The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 87.8K 17.4K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 116

17.5K 417 83
By whixley

Chapter 116: I kidnapped you

Tahimik akong nakaupo sa table ko nang bigla kong maramdaman na tinatawag ako ng kalikasan. Nakakainis rin naman kasi dahil iniwan ako ni Darius dito. Tapos sila Mama at Papa naroon sa harap habang kausap si grandmother na kanina pa rin ang panay ng tingin sa akin.

Alam niyo 'yong feeling na parang may something? Iyon 'yon, e. Tapos iyong pagkatapos ng sayaw kanina? Grabe! Hindi ko agad siya nabitiwan kaya ang ending, hinila niya ako pero binitiwan din agad dahil tinawag siya.

'Yong kamay ko ay kating-kati na tanggalin ang mask niya. At marami naman sigurong green na mata sa mundo. Hindi lang si Phoenix!

Dinampot ko ang cellphone sa lamesa nang sunod-sunod na tumunog. Bandang umaga na siguro sa Pilipinas? Grabeng maka-chismis si Laureen.

Tapos take note lang rin... may lalaking kanina pa tingin nang tingin sa akin. Nasa banda nila Cedric ang pakiramdam ko. Actually... siya talaga iyong lalaking kasama ko kanina.

Masquerade party ang style ng birthday ni Cedric kaya lahat ay naka-mask. Kung pwede ko lang siyang takbuhin at tanggalan ng mukha este ng maskara, ginawa ko na. Ako, tinanggal ko ang akin. Naiinitan kasi ako at nasasayang ang makeup ko.

"Hoy. Len-Len."

Nakakainis 'to. Hindi naman 'yon ang pangalan ko.

"Tangina mo, Hakob."

Kanina pa rin siya dito at panay ang mga kwento ng walang kwenta. Wala naman akong magawa dito.

"Hakob ka nang Hakob, Jacob nga kasi," aniya.

"Ikaw, rin naman, ah? Len-Len ka nang Len-Len, Darlene. Dar-Lin! Lin for short." Diniinan ko pa ang salitang Lin.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? I want to be friends with you. Saka, ang bitter mo. Nakakita ka lang ng mag-in relationship sa harap mo kanina halos isumpa mo na."

Paepal talaga ang Hakob na 'to.

"Hindi ako bitter." Umirap ako.

"Oh, talaga? Share mo lang?" Kaagad siyang tumayo at lumayo nang balak kong ihampas ang wine glass sa kaniya. "Ang brutal mo naman!"

"Ulol, kukuha ako ng wine." Kinuha ko ang bote ng wine. "Feelingerong frog 'to."

Kanina pa ako nagwawal-wal ng wine kaya umiikot ang paningin ko. Kaming dalawa ni Jacob kanina pa. One bottle pa lang ako tapos siya pilit na inaalis ang bote pero pinipitik ko ang kamay niya para alisin.

Tumawa lang siya bago ulit maupo. "Akala ko manghahampas ka na." Pinagpagan niya ang sarili. "Mareng Darlene, bakit ka nga ba bitter?"

"Tahimik naman kasi!" Sagot ko.

"Ay, bitter nga." Tinuro niya ako. "Bitte, sinaktan ka, 'no? Desurb. Ang brutal mo kasi."

"Hoy! Hindi ko deserve 'yon, Hakob. Ouch ka, ha!" Humawak ako sa dibdib ko, umaktong nasasaktan.

Inasar niya ako at tinawanan. Natigil lang siya sa panggagago niya nang dumating si Cedric.

"Darlene, what are you doing here?" Nag-angat ako ng tingin kay Cedric. "You should be with our cousins and grandparents."

"I'm not in the mood," sagot ko.

Wala talaga ako sa mood.

"Wala raw sa mood..." bulong ni Jacob.

Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa.

"You want to meet my friends? They're here," nilahad niya ang kamay para tulungan akong tumayo.

