The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.7K 17.8K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 98

20.6K 448 106
By whixley

Chapter 98: Scythe's Place

Nakabukas ang tracking device ni Trevor para masundan namin siya. Kapag gumagalaw ang red dot ibig-sabihin ay umaandar ang sasakyan niya o kung nasaan man siya.

At masasabi kong nakakakaba ang mangyayari dahil baka malaman nilang spy si Trevor. Gago, baka patayin nila si Trevor, sayang naman. Gwapong-gwapo na nilalang tapos maaga lang mawawala?

Kinuha ko na lang muna ang bag ko para kuhain ang damit ko sa loob. Magpapalit muna ako dahil ang lagkit ng uniform ko pati na rin ng braso ko.

Sa mga hindi po nakakaalam, dumaan kaming dalawa ni Phoenix sa starbucks para bumili ng frappuccino at dahil sa katangahang tinataglay ko, hindi ko pa naiinom, dumulas na kaagad sa kamay ko at dumiretso sa uniform ko ang laman.

"Wala man lang akong nainom."

"It was your fault," ani Phoenix.

Kasalanan ko naman talaga.

Nilabas ko ang off shoulder top at denim skirt na bili ni Mama sa akin. Ibang klase rin talaga si Mama, pati ako dinadamay sa mga fashion niya.

Muntik na akong masubsob sa harapan nang biglang nag-preno si Phoenix. Napahawak ako sa noo ko bago tumingin sa kaniya.

"Bakit ba bigla-bigla kang nagpe-preno?"

Parang naalog ang utak ko dahil sa biglang pag-preno niya. Ayoko pa naman na naaalog ang utak ko, baka mawala ang stock knowledge ko.

"Why are you removing your blouse?"

"Para magpalit," sagot ko. "Doon na nga lang ako sa likod magpapalit." Hinagis ko ang bag at damit ko sa back seat.

"You don't have a space there," aniya. "You can change-"

"Ang laki ng space sa likod, 'wag kang ano diyan."

Tiningnan naman niya ang likod. "Yeah, it is."

Tumingin lang ako sa kaniya bago dumiretso sa likuran. Gano'n lang rin siya sa akin at kung hindi ko pa tinuro ang harap, hindi pa siya magda-drive. Balak yatang manood ng lalaking 'to sa akin hanggang sa matapos ako.

Sinuot ko muna ang denim skirt bago ko hinubad ang skirt ng uniform ko. Nasa likuran naman ako ng drivers seat para magpalit ng pang-itaas. Nang matapos nilagay ko na sa loob ng bag ko ang uniform.

Sa back seat na lang ako naupo, nakakatamad nang bumalik sa harapan. At masyadong mabilis ang pagda-drive ni Phoenix parang may hinahabol ang style niya.

"I'm look like a driver." Tumingin siya sa akin mula sa rear view mirror. "Sit here in front."

"Ayos lang 'yan." Minsan lang naman siya magmukhang driver. "Pogi ka namang driver." Sumandal ako sa kinauupuan ko.

Inirapan niya lang ako. Totoo namang pogi siya kahit maging driver. Payag akong magkaroon ng sariling driver basta siya. Isang Velasquez maging driver ko, tangina, wala nang reklamo-reklamo!

"Stop the car," utos ko kay Phoenix.

Wala lang, trip ko lang mag-gano'n. Uso 'yon, e.

"Why do I need to stop the car?" tanong niya, naguguluhan.

"Wala lang..." natawa ako. "Ginagaya ko lang sa TV na nagsasabi ng 'stop the car' sa nagda-drive," mas lalo akong natawa.

"Damn, you're crazy again," comment niya.

"Yeah, you driving me crazy." Tumingin ako sa kaniya mula sa rear view mirror.

Nasamid naman siya sa sinabi ko bago tumingin sa harap para magpatuloy sa pagmamaneho.

Nahiga ako sa back seat habang ang dalawang paa ko ay nakapatong sa salamin ng bintana. Isang sipa ko lang rito, basag 'to.

"Velasquez, mukha kang appetite." Nawawalan na ako ng gagawin.

"What's your joke this time, huh?"

