The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 88.5K 17.5K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 118

16K 408 150
By whixley

Chapter 118: Chance

Nagising ako ng bandang hating gabi. Tumayo ako para lumabas kahit wala pa akong hilamos. Bahagya pa akong naalimpungatan. Lumabas ako at sobrang tahimik na paligid ang sumalubong sa akin.

"Serine, let's just let her decide. Don't let your mother forced her to the things she doesn't want to do. Darlene is old enough to decided," boses 'yon ni Papa.

Nasa tapat kwarto ako nila Mama, hindi ko inaasahan na nag-uusap sila.

"I don't have a choice-" Hindi natapos ni Mama ang sasabihin dahil nagsalita si Papa.

"You have a lot of choice. There's a lot of choice. Huwag mong hayaan na pwersahin siya dahil lang gusto ng Queen na maging Reyna siya, Serine. I know her, kilala ko si Darlene, kahit pa sabihin mong pumayag nga siya, hindi mo alam ang tumatakbo sa isip niya. So, if you have a chance to stop it, then stop it. Dahil kung ako lang rin naman ang masusunod ngayon, I'd rather choose to leave this place and go back to the Philippines together with my kids. Especially Darlene dahil alam kong nasasaktan siya."

Sandali akong huminga nang malalim habang piniproseso ang sinabi ni Papa. Bumalik nalang ako sa kwarto. Nahiga ako sa kama at bumalik na naman sa isip ko ang nangyari bago kami maghiwalay ni Phoenix.

Hindi ko na namalayan na nakatulog ulit ako dahil sa pag-iyak. Nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng kama. Pagbukas sandamakmak na text mula kay Laureen ang pumasok. Sinilip ko ang IG ko at gano'n pa rin, galing lang rin kay Laureen ang mga message. Nag-refresh pa ako para makita kung may bagong message na pumasok kaso wala.

Ini-stalk ko ang timeline ni Phoenix sa Instagram at nagulat ako nang makitang wala na ang pictures namin. Nagrefresh ako at ang nakita ko naman ay hindi niya na ako finafollow! Tungkol ba 'to sa nangyari kahapon?

velasquez_phoenix

0 post / 78.5k followers / 116 following

Pati 'yong highlights niya wala na rin. Pinatay ko na lang ang cellphone ko tutal wala namang mangyayari. Tumayo na ako para dumiretso sa bathroom. Kumuha ako ng susuotin sa closet, sinabit ko muna 'yon sa pole hanger.

Napaisip ako. Mas marami pala ako sa kanya na followers? Biglang dumami ang followers ko noong makita nila akong lahat kasama ang mga Royalties. Dapat thankful siya dahil isa siya sa finafollow ko.

Tinapos ko na lang ang pag-ligo para makakain na ng breakfast. Lumabas na ako sa shower para magbihis. Bumaba ako matapos magbihis ng casual dress, naka-flat sandals ako dito at kahit wala akong gagawin. Dala-dala ko rin ang cellphone ko nang bumaba.

Nakasalubong ko sa hagdan si Darius. Nanliit agad ang mata ko sa kaniya.

"Why?" tanong niya agad.

"Nilagyan mo ng gamot ang tubig." Lumapit ako sa kaniya at mahina siyang binatukan.

"I do it on purposes!" Pagtanggol niya sa sarili.

Pero masaya naman kahit papaano dahil nakasama ko si Phoenix. Kahit ilang oras lang. Ang mahalaga naranasan ko ulit sumaya.

"Purposes mo ang face mo," sabi ko. "Bakit ka pa nandito?" Sure akong nagbe-breakfast na ang iba sa baba.

"I was about to call you," aniya. "Are you okay now?"

"Hindi ako okay. Piliin mo ba naman ang ayaw mo sinong hindi magiging okay? You let go the love of your life for this Kingdom, who will be happy?"

"Uh... Darlene..." tawag niya sa akin at parang may sinenyas pa sa likod ko.

