Chapter 114: Choice
May problema ako! Nalaman kong may nag-post ng picture namin sa isang website. Pucha, hindi ko inakala na lalabas 'yon at ngayon nagbabasa ako ng mga kung anong comments. Shuta, masyado silang confused.
Tapos kasama pa ang bwisit na si Jacob! Nakakaasar! Akala mo naman taga rito! Panay kasi ang punta rito para lang manira ng araw. Kilalang-kilala pa naman nila ang Jacob na 'to, nabasa ko sa Internet na isa si Jacob sa hinahangaan nila. Kilala kasi nila si Jacob bilang Heir kagaya ng sinabi niya sa akin.
At dahil nga nakita nila ako kasama ang bwisit na 'yon, ngayon namomobrelama ako dahil ang iniisip ng tao sa comment na ako ay isang girlfriend-yuck! Ng lalaking 'to! No freaking way! Hindi ko tanggap!
"Darlene, alam mo ang tawag sa-"
"Utang na loob! Layuan mo na ako!" Putol ko kay Jacob.
Hindi ko talaga magets kung bakit kailangan kasama pa 'to! Nasa Golf Santander kami para maglaro tapos itong bwisit na 'to habang naglalaro ako panay ang tanong sa mga walang kwenta.
Malakas lang siyang tumawa.
"Ramdam ko ang frustration mo," natatawang sabi niya. "Relax ka lang. Palagi kang galit sa akin!"
"Kaya nga inis ako sa 'yo! Lumayo ka na!" tinuro ko siya gamit ang golf bat. "Layo, ha?! Layo!"
"Edi lalayo na! Grabe ka sa akin!" Lumayo siya.
Lumayo nga siya pero ilang minuto lang bumalik na naman sa pangbibwisit niya. Kaming dalawa lang ang maingay dito dahil panay ang bangayan naming dalawa. Para kasing babae, hindi nagpapatalo tapos daig pa talaga ang babae?! Jusko. Kaingay.
Hindi talaga ako makapaniwala na isang Prince 'to. Ang sarap ingudngod sa damuhan dito o kaya ipakain ko sa kaniya ang damo dito.
Tirik na tirik rin ang araw dahil mag-aalas tres palang ng hapon. 2:56 palang dito. Grabe naman kasi ang oras na napili nila. Ang sakit sa balat ng araw. Pwede naman three or four.
Sa tingin ko mga apat pa ang gagawin namin para lang maabot ang last hole. Kanina pa kami dito, hindi pa nga kami naglulunch kaya nagugutom na ako.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya lumapit sa akin ang isang maid para ibigay sa akin ang cellphone. Sinagot ko ang tawag.
Tumingin naman sa akin si Darius. Inaatake na naman siya ng pagiging chismoso.
"[Hi, Darlene!]" Boses iyon ni Laureen.
"Bakit hindi ka pa tulog? Nine ng gabi d'yan, 'di ba?" Tanong ko.
"[Ano ka ba? Wala namang klase bukas, so it's fine! Anyway, where are you?]"
"Nasa Spain," sagot ko.
"[What I mean is the Place. Saan sa Spain?]" Bakit ba siya nagtatanong.
Napakamot ako sa noo.
"Madrid, Spain. Golf Santander, ngayon pwede ko na ba malaman kung bakit?]"
"[Golf Santander... Okay! Bye na! Inalam ko lang kasi kung saan! Bye, love!]" Pinatay ni Laureen ang tawag.
Ang weird ni Laureen! Akala mo naman pupunta kung makapagtanong kung nasaan ako.
"Angas mo namang makipag-usap." Ito talagang Jacob na 'to palagi nalang may comment.
"Mas maangas ako kapag naipakain ko sa 'yo 'yang damo," sabi ko.
"Ito naman... joke lang!" Nag-peace sign siya.
Paulit-ulit ang ginagawa ko sa loob ng Palace. Nagbobonding kaming lahat. Palagi akong nagbe-bake kasama si grandmother. Mas magaling kasi siya kay Mama, kasi noong gumawa kami sunog, e. Pero magaling ang Momshie ko, ha! Kay grandmother pala siya nagmana sa pagbe-bake ng mga ganito.
Tapos minsan naman nasa may garden kami nagtatanim! Ang dami rin flowers.
"Shuta, ano na naman bang ginagawa mo rito?" Nagtatanim ako ng bonsay ng sumulpot ang pinakapangit sa mundo.
'Lagi na lang 'to nandito. Wala ba 'tong ginagawa sa mansion nila at panay ang pangbibwisit sa na nanahimik kong buhay?
Pero aaminin ko masaya naman siyang kasama. Siguro sa dalawang linggo ko rito puro kagaguhan at walang kwentang kwento lang niya ang naririnig ko.
"Darlene, ikaw na ba ang-"
"Tigilan mo na ako. Please lang," halos magmakaawa na ako.
"Ang pangit mo palang magmakaawa." Pucha naman oh.
Nasa may park kaming magpipinsan kasama ang mga kapatid nitong si Jacob at siya rin. Wala na rin naman kaming magawa. Men, we bought a bike para lang magsaya dito sa Park.
