The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 88.5K 17.5K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Epilogue

30K 655 374
By whixley

Epilogue: Graduation Day

Hindi ako makapaniwala na wala na talaga si Iris. Gusto kong magpasalamat sa kaniya dahil buhay ako pero nakakalungkot pa rin dahil wala siya. Hindi ko inakala na kailangan umabot sa ganito. Pero kahit na ganoon, alam kong binabantayan lang niya kami. Napangiti ako nang maisip 'yon.

Alam niyo... minsan gusto ko rin magpasalamat kay Papa dahil siya ang dahilan kung bakit ko nakilala sina Iris, si Trevor at ang iba ko pang kaibigan na lalaki. Sila ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Pinaramdam nila sa akin kung paano ulit magkaroon ng kaibigan, kung paano maipagtanggol, kung paano mahalin ng totoo. Lahat ng 'yon ginawa nila para sa akin. Kahit pa na puro katarantaduhan ang sumalubong sa akin noong transferee ako, kahit pa na naligo ako ng slime ay bawing bawi naman sila pagmamahal, pag-aalaga at pagtatanggol sa akin.

Na kahit noong nagkaroon ng... let's say, nagkaroon ako ng poot at galit sa kanila dahil sa plano. Kahit noong gumawa sila ng kagaguhan behind my back... at sa tingin ko na hinding hindi na sila mapapatawad? Grabe, hindi yata kumpleto ang gabi ko bago matulog kakaisip kung deserve nga ba nila.

Hindi nila minsan naisip na iwan ako at hindi nagdalawang isip na tanggapin ang utos ng Papa ko na protektahan ako, ano man ang mangyari. Kaya nag-papasalamat ako kay Papa... kung hindi dahil sa kaniya. Hindi ako makakatagpo ng mga gagong katulad nila. Na kahit gago at tarantado ikaw pa rin ang iisipin, walang pakialam kung sila ang ma-agrabyado.

Sobrang dami nangyari sa mga buhay namin umabot sa punto na gusto ko nang sumuko dahil sa hirap na nararamdaman ko.

Sumama sa laban na dapat kami lang ng pamilya ko ang haharap. Handang ibuwis ang mga buhay para lang sa akin. Sumama sa huling laban namin at kung hindi dahil sa kanila. Hindi namin matatalo ang Black Matrix.

Atsaka, Alam niyo, simula nang mag-kaayos si Darius at Phoenix madalas na si Phoenix sa bahay namin, to the point na gusto na ni Mama na doon siya tumira. Totoo 'to, parang siya na ang anak.

"Nix, don't be shy. You can live here!" Sabi ni Mama na halos ikalaglag ng panga namin ni Darius. Natigil naman si Kuya sa pag-inom ng tubig.

"What the..." Sabi ni Darius.

"Fuck." Pagpapatuloy ni Kuya.

"Ikaw na yata ang papalit sa akin bilang anak," umirap ako.

"Uh... Tita." Si Phoenix. "Thanks..."

Pakipot pa ang bwisit gusto rin naman. Napasimangot na lang aako At ang lahat na kasama namin noon hanggang ngayon ay maayos na at may sari-sarili ng lovelife.

Si Iris... masaya na rin sa buhay niya ngayon kahit nasa heaven na siya. Maayos na sa akin na humingi na rin siya ng tawad sa mga nagawa niya. At syempre pinatawad ko siya. Hindi ako sakim sa pagpapatawad 'di ba? Saka, kung hindi dahil sa kanya baka deads ako ngayon. Jusmiyo, ang bait talaga ni Lord.

Ay, nga pala, si Darius at Lara ay ayos na rin. Mas marupok pa sa kahoy ang kapatid ko.

Si Gavin at Laureen ngayon, nalaman kong sumama pa si Gavin sa kaniya sa mga lakad niya. Maarte lang talaga noon si Laureen kaya hindi niya pinapansin si Gavin tapos malalaman ko na may gusto pala talaga kay Gavin at crush pa, ha. Akala ko trip lang nila maging together.

Ang mga magulang ko naman ay kinasal ulit. Sa harap ng panginoon at saksi kaming lahat.

Ngumiti ako at pumalakpak matapos ang kiss the bride. Inalis ko pa ang luha sa pisngi dahil naiiyak talaga ako. Hindi ko inakala na mangyayari ulit 'to at may consent na ni Queen Grandmother Kaya nandito sila ni abuelo. Nakangiti rin siya habang nakatingin kay Mama.

