The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 88.4K 17.4K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 112

19.9K 447 165
By whixley

Chapter 112: Meet

Panay ang lakad ko hanggang sa makalabas ng gate ng Palace. Hinabol pa ako ni Cedric at Reina pero sinabi ko na gusto kong mag-isip sa mga bagay-bagay, hindi naman sila kumontra at hinayaan na lang ako. Iyong guard balak akong pigilan pero tiningnan ko siya kaya kaagad siyang napayuko at umalis sa gate.

Basta-basta akong lumabas matapos niyang buksan.

Napatingin ako sa buong daan at parang normal lang! Parang nasa Pilipinas lang ako. May mga tao na dumadaan pero napapatigil at napapatingin sa akin. Yumuko ako para hindi makita ang mukha ko. Naglakad ako paalis sa Palasyo para mapag-isa.

Hindi sapat ang isang palapag ng Palasyo para mapag-isa ako. Gusto kong maging tahimik ang buhay ko!

Panay ang lakad ko hanggang sa maalalang hindi ko nga pala kabisado ang lugar na 'to! Minsan na nga lang mag-emote, naudlot pa.

Napakamot ako sa noo hanggang sa nagpatuloy sa paglalakad. May mga tindahan dito at maraming tao. Iyong language nila Spanish pero may naiintindihan naman ako kahit papaano.

Napadaan ako sa lugar kung saan puro grass lang ang maaapakan. May mga tao dito at panay lang ang laro.

Naupo ako sa ilalim ng puno. Hapon na rito kaya masarap sa balat ang simoy ng hangin. Ganito ang gusto ko, fresh air! Hindi kagaya sa Manila na puro usok.

Sumandal ako sa puno at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. Pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kanina.

Totoong hindi biro ang responsibilidad pagdating sa pagtatakbo ng Kingdom. Tapos ako? Anong alam ko sa ganito? Anong alam ko sa pagsasagawa bilang isang Queen? Wala. Wala akong alam rito.

Tapos basta-basta na lang nila ibibigay sa akin ang throne? Three weeks ang palugid ko para sa pag-iisip kung tatanggapin ko na ba at mauupo sa throne o hindi.

Three weeks.

Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Ayokong ulitin ang ginawa ni Mama pero sa paraan ng pag-iisip ko na 'yon, parang tinanggap ko na sa sarili ko na tanggap ko na. Saka, may rason din naman ako kung bakit ayaw kong pumayag o kung bakit hindi ako makapag-desisyon dahil sa isang kinginang gago.

Tuwing binabalak ko, tangina, para akong binabangungot. Tanginang bangungot naman 'yan, napaka-poging bangungot.

Iniisip ko kasi ang sinabi ni Reina na bawal akong magmahal ng kahit sino unless isa siyang Duke or something. Tatanda akong dalaga kapag nangyari ang gusto ni grandmother. Ayoko naman na mamatay na walang asawa 'di ba?

"Puta, princess-princess pa kasing nalalaman, ampucha," sabi ko sa sarili habang diretso ang tingin sa harap.

Mabuti na lang talaga walang katao-tao rito sa malawak na damuhan dito. May mga puno at bench na mauupuan rin. Ay may tao pala kaso mga bata na naglalaro at nagba-bike. May mga naghahabulan rin.

"Think lang nang think..." sabi ko.

Three weeks, Darlene.

Kailangan ko ng best decision.

Hinilig ko ang ulo sa puno at pumikit. "Bigyan sana ako ni Lord ng sign para hindi tanggapin. Within three weeks kapag nagawa niya-nilang kunin ang tiwala ko... hinding-hindi ko tatanggapin pero kapag hindi... handa na ako." Ihahanda ko ang sarili ko para sa araw kung kailan ako ipakikilala.

Pipilitin kung intindihin ang lahat ng meron sila. Lahat-lahat... pipilitin ko na pakinggan lahat-lahat ng walang galit, at sakit. Pero sa ngayon, kailangan ko munang intindihin ang sarili ko.

Patatawarin ko sila pero hindi pa ngayon... hindi pa handa ang puso't isip ko. Kailangan ko ng peace at heal sa naramdaman ko mula sa gagong 'yon.

Speaking of Phoenix... sana hindi niya marating kung nasaan ako! Tangina, bibilib talaga ako sa kaniya once na mahanap niya kung nasaan ako.

Kunin ba naman daw ang sarili niyang gamit? Ibabalik ko naman 'yon kapag nakabalik na ako ng Pilipinas. Pero sa totoo lang gusto ko ng bumalik doon. Sa Pilipinas, huh? Sa Pilipinas ko gusto bumalik, baka ma-misunderstood niyo at isipin niyong kay Phoenix ko gusto bumalik.

Hindi. Hindi tayo babalik doon.

Walang marupok, 'di ba? Matatag ang pader natin! Walang bubuwag sa pader. Hindi ako marupok.

"Gusto ko ng bumalik sa Pilipinas, shuta..." nag-angat ako ng tingin sa langit. "Kaso hindi kasya ang pera ko... ang dami kong problems."

"Edi manghingi ka ng tulong sa wonder pets," sabi ng isang lalaki mula sa likod ko. "'Di ba nga... wonder pets ang tutulong sa iyo..." natawa pa siya sa sarili niyang kagaguhan.

Wait... familiar ang boses.

Nilingon ko iyon at kusang tumaas ang isang kilay ko sa nakita. "Hoy! Hakob! Anong ginagawa mo rito?! Stalker ka?! Isa kang stalker!" Lumayo ako habang nanliliit ang mata sa kanya.

