The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 86K 17K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 119

15.4K 368 47
By whixley

Chapter 119: Philippines

"'Di ba, Laureen, ang sabi ko... huwag ka ng pumunta? Sayang ang ticket mo!" Kausap ko si Laureen sa cellphone habang nasa sasakyan ako. Baka naabala ko siya! Nakakahiya naman.

"[I told you, you are my friend, I mean best friend! Kaya pupuntahan kita. Hindi sayang ang ticket ko, okay? Saka, I have a private plane kaya hindi talaga nasayang ang ticket ko dahil wala naman ako no'n.]" Tumawa siya sa kabilang linya. "[Uuwi din naman ako kaagad!]"

Naupo ako ng maayos sa back seat. "Okay, sabi mo, eh. Mag-ingat ka na lang. Kita na lang tayo sa shop na binigay ko sa'yo.Ingat ka, bye." Pinatay ko ang cellphone bago nilagay sa bag.

Alam niyo ba kagabi? Hindi ako nakatulog dahil sa nakita at nalaman ko. Una, nakita ko ang IG story ni Iris, ginamit ko ang fake account ko. Nakita kong magkasama nga sila tapos... parang ang laman ng post niya ay para sa kanilang dalawa ni Phoenix. Iyong post niya na kini-claim niya na sila.

Silang dalawa na yata talaga! Ang bilis naman niyang mag-hanap ng iba. Grabe, ha? Nagmomove on na nga yata talaga siya.

Ang hindi ko lang maintindihan... Prinsesa 'to lods... tapos iyon... no comment. Kung pwede lang akong bumalik ng Pilipinas agad-agad ginawa ko na. E, kaso hindi ko magawa. Konting galaw ko may nakasunod sa akin. Tapos kapag maayos ang ayos ko, tanong agad kung saan ako pupunta.

Pero hindi naman nila malalaman kung sakaling umalis ako 'di ba? Saglit lang sa Pilipinas then babalik din ako agad. Malay mo... hindi talaga ako makabalik ng Pilipinas kung sakaling mangyari na ang gusto ni Abuela.

Saglit lang. Saglit lang ako sa Pilipinas.

Nagtext si Laureen sa akin na nag-land daw ang eroplano.

Dumiretso agad ako sa coffee shop kung saan kami magkikita. Nang makarating doon agad akong umorder. Isang oras akong naghintay hanggang sa may taong tumakip sa mata ko.

"Put-" Inalis ko ang kamay at lumingon. "Laureen!" Tumayo ako at niyakap niya.

"I've missed you!" aniya nang humiwalay sa yakap. "Oh my god, I can't believe that the Princess hugged me!" Maluha-luha niyang sinabi.

Tinawanan ko siya.

"But wait... about what I said... are you okay?"

Tumango ako. "Oo naman," sagot ko.

"I'm not convinced but okay."

Nag-order siya ng inumin bago makipag-usap sa akin. Sinabi ko sa kaniya lahat-lahat ng ganap dito sa Spain. Iyong about nangyari noong Saturday.

"Darlene, hindi naman ipinagbabawal na piliin ang gusto mo. Payong kaibigan lang 'to, ha? Choose your happiness. Piliin mo ang gusto ng puso mo. Don't let anyone tell you what will you do. Hindi sila ang may hawak ng puso at isip mo. Ikaw pa rin ang magdedesisyon sa buhay mo," sabi ni Laureen. "If they get mad... then they're mad. Wala silang magagawa dahil ikaw 'yan, e. Ikaw ang magdedesisyon. Wala silang magagawa kung ano ang maging desisyon mo. Sarili mo 'yan, Darlene. Hindi masamang piliin ang sarili mong kagustuhan lalo na kung ikakasaya mo ng higit pa sa nararamdaman mo ngayon."

"E, paano kung magalit sila at ma-disappoint?