"Tse..." Bumaba na ako para kumain. Gutom na talaga ako. Binati ako ng mga maid nang makababa ako sa dining.

Napatingin silang lahat sa akin nang makarating ako sa table. Pansin ko lang... wala si abuela, ha? Nasaan siya?

"Good morning..." Sabi ni Abuela sa Spanish na salita.

Napalingon ako sa kaniya. "Good morning..." bati ko rin bago dumiretso sa upuan.

Nanggaling pala siya sa taas bakit hindi ko nakita? Anyway, nandito na naman siya kaya makakain na kaming lahat. Nilagyan ng mga maid ang plato ko kahit kaya ko naman. Pansin kong nakatingin silang lahat sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. Kaniya-kaniya naman silang kain lahat.

Ano bang ginagawa nilang lahat? Nababaliw na yata ang family ko. Napailing ako bago magsimulang kumain.

Pinag-uusapan nila ang about sa linggo kaya ito na naman ako panay ang kaba at... sakit dahil tuwing naalala ko 'yon nagsisisi ako. Pero wala na akong magagawa ang sabi niya, "let's not see each other" kaya sino ba naman ako para sumuway? Ang powerful pa naman ng sinasabi ni Phoenix.

Napatingin ako sa isang fish na nasa harapan ko. Magkatabi silang dalawa at halatang hindi mapaghihiwalay kaso kapag kinain na kayo wala na kayong choice kung hindi ang maghiwalay. Magsa-sacrifice kayo para sa ikakabuti ng tao dahil makakain siya ng isda at kayo 'yon.

Ang complicated pala kapag isa kang isda. Biruin mo... hinuli ka na... tapos tatanggalan ka pang kung ano sa loob, at sunod lulutuin ka and lastly itotorture ka gamit ang pag-nguya. Nakakaawa pala kayong mga isda. Paano na lang ang pamilya niyo lalong-lalo na ang pinakamamahal niyo?

Ayoko na pala maging isda sa second life ko. Madali lang rin akong mawawala.

"Darlene, what are you thinking?" Tanong ni Mama.

Nag-angat ako ng tingin at lumingon sa kanya. "I was thinking about what I will be in my next life. Is it fish or what? I don't want to be a fish. Madali lang ako mawawala kaya siguro..." Nag-isip ako. "Kuto na lang. At least palipat-lipat lang ako ng buhok. Kapag sawa na ako sa balakubak niya, lipat ako sa isa."

Nakita kong napatampal sa mga noo si Kuya, Papa, Darius, at ang mga pinsan ko.

"Eat now..." utos ni Mama sa akin kaya kumain na lang ako. Napahawak pa siya sa noo bago huminga ng malalim at mapailing. "Kuto... balakubak... what the..." Mas lalo siyang napailing.

Totoo namang gusto kong maging kuto tapos lilipat ako kay Phoenix para kasama ko siya palagi. Kahit mangati siya at least kasama niya ako! Huwag nga lang siya gagamit ng pang-tanggal ng kuto sa buhok kasi baka mamatay ako. Hindi ko na siya makakasama.

"Sana kuto na lang ako...." Huminga ako ng malalim. "Tapos sa 'yo ako pupunta, Mama." Ngumiti ako kay Mama. "Para kasama kita." Akma akong aakbay sa kaniya pero lumayo siya.

"Darlene... stop," saway niya.

Napanguso ako bago tumahimik. Natapos naman kaming kumain ng iniiisip ko pa rin ang aking second life. Ay, wait matanong nga si Jacob kung ano ang second life niya!

Since wala akong gagawin dito nag-decide akong umalis na lang. Wala naman akong mapapala kung iiyak lang ako ng iiyak. Mabuti sana kung may gintong lalabas sa bawat patak ng luha ko, e, kaso wala! Kaya mabuting kalimutan muna 'yon kahit papaano.

Simpleng yellow mid dress at white flat sandals ang suot ko.

"Where are you going?" Tanong ni Abuela nang makitang paalis ako.

"Uh, outside with my friend," magalang na sagot ko.