Naka-black bodycon cocktail dress ako. V-neck ang style at may slit pa ang ibaba ng dress ko na hanggang hita.

Mukha akong mag-babar.

"No thanks. I'd rather stay here," tanggi ko.

"Nuxs, gusto mo akong kasama?" Pang-aasar ni Jacob.

"Ulol mo, Hakob," sagot ko bago tumingin kay Cedric. "Uhm, Cedric, who's that man, the man beside Henry?" Inaayos ng lalaki ang buhok niya. May silver necklace rin ang lalaki, e, tapos ang ganda ng rolex, ang kinang, e. Nakatingin sa akin ang lalaking 'yon.

Tanggalin mo naman ang maskara mo!

Tumingin ako kay Cedric nang magsalita siya.

"I met him in the Philippines. One of the best and most successful CEOs, Phoenix Ryler Velasquez." Nasamid ako bigla sa sinabi niya.

"Ha?" Ulit ko.

"Phoenix, he's my friend. And I found out that he's your brother's best friend," sagot niya. "He's kind, and you know, when Henry told him about you, he immediately agreed on attending my birthday."

Shit, umabot siya sa Spain para lang sa birthday nito?! At siya 'yong lalaki kanina!

"Why? You know him?" Tanong niya.

"Uh... Part of the past." Tumango ako.

"Really... Part of the past?" tumaas ang isang kilay niya.

"Part of the past," tango ko.

Mahina siyang natawa bago tumingin sa akin. "Okay, just enjoy the party with Jacob." Iniwan niya ako para bumalik kung nasaan ang gago.

Shit, hindi talaga ako makapaniwala! Nandito ang bwisit na 'to?! Shit, tapos kilala pa ng mga pinsan kong lalaki. Ang dami namang nakakakilala sa lalaking 'to.

Si Phoenix na siguro ang papalit kay Dora! Galing mag-explore!

"Paanong part of the past?" tanong ni Jacob, nakatingin siya sa akin.

"Nakaraan," sagot ko.

Napakamot siya sa noo. "Is he your ex-boyfriend?"

"Oo," sagot ko.

"Ay, kaya pala ang sama ng tingin sa akin kanina pa." Malakas siyang tumawa. Tinakpan ko ang bibig niya dahil nakakaabala siya sa iba, napapatingin ang mga ibang guest sa table namin dahil sa lakas ng tawa niya. "Kadiri ka naman." Pinunasan niya ang bibig. "Mamaya kung saan mo pinadapo 'yang kamay mo!"

"Arte nito! Nag-sanitize ako ng kamay at kung may hinawakan man ako ay 'yon ang kamay mong may bacteria," umirap ako.

"Sa 'yo ako nahawa," aniya. "But anyway, Darlene, sure ako selos na selos na 'yan." Lumapit siya sa akin. "Gusto mong palapitin dito? Kasi tingnan mo kahit nakasuot ang maskara niyan sa loob, salubong ang kilay niya."

"Ang dami mong learn, Jacob."

"Matalino in short."

"Parang height mo, short." Tinawanan ko siya pero ang mukha niyang hindi maipinta.

"Hindi nga kasi short ang height ko! Matangkad ako. Ginagaya mo pa akong sa height mo na pang-minion."

Inismiran ko siya. Bumalik na naman siya sa pangungulit niya.

"Darlene, siguro kung nakakamatay lang ang masamang tingin kanina pa ako patay," sabi ni Jacob. "Grabe naman 'yan... akala mo naman aagawin ko."

"Hayaan mo siya. Ganiyan talaga siya tumingin. Baka may gusto sa 'yo."

"Tangina, kadiri." Nagulat ako sa malutong niyang pagmumura. "Pero, Darlene, dali na."

"Ayoko! Ayoko nga! Ayoko," tanggi ko. "Humahanap ka lang ng sakit ng katawan."

"Bakit?"

"Basta," sagot ko

"Maarte ka naman masyado. Ayaw mo bang malaman kung paano siya magselos?" Lakas talaga ng tawa nito. Sa tawa niya ako natatawa, e. Hindi sa mga joke niyang walang kwenta.