"Edi magalit sila. Sa buhay, hindi mawawala ang disappointment at galit. Dahil sa kagustuhan nila na mangyari ang inaasahan nila nagkaroon sila ng expectations. Then kapag hindi nagawa ng taong 'yon ang gusto nila, they'll get disappointed and sometimes mad. Tapos ke-kwestyunin pa nila kung bakit ganito, ganiyan ang resulta ng nangyari." Tumingin si Laureen sa akin. "Hindi naman masamang mag-expect pero sana huwag nilang iparamdam sa 'yo o sa tao kung paano sila na disappoint ng sobra dahil hindi mo o nila naabot ang expectation nila para sa 'yo. Dapat intindihin nila at i-appreciate nila ang nakamit mo dahil pinaghirapan mo 'yan. Hindi lang basta-basta ang ginawa o ang gagawin mo."

"Darlene, choose the best choice. Huwag kang mag-desisyon dahil lang gusto nila, mag-desisyon ka ng galing sa puso at walang iniintinding salita galing sa kanila o lalo na sa Abuela mo. Wala siyang magagawa kung sakaling piliin mo ang talagang gusto mo. Hindi naman kasi siya ang mamumuhay sa position mo kaya madaling sabihin para sa kaniya na piliin mo ang gusto niya para sa 'yo." Hinawakan niya ang kamay ko. "Choose the choice that make you happy."

Paano ko gagawin 'yon, kung iyong choice na pipiliin ko ay pinagtulakan ko at higit sa lahat mukhang nagsisimula ng mangalimot.

Naiinis at nasasaktan ako tuwing naalala ko ang sinabi nito sa akin. They kissed! Men, Iris and Phoenix kissed!

"Darlene, nandito ka pala... libre mo naman ako." Napaangat ako ng tingin ng dumating si Jacob.

Nagulat naman si Laureen at napalingon sa likod niya.

"May kasama ka pala...." gulat na sabi niya.

Tumayo ako at hinila si Laureen. "Bestie ko. Ganda 'no?" Nginisian ko si Jacob. "Future Model ko 'to." Inakbayan ko si Laureen.

"Ganda... nga," sang-ayon ni Jacob. "Sobra."

"Pero taken na 'to, nasa Pilipinas lang ang boyfriend."

"Ay... gano'n... sayang naman pero... " sambit ni Jacob. "Okay."

"I'm Laureen," pakilala ni Laureen sa sarili.

"Ah, Jacob." Nag-kamay silang dalawa ni Laureen.

Naupo na kaming dalawa ni Laureen. Umorder muna si Jacob bago maupo kasama namin. Pati si Laureen natutuwa sa kagaguhan nitong si Jacob.

Pinakilala ko nga rin pala si Laureen sa mga pinsan ko. Nagulat pa si Darius dahil nandito si Laureen pero hindi na lang siya nag-talk. Iyong mga pinsan ko naman gandang-ganda sa babaeng 'to. Pero totoo naman na maganda siya.

Katulad ng plano ni Laureen na babalik din siya agad ay nangyari nga. Hinatid ko siya kung saan siya sasakay. Nang matapos ko siyang ihatid umuwi na ako. Pero may kung ano ang pumapasok sa utak ko.

Gusto kong pumunta ng Pilipinas. Pero paano? Paano ko gagawin 'yon? Wait si... Reina! Baka matutulungan niya ako.

"Reina, please... I want to go back to the Philippines but I'll be back here as soon as I can." Nasa kwarto ako ni Reina.

"Darlene, this is dangerous. You know... Abuela will be mad at you. The rule was you can't leave Spain."

"But Reina..." Gusto ko lang ulit silang makita. "I'll be back. Promise."

"Okay. I'll help you." Hinawakan niya ang kamay ko. "I'll help you to go to the Philippines and I'll go with you. I'll tell Margaret to be with Abuela and our families too."

"Hindi ba sila makahalata kung sakaling mawala tayo?" tanong ko.

Umiling siya. "Kate does this when she wants to go to the Philippines for someone, and I was the one who helped her. This time, I will help you."

Ginawa ko ang trip kong bumalik sa Pilipinas. Alam kong nakabalik na si Laureen sa Pilipinas kaya sayang. Sa kaniya sana ako sasabay pero may kakilala naman si Reina na pwedeng pag-hiraman na private plane at alam niyo ba kung kanino?