"Basta, mukha appetite but appe-" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.

"I read that joke on the Internet, baby. Stop it." Ampucha, alam pala niya, sayang.

Tinawanan ko siya. "Ito na lang... akala ko sa ihi lang ako kikiligin."

"What the heck? Stop your banat, Miranda."

"Sa-urine pala." Ako lang natuwa sa sarili kong banat.

"Sometimes, I really want to shut your lips using mine. Do you want to?"

"Uhm, sige," sagot ko at hininto naman niya ang sasakyan. "Gago, joke lang. Mumukbangin mo naman ang labi ko."

"Don't worry, next time hindi na ang labi mo ang mumukbangin ko," aniya. "The next one is different but it also part of you."

Nagunot naman ang noo ko sa sinabi niya, putangina, naintindihan ko 'yon, ha! Nawawala na ang inosente kong utak dahil sa kaniya! Hala! Kasalanan 'to ni Phoenix! Kung ano-ano kasi ang tinuturo niya sa akin!

Bumangon ako at diretsong tumingin sa kaniya. "Velasquez, da-duct tape-an ko ang bibig mo." Pinanliitan ko siya ng mata.

"I was expecting that you won't get it..." aniya at natawa.

"Pakyu." Nagtaas ako ng middle finger.

"Raising your middle finger makes you hotter and hotter."

"Sure kang ako? Baka 'yong iba diyan." Napatigil naman siya sa sinabi ko, kusang bumaba ang paningin niya sa kung saan.

"I shouldn't have spoken." Tinuon niya ang paningin sa daan.

Hindi na ako nagsalita pero diretso lang ang tingin ko sa kaniya. Panay naman ang iwas niya ng paningin sa akin, arte naman nito.

Pinapanood ko lang ang ginagawa niya tapos todo iwas naman ang lalaking 'to!

"Bakit ka ba iwas nang iwas ng tingin?"

"Shut up," pikon na sabi niya.

Wala naman akong ginagawa, huh? Bakit siya napipikon?

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko ulit.

"Of course."

"O baka naman 'yong iba ang hindi okay? Mainit na ba sobra?" bigla siyang napapreno kaya kamuntikan na akong masubsob. "Akala ko ba 'ayos' ka lang?"

"I said, I'm fine!" May halo ng inis ang boses niya.

"Pikon mo," natatawang sabi ko. "Tinatanong ko lang naman kung sobrang init ka na ba kasi ako kanina pa init na init rito. Ang hina ng aircon, o! Lakasan mo naman, tipid na tipid ka naman masyado."

Nilakasan niya ang aircon, sobrang todo siguro ng aircon. Lumamig kaagad ng sobra.

"Bal, kaya mo-"

"Miranda, stop talking for awhile. I need to relax myself." Lagi niya na lang akong hindi pinapatapos sa pagsasalita.

Hindi na ako nagsalita dahil kapag ginawa ko sure akong wala na akong takas! Lakas pa naman manggago nito minsan, nawawalan talaga ako ng paraan para makawala.

Naghahagis na rin ako minsan ng kaldero kapag naiinis na ako sa kaniya. Isama mo na ang lampshade na lagi kong nadadampot kapag nang-aasar siya.

Tumigil na ang sasakyan matapos ang ilang minuto, nasa isang magandang gusali kami parang isang bar ang lugar na 'to. Binaba ko nang konti ang salamin ng kotse para makita ng buo ang nasa gilid namin. Ang pangalan ng lugar ay 'Astros'. Angas may pa-gano'n pa, ibang klase rin ang mga 'yon, ha?

Tinaas ko na ang salamin para walang makakita sa amin. Tinted kasi ang sasakyan ni Phoenix kaya hindi makikitang may tao rito.

"I think this is a bar," sabi ni Phoenix habang nasa harapan ang paningin.

"Tapos ka na mag-relax?"

"Oh, come on, stop mentioning that!" aniya at bumaba sa kotse para pumunta dito sa back seat.

Para tinatanong lang!

May kinuha siyang damit sa likod. Nang matapos humarap siya sa akin.