"Picture po kasama ang family!"

Tumayo naman ako dahil tinawag kami. Ito namang si Lara ay pumunta rin.

"Luh, family ba kayo?" Biro ko kay Phoenix at Lara.

"Baby, I am their future son-in-law," ngumisi si Phoenix sabay halik sa pisngi ko. Tumabi pa siya sa akin.

"Daughter-in-law," ngumisi si Lara.

Pabiro akong umirap. Hinigit ko pa lalo si Phoenix sa tabi ko Lara sa picture. Nasa magkabilang gilid kami. Nasa tabi ko si Mama at nasa isang tabi ko si Phoenix. Si Kuya at Ate Anya ay nasa tabi ni Darius at Lara, si Amir ay nasa sahig nakaupo kung nasaan ang aso ko na si Lucy at ang babies niya.

Masaya ako para sa parents ko at syempre to our baby bro! Yes! My mother is pregnant with a baby boy pala. Sayang lang, akala ko baby girl. Mukhang madadagdagan ang magiging protective sa akin.

Nalaman ko lang last four weeks. Umiiyak pa ako, ha!

"Hala, hindi na ako ang bunso..." umiiyak na sabi ko.

Natawa sina Mama.

"But you are still our baby girl."

"Ew naman, Kuya, e!" inalis ko ang luha sa pisngi ko. "Pero hindi na talaga ako ang bunso! At saka, sana baby girl 'di ba? Para may bibihisan ako ng Princess 'di ba?"

Napailing si Papa, natatawa. "Masakit na nga sa ulo ang isang anak na babae tapos madadagdagan pa."

Napasimangot ako. "Grabe ka sa akin, Papa, ha!"

Natawa silang lahat sa sinabi ko.

Pero gusto ko talaga ng baby sister!

"Hindi na ako ang bunso, love..." bulong ko kay Phoenix nang makaupo sa tabi niya.

Nilingon niya ako. "It's fine, gusto mo gawa nalang tayo ng bunso?"

Hinampas ko siya sa braso. "Velasquez, ha!"

Natawa siya bago ako halikan sa noo.

E, gusto ko talaga baby girl! Pero ayos lang 'yon dahil at least may baby na ulit kami, may kapatid na ulit ako!

At si Trevor naman. May sinabi kasi siya sa amin. Sa America siya mag-aaral para maging isang ganap na Doctor. Hindi niya rin kasi trip ang mag-business, e. Sinabi ko nga dito na lang kaso tumanggi rin siya dahil may hahanapin raw siya doon. Hindi ko kilala pero alam kong babae. Iyong girlfriend niya yata ngayon ang hinahanap niya. Hindi ko na lang inalam ang tungkol doon dahil hindi ako chismosa.

Hindi ako kagaya ni Phoenix at Darius na chismoso.

Ngayong week ang alis ni Trevor papuntang America kaya diretso celebration kami. Despedida na rin 'yon para sa pag-alis niya.

At syempre ang bida... ako at si Phoenix. Akala ko nga dati hindi niya ako bibigyan ng label dahil hindi niya man ugali 'yon. Akala ko mapapagaya ako sa iba d'yan na hanggang landian lang 'buti na lang talaga binigyan niya ako ng label.

Mahal na mahal niya ako kaya deserves ng isang katulad ko ang label! Kahit naggagaguhan kaming dalawa at malakas ang trip naming dalawa, mahal namin ang isa't isa.

Ewan ko ba. Bonding yata namin pagtripan ang isa't isa. Magigising na lang ako puro drawing na ang mukha ko. Hindi rin naman ako nag-papatalo sa kaniya dahil palagi kong tinatago ang play station niya kapag natutulog siya. Tapos iyong CD niya nilagyan ko ng tubig.

Ginupit ko rin lahat ng CD niya pero pinalitan ko 'yon, ah!

"I don't have a kiss? You cut all my CDs." Nakatingin siya sa akin.

"Gusto mong matanggalan ng labi? Saya ka naman masyado," umirap ako.

Akala ko rin tutol si Papa at dalawa kong kuya sa relasyon namin ulit pero thank god dahil hindi. Kay Kuya galing ang salitang 'yon. Kita niyo na? Dati lang ayaw niya kay Phoenix noong una-una ko palang siyang kilala. Alam mo ʼyon? Sobrang inis talaga siya sa lalaking 'to. Pero madalas na rin silang magkakasama nila Papa!