"Hi! Can I get your autograph?" Lumapit ang isang maputing babae sa akin. "Please?"
"Okay!" Ngumiti ako. Kinuha ko ang marker at iyong isang card sa kamay niya. "Here."
"Gracias..." masiglang sabi niya.
"Yeah... gracias," ngiti ko.
At syempre hindi mawawala ang nakakabwisit na comment ni Jacob. Nagpedal agad ako para iwan siya. Ayokong marinig ang nakakairita niyang boses.
Palagi talaga siyang na sa amin tapos feeling close kay Amir. Ito namang si Amir panay ang sabi ng 'Tita, you don't love Tito Nix anymore? May kapalit na ba si Tito Nix?' Anak ng tipaklong!
Palibhasa panay ang bili sa kanya ng mga laruan, at alam niyo ba kung ano ang Christmas gift ni Phoenix sa batang si Amir? Aba! Isang kotse ba naman?! Totoong kotse, huh! Gulat nga kaming lahat, e. Langya! Ang yaman talaga ng isang 'to.
Pero totoong masayang kasama si Jacob. Swerte rin ng taong magugustuhan nito! Saka, if you guys knew feeling part of the family ang ungas.
"Ano ang ginagawa mo dito?" ulit ko.
"Napakapangit mo talaga," umirap siya. What? Nagtatanong ako! "Saka, FYI, may pupuntahan kami ng pinsan mo. We'll go to mall to see someone."
"Bakla ka siguro..." biro ko at pinanliitan siya ng mata.
Biro lang 'yon syempre! Wala sa itsura niya ang pagiging bakla! Kahit may pagka-gago 'to, pogi rin naman.
"What?! I'm not fucking gay! Bakit mo naman nasabi?" Iyong tingin niya sa akin parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Palagi kayong magkasama ni Cedric at George. May affair kayong tatlo, 'no? Ayan, ha..." Umiling-iling ako. "Pogi-pogi ng insan ko tapos...."
"Kadiri ka!" Sabi niya kaya malakas akong napatawa. "Hindi ako bakla! Ano ba? I'm not, okay? Mag nagugustuhan na nga ako..."
"Hindi ka gusto pabalik no'n," sagot ko.
"Sigurado ka?" tanong niya.
Sa loob ng two weeks palagi ko 'tong kasama, na-i-issue ako palagi. Lalo na sa Internet! 'Lagi akong may picture at higit sa lahat kasama ko ang lintik na 'to.
Nakakaramdam nga ako ng kaba, e. Baka kasi may nakakita sa Pilipinas lalo na ni... Phoenix.
"Oo! Sa pangit mo ba naman?" Sagot ko ulit.
Marami na rin nakekwento ang bwisit na 'to sa akin. Siya nga talaga ang tagapagmana dahil siya ang unang anak. Hindi naman siya nape-pressure dahil kung ano ang gusto niya ay 'yon ang ginagawa niya kaso kung ano ang sinabi ng parents niya ay 'yon ang masusunod.
"Ay... wait ni wala ka bang nagugustuhan kina Margaret? Gusto mong ilakad kita? Sabihin mo lang, gagawan natin ng paraan 'yan."
"Hindi! Huwag na," tanggi niya.
"Bakit? Wala ka bang crush isa sa kanila?" Tumayo ako ng maayos.
"Wala."
"Bakit sino ang crush mo?" tanong ko.
"Ikaw...?"
"Ako ba ang tinatanong mo? Well, sige sasagutin ko ang tanong mo. May crush din ako pero fictional character, try mong panoorin iyong Rapunzel! Favorite ko 'yon, lalo na si Eugene," sabi ko bago kunin ang mga gamit ko sa lamesa.
"Hindi... Never mind," aniya.
"Maiwan na kita d'yan. Babush." Iniwan ko siya sa garden para maghugas ng kamay sa loob.
Saktong bumaba na rin naman si Georgio. "Is Jacob's here?"
Tumango ako. "Yeah, he's outside," sagot ko at paalis na sana kaso huminto. "By the way, where are you going?"
"I'm meeting with someone in a mall. He was living in the Philippines. Cedric's friend. Cedric met him in the Philippines and it was a party. Why do you want to come?"
"Uh, No! I was just asking," tanggi ko.
"Uhm, sure? You can go to the mall, or something."
"I appreciated your offer, but thank you. Maybe next time," ngumiti ako. "Just take care."
Niyaya ko lang na mag bake ulit si Abuela. Wala na naman kasi akong magawa. Tapos na rin siyang makipag-usap sa mga kaibigan niya. Noong nakaraan rin pala ay may meeting siya tapos kasama niya ako.
Masaya naman kasama ang grandparents ko. Para ko lang sila kapatid lalo na si grandfather dahil kung ano ang gusto ko ay siyang sinusunod niya. Kahit hindi ko hingian sa kanya magugulat na lang ako kinabukasan may mga gamit na nasa kama ko at malalaman kong galing pala sa grandfather ko.
Nagawa rin namin magmall dito sa Spain at gano'n pa din. Makikita ko na lang bigla ang mukha ko sa isang article na makikita sa Internet. May mga pictures pa kasama ang Family ko.