"Hindi na." Mahina akong tumawa pero agad na napatigil nang makitang hinubad niya ang uniform niya. "Velasquez, bakit ka nag-aalis ng damit?"

"I'm gonna change my clothes."

"Sa harap ko talaga?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Why not? You always sees my body." Inalis niya ang uniform at sando kaya tumambad sa harap ko ang katawan niya.

Hinagis ko sa kaniya ang pants niya bago mapa-singhap.

"Malaki naman, ah?"

Nasamid ako bigla sa sinabi niya. "H-Ha?"

"I mean look... my muscles are big and hard, you want to touch it?"

Agad akong umiling at umiwas. "H-Hindi!"

"Why? Don't you like it, you are the only one who can touch this."

Namumula ako sa kahihiyan. Tangina naman, Velasquez! Pwede bang bilisan mo na ang pagbibihis.

"Magbihis ka na!" Tinulak ko ang damit sa dibdib niya. "Para makalabas na t-tayo." Bigla akong nautal.

"Wait, you wanna know his name?" nanggagago na siya ngayon.

"H-Huwag na," tanggi ko. "Magbihis ka na."

"Come on, I want to tell you," pilit niya.

Sana hindi na lang siya nagtanong, 'di ba? Kung siya rin pala masusunod.

"Tiby it is his name," aniya.

"Para ka namang tanga, tigilan mo na nga 'yan." Tinuon ko ang paningin sa labas at nakarinig naman ako ng pagtawa sa kaniya.

"Babe, are you sure that you don't want to-"

"Nix, naman, e! Ano ba?! Sisipan kita." Tinaas ko ang paa ko.

"I can see your cycling shorts her-kidding!" Tinaas niya ang dalawang kamay nang itutok ko ang baril sa kaniya. "Put down the gun, please."

"Hindi naman kiya babarilin. Labs-labs kaya kita." Tinago ko na sa likod ko ang baril.

Maayos naman siyang nagbihis kahit na nasa baril pa rin ang nasa isip niya. Hinalikan niya muna ang pisngi ko bago bumaba at lumipat sa driver's seat.

Hinagis ko na ang extra kong baril sa kaniya para may magamit siya, sayang naman kasi kung hindi magagamit 'di ba. "Wala kang dalang baril, 'di ba? Ayan na."

Trip ko lang talaga magdala niyan, maingat naman ako kaya panigurado ng hindi ako mahuhuli ng teacher o ng kahit sino. Tagong-tago 'yan!

"You bring two guns inside of School?"

"For purposes nga lang kasi," sagot ko.

"Alright, for purposes." Kinuha niya ang cellphone sa harap nang mag-vibrate. "Trevor texted me... someone is guarding the entrance. And I was right, this is a bar, the owner of this is Scythe... and anyone can enter but you must show your ID before you get inside."

ID raw. Mayroon ba akong ID? Wait, anong klaseng ID ba?

"Valid ID ba ang kailangan?" tanong ko. "Wala ako no'n. Iyong barangay ID pwede ba? O School ID? Ano? Pwede ba 'yon?"

"Of course not!" sagot niya kaagad. "Here." Binigyan niya ako ng ID at peke ito, ha! Kailan pa siya nagkaroon ng ganito, aber?

"Ako na pala si Danalyn Mistley." Naupo ako sa may shot gun seat habang binabasa ang fake ID ko. "Tawagin mo ako bilang Dana, bal."

"Stop your jokes right now."

Napanguso ako. "Sige na nga." Tinabi ko ang fake ID sa bulsa ko. "Pero, bal, hindi ba nila tayo makikila? I mean, hawak nila ang mga mukha natin ibig-sabihin kilala nila tayo."

Curious lang ako. Dahil kung kilala nila kaming lahat pati ang mga mukha namin, ano pang silbi ng fake ID na 'to? Mabubuko lang kami kaagad kung kilala nga nila kaming lahat. At higit sa lahat baka magkaroon ng world war rito!

"They always change guards every day, Trevor told me, so they don't know you. And he even told me that the guards never known the Black Forum's members, so relax..." sabi niya habang inaayos ang baril na bigay ko, nilalagyan niya ng bala ang loob ng baril.