"Are you sure it's a friend?" Paninigurado niya.

"Yeah, it's my friend. Tumango ako.

Wala kaya akong friend dito. Ako lang talaga mag-isa.

Tumango lang rin siya. Nag-lakad na ako palabas para pumunta sa isang shop. Sumakay ako sa isang kotse na nasa harapan. Sinabi ko sa kaniya ang pupuntahan namin kaya doon kami pumunta. Nang makarating kita ko ang pagbaba ni Jacob sa isang kotse. Hindi muna ako bumaba.

Naka-white pants, blue shirt, at white sneakers. Ang pogi ng ayos niya. Dumiretso siya sa isang coffee shop kung saan ako pupunta. Nakita ko rin na may kausap siya sa loob. Ay, teka! 'Yon ang babae sa party ni Cedric! Iyong ex-girlfriend niya.

Niyakap siya noong babae pero agad niyang inalis. May sinabi pa siya sa babae kaya nakita ko ang pag-pahid ng babae sa pisngi niya. Mahabang pag-uusap ang nangyari at hindi rin nag-tagal ay kinuha ng babae ang hand bag at nag-lakad palabas sa coffee shop.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay ng taxi.

Bumaba ako para pumasok sa loob ng coffee shop. Hindi ako nagpahalatang alam ko na kanina pa nandito si Jacob.

"Good afternoon, Princess Michelle," bati ng mga staff.

"Good afternoon," ngumiti ako. Lumapit ako sa counter para bumili ng frappe. "One frappe, please."

"Darlene."

Lumingon ako sa kaliwa ko. Lumapit si Jacob sa tabi ko. "Dito ka rin bumibili ng mga ganiyan?"

Tumango ako. "Oo, masarap dito."

"Sobrang sarap dito," sang-ayon niya. "Libre mo ako."

Agad akong napalingon sa kaniya. "Grabe! Sabay gano'n!" Tumawa naman siya sinabi ko. "Ako dapat ang ilibre mo."

"Iyon lang pala, eh," kinuha niya ang wallet sa bulsa.

"Galante ka pala. Iyong inorder ko ang babayaran mo..." Sabi ko. "Saka, iyong cupcake."

Shuta, ang galante nga naman nito! Binili niya nga ang sinabi ko. Kinuha ko ang frappe coffee ko bago maupo sa isang table malapit sa may glass wall. Tirik na tirik ang araw kaya maraming tao ang namamasyal ngayon.

Nakiupo naman sa harap ko si Jacob.

"Bakit ka ganiyan? Anong mayroon rin sa mata mo? Kinagat ng ipis kaya namamaga?" Tanong ni Jacob.

Ano ba naman 'to. Paepal nga naman talaga. Nag-eemote ang tao tapos hihirit ng gano'n. Masasampal ko na talaga 'to minsan.

"Hindi," sagot ko bago humigop sa frappe na binili ko kanina-I mean, libre pala niya.

"Ano lang? Trip mo lang na mamaga ang mata mo?"

Umiling ako. "Basta."

"Ayan ka na naman sa basta mo, lods." Napailing naman siya. "Umiyak ka 'no?"

"Ano sa tingin mo?"

"Hindi, e..." Uminom siya ng frappuccino niya.

Napakamot naman ako sa noo.

"Haha, joke lang! Halatang-halata kayang umiyak ka! Bakit nagkabalikan kayo ni Phoenix?"

Napatingin ako sa kaniya.

"Gulat na gulat ka ba? Kilala ko 'yon! Siya 'yong tinutukoy ko na kikitain namin ng pinsan mo. Kaibigan namin 'yon tapos siya rin iyong irereto ko sa 'yo, eh, kaso ex mo pala." Bahagya siyang napatigil. "Ay, teka! Hindi 'yon ang sinabi niya sa akin! Ibang-iba sa sinabi mo! Kung ikaw... ex mo siya, at siya naman girlfriend ka niya!" Tinuro niya ako bago humawak sa baba at at tumingin sa taas. "Hindi ko alam kung ano kayong dalawa. Naguguluhan ako! Ang sa akin lang... wala. Walang sa akin."