Nakasakay siya sa isang kabayo habang nakatingin sa akin. Nakasuot siya black polo shirt, white jeans, at black leather boots. Nagho-horse riding ang bwisit.

"Grabe ka naman sa akin.... saka tama na kakatitig. Mahiyain ako..." para siyang tanga na umaktong nahihiya. "Ano ba..."

"Kadiri! Yuck! Tigilan mo 'yan, ha?!" Inirapan ko siya. "Saka, anong ginagawa mo dito?! Nasa Pilipinas ka lang, ha?! Isa ka nga talagang stalker, Hakob!"

Puta, nasa Pilipinas lang 'to, 'di ba? Kaya paanong nandito siya?! Tapos feeling close pa. Amputa, hindi ako makapaniwala na nandito siya.

"Masyado kang high." Tinaas niya ang kamay. "Relax ka lang, mare. Inhale... exhale..." paulit-ulit siyang huminga ng malalim.

"Ewan ko sa'yo!" Kinuha ko ang heels ko at naglakad papalayo.

"Hoy! Este Princess Michelle teka lang!" Kusang tumigil ang mga paa ko matapos marinig ang sinabi niya.

Luh, alam niya?!

Nilingon ko siya. "Isa ka ngang stalker!" Dinuro ko siya. "Stalker! Stalker! Isa kang stalker! Tatawag ako ng cops! O kaya ipapablotter kita! Stalker!"

Bumaba siya sa kabayo at hinawakan sa tali para maglakad papalapit sa akin.

Hindi rin sira ang isang 'to, may kabayo tapos hindi do'n sumakay. Tanga.

"I'm not a stalker, Princess Michelle, okay? I lived here," sabi niya.

"Wala ngang kabahay-bahay dito tapos sasabihin mo, dito ka nakatira? Puro damo, o! Nagdadamo ka siguro."

"Hoy, gagi! Baka isipin nila nag-sa-shabu at marijuana ako." Iyong itsura niya parang nag-drugs. Nanlalaki ang mata at iniikot sa paligid.

"Mukha kang tanga!"

Tumawa naman siya bago umayos. "Tanga, syempre dito sa Spain. Hindi dito sa damuhan, edi inulan ako dito? Saka, hindi ako makapaniwala na isa kang Prinsesa..." umirap siya.

"Aba! Feeling close ka! And how did you know that I am a Princess, aber?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sus... dali-dali lang. Prince Henry told me," mayabang siyang tumingin sa akin. "Sabi niya dadating daw ang Prinsesa, eh, ikaw pala 'yon? Hindi ako makapaniwala... grabe."

"Mas grabe ka! Kilala mo ang aking poging pinsan?" Tanong ko.

"Kakasabi ko lang, 'di ba?"

"Ulol, wala kang sinasabi," napairap ako.

"Ay... huwag mo akong ulol-in. Prince ako..." ngumisi siya, nagyayabang.

Tumaas ang isang kilay ko.

"Yuck! Prince ka?! Baka Prince frog kamo Hindi ako naniniwala. Ang katulad mo?! Tse, wala kang maloloko rito!"

"Aray naman." Humawak siya sa dibdib. "Prince nga ako," pilit niya.

"Tse!" Sinuot ko ang heels ko para makapaglakad na ng maayos.

"I am a Prince, okay?" Aniya. "Prince Jacob Hugo II Duke of Scandinavian. First son, grandchild, and Heir of Scandinavian Empire."

Hala, isa nga siyang Prince. Pero ano raw? Scandivania? Scandinavania? Ang daming learn. Hindi ako makapaniwala na may katulad niyang Prince Ugly na namumuhay rito sa mundo.

"Hindi mo ba ipapakilala ang sarili mo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi." Iniwan ko siya.

"Ito naman... ipapakilala lang ang sarili. Dali na!" Sinundan niya ako. "Sige, isusumbong kita kay Queen Serica!"

"Sumbong ka lang!"

Gusto ko na lang magpakalayo-layo para hindi ko sila makita. Siya nga ang dahilan kung bakit marami akong iniisip ngayon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Dali na! Hoy! Hoy!" Ang kulit naman nito.

Natigil lang ako sa paglalakad dahil binato niya ako ng kung ano. Masama ang tingin ko sa kaniya ng lingunin ko siya.

Tawa-tawa lang siya sa akin.

"Bilis na!" Hingal na hingal siya ng naabutan ako. "Ang daya mo naman. Sa akin, sinabi ko tapos ikaw? Hindi? Unfair ka!"

"Shunga ka ba? Hindi ko naman kasi sinabi na sabihin mo sa akin, e, tapos magre-reklamo ka d'yan dahil hindi ko sinabi sa 'yo. Itali kita d'yan sa kabayo mo."

"Tse!" Umirap siya. "Sabihin mo na para matapos na."

Huminga ako ng malalim. Ayokong sabihin dahil hindi ko nga tanggap sa sarili ko na isa akong Heiress pero sige... para sa ikatatahimik ng buhay niya, sasabihin ko na.

Napabuga ako ng hangin.

"Baho, ha?" Comment niya at nagtakip ng ilong.

"E'di 'wag na-" Gagong Prince 'to, mabaho raw ang hininga ko?! E, halos halikan nga nang halikan ni Phoenix... bakit ko ba laging iniisip ang lalaking 'to?
"Joke lang! Bango nga ng hininga mo, e. Amoy tae siya pero rich and duchess version," malakas siyang tumawa.

Tarantado.

"Puta, ayoko na." Suko na ako sa kagaguhan niya.