But I really love them, especially the man who gave me a life. Pero minsan parang lumalabas na ayaw nila sa akin dahil focus sila kay Phoenix. Nagseselos na ako. Nagmumukha na akong ampon dito.

Pagbuhulin ko kaya sila? Charot lang. Baka hindi na ako umabot sa naudlot na kasal ni Kuya. Next week na 'yon! Masasabi ko lang na mahal na mahal ko sila, bilang kaibigan at pamilya.

"Tita, alam niyo po ba ang anak niyo ang daming ginagawa." Nasa sala ako ng bahay nila Phoenix dahil may lunch kami kasama ang family niya.

"What is it?" Tanong niya.

"Palagi niya po akong inaaway. At 'lagi niya rin po akong pinagtitripan," sumbong ko. "Saka, alam niyo po dati? Nalaman kong may ginagawa siyang iba at nalaman kong may bet sila sa akin."

"Phoenix, where the hell are you?" Tanong niya bigla at tumayo.

"I'm here, Mom," bumaba si Phoenix at dumiretso sa akin. "Aw!" biglang pinitik ni Tita ang tenga niya. "What did I do? And what's that for?"

"For what you did to Darlene," sagot ni Tita. "You're supposed not to hurt her."

"It's not my intention," sabi ni Phoenix at lumingon sa akin. "Nagsumbong ka 'no?"

"Hindi, ha! Ano ako bata?" Tanggi ko.

"You're a kid. Isip bata ka 'di ba?"

"Ang kapal. Sino kaya ang nanonood sa atin ng wheels on the bus?" tinawanan ko siya.

"Excuse me, I wasn't watching that. You're a story maker."

"Okay. Okay. Okay, stop." Nandito nga pala si Tita Rica.

Humawak na lang ako kay Phoenix at humalik naman siya kaagad sa pisngi ko.

"Let's eat na nga lang sa dining. I already cooked. I'll call Grace, Preston, Phoebe, and Lala to have lunch with us."

Naglunch kami sa bahay nila. Ang sarap magluto ng Mommy niya. Ibang-iba sa luto ng lalaking 'to.

"May tanong lang ako, bal. Bakit dati inis na inis si Kuya sa 'yo? May ginawa ka ba?" Tanong ko nang makarating kami sa condo niya. Nakahiga ako sa kama habang siya ay binubuksan ang aircon. Nahiga rin siya sa tabi ko, niyakap niya agad ako.

Tumawa naman siya sa hindi ko maintindihan na dahilan. "He thought that I was courting you back then."

"Ha? Paano?" Tanong ko, naguguluhan.

"Drake and I know each other, then I saw you and your brother eating at the restaurant. He saw me then warned me about approaching you. Then I told him over text that I was courting you and he was really mad, huh?"

"Shuta! Kaya pala! Kaya pala panay ang tanong niya sa akin kung may nanliligaw sa akin. Ikaw pala ang may pakana!" sabi ko at tinuro siya.

Mas lalo siyang tumawa bago ako hilahin palapit sa kaniya. Siya pala talaga may pakana no'n? Grabe, isip na isip ako noon kung sino tapos nasa tabi lang pala. But anyway... nagsimula sa kagaguhan ang mga naging buhay namin kasama sina Gianna at magtatapos bilang magkakaibigan. Hindi man maganda ang umpisa ng mga buhay namin ang mahalaga magtatapos kami ng sama-sama.

"Darlene! Malalate na tayo sa Graduation!" Narinig ko ang katok ni Darius sa labas ng kwarto ko.

Ito talagang lalaking 'to! Hindi makapaghintay, akala mo naman hindi na siya makapaghintay na grumaduate. Hindi niya alam napilitan lang siya ipasa. Charot.

Napairap tuloy ako nang wala sa oras.

Pinagmasdan ko ang sarili sa full length mirror. Naka uniform ako pero may nakapatong na putting toga. Napangisi ako bago magsalita. "Next time... black na toga na ang isusuot ko."

"Pababa na ako, Wait lang!" Kinuha ko na ang sling bag ko dahil nandoon ang wallet at cellphone ko.