Hindi na lang ako nag-comment sa mga pinagsasabi ni Jacob.

"Tapos, mare, kinidnap ka raw?" Tanong niya na naman. "Na-chismis ko lang sa kabila."

Gusto ko siyang tawanan sa sinasabi niya.

"Pero ayos lang 'yon! Si Phoenix naman ang kumidnap sa 'yo! Saka, thankful ka dapat nakasama mo siya." Hinampas ako ng hayop. "Masaya ba?"

Humawak ako sa braso ko. "Tangina, ang sakit, ha?! Saka, mukha ba akong masaya?"

"Oo! Mukha kang masaya. Saya mo nga, eh." Tumawa pa siya kahit wala namang nakakatawa. "Sabi ko nga hindi nakakatawa." Tumikhim siya. "Bakit ka ba kasi umiyak? Hindi ka ba masaya kasi finally kasi kasama mo si Phoenix?" Panay ang banggit, ampucha. At talagang kilala niya, ha!

Kumain ako ng cupcake para umiwas sa tanong niya.

"Sabihin mo na kasi! Para ka namang others. Sabihin mo na!"

Napapatingin ang ibang customer sa amin. Baka iniisip nila baliw itong kasama ko. Well, baliw naman talaga 'to.

"Wala nga," sabi ko.

"Ang daya mo naman."

"Sige na nga... pinaalis ko siya. Tapos niyaya niya akon-" Pinutol niya agad ang sinabi ko.

"Oh my god! Niyaya ka saan?!" Nanlalaki ang mata niya sa akin.

"Ano ba! Hindi 'yon! Hindi niya 'yon gagawin sa akin!" Sabi ko. "Niyaya niya akong bumalik sa Pilipinas, eh, kaso umayaw ako. Tapos pinaalis ko siya at sinabi niyang 'let's not each other', kaya ito..."

"Complicated naman..." comment niya. "Pero masaya ka ba sa desisyon mo?"

"Iyon nga... hindi ako masaya," sagot ko. "Pero ayos lang 'yan mawawala rin 'yan. Saka... choice ko 'to kaya paninindigan ko na lang."

"Pero hindi ka nga masaya. Paano mo paninindigan kung hindi ka masaya in the first place? Baka mapunta lang sa wala ang paninindigan mo kung hindi mo naman buong puso tinanggap," seryosong sabi niya.

"It's for everyone's good though. For the Monarch."

"Then how about for your own good? You'll just sacrifice your own happiness? If that's the case then what's the purpose of your life if you aren't happy? Natanggap mo nga ang pagiging Reyna pero hindi ka masaya dahil may naiwan ka at 'yon ay si Phoenix. If that happens... there's also a possibility that Phoenix moves on to you and finds someone new while you are still into him because you can't move on and.... regretting why you didn't choose him."

Siguro tama nga si Jacob sa sinabi niya. Iniisip ko pa lang na makakahanap siya ng iba parang gumuguho na ang mundo ko... paano na lang kaya kung totoong mangyari na? Baka ikamatay ko pa. Iyong tipong ako malungkot at siya masaya dahil finally may bago na ulit siyang mamahalin.

Hindi ko yata kakayanin 'yon.

Iniisip ko kung anong mangyayari kung sakaling dumating ang linggo. Araw na rin 'yon ng birthday ni Lola Serica at iyon nga... araw ng coronation. Iyong araw na babago sa buhay ko sa oras na maupo ako.

Nakalipas lang ang birthday ni Cedric may inaayos na naman silang lahat. About naman sa birthday ni Lola Serica. Ang naririnig kong hapon iyon mangyayari. 5 PM gano'n. Gusto nilang perfect ang mga mangyayari.

Ipapakilala na kasi ako. Napabuntong hininga ako bago mahiga sa kama.

Ang boring ngayong araw. Kung noon, laging may text message si Phoenix sa akin at ngayon ay wala na. Si Laureen na lang ang nakakausap ko palagi through chat and call.