"Ito na! Hindi naman mabiro 'to," tawa-tawa pa siya. "Bilis na." Kilala naman yata ako nito, gusto niya lang sabihin ako.

"Princess Darlene Michelle Quince Rinaldi Miranda Duchess of Balryna. First granddaughter, and Heiress in Kingdom of Balryna," bored na sabi ko. "Pero ayoko maging Heiress."

"Sa bagay... hindi naman bagay 'yon sa 'yo. Pangit mo tapos iyong mga nagiging Heiress ay maganda." Hindi na ako nakapagpigil at malakas na hinampas siya sa braso. "Aray naman!" Hinawakan niya ang braso. "Ang sakit!"

"Desurb..." ngumisi ako bago siya iwan.

Naglakad na ako papalayo habang rinig na rinig ko ang hinanakit niya.

"Bad Princess! Mabaho hininga! Hindi ka love ng Mama mo!" Childish Prince nga naman.

Tinakpan ko ang tenga ko para hindi marinig ang sinasabi niya. Gusto kong kumain kaso wala akong pera dahil naiwan ko sa bag.

Biglang may tumigil na limousine sa harapan ko kaya napatigil rin ako sa paglalakad. Bumukas ang pinto at nakita ko si Darius doon na halang problemado rin sa buhay. Sa tabi niya ay si Reina na panay ang basa sa magazine.

"Oh, damn it, Darlene. I thought you're missing. Get in," utos niya.

Thought mo lang 'yon, brother.

Papasok na sana ako kaso narinig ko na naman ang boses ni Jacob.

"Princess Michelle!" Sigaw niya.

Dumiretso ang tingin ni Darius sa likod ko. Bahagya pang napatigil bago umirap. May dinukot siya sa bulsa na... cellphone?

"Hoy, Darius, baka kung ano 'yang ginagawa mo!" Nagdududa na talaga ako sa kapatid ko.

"Huh? I didn't do anything. I'll just texting someone..." sabi ni Darius. "Pumasok ka na sa loob."

"Princess Michelle!" Sigaw na naman ni Jacob.

"Is that Jacob? What is he doing here?" Tanong ni Reina.

"Kilala mo ang lintik na 'yon?" Tumango si Reina. "Lakas mang-bwisit ng timang. Tara na nga!"

"Don't say he's lintik, Michelle," ani Reina. "He's the Heir of the Scandinavian Empire. Just like you... and take note. Our family are friends to them."

"Edi good for them..." gusto ko ng mahiga! Pumasok ako sa limousine at hindi pinansin si Jacob. "Kaasar 'yan."

"He's always like that, Darlene. But he's kind. He usually goes to our Palace to be with our grandfather. Cedric is his friend," ngumiti pa siya. "Hi, Jacob," tumingin siya sa harap.

Tumingin din ako at nakita ko nga si Jacob na nasa may pinto.

"Hi, Princess Reina," bati pabalik ni Jacob.

Ay, napatitig si Reina kay Jacob. Napangisi ako. "Bagay kayo, 'no?" biro ko, nanlaki ang mata ni Reina. "Single ka, 'di ba, Reina?"

"Hey, stop it," saway niya sa akin.

Natawa ako. "Jacob, pinsan ko nga pala," ngumisi ako sa kaniya. "Baka gusto mo..."

Namula si Jacob pero hindi na siya nagsalita. Nilingon ko si Reina na gano'n rin, hindi siya nagsalita.

"Okay, we need to go now," sabad ni Darius. "You want to come with us?" tanong niya kay Jacob.

"I appreciated your offer but my personal butler is here," tanggi ni Jacob. Ang tino, ha!

Sumandal ako sa seats ko bago buksan ang cellphone. May one message ako mula kay Phoenix. Text nang text ang timang na 'to, pangatlong palit ko na 'to ng number, ha?! Tanging si Laureen at kaibigan ni Darius lang ang nakakaalam ng number ko bukod kay Mama, Papa, Kuya, at Darius. Teka! Si Darus?!

Binibigay yata ng bwisit na 'to ang number ko sa kanya!

"Alright." Lumipat sa kabilang seat si Darius.

"Okay, take care Duke and Duchesses." Sinara ni Jacob ang pinto matapos magpaalam.

Sa cellphone lang ang tingin ko para basahin ang message ni Phoenix.

From: Ex
Don't block my number.

From: Ex
Or don't change your number.

From: Ex
I will never get tired chasing you, baby.

From: Ex
I miss you, love.

To: Ex
Kwento mo sa sarili mo.

Ang bilis mag-reply ng lalaking 'to.

From: Ex
I already did, love. He said you're so beautiful.

Ang kapal nito na makabanat ng ganito!

From: Ex
Can he court you again?

Sunod-sunod na pag-ubo ang ginawa ko matapos mabasa ang message niya. Napatingin pa sa akin si Darius at Reina.

Walangya!

Nag-send lang ako ng middle finger emoji kay Phoenix bago patayin ang cellphone.

"Darius," tawag ko.

"W-What?" tanong niya, kinabahan bigla.

"Binibigay mo ba ang number ko kay Phoenix?" Tanong ko.

"Yes..." Lumayo agad siya kahit wala akong ginagawa. "I did that on purpose, Darlene."

"Ikaw, Darius, ha! Iyong Nixus mo! Si Phoenix 'yon, ano?!"

Napakamot siya sa noo. "Yeah..."

Walangya! Ang rupok pagdating sa kaibigan?!

Binato ko siya ng throw pillow. Epal talaga ang isang 'to. Chismoso na nga, paepal pa.

"Who's Phoenix?" Tanong ni Reina.