Nasa hagdan palang ako rinig ko na ang ingay nila Papa. Sumalubong sa akin si Mama na naka floral white dress at white sandals. Two months na ang tummy niya kaya medyo nahahalata na, panay kasi ang kain, e.

"You're so beautiful!" Komento ni Mama at hinalikan ako sa pisngi.

"Naman, ako pa?" Ngumisi ako.

Mahina siyang tumawa bago kami pumunta kung nasaan sila. Nadatnan namin na nasa sala sila. Tumingin sila sa akin. Nandito na pala si Lara akala ko pa naman doon sila magkikita sa GFS.

"Ang ganda mo, putang...." Sabi ni Lara bago ako hagkan ng yakap.

Niyakap ko siya pabalik kaso mukhang nagselos si Darius. "Tangina, pati ako na kaibigan?"

Agad kong tinakpan ang bibig ko.

Nagpeace sign ako kay Kuya at ngumiti. Lumapit lang siya kay Ate Anya na umiinom ng mango shake.

Napagdesisyunan na namin na pumunta sa GFS, doon gaganapin ang graduation dahil malawak ang gymnasium. Kasya ang ilang libong estudyante. Nasa isang Van na lang kami para hindi na maghihiwalay ng sasakyan.

Kasama pa rin namin ang mga tauhan ni Alexis.

Nang makarating kami roon, marami ang tao. Hindi muna kami pumasok dahil naiinitan raw si Mama kaya nanatili kami sa labas dahil mahangin. Napatingin ako sa likod ko nang may ituro si Darius at doon ko nakita ang mga kaklase ko na ang popogi ng itsura!

May hawak na bouquet of flowers si Phoenix. Hindi ko alam ang tawag roon pero mukang mamahalin. Lumapit siya sa akin at hinagkan ako ng halik sa noo.

"Salamat, nag-abala ka pa," ngumiti ako.

"Who said this is for you?"

Kumunot ang noo ko. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng masamang tingin. Tumawa naman ang mga nakarinig.

"It was a joke. This is for you," bawi niya nang makita ang itsura ko. "I love you."

Pumula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tinanggap ko na lang ang bulaklak. Naiilang ako dahil puro kantyaw sila, nakakaasar. Kung pwede ko lang lagyan ng bulaklak ang bibig nila Dash nagawa ko na para matigil!

Biglang may tumawag sa amin kaya lumingon kami.

Pumasok na kami sa loob ng Gymnasium dahil magsisimula na raw. Nakapuwesto kaming lahat at nasa gilid ko si Mama, at si Darius kay Papa. Hawak ko sa braso si Mama baka kasi madulas siya. May konting takong ang sandals niya.

Ito rin si Mama. Ang lakas! Iyong heels laging ang taas! Akala mo hindi jontis kung kumilos.

Nandito na rin ang ibang friends namin kasama ang mga magulang nila. At masasabi kong parang artista ang parents ko dahil ang daming nakakakilala sa kanila. Sabi ko nga talaga... pwede silang tumakbo bilang presidente ngayon. Sure win talaga silang dalawa.

Nagsimula kaming maglakad nang kami ang sumunod. Ngumiti ako sa camera. Kumindat ako kay Phoenix nang magtama ang paningin namin. Namula ang dalawang tenga niya kaya agad siyang umiwas.

Tumawa ako sa reaction bago dumiretso kung nasaan sila Tricia. Nakipagbeso ako sa kaniya at kila Christine nang makaupo ako. Nang matapos ang pag-martsa ng ibang students nagsimula na ang dalawang principal.

Still renovation ang school namin kaya nandito siya. Sira kasi ang tuktuk nilang lahat.

"The Class 8, students!" Pumalakpak ang lahat ng tao.

"Miranda, Darlene Michelle," nakipagkamayan ako kay Mr and Mrs. Griffin. They both smirked and congratulate me.

"Thank you, dora. You're the best." Sumimangot siya kaya tinawanan ko siya bago dumiretso nang baba.

Sunod na tinawag sina Phoenix. Panay ang palakpak ko tuwing tinatawag ang mga pangalan nila. Panay rin ang sabi nila na 'Thank you' habang diretso lang ang tingin sa akin. Nakakaproud... Super proud ako sa kanila! Nagawa nila, namin! Hala, gusto ko college sama-sama pa rin kami.