"Alam ko na kung paano." Daig niya pa may reglang babae sa sobrang sungit. Iyong tipong para akong nanunuyo ng dragon? Kailangan may bayad bago ako kausapin tapos hindi pa ako pinapansin.

"Kahit na, relax ka lang. Tingnan mo, kapag hinawakan ko ang kamay mo. Mas lalong inis 'yan." Hinawakan niya ang kamay kong nasa lamesa.

"Tsansing ka, Hakob." Inalis ko ang kamay niya.

"Tanga naman nito," aniya. "Pagseselosin lang natin."

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Tigilan mo nga ako, masasampal na kita." Hindi ko na nga siya mahal, 'di ba? Hindi ko na nga kasi siya mahal! Naman, e, hindi ko na siya mahal, okay?!

"Pangit mo ka-bonding," pag-irap niya.

Pinasok ko na sa clutch purse ko ang cellphone ko.

"Hoy, saan ka pupunta?" Tanong ni Jacob nang papalayo ako.

"Langit," sagot ko.

Umiikot ang paningin ko pero kaya kong maglakad.

"Masarap do'n." Lumingon ako sa kaniya. "Iyong literal na langit. Heaven." Tumawa pa siya.

Napailing na lang ako bago magpatuloy sa paglalakad. Nadaanan ko ang table nila Cedric kaya binati ako ng mga pinsan ko bago ako mag-diretso.

"Darlene, wait!"

Napapikit ako ng mariin nang tawagin ako ni Georgio. Pilit akong ngumiti bago siya nilingon pero kay Darius natuon ang paningin ko, natatawa siya at hindi ko alam ang dahilan.

"Come here." Hinila ako ni Henry.

Wala na akong takas!

"I want you to meet our friend," sambit ni Henry. "Phoenix, this is Darlene, and of course Darlene, this is Phoenix."

You're late on the news, Henry! Magkakilala kami!

"Nice to meet you, again... love," halos pabulong na niyang sabi.

Wow, dalawang linggo pa lang kaming hindi nagkikita tapos parang nag-iba ang boses niya? Paos na malamig ang nahihimigan ko sa boses niya. Ibang-iba sa cellphone.

Humigpit ang hawak ko sa kaniya. Tumalim ang tingin ko sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya! Nakatingin lang siya sa akin, binasa niya ang ibabang labi bago ngumiti.

Peke akong ngumiti. "Love mo mukha mo," irap ko. Umayos ako at hinarap sina Cedric na naguguluhan kung bakit kami nagbubulungan. "Excuse me, I need to go to the comfort room," umalis na kaagad ako.

Muntik pa akong matapilok.

"Careful." Halos makuryente ako nang marinig ang bulong ni Phoenix habang hawak ang braso ko.

Kaagad kong binawi ang kamay sa kaniya para maglakad.

Kumuha pa muna ako ng dalawang red wine at diretsong nilagok bago pumunta sa restroom. Bahagya pang umikot ang paningin ko.

Hindi talaga ako makapaniwala na kilala ni Cedric si Phoenix! At talagang nandito sa birthday niya, ha?! Jusmiyo. Tapos ito naman sina Mama, hindi man lang sinabi sa akin?! At isa pa 'to... kilala kaya ni Abuela si Phoenix?

Hindi man lang ako nainform?! Lagi na lang ba akong napag-iiwanan?!

Pumasok ako sa restroom at sa huling cubicle pumunta. Pinatong ko ang purse ko sa may taas ng pader para mailabas ang tawag ng kalikasan. Nag-flush ako at sinara ang toilet bago lumabas.

Ang sakit ng paa ko. Nasobrahan ako sa paglalakad kanina.

Natigil ako nang makita sa pinto ang gagong si Phoenix. Nakasandal siya sa pinto habang ang isang kamay ay nasa bulsa. Diretso lang ang tingin niya sa akin, halatang hinihintay ako.