Napatingin ako sa kanya.

"Hey... relax... I won't steal him from you," tumawa si Reina. "I was just asking who he is?"

"Darlene's ex-boyfriend," si Darius ang sumagot.

"Ex... why you broke up?" tanong na naman ni Reina.

Hindi naman ako nakasagot agad.

"Ah... basta," sagot ko.

Hindi na nagtanong si Reina.

Nakarating kami sa Palace na maayos. Una akong bumaba sa limousine, tinatawag na kasi ako ng kalikasan kaya nagmamadali ako. Napatayo ang mga taong nakaupo sa sofa nang pumasok ako. Nandoon rin si Mama at Papa.

"Darlene, where have you been?" Lumapit si grandmother sa akin. "You shouldn't leave without a guard."

"Somewhere..." magalang na sagot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa mga taong kausap niya.

Bumati naman ang mga taong kasama niya sa akin. Ngumiti lang ako at hindi nagsalita. Halos ipangalandakan ni grandmother Queen na ako ang susunod sa yapak niya. Hindi ko pa nga alam, 'di ba? Ayoko siyang mapahiya pero ayoko rin na isakripisyo ang kasiyahan.

Nakaka-pressure! Hindi naman ako pressure cooker tapos ganito?

Si Mama naman halatang gusto magtalk kaso ayaw gawin. Tumingin siya sa akin pero mabilis kong nilihis ang mukha ko para hindi siya makita.

Nag-cross arm ako habang nakaupo sa sofa.

"You're so beautiful," sambit ng isa.

"Ah, I know. I'm beautiful ever since I was born," ngumiti ako.

Nagpaalam ako na aakyat na kaya hinayaan na nila ako. Angas ng lugar na 'to may elevator. Pumasok ako sa elevator at pinindot kung saan floor ang kwarto ko. Nang huminto agad akong lumabas. Pumasok na ako sa kwarto at nahiga sa kama. Ilang minuto lang ay nakarinig ako ng pagkatok.

"Darlene, are you mad at me?" Boses iyon ni Mama nang pumasok sa loob.

Bumangon ako nakita ko siyang nakatayo sa harap ko.

"Hindi, ah. Bakit naman ako magagalit? Maganda naman ako, eh." Inayos ko ang buhok ko.

"About earlier. I'm sorry if I raised my voice to you, my love," malambing na sabi ni Mama.

Napanguso ako. My love daw!

"Wala 'yon, sumigaw rin naman ako. Quits lang, mars," tumayo ako.

"Right, quits," mahina siyang tumawa. "Still sorry."

"Sorry rin," ngumiti ako kay Mama nang makalapit sa kaniya.

Lumapit rin siya sa akin para yakapin ako. "I'm really really sorry." Hinalikan niya ang noo ko bago haplusin ang buhok ko mula sa likod.

At dahil nga dinner na tinawag ako ng mga helpers para bumaba na. Sinabi kong sandali lang dahil may inaayos pa ako sa kwarto ko. Nailagay na pala ng mga helper ang gamit ko sa closet kaya wala na akong poproblemahin.

Dinampot ko ang cellphone sa kama.

Binlock ko na ang number ni Phoenix, ha?! Pucha talaga, oh! Nagtext siya sa akin. Ay, mag-IG nga pala.

velasquez_phoenix: meet me in Buen Retiro Park.

Napahawak ako sa noo.

Pumunta nga ang gago.

darlene.michelle: umuwi ka na, busy ako.

Mabilis siyang nagreply.

velasquez_phoenix: no, you have my things

Napabuntong hininga ako bago sumang-ayon pero ang sabi ko mamayang eight ng gabi. Dala-dala ko ang cellphone sa pagbaba. Nakita kong nasa sofa si grandmother Queen at may iniinom na tsaa, nasa harapan niya si Mama na bored ang look.

"Can you fix your face, Serine?" May halong inis boses ni grandmother.

"Is my face a broken vase to fix?" tanong ni Mama.

"What the... Serine, you..." ramdam ko ang frustration ni grandmother kay Mama. "So, how's Philippines?"

"Still a country," sagot ni Mama.

"Serine, stop being a philosopher."

"I'm not being a philosopher. It was true, Philippines is still a country. Gulat ka maging langit 'yan." Humigop si Mama sa kanyang tsaa.

May natawa sa gilid ko kaya nilingon ko. Si Darius na natatawa habang nakatingin sa cellphone.

"Trial lang 'yan, lods," sabi ko.

Tumingin si Darius sa akin. "Trial? What the fuck?"

"Igo-ghost ka rin n'yan." Iniwan ko siya.

Pumunta ako kung nasaan sila Mama. Hindi rin nagtagal ay pinatawag na ni grandmother ang iba for dinner. Iyong kilos nila pang-duke at duchess kaya gano'n rin ako.

Nakatingin lang ako sa baso na nasa harapan ko. Siniko ako ni Darius kaya napaangat ako ng tingin.

"You have a boyfriend, Darlene?" Tanong ni grandmother.

"Nothing," sagot ko. "I don't have a boyfriend."

"Lagot ka..." ewan ko pero iyong ang binulong ni Darius.

"That's good then..." Halata sa boses ni grandmother ang tuwa.

"Why?" tanong ko.

"Because you can't be with someone else."

Parang inulan naman ako ng gulat sa katawan. Hindi ko magawang maisubo ang nasa kutsara ko dahil sa gulat. Kung hindi pa hinawakan ni Reina ang kamay kong nasa hita ko baka hindi ko pa nakain ang pagkain ko.

