala.
Try niyong magpakatanga sa crush niyo tapos tingnan niyo kung ano ang makukuha niyo. 'Di ba sakit lang makukuha? Tangina, hindi na crinushback tapos sasabihin niyang may gusto siyang iba?
Sana naman sinabi mo na lang na hindi mo siya ika-crushback, 'di ba? Kaysa naman sa hindi mo na nga crinushback tapos sasabihin mo pa na may gusto kang iba. Tangina, double kill 'yon men. Sakit sa heart. Tagos hanggang buto.
Naranasan ko na kaya 'yon... Naranasan ko ng sabihin na may gusto akong iba. Men, hindi ko naranasan hindi ma-crushback. Lahat ng nagiging crush ko, kinacrushback ako. Pero iyong isa d'yan hindi basta-basta crush lang. Naging parte pa ng buhay ko.
Tapos minahal ko pa ng sobra-sobra pero anong ginawa? Nalaman kong may ginagawang iba. Pero nahulog sa sariling bitag. Ibang klase talaga ang kagandahan na meron ako. Pati iyong isa nahuhulog at halos ka-adikan ako.
Nagmumukha na naman akong mayabang nito.
Nandito na kami sa private resort. Mga naka-swimsuit ang pinsan ko. Ako naka swimsuit bra at a maong shorts. Nakapag-swimming na ako kanina at masyado akong napagod.
"Gusto mo bang samahan kita?" Tumingin ako kay Jacob.
"Saan naman?" Tanong ko habang umiinom ng juice. Kumuha ako kanina ng makakain para hindi ako magutom habang nakaupo dito lounger chair.
Alam niyo bang muntik na akong malunod kanina? Walanghiya kasi 'tong kapatid ko! Gagawa na lang ng kagaguhan, idadamay pa ako! Ubo-ubo tuloy ako kanina nang makaahon at sunod-sunod naman na batok ang natanggap niya mula sa mga kasama namin.
"Tumakas."
Napatingin ako sa kaniya.
"Ramdam ko namang ayaw mo. Sasamahan ulit kitang bumalik sa Pilipinas kung gusto mo. Para kasama mo na ulit si Phoenix," dagdag niya.
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.
"Sabihin mo lang tutulungan kita." Tinapik niya ang balikat ko bago pumunta kay Cedric.
Tatakas ako? Napainom ako ng juice nang wala sa oras ng dahil sa sinabi niya.
Pagod na pagod kaming lahat nang makauwi. Hindi kami pwedeng magtagal. Hindi ako nakapag-enjoy dahil ang sinabi ni Jacob ang nasa utak ko. Hindi ko magawang makisama sa mga pinsan ko.
Kakayanin ko bang tumakas? At handa ba talaga siyang tulungan ako?
Huminga ako ng malalim.
Two days from now... coronation day na.
Darlene, mag-isip ka ng maayos. Puso ang gamitin huwag katangahan. Minsan ka ng nagpakatanga, huwag mo ng ulitin please lang.
Pumikit ako bago huminga nang malalim. Masyado lang ako na blanko dahil sa sinasabi nila Abuela pero alam ko sa sarili kong hindi ko 'to gusto, at aminin ko man o hindi... unti unting nagbabago ang desisyon ko. My decision is starting to change.