"Anak ng tokwa!" Pag-reklamo ni Jacob. "Grabe naman kayo sa akin! Ako talaga ang nilapitan niyo?!"

"Jacob.... please? Darlene needs our help," pagpilit ni Reina. "You are the one who has a private plane here."

Hindi na ako nag-iimpake ng mga damit dahil alam kong babalik rin ako agad. Pero kung sinaniban ako ng demonyo at sabihing dito na lang ako. Hindi ko talaga gagawin.

"Oo nga..." sabi ko. "Dali na kasi, ito naman, e, para 'yon lang naman..."

"Sige na nga! Basta kasama ako..." ngumisi siya.

"Oo na, sumama ka na." Tumango ako.

Napapalakpak naman siya. Ginawa ni Margaret ang sinabi ni Reina. Nagawa rin naman ni Reina ang bumalik sa Pilipinas. Mahaba lang ang byahe pero kaya naman.

Nang makarating sa Pilipinas, bandang hapon na 'yon. Dumiretso ako sa GFS dahil paniguradong may klase pa ang mga 'yon. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko silang palabas ng gate kasama sina Gianna.

Nasa labas ako ng kotse pero nakatago ang mukha ko, nag-disguise rin ako. Nakatingin ako sa cellphone ko habang pinapakiramdam ko sila. Saglit kong inalis ang facemask ko habang mabilis na tumawid.

"Wait, gago, namalikmata yata ako..." Nagtago agad ako sa poste nang marinig ang boses ni Mavis.

Ang lapit na nila sa akin!

"What?" Tanong ng gagong si Phoenix.

"Parang nakita ko yata si Darlene," nanlaki ang mata ko.

Sumenyas si Reina sa akin, nasa kotse siya parang gusto akong papasukin. Pasimple akong umiling.

"Tanga, nasa Spain pa 'yon," sabi ni Harvey.

Tangina! Mabuti na lang nag-wig ako! Alam ni Phoenix ang kulay ng buhok ko.

"Hindi na nga yata babalik 'yon," dagdag pa ni Gael.

Babalik ako! Nandito na nga ako. Binalik ko ang facemask ko

"Ate... bili na po kayo ng mani. Mura lang." Shit naman! "May five, fifteen, at twenty po."

"Ako pabili!" Kita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit ni Dash kaya bahagya akong lumayo.

"Ate, bibili po ba kayo?"

Shit na malagkit!

Umiling ako. Nakita kong lumingon si Gianna sa pwesto ko. Nagbusy-busyhan ako para hindi mapansin lalo.

"Miss, excuse-"

Bago pa makalapit si Phoenix, kaagad akong umalis.

Pumasok agad ako sa loob ng kotse nang makatawid. Halos takpan ko ang mukha ko! Mabuti na lang tinted ang sasakyan na 'to. Tumingin ako sa direction ni Phoenix at halos masamid ako sa sarili kong laway nang makita siyang nakatingin sa kotse.

Iyong mukha na sobrang nag-sususpense.

"Jacob! Paandarin mo ang kotse! Bilis," utos ko at ginawa niya naman.

Tumingin ako sa labas habang papalayo kami. Sunod niya ang tingin dito hanggang makalayo ang sasakyan ko.

Nakita ko pa na may dinukot siya mula sa bulsa.

Huminga ako ng malalim bago mapasandal sa bintana.

"Are you okay?" Tanong ni Reina.

Ngumiti ako at tumango.

Nalaman kong nasa mall sina Gianna dahil nakita ko sa IG story niya. Papunta ako sa mall ngayon at ako lang mag-isa. Panay ang lakad ko hanggang sa makarating sa restroom. Sumandal ako sa pader para magpahinga.

"I hope Darlene would never back." Napatigil ako nang marinig ang boses ni Iris.

Napatayo ako nang wala sa oras.

"I hate her... I really hate her." Halos isumpa ako ng babaeng 'to. "I'll get Phoenix."