Hindi ako nagsalita. Wala rin naman na salita ang lumalabas sa bibig ko kaya na nanahimik na lang ako. Nagpaalam agad akong aakyat na matapos magdinner. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nalaman.

Pati ba talaga love life ko? Mapeperwisyo nang wala sa oras?

"Darlene, don't listen to her. The decision is in your hand so you don't have to worry. Don't listen to her words." Pumasok si Reina at 'yon ang bungad.

"Hindi ko mapigilan, okay? Her words are powerful when it comes to this. Pero tama ka... the decision is in my hand."

Huminga ako ng malalim.

Ngumiti siya bago magpaalam na lalabas. Sinilip ko ang oras sa cellphone at seven thirty-five na. Pumasok na muna ako sa bathroom para maligo. Nang matapos kumuha ako ng damit sa closet, isang black pants, white chiffon, at cream long cardigan coat ang suot ko. At sa paa ay ang heels na suot ko kanina.

Tatakas lang ako sa Palace dahil alam kong hindi ako hahayaan na lumabas. Nang matapos ako sa pag-ayos ay kinuha ko na ang kailangan ko bago dahan-dahan na bumaba. Nagpunta muna ako sa garden. Kinuha ko ang wallet ko para tingnan kung may euro money ba ako kaso wala! Hindi pa ako nakakapagpalit, hindi ko rin naman alam kung saan.

"Darlene, what are you doing here?" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ni grandfather.

"Uh...." Niligpit ko ang gamit ko.

"Do you need anything?" tanong ni grandfather sa Spanish na salita.

Nakakahiya kung sasabihin ko.

Tumikhim ako. "Uh... can I borrow your money, Abuelo? I promise, I will return it immediately." Pang-taxi lang naman. Saka, ibabalik ko rin agad.

"Don't need to return." May kinuha siya sa wallet na anim 500 euro money.

Nagulat pa ako sa binigay niya.

"Gracias, abuelo," ngumiti ako.

"Anything for you, nieta." Huh? Short for punyeta?

Charot lang, granddaughter ang ibig sabihin no'n.

"I have to go now..." Napatigil ako sa pagsasalita. Shit naman. Ang daldal ko nga talaga.

"Where are you going?"

Napaangat ako ng tingin kay grandfather. "Abuela... will be mad at me if she found out that I'll go outside."

"Don't worry, I won't tell your grandmother. Go now to the place you want to go. Just make sure you are safe." Spanish ang paraan niya ng pagsasalita.

"Muchas gracias!" napangiti ako lalo.

"I'll call the guard to go here, so you can go out." kinuha niya ang cellphone. "Go now, nieta."

Kinuha ko ang bag ko at naglakad. Ngumiti ako ulit sa kanya bago magpatuloy. Walang tao sa gate o bantay kaya alam kong tinawag sila ni Abuelo.

Dali-dali ang lakad ko para makalabas. Nakahanap agad ako ng taxi papunta sa Buen Retiro Park dahil nandoon daw siya. Malawak ang lupain doon.

Sinabi ko sa taxi driver kung saan ang destination namin. Walang traffic kaya agad akong nakarating doon. Binayaran ko siya bago bumaba.

Wala akong makitang tao kaya naglakad-lakad muna ako para hanapin si Phoenix. Inikot ko pa ang paningin ko sa buong lugar. Hanggang sa makarating ako sa damuhan dahil may naaninag akong tao.

"Pst." Lumingon ang tao sa harap ko.

"What took you so long?" tanong ng gagong si Phoenix.

Napairap ako. "Sorry naman po at mukhang nagmamadali ka. Hindi ko naman kasi alam na totohanin mo ang sinabi ko. Pwede ko namang ibalik sa 'yo pagbalik namin ng Pilipinas."

Nakatingin lang siya sa akin pero agad rin umiwas.

"That's not what I came here for. I am here because I want to see you," biglaan niyang sabi. "I have an extra credit card, condo, and car. I don't care about those things, I only care about you."

"Nag-aksaya ka lang ng ticket at oras papunta dito? Hindi ka rin sira," kinuha ko ang mga gamit niyang naiwan sa bag ko para ibalik.

"Hindi sayang ang ticket at oras ko kung ikaw ang makikita ko," dumiretso ang mata niya sa akin. "You'll see... I'm here for you even though you don't want to see me."

Iniwas ko ang tingin. "Oh, dalhin mo na 'yan." Binigay ko ang mga gamit niya.

"Ayoko. Sa 'yo na 'yan," aniya. "So, that I have a reason to go here." Para-paraan nga ang gago.

Napairap ako. "Ulol, hindi na ako makikipagkita sa 'yo."

"Really? What if I told you that I'm with Lucy?"

"Dala mo ang baby ko?" tanong ko.

"No. She's in my house," sagot niya. "She's fine, she just missed you."

"Miss ko na rin siya."

"What about me?"

"Bakit kita mamimiss? Gold ka ba? Ginto ka? Asa ka." Iniwas ko ang mata ko sa tingin niya. "Anong akala mo nakalimutan ko ang ginawa mo? Ulol. Tigilan mo ako."

"I know you are still mad at me pero sana paniwalaan mo lahat ng sinabi ko," punong-puno ng pagmamakaawa ang boses niya.

"Wala akong pakialam. Lumayo ka sa akin." Lumayo ako sa kaniya.

"Ayokong layuan ka." Lumapit siya.

"Babatuhin kita!" Paatras sana ako kaso may napansin kaya napatigil ako. "Ano 'to? Ikaw nagpalipad nito?" Tinuro ko ang helicopter.

"Yeah." Tumango siya.