Kapag lumabas ako magugulat na lang ako may mga nagfa-flash ng camera sa harapan ko. At kung noon nagagawa kong lumabas-labas ngayon ay hindi. Ang dami kasing reporter sa labas ngayon.
At alam niyo bang malapit na ang birthday ni Phoenix? Sa sabado na 'yon. Mauuna lang ang birthday ni Cedric at sa friday na 'yon. Kaya nga todo asikaso silang lahat para 21th birthday ng aking pinsan. Si Cedric ang pinakamatanda sa aming magpipinsan, pangalawa si Darius at ako ang first granddaughter.
Ano kayang mangyayari sa birthday ni Phoenix? Sana may shanghai tapos sasabihin ko na magpadala rito. Iyong kinakain ko kasi salad, e. Hindi ako sanay kumain nito pero kailangan.
"Your highness, someone is giving it to you." Nasa garden ako kasama sina Reina at iba naming pinsan na babae ng sumulpot ang isang maid. May binigay na dalawang bouquet of flowers at sandamakmak na sulat ang maid sa akin. May kasama pa iyong chocolates.
"Wow... Secret admirer..." Kinuha ni Kate ang bulaklak at inamoy. "... Again?"
Yes, again. Palagi kasing may nagdadala sa akin ng mga ganito. Araw-araw, hindi yata makukumpleto ang araw ko nang wala akong matatanggap na ganito. Pati sina Mama naguguluhan kung bakit ako may ganito palagi.
Hindi ko naman tinatapon ang bulaklak dahil mukhang mahal. Sa ayos pa lang halatang sobrang mahal na. Nilalagay ko siya sa vase at pinopost sa instagram. Pero iyong grandmother ko pa-suspicious rin ang mukha kung sino ang nagpapadala.
Pero may hint ako kung sino... Iyong mga kinginang gagong ugok na nasa Pilipinas. Sila lang naman may alam ng mga gusto ko.
"It's red rose and dandelion bouquet, huh?" Mahinang natawa si Mariana.
"Who is giving you this? Do you really have a secret admirer, huh?" Tanong ni Margaret.
Sa mga nagdaan na araw, 'lagi akong may ganito pero walang mga sulat ngayon lang. Pinatong ko ang bulaklak sa wooden table para kunin ang white card.
'Darlene! Sorry na! Promise, mamatay man si Batman totoong nagsisisi ako. Hindi ko intensyon na saktan ka pero nagawa ko-namin. Masyado kasi kaming gago. Aaminin ko na gago talaga ako pero hindi ko na uulit-ulitin masyado na akong nahuhurt na aminin na isa nga akong gago (Tanga, bakit ko inulit?) Anyway, kahit huwag mo na akong patawarin basta mawala na ang galit mo sa amin. Hindi naman sa minamadali kita. Kailangan mo rin naman mag-isip sa bagay-bagay kaya willing to wait ako. Need mo rin ng katahimikan at deserve mo naman 'yon.'
Naguluhan ako dahil hindi ko alam kung sino ang nagsulat. Ang ganda rin ng handwriting. Pucha, sinong nagsulat nito? Daig pa babae, ha?!
Kinuha ko ang blue card.
'Sorry na. Willing to wait ang gwapong katulad ko. At iyong mga nasabi ko tungkol sa mga pustahan na 'yon. Wala na 'yon! Matagal ko ng inalis 'yon. Promise, liparin man ako ng hangin sa kagwapuhan ko. Sincere akong humihingi ng tawad sa'yo. Handa na akong tanggapin ang masasakit mong salita patungkol sa amin kung 'yon ang magpapawala ng sakit diyan sa puso mo dahil sa kagagawan namin mismo. Hindi kita minamadali na patawarin kami. Na sa'yo pa rin naman ang desisyon at kung hindi man ang desisyon mo... ayos lang sa akin. Ang mahalaga nakahingi ako ng tawad sayo.'
Hindi ko alam kung sino rin ang nagsulat nito. Dalawa ang kilala kong mahangin tapos parehong babaero kaya hindi ko talaga alam kung sino.
Puro sandamakmak na sulat iyon na iniisa-isa kong binasa. Puro sincere naman silang lahat. At iyong mga sinulat nila ang ginagawa ko. Sinusubukan kong maglipon ng tiwalang nawala nila kaso wala pa rin, e.
Umakyat ako sa kwarto ko para mailagay ng lahat doon. Kailangan ko lang talaga maghintay sa araw ng birthday ni Cedric! Sana naman masaya at walang gulo. Palagi kasing may nangyayaring masama kapag may party, e.
'Wag lang talaga manggugulo ang mga anakshie ni grandfather. Iuuntog ko talaga sila sa pader. At sana naman tigilan na ako ng mga 'yon. Sa nagdaang dalawang linggo rin kasi may napapansin ako.
Parang may iba sa paligid ko at alam kong si Darius ramdam din 'yon, hindi niya lang sinasabi. Malalaman ko rin kung sino kang umaaligid-aligid sa paligid namin.
Hintay ka lang, huhulihin kita.