Hindi sa 'yo na! Tangina, magsama kayong dalawa! And as if I'll let that happen? Asa, Iris, asa ka!

Tumalikod ako pero pagharap ko may nakauntugan akong tao. Napahawak ako sa noo ko dahil sa sakit. Pucha, bato yata itong tao.

"Tangina." Hinilot ko ang noo.

"Darlene?" Gulat na sabi ni Trevor.

Pati ako nagulat. "H-Hi?" Ngumiti ako. "Uh... excuse me." Nahawakan ni Trevor ang braso ko.

"You're here." Hindi pa rin siya maka-get over.

"Trevor, quiet ka lang, huh? Bye." Binawi ko ang kamay ko at nagmadaling umalis.

Nakahawak pa rin ako sa noo ko. Bato yata si Trevor.

Nakita ko sa food court ang mga kingina. Nakatayo si Harvey at parang gagong nagulat habang nakaawang ang labi at diretsong nakatingin sa direction ko. Ako naman ang nagulat ng tapik-tapikin niya ang katabi na si Phoenix na bored na nakatingin sa cellphone.

Hinawi ni Phoenix ang kamay niya at halatang naiinis. Patuloy lang ang ginagawa ni Harvey hanggang sa ituro ako at may sinabi, nag-angat ng tingin si Phoenix at bahagya rin nagulat nang makita ako.

Napatingin ako sa cellphone nang tumunog. Sinagot ko ang tawag.

"[Darlene, we need to go back to the Spain. The guards are looking for us now. Abuela found out about what we did... say goodbye to them now.]" Tumulo naman ang luha ko habang nakatingin kay Phoenix.

Ttumayo siya para puntahan ako pero umiling ako at humakbang paatras para umalis.

Bakit gano'n kapag binabalak kong lapitan siya lagi na lang may humahadlang? Bakit kapag gusto kong gawin ang payo ni Laureen, lagi ko na lang naiisip ang nararamdaman ng ibang tao o ang gusto nilang gawin kaysa sa gusto kong gawin sa buhay ko?

Naglakad ako paalis para puntahan kung saan naghihintay si Reina.

"Pababa na ako, Reina..." Pinatay ko ang tawag.

Ayoko na.

Nang makarating sa parking lot sumakay agad ako sa back seat kung nasaan si Reina. Umandar naman agad paalis ang sasakyan. Inakbayan agad ako ni Reina.

"It's okay..." aniya.

Wala na kaming oras kaya dumiretso na agad kami kung nasaan ang private plane. Natawagan na pala ni Jacob ang pilot kaya ayos na ayos na ang lahat.

Inabot ng ilang oras bago kami makarating sa Spain. Sunod-sunod na mga tawag ang naririnig ko mula kina Gianna. Pero hindi ko magawang sagutin dahil napupuno ng kaba ang dibdib ko dahil sa ginawa ko.

"What the hell is this?" Pagpasok ko 'yon agad ang tanong.

"I just want to see my friends," sagot ko.

"But Darlene you left without our consent?" Tanong ni Mama.

"Why? I'm safe now." Naupo ako sa sofa.

"That's not the point..." sabat ni Papa.

Humawak ako sa noo. "Ano bang gusto niyong malaman?" Tanong ko. "Nakabalik na ako. Ano pa ba ang gusto niyo?"

"I want to know why you are going to the Philippines. I want to know why you left this-"

"I want to see my friends that's all! I want to see him!" putol ko kay Abuela. "Gusto ko siyang makita dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung tama ba ang ginawa ko!"

"Your decision is right. You'll be like me-"

"I don't like to be like you in the future! I want to be a normal person! I want to be like others! I pushed him away because of you! Ngayon gusto ko silang makita pagbabawalan niyo ako?! Ano ako nasa preso?!"

"Darlene!" sumabat na si Papa, galit na rin ang boses niya. "Fix your language! Respect her!"