"Maniwala..." sinilip ko ang loob. "Baka nang-eechos ka lang?"

"I bought this after I got here in Spain just to see you. I was in Barcelona because I needed to talk to Mr. Torillo, I have business work here and I remember you here in Spain, so I went here in Madrid."

Shuta, ang yaman. Bumili ng Helicopter!

"Marunong ka talaga?" paninigurado ko.

"I am, I know how to drive Helicopter. Every vacation I was in the UK and that time my Uncle taught me how to drive a Helicopter. It's hard yet happy."

"E 'di ikaw na." Tangina, na-amaze ako pero hindi ako nag-pahalata.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang magpalipad ng helicopter! Hindi ba mahirap? I mean, hala, nasa langit ang pinapalipad niya! Baka mamaya mawalan siya ng balanse at malaglag.

"Do you want to ride?" tanong niya.

"Ayoko. Ayoko pang mamatay," tanggi ko at inayos ang sarili. "Uuwi na ako, baka hinahanap na ako ni Abuela at Mama, yari ako do'n. Tumakas lang ako, e. Si Abuelo lang ang nakakaalam na umalis ako."

"It's fine," aniya. "Let's have a ride."

"Ayoko pa ngang mamatay."

"Hindi ka naman mamamatay. This is one of your dreams, right? Your dream is to ride a helicopter isn't it? I won't let you hurt... again. I promise."

Hanggang ngayon hindi niya makalimutan.

"Darlene..." tawag niya. "Don't worry... you'll be safe." Naglakad siya papunta sa pinto ng helicopter at binuksan.

Naglakad na lang ako papasok sa loob. Dream come true 'to! Wala naman malisya kung magkasama kami, 'di ba?

Sinara niya ang pinto bago umikot sa may right seat. Tumingin ako sa labas bago maglabas ng malalim na hininga.

"Papatayin kita kapag ito..."

"Relax... it won't crash." Kinabit niya ang seat belt ko.

Napahinga ako ng malalim nang mahigpit niyang kinabit ang seat belt ko. Tumingin lang siya sa akin bago humarap kung nasaan ang control stick. May kinuha siya sa harap at binigay sa akin.

"Wear this." Binigay niya sa akin ang aviation headset.

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

May sinuot rin siyang isa at pinindot ang sa gilid. "4660. Eurocopter EC135, ready to depart," seryoso niyang sinabi habang may tinitingnan.

Shit. Ang pogi. Diretso ang tingin niya sa labas habang nagsasalita.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Roger, Mr. Velasquez. Your flight plan from Madrid, Spain to Barcelona, Spain is cleared."

"Fuck, Barcelona?" Gulat na tanong ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti bago hawiin ang buhok ko. "We are going to Sagrada..." Fuck shit! Pupunta kami ng Sagrada. One of the Place that we want to go noong kami pa. Iyong pangarap na lugar na puntahan naming dalawa.

Hinawakan niya ang control stick at unti-unti namang umangat ang helicopter. Kita ko ang mga ilaw na nagmumula sa baba ng nasa himpapawid na kami. Sa baba lang ako nakatingin dahil ang ganda ng view.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin siya. Napangiti ako nang makita ang mga fireworks na nasa ibaba namin. Sunod-sunod na fireworks ang narinig ko.

Ang ganda!

Samu't saring kulay ang nakikita ko sa ibaba.

Siguro hanggang sa maibaba niya ang helicopter, mangha-mangha pa rin ang mukha ko.

Ang galing niyang magpalipad ng helicopter! Hindi ko inakala na kaya niya! Shit, ang galing mo, Velasquez.

"Galing mo," sabi ko.

"I know." Lumapit siya sa akin kaya nilayo ko agad ang mukha ko. "I won't kiss you."

"Wala akong sinabi," iniwas ko ang tingin ko.

Inalis niya ang seat belt ko kaya nakakilos ako ng maayos. Nasa isang malawak na lupain kami. Bumaba na ako sa helicopter niya nang mabuksan niya ang pinto.

Hinawakan ko ang buhok ko para hindi tumama sa mukha ko.

Nauna akong maglakad sa kaniya. Tumingin ako sa pinakadulo ng daan at nakita ko ang mataas na tower. Iyon ang Sagrada.

Sumunod siya sa akin. Hindi na kailangan ng sasakyan dahil malapit lang naman. Nang makarating kami agad kong inangat ang mata ko mataas na tower. Napupuno ng ilaw ang harap ng Sagrada.

Napatingin naman ako sa taas na puno ng fireworks.

"Love, tingnan mo ang ganda..." napatigil ako nang marealize ang unang sinabi ko. Mas lalo akong natigil nang mabasa ang mga ilaw sa taas. "Nix pala..."

'I love you, my Darlene, my wife, my Queen.'

"Darlene, I'm sorry. I'll earn your forgiveness and trust again, so we can love each other again. I promise... I won't hurt you. I will do everything just for you. I will never let you sit on your throne."

Nilingon ko siya na may gulat sa mata. "A-Alam mo?"

"Yes, and I will never let you in that situation. You will be a Queen but not into your kingdom but to my life."

"Sinong nagsabi sa 'yo niyan?" tanong ko. "Sinong nagsabi tungkol sa estado ko ngayon?!"

"Your brother, Darius."

Nanliit agad ang mata ko. "Napaka-chismoso talaga no'n! Chinismis sa 'yo?! Isang malaking chismoso!"

Piste! Yari sa akin 'yon!

"He chismis it. Because I told him something. I have good news for him, inuto ko siya."

"Ayan! Isa ka rin pala!" Tinuro ko siya.