Hindi rin sila bobo. Kaya nasasalisihan kasi hindi marunong. Dapat pinapaalam nila sa guard kung sino kami, 'di ba? Para aware sila na nasa paligid lang kami. Masyadong pa-relax ang mga shunga.

"Kahit na, malay mo 'di-" Napatigil ako sa pagsasalita nang siilin niya ng halik ang labi ko.

"It's okay, alright? Just relax," aniya nang bitiwan ako para magpatuloy sa pag-aayos ng baril.

Edi relax! Madali naman akong kausap.

Lumabas ako sa kotse at sakto namang lumabas rin ang mga kasama namin sa mga kotse nila. May mga hawak rin na baril sina Darius. Kaniya-kaniya silang punta kung nasaan kaming dalawa ni Phoenix.

"Darlene, don't you dare leave at my sight. Remember that they want your head," sabi ni Darius. "And please, don't kill people."

Hindi ko naman 'yon gagawin.

"Oo na, balak ko lang naman kasi manood kung magtututukan ba kayo ng mga baril."

"How can we hear the conversation?" tanong ni Harris.

"Oo nga, ano ang point kung nandito nga tayo pero wala man lang tayong malalaman na plano nila tungkol sa atin."

"Connect the earpiece using Trevor's phone," si Phoenix at tumingin kay Trevor. "You have an app that can connect all the earpiece, everyone can hear the conversation using the app and those earpiece."

Ang daming alam ni Phoenix.

Nilabas naman ng mga ugok ang earpiece nila na nakatago sa secret pocket nila. Pati sina Gianna! Bakit hindi ko 'to alam? Pinagkakaisahan nila akong lahat!

"Ang daya! Bakit ako wala?" Biglang nilagay ni Darius ang small earpiece sa noo ko. "Earpiece pero sa noo nilagay? Ano 'yon? Forehead-piece?"

"Pinalitan na 'yon, kahapon lang," si Darius.

"Eme ka," tanging nasabi ko.

"Don't turn off your phone, Trevor. That's the only way para malaman natin ang conversation," paalala ni Darius.

Huwag lang talaga nila na malalaman!

"Manganglap rin tayo ng mga pwedeng malaman," dagdag ni Gianna.

Tumango naman ang mga kasama namin.

Kinuha ko ang gummy bear sa loob ng bra ko kaya lahat sila ay napatingin sa akin. "Grabe naman kayo! Masama bang kumain?" May plastic naman ang gummy bear ko kaya hindi nadudumihan.

"You have a gummy bear inside of your... bra?"

"She always put a gummy bear inside of that thing." Si Phoenix ang sumagot.

"How'd you know?" tanong naman ni Darius.

"I just know," sagot ni Phoenix.

"Tara na, people." Una akong maglakad sa kanilang lahat.

Wala naman kaming mapapala kung sa bra lang na may gummy bear kami magfo-focus.

Maraming tao ang pumupunta sa lugar na 'to, ha? Karamihan mayayaman. Sikat nga rin siguro ang lugar na 'to.

Mga rich kid! Sana all! Rich lang kasi ako.

Since nag-iingat kaming lahat sa likod kami dumaan para hindi kami makita kung sakaling may makakilala sa amin. Si Trevor lang ang papasok sa entrance para malihis ang atensyon ng mga nagbabantay.

"Ako mauuna, relax lang," sabi ko at confident na pumasok sa likod kung saan lumalabas ang mga staff rito.

Napatigil ang mga nagtatrabaho sa biglaang pagpasok ko at ang mga mukha nila parang handa akong sakmalin. Para bang aware sila na kalaban ako.

Kilala yata ako ng mga 'to, ha?

Tumikhim ako. "Hi?" Kumaway ako sa kanila.

Ang bango naman dito, ano kayang niluluto nila? Amoy salmon steak!

"Sino ka?" tanong ng isa.

"Hindi pa ako sino ka, iniri po ako ng Mama ko," tawa ko.

Nakarinig kaagad ako ng pagmumura mula kay Phoenix at Darius.