Sino ba naman ako para mag-send pa ng message 'di ba? Biruin mo pinaalis ko siya. At akala ko maayos na pag-uusap na mangyayari pero hindi pala. Nasaktan siya mismo sa araw ng birthday niya.

Pero minsan kinakamusta ko si Phoenix at okay naman daw. Pero hindi ako naniniwala, hindi siya okay. Madalas rin mambulabog si Laureen para lang sa chismis niya. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga sila ni Gavin.

Madalas kong naririnig sa kanya na mag-kasama silang dalawa. Landian lang yata ang gusto nila. Kung ano man ang mayroon sa kanilang dalawa support ko na lang.

Niyaya ko nga palang mag-swimming sina Reina pang-pawala sa stress. Hindi naman umapila sina Mama. Akala ko pa nga pipigilan nila ang gusto ko.

"Sasama lang naman ako." Pag-pilit ni Jacob.

Nasa park ako at nagba-bike tapos itong isang 'to nakisali. Kanina pa niya ako kinukulit sa bagay na 'yan. Nga pala... may kasama pala akong bodyguard ngayon. Anim silang kanina pa nagbabantay sa akin. Nabobored ako sa bahay.

"Pinsan ba kita? Kami-kaming magpipinsan lang ang magsiswimming. Hindi ka kasama."

"Hindi pero ako ang friend mo. Isama mo na kasi ako!" Para siyang bata sa harap ko.

Bumaba ako sa bike at tinabi sa gilid.

"Kapag ako nahawakan mo, papayag ako. Lagi ka na lang sumasama sa akin, e, tapos lagi ka pang nagpapalibre. "

"Nanlilibre rin naman ako, ha! Ang mahal nga ng pinabibili mo!" Sagot niya at tinulak ako. "Nahawakan na kita!"

"Ang daya mo naman! Tinulak mo pa ako!" Sinabunutan ko ang buhok niya pero mahina lang.

"Aray, grabe ka!" sinabunutan niya rin ako.

"Aray! Para kang babae!" Sinibanutan ko ulit siya. "Buti nga sa'yo!"

Akma niya akong sasabunutan pero sumakay na ako sa bike ko at nag-pedal palayo. Sumakay rin siya sa bike niya at hinabol ako. Inikot ko ang buong Park para hindi niya ako maabot.

"Hoy! Paganti ako!" Sigaw niya.

Dumila lang ako para mang-asar.

"Darlene pangit!"

"Jacob, supot!" Malakas akong tumawa.

"Hindi ako supot!" Parang bata na sabi niya.

Mas lalo akong tumawa. "Supot!"

"Hindi ka mahal ni Phoenix!"

Napatigil ako. "Ano ba?! Banggit ka nang banggit doon!" Mahal naman ako ni Phoenix 'di ba? 'Di ba?! Tototong mahal niya ako!

Siya naman ngayon ang tumatawa. "Hala... sorry at mukhang mahal mo pa rin pero pinagtulakan mo na umalis."

Napairap lang ako sa kanya. "Oo na! Sumama ka na! Isama mo rin ang kapatid mo! Lagi ka na lang umaalis." Pag-payag ko.

"Si Phoenix lang pala ang dapat kong sabihin para pumayag ka..." Tumawa siya.

"Ay, Jacob may tanong ako sa'yo." Sabi ko ng may maalala.

"Bawal ako ligawan! Bata pa ako." Tinakpan niya ang sarili. "Strict ang parents ko."

"Gago, hindi 'yon!" sabi ko. "Anong gusto mo sa next life mo? Ako kasi... kuto, ikaw?"

"Kung ikaw kuto... siguro lisa ako," sagot niya at malakas na tumawa. "Para hindi talaga mawawala."

"Gago ka talaga!" Malakas akong tumawa.

Umuwi na ako matapos makipag-gaguhan kay Jacob. Iyong swimming sa isang private island at kami-kami lang! Nakaready na nga ang gamit ko, e. Malayo pa naman 'yon gaganapin.