Pero nagulantang ako nang tumigil sila mismo sa harap ko para ibigay ang mga tulip with a heartwarming message. Hindi ko mapigilan ang maiyak kasi nakakahiya! Marami pang tatawagin! Pero pinakiusapan pala nila ang dalawang principal and they agreed. Kahiya nga talaga!

Saan ba nanggaling 'yon?

Nakamic pa silang lahat!

"Thank you for being part of our section. Dahil sa 'yo natutunan namin magpahalaga ng babae. Dahil sa 'yo natuto kaming harapin ang mga problema namin." That's Harvey, he gave me a tulip flower. "Marupok ka pa rin."

"Tanginang 'to," komento ko bago siya dumiretso sa upuan niya.

"Thank you, Darlene. Kahit minsan ka naming ginagago hindi mo kami iniwasan. Kaya thank you at sorry rin sa mga kasalanang nangyari noon," si Fin bago ibigay ang tulip. "Isa kang dakilang ina sa section-."

"Yuck ka!" Sabi ko na ikinatawa niya.

"Ang inosente mo kasi minsan kaya hindi mo gets ang jokes pero ayos lang 'yon! Ang gusto ko lang sabihin ay mahal kita bilang kaibigan, Darlene at hinding hindi ako-kami na nagsising dumating ka sa mga buhay namin." Niyakan ako ni Gael.

Napatigil lang siya ng umubo si Phoenix.

"Sorry naman. Masyadong possessive!" Si Gael, umirap siya.

Sumunod si Dash. "Nasabi na nila, e. Gaya-gaya kasi ng speech! Sabi ko, gumawa ng sarili, gayahin ba naman 'yong akin?" Tumawa ako kay Dash at kinuha ang flower sa kamay niya.

"Okay lang 'yan doon ko na lang sa kasal ko magspeech," ngumisi ako bago ilipat kay Phoenix ang paningin.

Ngumisi siya at nakipag high five sa akin with matching kiss sa kamay.

"Yown!" Hiyaw nila dahil narinig ng lahat.

"Charot lang 'yon! Todas ako kay Papa saka si Kuya ang ikakasal hindi ako," bawi ko agad.

Natapos ang lahat na ganon sila. Nakakalambot lang dahil sobrang sincer nila at halata sa mismong mata nila na mahal nila ako bilang kaibigan at hinding-hindi nila makakalimutan na isa ako sa mga buo ng mga buhay nila.

Hinding hindi ko pwedeng i-skip ang kay Phoenix! Mahalaga 'to.

"Para sa 'yo," sabi niya at binigay ang bulaklak.

Napanganga ako.

'Yon na 'yon?

"Luh? Wala kang mahabang speech.. gano'n?"

"You don't need to hear my speech. I saved this for our vows. Sorry..." Mahina siyang tumawa. "Saka baka maiyak ka pa. Baka pumangit ka lalo."

Parang tanga. Boyfriend ko ba talaga 'to?

Pabiro ko siyang sinuntok bago siya pumunta sa kinauupuan niya. Para tuloy mga gago sila Laureen. Panay ang asar nila! Pasalamat siya at malayo rito si Gavin kaya hindi ko siya maasar. Hindi tutol ang parents nila kaya sobrang saya nilang dalawa. I mean, wala naman dapat ikatutol.

"Our Valedictorian, Mr. Finnley Samson Marquez!" Sigaw ng principal ng SHS.

Agad na pumalakpak ang mga tao matapos marinig ang pangalan niya. Proud na tumayo si Finn at parang tanga na kumakaway pa.

"Ako lang 'to! Guys, huwag kayong maiyak ako lang ʼto. Gwapo ʼto," sabi ni Finn.

Binatukan siya ni Dash kaya napatigil siya at umambang susuntok. Umakyat siya sa stage kasama ang Mama niya na proud na isinabit ang medal niya.

Bumaba si Tita na may ngiti sa labi. Dumiretso si Finn sa may mic para makapagbigay ng speech.

"Hala, may speech pala.... Hindi ako prepared." Tumawa siya kasunod ng mga tao. "Pogi lang ako. Pogi lang ang kaya kong iambag sa graduation day. Joke lang... kidding aside."

Sumeryoso ang iba at natahimik.

