The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.2K 17.6K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 122

16.3K 414 47
By whixley

Chapter 122: Coronation Day

Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin sa sarili ko na isa akong Prinsesa. Ngayong araw na ang coronation day ko.

Sobrang nanlalamig na ang kamay ko. Kanina pa ako nakakatanggap ng text message mula kina Gianna at sa iba. Alam na nilang lahat kung bakit ako nandito at lahat sila gulat sa nalaman lalo na sa mga picture na palagi nilang nakikita kaya sobra-sobra rin ang gulat nila ng sabihin ko ang balak ni abuela kung sakaling koronahan na ako.

Pero hindi pumayag sina Mama at Papa dahil nga ayaw nila pero alam kong gagawa at gagawa ng paraan si Abuela magawa lang ang gusto niya. At alam niyo ba ang nalaman ko?

Kinausap ni Phoenix si abuela at may kondisyon silang dalawa na kapag sumama ako kay Phoenix pabalik sa Pilipinas ay titigil siya. Pero kailangan hindi ko malalaman ang kondisyon na 'yon. At kapag hindi naman ako bumalik sa Pilipinas ibig sabihin mas ginusto ko ang kondisyon ni Abuela.

Parang gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko nang malaman ko ang tungkol doon.

Kapag ginawa kong tanggapin ang pagiging Queen ibig-sabihin mawawalan rin ako ng karapatan magmahal ng katulad ni Phoenix. Dapat ang puwede ko lang mahalin ay mga dugong bughaw katulad ng mga pinsan ko.

Bakit kasi may ganito-ganito pa? Kung may love has no gender, at age doesn't matter. Dapat may love has no blood rin when it comes to Royal Family! Ang daya! Bawal akong magmahal gano'n? Tatanda akong dalaga? Nakakainis naman talaga.

Gusto kong patagalin ang oras. Kung maibabalik ko lang ang oras noong nag-usap kami ni Phoenix... nagawa ko na.

Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko. Ilang minuto na lang ay aalis na kami papunta sa lugar kung saan sila naghihintay sa akin.

Once na mag-message ang si Phoenix, kahit isa, pangako, ititigil ko 'to.

Dinampot ko ang cellphone sa kama nang tumunog.

"Hello?" Pag-sagot ko sa tawag.

"[Darlene, sigurado ka na ba sa plano mo?]" Boses ni Gianna ang narinig ko, malungkot ang boses niya.

"Oo." Hindi ako sigurado.

"[But, Darlene, aren't you love Phoenix?]"

"Ewan ko, basta. Magtiwala na lang kayo," sabi ko. "Sige, bye na." Binaba ko ang cellphone ko nang may kumatok.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Isang strapless, a-line floral ball gown ang suot ko with matching opera gloves. Kulay puti ang gown pero maganda. Masyado lang mahaba at malaki ang ibaba pero maganda siya tingnan. May suot rin akong diamond earring at at necklace.

"Darlene... wow... you're so beautiful. You are an epitome of a true princess!" Lumapit si Reina sa akin.

"Thank you..." ngumiti ako.

"By the way, let's go? Your parents are waiting downstairs."

Bumaba na lang kaming dalawa. Iyong mukha ko halatang napipilitan lang pero pilit akong ngumiti. Iyong mukha naman ni abuela sobrang saya. Ngumiti ako sa kaniya.

Panay ang puri nila sa akin kaya ito panay ngiti pa rin ang ginagawa ko. Ano bang pwedeng kong gawin? 'Di ba ngiti lang?

Nang makarating kami sa buong lugar maraming mga taong kumukuha ng video. Inaayos ko ang buhok ko dahil nasisira. Sobrang ganda ko ngayong araw. Prinsesang-prinsesa talaga ang ganap ko.

Ngumiti ako sa isang photographer.

"Darlene, if you want to go home. We'll go home," sabi ni Mama.

Tingnan mo 'tong si Mama... nandito na kami tapos uuwi pa? Sayang ang gas! Saka desidido na ako! Desidido na akong sabihin sa lahat ang pipiliin ko.

Hindi na ako sumagot.

Unang pumasok ang aking parents then brothers, then relatives at abuela. Hindi pa bumubukas ang pinto dahil ako ang huling papasok.

Pagpasok ko sa loob ay mga nakatingin sila sa akin. Tumingin ako sa kanilang lahat. Parang nag-slow mo ako sa paningin nilang lahat. Simple lang ang ngiti ko hanggang sa makarating sa harapan. Naupo ako sa gitna, sa tabi ni Reina at Margaret.

May archbishop sa harapan at halos malula ang mata ko nang makita ang stunning rhinestone tiara na nakalagay sa glass box. Muntik akong masamid! Ang ganda!

Ibang-iba 'to sa pinakita ni abuela!

"We are here for coronation day..." ani ng Pastor. "And also, our Queen's birthday."

Ito na ba 'yon? Patagalin niya sana.

Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko. Halos magulat ako nang makita ang message ni Phoenix.

'Darlene, don't please. I love you. Don't do it, please, mahal.' aniya mula sa message.

Natulala ako.

Biglang nag-palakpakan ang tao kaya nabitiwan ko ang cellphone ko at pumalakpak rin. Tumingin ako sa harap at pasimple rin na ngumiti kahit sobrang kaba ko.

"Before we start our coronation, Queen Serica, may I request to please go here?"

Pumunta naman si Abuela sa harap. Nasa gilid siya ng isang coronation chair. Hala, coronation ang mauuna? Hindi ba pwedeng... kainan muna gano'n?

"Princess Michelle..."

Umurong ang dila ko bigla. Tinulungan akong tumayo ni Darius. Humigpit ang hawak niya sa akin.

"Darlene, he's waiting..." makahulugang bulong ni Darius. "... for you. He hurt you, yes, before you knew or Iris knew, they already stopped. Yes, he's wrong sa parteng hindi niya agad sinabi at kung bakit nila 'yon nagawa, but Darlene, believe me, they already stopped the bet before everyone knew. He told me everything, he explained everything to me, noong panahong umamin na kayo sa isa't isa ng nararamdaman niyo, wala ng pustahan, wala ng larong nagaganap. All his feelings were true, that was what Harris said too."

"Bakit mo 'to sa akin sinasabi ngayon?"

"To make you realize that Nix loves you, Lin, ngayon ko lang nakita si Nix na maging ganito. Do what makes you happy, not everyone makes happy."

Nilingon ko siya pero hindi na ako sumagot.

Naglakad ako papunta sa gitna ng coronation chair. Hinalahad ng archbishop ang kamay para alalayan akong umakyat. Humarap ako sa mga tao at ang daming nanonood! Namataan ko sina Mama.

They are so nervous.

May lumapit sa akin na isang archbishop. Ibinigay niya ang sovereign at rod sa kamay ko. Nanginginig pa ang kamay ko nang hawakan ko 'yon.

Kinagat ko ang ibabang labi bago napabuntong hininga ng mahina. Nag-angat ako ng tingin sa kanilang lahat. Tumingin pa ako kay Mama, hindi ko mabasa ang nasa mata niya pero sa nakikita kong reaction niya... halatang gusto niya akong makaalis dito.

Lumipat ang tingin ko kay Papa. Gano'n rin ang nakikita kong reaction... na para bang gusto niya akong makalaya sa sitwasyon ko ngayon. Sa sitwasyon na maupo bilang Reyna para sumunod sa yapak ng Lola ko.

Inalis ng babae ang tiara ko bago kunin ang rhinestone tiara sa glass. Natigil lang ako sa pagkamangha nang maramdaman ang korona sa ibabaw ng ulo ko.

"Will you solemnly promise and swear to govern the Peoples of Spain, your Possessions and the other Territories to any of them belonging or pertaining, according to their respective laws and customs?" Nakatingin sa akin ang Archbishop.

Nakatingin silang lahat sa akin nang hindi agad ako sumagot. Ilang beses akong napalunok habang piniproseso ang tanong sa isip ko.

"Darlene..." Nakita ko ang pagbuka ng bibig ni Darius.

Nakatingin ako sa lahat. Gulong-gulo na ako pero tama kaya 'to? Tama kaya itong gagawin ko?

"I... I-I..." Mariin akong napapikit. "I-I can't. I'm sorry... I can't." Binalik ko ang ibibigay sa akin.

Umatras ako kasabay nang pagsinghap ng lahat.

"I really can't. I can't promise... because I can't do it." Bumigat ang paghinga ko.

Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Nagbulungan ang mga tao. Pati ang mga nakakataas ay nagulat sa sinabi ko.

"Darlene," si Abuela sa gulat na gulat na boses.

Umiling ako sa kaniya. "I'm sorry..." halos bulong na sabi ko. "I really can't." Kinagat ko ang ibabang labi ko bago mag-angat ng tingin.

Ramdam ko ang kaba ni Mama habang nakatingin siya sa akin. Hindi niya rin inaasahan ang pagtanggi ko.

"Oh my god," singhap ng ilan.

Lumapit ako sa speech desk. Nilapit ko ang mic sa akin. Tumingin ako sa lahat bago huminga ng malalim. "I'm not really good at speaking, but please hear me out, people of Balryna. I appreciated my Grandmother and I respect her a lot for being the Queen of our Kingdom. The Archbishop asked me earlier if I'll claim the title, I'm sorry, but I can't do it." Iling ko.

Hindi ko talaga kaya, e.

"At first... I don't know if I will claim the throne as you know a... Queen. Because in my entire life being a Queen or Princess never crossed my mind. All I know is that I was a normal teenage girl who wanted to have a happy life, but then suddenly my life changed when I found out that I am a Princess. I never dreamed this. I never thought that my Mother is a daughter of our Queen although I know she has a Royal Blood but not a Heiress also before. And I only know also that I have royal blood. I didn't know that I am Heiress and a Princess as well. But now... when I found that I am really a Princess a lot of questions hit me." Totoong maraming tanong na pumasok sa utak ko.