Akma akong hahawakan ng lalaki pero kinuha ko ang isang plato na nasa tabi ko para ihampas sa ulo niya. Naalarma naman ang mga kasama niya kaya agad na sumugod, agad ko rin na kinuha ang baril sa likod ko at agaran rin na ikinasa bago itutok sa kanilang lahat.

Napatigil sila dahil sa nakita.

"Bakit kayo tumigil?" tanong ko at napatingin sa plato. "'Uy, sushi! Alam niyo bang one of favorites ko 'to. Pahingi ako, ha?" Kinuha ko ang sushi sa plato para kainin.

Ang sarap ng sushi!

"Gago, ang sarap."

"What the fucking fuck, hon?" frustrated na sabi ni Phoenix.

Nginitian ko lang siya bago humarap sa mga taong nasa harapan ko at mga hindi makagalaw sa mga kinatatayuan nila dahil nakatutok pa rin sa kanila ang baril ko, idagdag mo na si Darius na may hawak rin na baril at nakatutok sa taong gusto akong hawakan.

"Sino ang gumawa nito? Ang sarap, ha?" comment ko, masarap naman kasi talaga ang sushi. "Papaturo lang ako kung paano. Sawa na kasi ako sa luto ni Mama.

Iyong mukha ng bebe ko hindi makapaniwala sa ginagawa ko ngayon. Ayaw niya ba sa sushi? Hmp, hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang.

"Isusumbong kita kay Mama, nagsasawa ka na pala sa luto niya." Nakatingin sa akin si Darius.

Minock ko lang siya.

Inalok ko na si Phoenix kahit halatang ayaw niya.

"Bal, tikman mo. Ang sarap, hindi ka magsasawa." Nilagyan ko ng sushi ang bibig ni Phoenix.

Kinain na niya lang dahil wala na siyang nagawa, nilasahan pa niya ang sushi. "It's true, it's so damn delicious."

"Ayan, pwedeng mo na ako asawahin-charot," bawi ko kaagad nang tumingin si Darius sa akin. "Masarap talaga siya." Kinuha ko pa ang isang plato kung nasaan ang iba't-ibang klase ng sushi. "Minsan nga ito order-in natin, sawa na ako sa mga binibili natin."

"Alright, next time," sang-ayon niya, kumuha rin siya ng sushi sa plato.

Tumabi siya sa akin para saluhan ako sa kinakain.

"Tingin ka kung may rice baka mayroon sila tapos hingi ka." May kinuha naman siya sa likod ko at 'yon ang rice na nakabalot sa paper. "Susubuan na lang kita." Kinuha ko ang spoon and fork.

"That's unfair, ang konti mong magbigay." Kinain niya ang sushi. "Damihan mo naman, love."

Siya na nga 'tong sinusubuan ko!

Nakita kong napahawak si Darius sa noo niya dahil sa napapanood. Iyong mga mukha naman nila Gianna ay parang hindi pa makapaniwala sa ginagawang pagkain namin ngayon.

"Ano ba naman 'tong mag-jowa na 'to, dito pa talaga nagkakainan." Napangiwi si JP. "Next time na lang 'yan, kapag kayong dalawa na lang."

Tumingin silang lahat kay JP pero busy ako sa pagkain. Sinubuan ko ng rice si Phoenix dahil panay ang kuha ng kutsara sa kamay ko.

"Gago, ang sagwa pakinggan!" Binatukan siya ni Gael.

Parang tanga naman ang mga 'to.

Humarap ulit ako sa babae. "Walang makakaalam nito, maliwanag?" Tinutok ko sa babaeng nasa harap ko ang baril. "Quiet lang kayo, okay?"

Dahan-dahan naman silang tumango. Hindi ako tanga, alam kong sasabihin nila ang tungkol rito. At sigurado akong sasabihin nila lahat, hindi lang ang nangyayari ngayon.

"Good pero matulog ka muna." Pinatulog ko siya gamit ang pag-pukpok sa kanya ng baril at gano'n rin sa mga kasama niya nang isa-isa nila akong hawakan para mahuli.

"Darlene, why did you stroke them?" tanong ni Darius.