"What?! No! I'm not a chismoso."

Umirap lang ako.

Nanatili kami sa Sagrada. Panay lang ang tingin ko sa buong lugar habang siya nasa likod ko at ako ang pinapanood.

Siguro inabot kami ng dalawang oras dito bago kami umuwi. Yari na ako nito pero men! Batang pasaway 'to!

Natatakot lang ako baka kasi basta-basta na lang bumagsak ang helicopter na sinasakyan namin ngayon dahil dalawang gamit na namin 'to. Mabuti na lang talaga hindi at nakarating ako ng ligtas sa Madrid, Spain.

Inaantok na ako!

Hinilig ko ang ulo sa seat ng kotse para matulog. Panay na rin kasi ang pikit ng mata ko, hindi ko na kaya. Hindi naman ako inabala ni Phoenix kaya nakatulog ako.

Nagising ako dahil panay ang haplos sa pisngi ko.

"Hoy!" Nilayo ko ang mukha kay Phoenix.

"Why? I was just caressing your face. What's wrong with that?"

"Anong what's wrong with that? Tigilan mo." Bumaba ako sa kotse para pumasok sa loob ng freakin' Palace.

Hindi siya sa pinakaharap ng gate nagpark kaya hindi nakikita ang sasakyan. Shuta! Hindi pala nila ako pwedeng makita na galing sa labas. Lagot ako nito kinabukasan.

Naglakad ako papunta sa gate para tingnan kung may tao.

"Darlene, wait!" Malakas na tawag sa akin ni Phoenix.

Napatampal na lang ako sa noo ko.

Nakita kong tumayo ang mga guard at lumapit sa pwesto kung nasaan siya. Mabilis akong lumapit sa kaniya para hilahin siya.

"Ang ingay mo," inis kong bulong.

"Who do you think is really a noisy? Me or you?" mapang-asar siyang tumitingin sa akin.

"Gago ka ba? Kalimutan mo nga ang pangyayaring 'yon," matalim akong tumingin sa kaniya. "Kung may rewind lang ako, ibabalik ko ang panahon na nasa hospital tayo."

"Sorry but I can't forget it."

"Hush!" nilagay ko ang isang daliri sa labi niya. "Ingay mo talaga."

Tumingin na lang ako sa harapan para tingnan kung nasa labas na ang mga guard. Mga nakatalikod sila at nagmamanman. Akala mo naman may magnanakaw.

Hindi ko pwedeng iwan ang ugok na 'to dito dahil kapag ginawa ko baka makita siya. Tapos yari pa siya. Para naman kasing tanga! Sigaw-sigaw pa.

"Tara nga." Hinila ko siya papasok sa loob. Sa may walang ilaw kami naglakad para hindi kami makita. "Hoy gago-aray naman." Tumama ang ang noo ko sa baba niya nang humarap ako sa kaniya.

Tiningnan niya ang noo ko. "Wala naman nangyari," aniya.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

"Damn, I want to go to the restroom."

Nang makarating sa likod dahan-dahan lang ang pagbukas ko ng pinto. Sinilip ko pa ang sa loob bago pumasok. Mabuti na lang talaga walang tao! Tulog na ang lahat ng tao. Patay ang ilaw pero may lampshade sa may big sala.

"Bilisan mo, mag-restroom ka na," pinagtulakan ko siya papunta sa restroom.

"Okay. Okay, don't push me." Pumasok siya sa loob habang ako nagbabantay kung may tao bang dadating.

Nakakita ako ng anino ng tao kaya agad akong kumuha ng tubig para gawing palusot kung sakaling magtanong.

"Darlene?" Kung minamalas-malas ka nga naman! Ay, wait si Cedric pala 'to.

"H-Huh?" tanong ko.

Inulan ako ng kaba.

"What are you doing in front of the restroom?" tanong niya nang makalapit.

"Uh... Nothing! I-I was about to go inside but you called me..." peke akong ngumiti bago uminom ng tubig.

"Okay..." Iyong tingin niya parang nawiweirduhan sa akin. "Good night." Nilagpasan niya ako matapos kumuha ng tubig.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Who was that?" bungad ni Phoenix pagkalabas ng restroom.

"Cedric," sagot ko. "Gago, paano ka lalabas? Mahigpit sila pag-gabi."

"Then, I'll stay here," aniya.

"Ulol, umuwi ka na nga." Tutulungan ko naman siya-teka, paano?

"Why you're always saying na umuwi na ako? E, ayoko nga. I want to know what do I need to do just to trust me again." Hinila niya ako palapit sa kaniya. "Tell me..." nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan nang bulungan niya ako

"I will get your trust again and I will win you back." Sabi niya, halata sa boses na gusto niya na patunayan. "Fuck, I can't take this." Ang gago, siniil ako ng halik sa labi. Tinulak ko siya pero hinawakan niya lang ang dalawang kamay ko at nilagay sa batok niya bago marahan na ginalaw ang labi. "I'm willing to wait for your forgiveness. I'm willing..." sunod-sunod niyang hinalikan ang labi ko.

-

Sabihin niyo nga sa akin kung bakit ko hinayaan na matulog ang gagong 'to sa kwarto ko? Ampucha, ang sarap pa ng tulog! Siya sa kama? Tapos ako sa sofa?! Pilit ko siyang pinapaalis kagabi kaso ayaw! Kaya ang ending nandito ang gago.

Nakadapa siya habang may yakap-yakap na unan sa gilid. Ang daya-daya! Kawawa naman ako! Sa sofa natulog?! Nakipagtalo pa siya kung saan ako hihiga, ang sabi ba naman sa tabi niya?! At gumawa pa ng sarili niyang batas.