"Papa, nirerespeto ko siya-kayo pero tama ba na diktahan niyo ako sa desisyon ko?! Ayokong maging robot pero 'yon ang nangyayari! At hindi pa nagsisimula pero nagsasawa na ako! Ayoko na ng ganito!" Iritado kong sigaw. Dinampot ko ang bag sa sofa at umakyat sa taas.

Walang nagsalita niisa sa kanila. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Mama sa akin. Sumandal ako sa pinto at pumikit. Ang hirap... ang hirap pala ng mga ganito.

Inalis ko ang luha sa mata ko nang balak tumulo. Umayos ako ng tayo at naglakad papunta sa bathroom para maligo.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga bagay-bagay para makalimutan na ang lahat-lahat.

"Miss ko na si Lucy," mahinang bulong ko habang nakatingin sa bintana. "Kumusta na kaya siya? Iyong babies niya?" napabuntong hininga ako.

"Darlene," nakarinig ako ng katok.

Nahiga kaagad ako sa mini bed at pumikit. Ayoko lang talagang makausap sila. Nagpanggap akong tulog.

"Darlene, I know you are awake," si Darius pala 'to.

Hindi ko kasi sila pinapansin lahat kahit kakain kaming lahat, deadma lang sila sa akin. Atsaka, tinatamad rin akong magsalita.

"Paano mo nasabi? Ang himbing ko na nga sa pagtulog," sambit ko.

"Just wake up, okay? What's wrong and why you kept on ignoring them?"

"Trip ko lang bakit?" Nagtaas ako ng kilay. "Doon ka na nga, natutulog ako."

Wala naman siyang nagawa dahil pati siya pinagsaraduhan ko ng pinto.

Kinabukasan, wala ako sa mood pero may party na naman kami. Nasa table lang ako at pinagmamasdan ang nangyayari sa buong party.

"Are you okay?" Nilapitan ako ni Reina.

Tumango ako. "Yeah, okay lang ako," uminom ako ng tubig.

Gusto ko nalang umuwi. Nagkakasiyahan silang lahat, samantalang ako nandito sa table, wala sa mood. Ayoko namang makisali.

Nang makawala sa paningin nila. Lumabas ako sa party, saka pumara ng taxi. Dinala ako ng mga paa ko sa isang lugar kung saan inakala ni Darius na nakita niya si Lara.

"One hard drink, please."

Ginawa ng lalaki ang sinabi ko. Habang umiinom ako, panay ring ang cellphone ko kaya pinatay ko. Gusto ko silang komprontahin pero hindi ko magawa, ayoko na ulit sila sagut-sagutin. Hindi ko kayang pagtaasan ng boses si Mama at Lola.

"Ano ba?!" malakas kong sigaw nang balak kong kunin ang nasa baso. "Hayaan niyo na ako," tinulak ko ang humawak sa akin. "Pabayaan mo na ako. . . ayoko maging Reyna," umiyak ako.

"Hush. . ." may yumakap sa akin. "Nandito lang ako, Darlene. Hindi kita pababayaan, 'di ba?"

Nagmulat ako ng mata. Nagdadalawa ang tingin ko pero alam kong babae 'to. Pamilyar ang bawat tono ng pananalita niya.

"Miss na miss na kita. . ." sobrang higpit ng yakap niya.

"H-Huh?"

Hindi ko alam ang sunod na nangyari. Kusa nalang akong nawalan ng malay. Paggising ko nasa Hospital na ako at kasama sina Mama.

Nagalit sila. Alam ko naman 'yon. Pero iyong babae. . . pamilyar siya. Suminghap ako habang iniisip 'yon. Nagalit rin si abuela sa ginawa kong pag-inom. Inakala niyang si Phoenix ang dahilan kung bakit ko ginawa 'yon.

Ang gusto ni Abuela mag-move on daw ako kay Phoenix. Paano ko 'yon gagawin kung siya lang ang nagparamdam sa akin na mahalaga at mahal na mahal niya ako? Ang hirap kaya no'n.

Pero dahil sa lahat-lahat ng nalaman ko kasama ang pisteng si Iris parang... wala. Pero kasi tangina iyong nakita ni Laureen!