"Tabi." Inalis ko siya sa pinto para makalabas ako. "Layas."

"No."

"Layas na nga kasi. Atsaka, hindi ko inakala na kilala mo ang mga pinsan ko." Tinulak ko siya.

"I really know them, Darlene. At least you know now, if you asked why? Cedric is my business partner and yes, we met before."

"Eh, bakit noong nandoon ka sa Palace at nakita si Cedric, nagtanong ka pa?" Nag-angat ako ng tingin.

"Because I don't want you to know, kapag nalaman mo for sure, hindi kita malalapitan," sagot niya. "And you'll be shocked, for sure."

"Gulat na gulat nga ako, o." Umirap ako. "Umalis ka na nga. Masakit na ang paa ko." Bumaba ang tingin niya sa heels ko.

"Okay then, relax."

Sinandal niya ako sa pader bago bumaba para tanggalin ang heels ko. Nakahinga ako nang maluwag nang matanggal ang heels ko, naka-paa nga lang ako. Parang lumiit tuloy ako dahil sa tangkad niya.

"Did you drink?" nagbaba siya ng tingin.

Hindi niya yata nakita ang pag-inom ko kanina.

"Hindi ka dapat umiinom, Darlene. Look, you are a Royalty.

"Wala kang pakialam kung uminom ako o hindi. Ang gusto ko umalis ka na. Ayoko na kitang makita, gusto ko sa malayo ko." Hinawakan niya ang dalawang palapulsuhan ko.

"No, I don't want to leave without talking to you." Dumiretso ang tingin niya sa mata ko. "I love you, Darlene. I still love you and I will never get tired of loving you, so please let's just talk for a while before I leave and after that... I will let you go. Like you always wanted but don't ever expect that I will let you love someone else."

"Bitiwan mo na ako. Nauuhaw ako." Inalis ko ang kamay niya pero hindi siya nag-paawat.

Uhaw na talaga ako! Ano ba 'to? Mamamatay na yata ako sa uhaw.

"Then drink the water... over there." Tinuro niya ang lababo.

"Gago, bakit hindi ikaw uminom? Tutal ganda ng suggestion mo."

"On second thought, I suggest, no," pagtanggi niya.

"Bitiwan mo na kaya ako? Nasasaktan ako sa hawak mo. Okay sana kung mild lang kaso hindi, e, wild." Niluwagan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"I'm sorry..." Hinalikan niya ang pisngi ko. "I missed you so damn much."

Dumiretso ang tingin ko sa mata niyang mapupungay. Halatang hindi pa siya natutulog. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang namumula bago ibalik sa mata niya ang paningin.

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kung bakit ko siya hinalikan. Hinila ko ang kwelyo niya. Humawak ako sa batok niya at marahan siyang hinalikan. Hinawakan naman niya ang baywang ko at sumabay sa halik ko.

Nakarinig kami ng takong ng sapatos kaya hinila niya ako sa huling cubicle. May naapakan pa akong lipstick na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Naupo siya sa nakasaradong toilet bago ako hinila paupo sa pagitan niya. Siniil niya ng halik ang labi ko habang ang kamay niya ay gumagapang sa hita ko. Binaba niya ang zipper ng dress ko kaya nalaglag ang isang strap nito. Nilagay niya ang buhok ko sa kanang balikat bago sunod-sunod halikan ang leeg ko pababa sa balikat ko.

Pumikit ako. Nasa likod ko na ang palad niya. Niluwagan ko ang necktie ng suit niya. Humigpit ang hawak ko sa balikat niya.

"I forgot something here." Biglang bumukas ang pinto ng cubicle kung nasaan kami kaya natulak ko si Phoenix palayo sa akin.

Lumingon ako sa babae na may gulat sa mata.

"Oh, shit, I'm really sorry for disturbing you two. I forgot my lipstick. Oh... there I saw it." Yumuko siya at may kinuha sa sahig bago nagmamadaling umalis.