Kung ayaw ko raw sa tabi niya, doon daw ako sa sofa! Sa sofa na lang ako tutal ayaw ko siyang katabi.

Tumingin ako ng oras cellphone at seven na ng umaga. Maaga pa naman kaya matutulog pa ulit ako kaso may kumatok nang pumikit ako. Nagulantang ako at napatayo.

Hinagisan ko ng unan si Phoenix para gisingin.

"Hoy, gago! Gising!"

"What?" paos ang boses niya at halatang inaantok pa.

"Gumising ka!" nilapitan ko siya at malakas na niyugyog. "Gising! Gising!"

"Stop it! Darlene, stop it." Umayos siya ng higa.

"Darlene." Shit, boses iyon ni grandmother! "Can I come in?" Nanlaki ang mata ko.

"Uh... Wait!" Sagot ko.

Napatayo rin si Phoenix sa gulat. "Fuck! I need to hide! Damn! Fuck."

"Magtago ka! D'yan sa may bathroom! Huwag kang lalabas!" Pinagtulakan ko siya sa loob ng bathroom. "Huwag kang maingay."

"Darlene, your undies and bra are here."

Pumasok ako sa loob at masama siyang tiningnan. Kinuha ko ang sinabi niya habang nakatingin siya sa akin at mapaglarong may ngiti sa labi.

Lumabas na ako. Umayos ako ng tayo pati sarili ko inayos ko bago pumunta sa may pinto.

"Good Morning!" Bahagya pang nanginig ang boses ko.

"Good Morning," Inikot niya ang paningin sa buong kwarto. "I heard you talking to someone?" sabi niya sa Spanish na salita.

"Uh... I was talking to my friend! Through a phone call! Friend. Yeah, it was my friend." Hindi ko friend ang timang na 'to.

"Okay... I'll just want to greet you. Go downstairs, okay? We'll eat breakfast." Spanish pa rin ang pananalita niya. Ngumiti siya bago isara ang pinto.

Napahinga naman ako ng malakas.

"Friend, huh?" Lumabas si Phoenix mula sa bathroom.

"Tanga, anong gusto mong sabihin ko? I was talking to my ex-boyfriend?" sarcastic na sabi ko.

"What the fuck? I'm not your ex-boyfriend or friend. And may I remind you, if I am your ex-boyfriend then why did you kiss me back last night? May mag-ex bang naghahalikan?" tanong niya at nahiga ulit sa kama.

"Share mo lang?" tanging nasagot ko. "Umalis ka na nga! May rope d'yan! Iyon na lang ang gamitin mo pababa dyan sa may balcony ko. Huwag ka ng matulog! Bumalik ka na ng Pilipinas."

"Are you out of your mind, Miranda? That's so damn high. Mamaya mamatay pa ako nang hindi man lang naririnig ang kapatawaran mo. "

Oo nga naman.

"Oo na," sabi ko. "Akong bahala para makaalis ka na dito. Basta hindi ka nila pwedeng makita dahil kapag nangyari 'yon, lagot ka."

Grabe ang ginawa kong pagtatago sa kaniya para hindi lang siya makita. Wala na rin naman siyang choice kung hindi ang gawin ang sinabi ko. Men, wala siyang choice kung hindi gamitin ang rope pababa. Nalaman ko kasing nasa baba sina Mama kaya hindi talaga siya pwedeng makita.

"O 'di ba? Hindi ka nalaglag..." Sabi ko nang makababa siya.

"Kahit na," aniya.

Nasa likod kami ng Palasyo kaya hindi kami kita.

Halos guluhin ko ang freakin' guard makalabas lang siya sa may gate. Medyo kabado ako kasi baka makita nila.

"Abuelo was calling you all," sabi ko sa mga guard.

Tumango naman ang mga guard.

Naiwan akong mag-isa rito kaya hinila ko na si Phoenix, nasa may tabi siya ng puno at panay ang tingin sa lugar.

"Aw." Nauntog siya sa sanga ng puno.

"Ang tanga mo naman."

Aba! Umiirap na ang timang!

Maluwag ang paghinga ko nang makarating sa kotse niya.

"Hays! Sa wakas!"

"Why are you in such a hurry to make me leave?" tanong niya.

"Gusto ko lang. Umalis ka na dito."

"Paano ako aalis kung hawak mo ako?" Bumaba ang tingin niya sa kamay niyang hawak-hawak ko.

Binitiwan ko siya agad-agad.

"Gusto mo naman."

"No, I better want this." Inangat niya ang mukha ko bago mariin na hinalikan ang labi ko. Yumuko siya lalo para mailapit ang mukha sa akin.

Hinawakan ko ang labi ko matapos mailayo ang mukha sa kanya. "Halik ka ng halik, ha?!"

"I know you want too." Binuksan niya ang pinto ng kotse. "I love you so much, Darlene." Sumakay siya sa loob. "Don't you ever sit on your throne or else I'll immediately go here and bring you in my arms again." Tumitingin siya sa akin. "Don't, Darlene, don't." Pinaandar niya ang sasakyan papalayo.

Naiwan akong nakatayo habang iniisip kung ano pa ang pwede niyang gawin kung sakaling gawin ko ang sinabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

62.2K 3.5K 35
Lucius doesn't like other supernaturals in his territory. All supernaturals either work for him or ask for his permission before entering, because i...
519K 14.8K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
4.7K 111 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.
18.8K 660 25
Colden is a highschool student at Pansol Integrated National High School, in his life he believes that studying and being good is the key to success...