"Congrats sa ating lahat dahil graduated na tayo. Sana hindi na tayo magkita-kita sa college, nakakasawa na ang mga pagmumukha niyo, e." Tumawa siya. "Joke lang! Gusto ko munang mag-thank you sa mga teachers, sa parents ko at syempre sa Class 8. Siguro kung hindi ko sila nakilala hindi ako gaganahan mag-aral at magiging valedictorian. Alam kong matalino at pogi kaya hindi niyo na kailangan sabihin. Matagal ko ng alam 'yon."

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.

"Kidding aside! I'm so thankful for having this achievement in my life. Even I'm lazy most of the time. I'm also thankful to the person who always cheered me up when I almost lost my path because of the pressure I felt. That tiredness is so worth it! For having this achievement! And also to Class 8, kahit gago minsan." Tinakpan niya ang bibig niya dahil sa pagmumura pero tinawanan lang siya ng mga teachers.

"Salamat din kay Darlene dahil sa mga payo niya palagi sa akin, sa aming lahat. Kahit pagod na siya sa mga bagay-bagay hindi niya kami nakakalimutan kamustahin. Kahit palamura siyang tao, mahal 'yan ni Nix!" Ngumisi si Finn sa akin. "Maraming salamat sa 'yo, Darlene, siguro kung hindi ka dumating sa amin, hindi kami ulit magiging masaya tulad noon." Tumingin naman siya sa langit... ay wala pala may cover pala. "Hindi namin siya makikilala kung hindi ka umalis. Pero salamat din dahil naging parte ka rin at naging kaibigan ka rin namin. Saka, sana masaya ka na d'yan."

Tumingin ulit si Finn sa lahat. "Kahit ang daming problema na dumating sa mga buhay natin ngayong taon nakagraduate pa rin tayong lahat. Pero sure akong marami pang hirap at problema ang dadating pagtungtong natin ng college na alam kong masosolusyunan nating lahat kasi ika nga ni Darlene..." Bahagya siyang tumigil.

Hindi ko inaasahan na ang mga gago kong kaklase ang sasagot.

"Problema lang 'yan! Tao ka kaya masosolusyunan din ʼyan! Tiwala lang!" Nangunguna ang boses ni Harvey.

Napailing ako.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga payo na ibinigay ko sa kanila tuwing trip na nilang sumuko sa buhay nila.

"Epal mo. Ako nga ang magsasabi, e," umirap si Finn. "Anyway, pogi pa rin naman ako."

Hinding hindi rin ako magsasawang payuhan sila sa oras na kwestyunin nila ang buhay na meron sila at mga problemang hinaharap nila. Hindi mawawala ang problema at paghihirap sa buhay. Kailangan lang ng konting tyaga para sa paghihirap at konting pagpapahinga sa problema.

Kapag may problema pahinga ka lang pero huwag kang sumuko. Hindi pa tapos ang laban at buhay mo para sumuko sa buhay. May daan pa na kailangan daanan para makamit ang tunay tagumpay.

And about sa mga rason ng mga kalaban namin. Gusto nila ng paghihiganti... mali 'yon. Revenge isn't the key for the mistakes they did towards you. Hindi kailangan ng paghihiganti para lang maranasan nila ang hinanakit na nakuha mo mula sa kanila. Let them realize what they've done. Hayaan mo na sila mismo ang makonsenya. Huwag kang maghiganti o maghanap ng revenge, hayaan mo sila ang marealize ng ginawa nila. Kaya rin may quote na "Never seek revenge rotten fruits will fall by itself".

At isa rin sa natutunan ko sa friendship ni Phoenix at Darius at kung bakit nasira. Nabulag si Phoenix sa paghihiganti niya kaya mas lalong gumulo. Masyado siyang nabulag sa galit niya... hindi niya inalam ang totoo at basta-basta nalang gumawa ng ikakasira nila lalo. Kaya ang ending mas lalong nagulo ang sitwasyon.

Tama nga talaga siguro ang sinasabi nila na maraming nagagawa ang maling akala. Nahusgahan ni Phoenix ang kapatid ko na pumatay sa Daddy niya. Kaya dapat talaga alamin muna ang totoo bago manghusga ng tao.

Alamin muna ang side ng tao dahil mahalaga rin ang side ng bawat isa. Hindi ka lang dapat nakadepende sa isa. Dahil may tatlong uri 'yan, ang katotohanan, side mo, at side ng tao na 'yon.