Nakahiga ako ngayon sa kama habang nag-iiscroll sa facebook.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang picture ko sa Facebook! Naka-feature ako at si Jacob sa isang famous page. Tangina! Lahat ng picture na magkasama kami ay nandoon! What the fuck?!

Bakit may ganito? Daig ko pa ang showbiz, ha?

May picture kami noong nasa coffee shop. Tumatawa siya samantalang ako busangot ang mukha dahil may sinabi yata siya dito na hindi ko kinatuwaan o wala lang ako sa mood? Iyong sunod, 'yong tinatawanan ko siya at masama naman ang tingin niya sa akin. At lastly iyong nasa park kaming dalawa at naghahabulan.

Bakit may ganito? Fucking fuck!

At 'yong caption... 'Princess Michelle with Prince Jacob. Aren't they lovely?' what the fuck? Lovely ampucha. Mukha bang lovely si Jacob? Mukhang poopy 'yon. Langya! Umabot ng million hearts at thousands shared ang mga picture.

Napatampal na lang ako sa noo. Dumiretso ako sa twitter. Umabot na rin ng million ang followers ko dito. Kaming dalawa pa ang trending! Tangina.

Nagpop-up ang picture ni Laureen sa screen. Nag-chat siya.

Laureen Diaz:
Darlene, someone's trying to flirt.

Napatigil ako pero nagreply.

Darlene Miranda:
Huh?

Nag-chat agad siya.

Laureen Diaz:
Someone's flirting your baby bal. Pero relax ka lang kasi lagi akong umeepal kapag gumagawa na naman ng hakbang ang babae! Men, I got you. I heard that Iris wants to talk to your baby bal! Nainis na si Phoenix sa akin kaya ayon! Iniwan niya ako dito sa mall! And you know what?! He's with Iris!!!😡 You read it right, babe! Magkasama silang dalawa ngayon! But don't worry! Nakasunod ako sa kanila. Kahit magmukha akong stalker basta para sayo!! Mahal kita! Babantayan ko ang babybal mo!

Napangiti ako pero agad rin napawi.

Nag-ring ang cellphone ko kaya sinagot ko.

"[Darlene.... I saw! I fucking saw it! Did they just... what the fuck?! They fucking... kissed?]" Halos bumulong siya pero ramdam ko ang gulat sa boses niya. "[What the fuck? Bakit ang tagal maghiwalay?]"

Hindi ko napigilan ang mapaluha dahil sa sinabi niya. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ko makagawa ng ingay. Huminga ako ng malalim bago magsalita. "S-Salamat... Laureen... pero pwedeng huwag mo na lang ipaalam sa akin? M-Masakit kasi..." Nanginig ang boses ko. "Masakit sobra..."

"[Darlene...]"

"Laureen... masakit sobra... sobrang sakit," mahinang sabi ko. "Akala ko... " hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa bigla siyang nagsalita.

"[Darlene.... tell me where you are right now... I'll go where you are. Text me that place, I don't care if it's a long travel. Text me.]" Binaba na niya ang linya kaya hindi ko na nagawa pang magsalita.

Bumagsak sa kama ang cellphone ko.

Wala na kami pero bakit ang sakit-sakit pa rin? Nagsisimula na ba siyang kalimutan ako?

Ito ba ang kinakatakutan ko noon pa? Na baka sa oras na maghiwalay kaming dalawa may possibility na maging sila, katulad ng gusto ni Iris simula palang noong una. Gusto niyang maghiwalay kami ni Phoenix para maging sila at maging masaya katulad ng mga pangarap niya.

At ngayong hiwalay na nga talaga kaming dalawa ni Phoenix. May chance na siya. May chance na silang dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

738K 2.7K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...
18.8K 660 25
Colden is a highschool student at Pansol Integrated National High School, in his life he believes that studying and being good is the key to success...
1.1M 36.8K 62
WATTYS WINNER When her fiancΓ© ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...