Dapat thankful na lang si abuela dahil nasa kanya na ako. Nakita naman niya ang nangyari noong nakaraang sabado. Nakita niya kung paano ko pinagtulakan si Phoenix palayo sa akin para lang sa kanya. I sacrificed my happiness for her kingdom... pero minsan nagdadalawang isip ako kung tama ba 'to... o tatakbo ako sa oras ng coronation?

Ano pa ba ang dapat kong gawin para naman matigil na sila sa kaka-talk? Naririndi na rin ako, e. At nakaka-pressure.

"Darlene-"

"Pagod po ako, gusto ko po na magpahinga," pilit akong ngumiti kay abuela bago umalis sa harap niya.

Ayoko lang talaga muna may makausap. Gusto kong mapag-isa dahil nahihirapan talaga ako. Iyong tipong ang taas ng expectation nila sa 'yo kaya hindi mo magawang hindi gawin ang gusto nila dahil ayaw mo silang madissapoint? Na kapag nangyaring na-dissapoint sila tatanungin ka kung hindi pa sapat ang nagawa nila.

Pero sana naman bago sila magtanong, itanong muna nila sa tao kung gusto ba nila ang bagay na 'yon. Dahil kung ayaw talaga nila may mangyayari ba? Well, meron naman... hindi nga lang kasing taas ng expectation nila. At 'yon ang nagiging dahilan kung bakit minsan napepressure ang tao. Dahil sa matataas nilang expectation kaya napepressure ang tao.

Pwede kang mag-expect sa tao pero huwag kang umasa na maaabot talaga nila dahil wala namang perfect na tao. Kagaya ko, hindi ako perpektong tao kaya alam ko sa sarili ko na may posibleng hindi ko maabot ang expectation nila para sa akin.

At 'yon ang kinatatakutan ko. Natatakot ako na baka mamaya may magawa akong mali pero ang ikakasaya ko.

Pumikit ako bago huminga ng malalim.

Nagmulat ako ng mata at pagmumukha ni Jacob ang nakita ko kaya natulak ko ang mukha niya dahil sa gulat. Putang ina, sinong hindi magugulat?! Iyong mukha niya ang lapit sa akin tapos iyong tingin parang tanga lang! At nakanganga pa, ha?!

Malakas siyang tumawa dahil sa naging reaction ko.

"Langya ka! Nagulat ako!" Humawak ako sa dibdib.

"Ang epic ng mukha mo!" Mas lalo siyang tumawa. Ginaya pa niya ang paraan ng pagkagulat ko bago ulit tumawa ng malakas.

Sinalampak ko ang bread na hawaka niya mismo sa bibig niya para matigil na ang pagtawa niya. Nginuya naman niya 'yon bago kunin ang coffee sa table ko. Nadura niya rin kaagad dahil sa init.

"Inom ka kasi ng inom! Init, 'no?" May halong sarcastic ang boses ko.

"Bakit hindi mo sinabing mainit?!" Aba, parang kasalanan ko pang hindi sinabi, ha?

"Kasalanan ko bang matakaw ka?" Tinawanan ko lang siya. "Grabe ka rin, e, 'no? Ako pa nasisi."

Palagi ko nga palang kasama si Jacob. Masaya naman siyang kasama.

"Anyway, bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Ikaw, ha, miss mo ako..." Sabi niya.

Umirap ako. "Ang feeling mo naman. Hindi kita namiss." Feelingero.

"E, bakit nga tayo nandito?"

"Wala lang. Gusto ko lang lumabas," sagot ko.

"Gusto mo naman palang lumabas tayo, hindi mo agad ako niyaya. Willing naman akong sumama basta huwag lang iyong sapilitan."

"Ang feeling, huh? Hindi 'yon! Never akong nagkaroon ng balak na ilabas ka or something. Ikaw ang magdadahilan kapag umuwi na ako mamaya. Tumakas lang kasi ako," saad ko. Tumakas lang talaga ako sa kastilyo, grabeng pagtatago ang ginawa ko para lang hindi na nila ako makita.