Sana lang talaga huwag nang maulit ang nangyari na 'to. Sana tuloy-tuloy nalang ang saya.

Nang matapos ang graduation ceremony. Agad ko silang niyakap isa-isa. Hindi ko alam pero naiiyak ako kahit alam kong magkikita-kita pa kami pag-dating ng college.

Siguro kasi... ibang-iba ang buhay high school namin sa college.

Mas masaya ang buhay High School. Puno ng saya, at memories ang buhay high school namin.

Nasa harap kami ng stage habang pinipicturan kami ni Lara. Hawak niya ang camera ni Rafael.

"Picture tayo! Remembrance lang," sabi ni Arvin.

Sumang-ayon kami sa kaniya kaya pumwesto kami. Ako ang nasa gitna nilang lahat. Maayos na picture ang una pero pagdating ng sunod puro kagaguhan na.

"Aray ko!" Tinulak ako ni Lara para sa tabi niya ako. "Ang brutal mo naman, Mejia!"

"Kunyari ka pa! Pakipicturan nga kami ni Michelle." Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti sa picture kasama si Lara. "Okay, next, iyong boyfriend!"

"Isa ka rin. Makahila wagas?" Nilagay niya lang ang kamay sa bewang ko at tumingin sa camera. Ngumiti ako at gano'n rin naman ang ginawa niya.

Masasabing kong sobra saya ko! Hindi lang sa mga nakaraang nangyari sa buhay ko. Hanggang ngayon sobrang saya ko at mapupuno pa ng maraming masasayang memories ang buhay ko kasama silang lahat.

Bago umuwi ang lahat nagkaroon ng simple party ang GFS. Napatingin ako nang makitang may tumutugtog sa stage. Hindi ko kilala ang mga 'yon pero ang Huling Sayaw ang tinutugtog nila at may kumakanta pa.

"Hoy! Men, lalayag na tayong lahat!" Sigaw ni Andrei.

"Trevor! Mamimiss kita! Pahalik nga d'yan!" Akmang yayakap si Harvey kay Trevor pero binato lang siya ng silya na agad niyang inilagan.

"Si Darlene! Marupok pa rin!" Sigaw ng kung sino. At nalaman kong si Arvin.

"Hoy! Ang kapal! Sino 'yon?! Parang hindi umiyak sa babae, ha! Kung hindi pa nagselos, hindi pa kakausapin si Amora." Sabi ko at kanya-kanya naman sila ng tawa ng maalala ang eksenang ʼyon.

"Anong course ang mga kukunin niyo?" Tanong ni Gianna.

"Gusto kong mag-Doctor kaya sa tingin ko Doctor of Medicine," sagot ko.

Pangarap ko talaga maging Doctor.

"Ikaw, Nix?"

"Susundan ko si Darlene," sagot naman ng katabi ko.

"Ako, except from being a Model, I want to be an Actress too," si Laureen.

"Edi magiging Actor din ako para kasama ko si Laureen," si Gavin.

"I want to be a Lawyer." Bagay kay Dash 'yon. "Ako na ang bahala maglabas sa inyo sa kulungan kapag may ginawa kayong krimen."

Natawa ako.

"Magiging kriminal na lang pala ako," sabi ni JP.

Mas lalo akong natawa sa sinabi niya.

Lalayag pero hinding-hindi namin kakalimutan ang isa't isa. Magiging isang buo pa rin kami magkakaibigan dumaan man ang malaking problema sa mundo.

"But anyway, mamimiss ko kayo. Mamimiss ko ang happy moments natin ngayong High School," ngiti ni Laureen.

"Wala ng mas sasaya pa ngayon dahil sama-sama pa rin tayo at sana walang makasira sa atin." Binaba ni Dash ang kamay. "So, ano? Kasa na ba 'to."

"Kasa na!" Binaba namin ang kamay.

"Hanggang sa muli! Layag!" Sigaw nilang lahat bago kaming maghiwa-hiwalay.

Humawak ako sa kamay ni Phoenix bago magpatuloy sa paglalakad. Wala na nga talagang mas sasaya pa sa araw at mga lumipas na buwan dahil nakilala ko ang mga taong hindi ko inaakala na magiging kaibigan ko.

Darlene and TGIWS characters' now signing off...

The End

Continue Reading

You'll Also Like

164K 996 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...
1.5K 99 24
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."
1.1M 36.8K 62
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...