Umalis ako sa pagkakaupo kay Phoenix. Inayos ko ang sarili ko nang tumingin sa kaniya.

Tangina, hindi ka lang marupok, Darlene! Maharot ka pa! Anong kagagahan ang ginawa mo, self?!

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko at pwersang hinarap sa kaniya. Wala akong nagawa kung hindi ang harapin siya.

"Darlene, I don't want to end up like this. Tell me, what should I do just to earn your trust again? I will do everything... Just to love me again. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Tell me."

"Hindi na. Wala na. Nahihirapan na akong mahalin ka." Bumaba ang tingin ko sa kamay niya.

Kahit naman na sabihin ko ang salitang 'yon... hindi na magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi nga ako marupok! Ano ba kayo! Gawa-gawa lang ng illuminati 'yan! Walang marupok sa pamilyang ito.

Hindi tayo marupok! Ang pagiging marupok ay gawa-gawa lamang ng illuminati.

"Why? Because you have someone new?" Tanong niya na nag-paangat ng tingin sa akin.

Nakapameywang akong tumingin sa kanya. "Oo. May bago na ako, gusto mong malaman kung sino?" Tanga, wala!

"I will never let that happen. You're mine, Darlene. And that freaking ugly man earlier? Kung ipagpapalit mo lang rin naman ako sa katulad niya, mas mabuting ako na lang ulit ang mahalin mo."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Ang kapal naman ng face mo! Pogi naman si Jacob! Saka, good vibes kami no'n palagi! Hindi siya mahirap mahalin, saka anong ikaw na lang ang mahalin ko ulit? Hinding-hindi na mangyayari 'yon. Pogi si Jacob! Tandaan mo 'yan."

Tumaas ang isang kilay niya. "I don't care if he's handsome or not. I only cared for you. And I was fucking jealous when I saw him touching your hand. Alam mo bang pinuputulan ko siya ng kamay sa isip ko?"

"Wala naman siyang ginagawang masama." Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Wala kang pakialam kung may humawak sa akin o hindi. Saka, hello? Wala na tayo."

"We are not over, Darlene. Hindi ako papayag."

"Edi 'wag kang pumayag. Hindi ko naman hinihingi ang permiso mo, ang sa akin... Hiwalay na tayo, wala ng tayo. Break na tayo."

"No way, ayoko. Gusto ko girlfriend pa rin kita."

"Wala na tayo!" Tumalikod ako. "Iangat mo ang zipper ng dress ko."

Ginawa naman niya ang sinabi ko pero hinila niya ako patalikod nang matapos. Napasandal ang ulo ko sa balikat niya nang yakapin niya ang baywang ko.

Pilit kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin kaso mas lalo lang niya hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"I will never let you love someone else," bulong niya na nag-pakilabot sa buo kong pagkatao. "Remember that, Darlene, you are only mine. Akin ka lang." Parang demonyo ang bumubulong sa akin.

Kumawala ako sa yakap niya. Tiningnan ko pa muna siya bago lumabas ng cubicle.

Iyong tingin niya sa akin kanina seryoso at malamig lang. Parang desidido talaga siya sa gusto niyang mangyari.

Bumilis ang takbo ng puso ko nang maalala ang nangyari sa loob ng cubicle.

Tangina! Tangina! Muntik na akong bumigay!

Halos takbuhin ko ang loob kung saan ko iniwan si Jacob! Tangina, inakala niya talagang may gusto ako rito? Wala, 'no!At talagang tinawag niyang pangit?!

Hay, mabuti na lang talaga at may babaeng pumasok kasi kung hindi? Wasak ang kinabukasan ko.

Naupo agad ako sa harap ni Jacob nang makarating.

"Tagal mo naman. Saan ka ba galing? Sa langit ba?" Muntik na, Jacob. Muntik na. "Anong nangyari sa lipstick mo at gulo-gulo?"

Inayos ko ang lipstick ko gamit ang thumb ko. "Wala," sagot ko.