"Darlene..." bulong ni Reina.

"I wondered what would happen to my life if I took the role as Princess of Balryna or a Queen. How would my life be if I were a Princess? Would I feel happy, or sad? Because if you'll ask me my answer would be... sad," nagsasabi lang ako ng totoo.

Ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin, gulat ang nasa mata nila. Disappointment naman ang nakikita ko sa mata ni Abuela. Umiiyak na si Mama.

"I don't know how to act like a Princess. I'm not like my cousin who grew up like a real Princess, who knows how to act like a real one unlike me... I don't know how to act like a real one so please whatever my decision is please respect it... " bahagya akong napayuko bago mag-angat ng tingin. "I-I'm sorry but I won't take the role as a Princess, Queen.... and Heiress like my Grandmother always wanted it." Nagulat silang lahat sa desisyon ko.

Hindi ko kaya.

"There was also a reason why I won't take the role. Because if I am a Princess, I no longer have the right to be with someone I really love. I want the love of my life. I don't want him to be lonely again and to feel that he has no ally in the fight he is waging. I don't want him to feel like no one beside him. I want to be with him. He's the one I truly need in life..." Kahit na wala na kaming dalawa siya lang. Siya pa rin. Sa kanya pa rin ako uuwi. "Being an Heiress, Princess and to be a Queen in the future isn't for me. I'm sorry... I don't have plans to take a crown." Tumingin ako kay Lola na hindi makapaniwala sa sinabi ko. "I'm not going to claim a throne." Binaba ko ang rhinestone crown na inilagay kanina sa akin. Nilagay ko sa ibabaw ng speech table ang crown.

"I know I'm stupid fuc-fudge bitch for not accepting my own title but..." I still love him. Iginala ko ang mata ko. "... If being a Princess is a curse because I can't be with the love of my life forever then I won't accept it. I'm sorry, everyone, but I want to be with him forever. I'm willing to take down my own crown and title if it means that I can be with..." Phoenix. " ...Him forever... I'm taking my crown down. I don't want to be a Queen." Inalis ko ang luha sa pisngi ko at madaling umalis sa lugar na 'yon.

Puro pagkuha ng larawan ang sumalubong sa akin nang lumabas ako sa entrance. Dumating ang mga lalaki para paalisin sila. Sumakay kaagad ako sa kotse para makaalis sa lugar na 'yon.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Nahihiya ako sa lahat lalo na sa Lola ko. Kahihiyan 'to sa kaniya pero ito ang desisyon ko. Dito ako masaya. Ito ang gusto ko.

Ayokong maging katulad nila na kontrolado ang buhay.

"Princess Michelle, are we going back to the Hotel or to the Palace?"

"Hotel, please," sagot ko.

Tinawagan ko si Reina para may kasama ako. Alam kong nagkakagulo na roon. Nakita ko ang balita na tungkol lang sa akin. Lahat-lahat ng nangyari sa lugar na 'yon na balita na. Pero kahit gano'n... pakiramdam ko... sobrang saya ko. Kahit na alam kong galit sila sakin... sobrang saya ng puso ko.

Sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. Mula kina Gianna ang text. Alam nilang lahat. Alam na nila.

Nang makarating sa hotel agad akong bumaba. May mga nag-aabang na pala sa labas na reporters, may lumapit sa akin ang bodyguards ko at sinamahan na makapasok sa loob ng hotel room. Halos masilaw ako sa mga flash ng camera nila.

May humigit pa sa akin habang naglalakad ako.

"Princess Michelle, why did you decline---." Tinakpan ko agad ang tainga ko at mas lalong binilisan ang lakad. Nang makapasok, sa elevator lang ako nakahinga ng maluwag.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Reina.

"[Hello? Where are you?]" Bungad niya.

"Hotel. I need you, Reina." Pinatay ko agad ang tawag dahil may tumatawag naman sa akin. "Hello?" Sagot ko sa tawag.

"[Where are you?]" si Darius.

"Sa Hotel," sagot ko. "Bye na. Low battery na ako." Pinatay ko ang tawag.

Hindi ko magawang mag-reply kay Laureen dahil lowbat na ako. Halos ikutin ko ma yata ang kwarto kung nasaan ako hanggang sa makarating si Reina.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Tama ang ginawa ko, 'di ba?" Tanong ko kay Reina nang humiwalay ng yakap, umiyak ako.

"It's your happiness, so it's a yes, Darlene. I'm happy for you but I felt bad for Abuela. But I hope also that she understands why your decision is that." Ngumiti siya sa akin. "Don't blame yourself, okay? You just choose your happiness."

Ngumiti ako pero may parte pa rin na nalulungkot dahil alam kong nagulat at nasaktan si abuela sa desisyon ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...
4.8K 111 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.
171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...