Saka, nag-taxi lang ako papunta dito sa bake shop na 'lagi kong pinupuntahan. Minsan na rin naiisip ko ang gumawa ng shop.

Coffee and Cupcake shop ang gusto ko. Magagawa ko kaya 'yon? Magiging successful kaya ang gagawin kong 'yon? Sa tingin niyo ba sakto ang perang naipon ko para gumawa no'n? Mahaba siguro ang process 'no? Patulong kaya ako kay Mama o kaya Laureen, tingin siya ng magagandang spot for the shop.

Tanga, hindi ako nagbibiro. Gagawa talaga ako ng sarili kong shop. Tapos mag-iisip ako ng magandang pangalan na papatok agad.

"User ka! Lagi mo na lang akong ginagamit na dahilan," umirap siya sa akin.

Tinawanan ko siya. "Sus... if I know crush mo ako." Ngumisi ako sa kaniya kaya bahagya siyang napatigil. Kita ko ang pag-pula ng pisngi at tainga niya.

"Huy... ano ba! Joke lang! Alam ko namang wala kang crush sa akin. Friends tayo, 'di ba?"

Tumango naman siya. "Oo... friends." Tumatango na sabi niya.

"Goods," ngisi ko.

"Pero, Darlene, may tanong lang ako," sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin.

"Ano 'yon?"

"Tinurukan ka ba ng isang milyong anesthesia?"

"Hindi." sagot ko. "Bakit?"

"Pero bakit gano'n? Grabe ka sa manhid." Aniya.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya bago magpatuloy sa pagkain.

At dahil nga malapit na ang linggo todo ayos na sila para sa birthday ng grandmother ko. Maraming dadalo doon including other Royal Family, lahat ng malalapit sa kanya ay dadalo sa birthday niya.

Masaya naman silang lahat dito at ako naman todo kaba dahil alam ko na ang mangyayari. Coronation day... ang mangyayari. Alam ko na sa sarili ko ang desisyon at hindi ko alam kung tama ba ang gagawin kong 'to.

Lagi ko rin iniisip si Phoenix, hindi ko alam kung ayos ba siya ngayon matapos ang huling pag-uusap naming dalawa.Nakita ko sa IG story ni Laureen noon. At ang nakalagay sa caption late birthday celebration pero sa mukha ni Phoenix halatang wala siya sa mood.

Hindi ko alam kung dapat ko bang gawin ang desisyon na paulit-ulit na pumapasok sa utak ko.

At about sa mga pinapadala ng mga gago, natutuwa naman ako dahil kahit na hindi kami nagkikita ngayon pinaparamdam nila sa sincere silang lahat. Na handa silang kunin ulit ang tiwala na nawala nila. Kahit na wala sila... through flowers and letters. Nalaman ko na nililigawan nila ako, hindi iyong maging girlfriend nila, ha? Nililigawan nila ako para makuha ulit ang tiwala ko.

Hindi naman sila tumigil sa kakagawa no'n.

Tangina, naguguluhan na rin ako sa buhay ko. Pati pagdedesisyon ko sa buhay hindi ko na magawa. Ang dami kong iniisip dahil hanggang ngayon naiinntriga pa rin ako kung ano bang meron kina Iris at Phoenix.

Gusto kong malaman! Tangina, naghalikan daw ba? Naiinis talaga ako kapag pumapasok 'yon sa isip ko. Kinaiinisan ko talaga si Iris. Iyong inis ko sobra-sobra na.

Pero ang mahalaga ngayon nakatapak ulit ako sa Pilipinas at kahit papaano ay nakita ko sila.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 216 5
where minji tries to confess 5 times and the 1 time she actually does
1.2K 694 29
Felicia Shaynne Dimaguiba fall for his bestfriend Denarius Ramos. She secretly hid his crazy feelings for him, kahit pa nga sa tuwing makikita niyan...
1.2M 38.2K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
1.4M 38.4K 36
Choi Hyorin a Nerd always got bullied by BTS especially the youngest member Jeon Jungkook. But the problem is She had a crush on Jungkook, Her heart...