"Ows? Bakit parang may kumagat yata sa 'yo?" Mapang-asar siyang tumingin sa leeg ko kaya agad akong hinawakan. "Ayan, ha! SPG ka. Lagot ka."

Napairap na lang ako dahil sa kaniya.

Walangyang Phoenix 'to.

Masama akong tumingin sa kaniya nang dumaan siya sa harap ko. Pero nawala nang tumingin siya at kumindat. Inayos niya ang coat bago tumingin sa taong kumakausap sa kaniya.

Napahinga ako nang maluwag dahil sa ginawa niya.

Nakipag-usap na lang ako kay Jacob kahit sawang-sawa na ako sa pagmumukha niya. Hindi rin nagtagal ay tumayo ako para puntahan si Mama kasi manghihingi ako ng kinakain niya.

Masaya naman ang birthday ni Cedric. Medyo nakakailang lang dahil panay ang tingin nila sa akin, samantalang ako naman panay ang hawak sa leeg para hindi makita nila Papa ang lintik na marka. Kitang-kita pa naman! Masasampal ko talaga ang timang na lalaking 'yon kapag nagkaroon ako ng oras.

"Hey, why are you alone?"

Napatingin ako kay Phoenix. Nasa tabi ko na siya.

"Kasi wala akong kasama," uminom ako ng wine pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Darlene, enough of drinking." Kinuha niya ang baso. "You should go with your family and kindly cover your neck."

"Ikaw talaga! Kasalanan mo 'to!"

Humalakhak siya, hindi na sumagot.

"Letche! Bahala ka nga!"

Nakakainis! Pumunta nalang ako kina Papa.

Panay ang ngiti ko tuwing may bumabati sa amin. Napansin ko rin ang mga taong kumukuha ng larawan namin mula sa labas.

Konting patience na lang... matatapos na ang party. Panay na rin ang hikab ko habang nakaupo sa table kung nasaan si Mama. Nakapalumbaba na ako sa lamesa.

"Darlene, you still at the party. Don't sleep," dinig kong sabi ni abuela.

Nagmulat ako ng mata. "I'm not sleeping."

"You were sleeping."

"I'm not." sabi ko. "It was made of illuminati or maybe you are hallucinating po."

"Darlene," saway ni Mama.

"Joke lang...." tinakpan ko ang bibig ng mapahikab.

"Excuse me..." Tumayo si Abuela para lapitan iyong isang kilala niya.

"I think Darlene is really sleepy," biglang sabi ni Papa kay Mama. "She needs to rest now. Wait, I'll call Darius." Tumayo si Papa at dumiretso kung nasaan ang kapatid ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa table kung nasaan rin si Phoenix! Alam nga ni Papa! Anak ng.

Napailing ako bago umirap.

"Why are you rolling your eyes?" Tanong ni Margaret na kakarating lang. Sa tabi ko siya pumunta. "What's with your neck?" mahina niyang tanong.

"Uh... insect bite!" tarantang sabi ko. "Insect."

"Oh..."Ngumisi siya. "Okay. I'll go with my friends." Iniwan niya ako.

Yari ka talaga sa akin, Velasquez!

Dumating si Darius na ready na akong ihatid pauwi. Una akong naglakad palabas dahil sobrang bagal niya daig pa ang pagong.

Nagpaalam na ako kay Mama at Papa na uuwi na. Pati sa aking mga relatives. Magkikita-kita naman kaming lahat bukas. Bukas rin ako magtatanong sa lahat-lahat kaya hindi ko sigurado kung makakatulog ba ako ngayon.

"Darlene, water." Nagbigay ng mineral water si Darius. "Drink it now."

Tinanggap ko na lang dahil nauuhaw na ako. Nakalimutan kong uminom kanina.

"Inumin mo na," utos niya na naman.

"Mamaya na," tanggi ko.

Nagmamadali, amp.

"Inumin mo na kasi," pilit niya.

"Mamaya na nga kasi. Bakit ba nagmamadali kang inumin ko 'to? May nilagay ka rito, ano?!" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ikaw, Darius, ha! Anong nilagay mo dito?!"

"Of course not! Wala akong nilagay diyan." Iling niya. "I'll just get the car." Kinuha niya ang cellphone sa bulsa dahil may tumatawag sa kaniya.

Tumango ako sa kaniya.

"Hello? Yeah, we are going home now." Hindi ko na narinig ang sasabihin niya sa kausap dahil lumayo na siya.

Binuksan ko ang bote at diretso ng inom. Pinagpawisan ako bigla. Bakit parang nanlalamig ang katawan ko kahit mainit naman at sakto lang ang temperatura ng katawan ko.

Pumikit pa ako dahil nahilo rin ako bigla kaya nabitiwan ko ang hawak ko. Nagdadalawa ang nakikita ko. Humawak ako sa pader para kumuha ng suporta.

Naramdaman kong may biglang may sasakyan na huminto sa harapan ko. Napaatras pa ako dahil sa biglaan nilang pagtigil mismo sa harap ko.

Sobrang hilo ang ulo ko. Kumpara kanina noong umiinom ako ng wine. Bumagsak ang katawan ko sa isang braso nang mawalan ako ng malay.

Nagising lang ako dahil panay ang halik sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mata at bumungad ang pagmumukha ni... Phoenix!

"Anong gina-putangina, bakit ako nakatali?!" Malakas ang boses ko nang tanungin siya.

Umalingawngaw sa buong lugar ang boses ko.

"Hi, baby..." Naupo siya sa lamesa.

"Baby mo mukha mo! Bakit ako nakatali?! Hindi ako sumama sa 'yo! Kidnapping 'to!" Sigaw ko.

Nakaupo ako sa isang wooden chair habang nakatali ang dalawang paa at kamay ko. "Kidnapper!" Sigaw ko. "Nasaan ako?!"

"You're still in Spain, baby. You're just in our house," sagot niya.

Putangina, nasa bahay nga ako! Malaki ang bahay na 'to pero walang ka gamit-gamit. Wait, may sofa naman pala at sofa set 'yon, ha! May dining table at chairs rin, at may mga gamit sa kitchen.

"Tangina, hindi ako natutuwa sa 'yo! Alisin mo 'to!" Sagad sa buto na sigaw ko.

"Stop shouting, hon, baka naiingayan na ang neighbors natin." Lakas talaga mang-asar ng kinginang 'to. "Oh, I forgot... wala nga pala tayong kapitbahay dito."

"Tigil-tigilan mo ako! Ang gusto ko, alisin mo ang tali sa kamay at paa ko para masampal kita ng todo!"

"Then I'll not do what you want if you will just slap me." Pinagkrus niya ang dalawang braso bago ako mariing titigan.

"Pakawalan mo ako dito, letche ka!" pilit kong inalis ang pagkakatali sa likod ko. "Alisin mo 'to!" panay ang pagpupumiglas ko kaso nasasaktan lang ako.

"I don't want to, love. Stay in that chair."

Mas lalong nag-init ang ulo ko sa kaniya. "Ang hilig mo talagang manggago!" Sigaw ko na nag-echo sa buong bahay. "Pakawalan mo ako dito! Saka, paano akong nandito?! Isa kang kidnapper! Kidnapper ka!"

"Oh, yes, baby, I kidnapped you." he smirked.

Nag-init ang ulo ko at parang gusto ko na lang sampalin ang lalaking 'to kaso hindi ko magawa dahil nakatali ako!

Tangina, Velasquez! Sasampalin kita kapag ako nakataas mula sa mga tali na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

163K 972 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
1.5K 99 24
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."
62.2K 3.5K 35
Lucius doesn't like other supernaturals in his territory. All supernaturals either work for him or ask for his permission before entering, because i...
4.7K 111 3
Compilation's of other side characters and alternative universe.