"No reason." Kumuha ulit ako ng sushi. "Ang sarap naman nito, tikman niyo." Nilapit ko ang sushi sa kanila kaso hindi sila kumuha.

Masarap naman, ha! Pero masarap rin ang samgyupsal. Namiss kong kumain no'n!

"May drinks kaya sila?" tanong ko.

Mas lalo silang hindi makapaniwala na tanong ko. Masama bang magtanong kung may softdrinks o wala? Uhaw na ako, e.

"Bal, nasa likod mo ang lagayan ng softdrinks. Kuha mo ako ng coke tapos buksan mo na rin." Tinuro ko ang nasa likuran ni Phoenix.

Sa halip na softdrinks, tubig ang binigay niya sa akin. Kinuha ko na lang 'yon para inumin, uhaw na uhaw na talaga ako.

"Magsasalita pa rin 'yan," si Gianna, patukoy sa mga taong bagsak sa sahig.

"Edi alisan natin ang memorya nila tungkol sa nangyayari ngayon."

"How?" tanong nila.

"Ito, oh." Kinuha ko ang syringe at gamot sa bulsa ko.

Nakita ko lang 'to sa kwarto ni Mama at Papa tapos sinearch ko kung para saan at lumabas na pang-pawala ng memorya, tinanong ko sila kung para saan 'yon at ang sabi ni Mama para sa mga taong nakakakita sa kanila tuwing pumupunta sa Scythe's hideout.

"Shit, you have that?" si Phoenix.

Gulat rin sila.

"Naman, ano ba kayo. Huwag na kayong magulat. Gan'yan talaga kapag maganda, laging ready. Girl Scout kasi ako noon," sagot ko.

"Girl Scout ka noon? Hindi nga?" paninigurado ni Harvey.

"Oo nga! May camping pa nga kami, e, tapos nakakita pa nga ako ng palaka tapos ang cute rin. Inuwi ko 'yon sa bahay pero pinalayas ni Kuya nang pumasok sa kwarto niya." Natawa ako nang maalala kung paano sumigaw si Kuya nang makita ang palaka na nakalagay sa kama niya.

"Ikaw lang yata ang nacucute-tan sa palaka," ngiwi ni Dash.

"Arte niyo naman," comment ko. "Bilisan niyo na nga lang para masundan na natin si Trevor."

Ginawa na nila Gavin ang inutos ko habang kumakain kami ni Darius at Phoenix ng sushi. Kumuha rin ang mga ugok nang masarapan sila sa lasa.

Ang arte pa nilang lahat at pa-ayaw-ayaw pa, kakain rin naman pala. Halos naubos yata ang sushi dahil sa kanila.

Lumabas kami sa kitchen at hindi nagpahalatang may ginawa sa mga kasamahan nila. Nakita ko agad ang isang miyembro ng Scythe na nakaupo sa couch, namataan ko rin doon si Trevor na nakaupo. Nakita naman niya kami pero normal lang ang mukha niya.

Iyong mga kasama ko kaniya-kaniyang pwesto sa table. May nagbaba ng drinks sa mga table nila na agad naman nilang tinapon ng pasimple sa gilid.

Naupo ako sa tapat ng counter bar pero pinanliitan ko ng mata si Phoenix. Silang dalawa ni Darius ang magkasama sa isang table.

Napatingin ako sa harap ko nang may magsalita.

"Miss, what's yours?" Ang englishero naman ng bartender.

"Nothing," umiling ako.

"Are you sure? Try the best vodka cranberry cocktail, that's the best mix of vodka here," ani ng bartender. "Markus, by the way."

Markus... sus pangalan pa lang pang-babaero na.

"And you are?"

Tumikhim ako. "D-Danalyn."

Nakita ko ang pagkislap ng tuwa sa mata ng Markus na 'to nang banggitin ko ang pekeng pangalan. Baka malagot ako kay Phoenix kapag sinabi ko ang totoong pangalan ko, saka 'yon rin ang point ng fake ID ko kapag pinalabas niya sa akin ang ID.

"You have a pretty name, just like you," pambobola niya.

"It's part of my personality." Pilit akong ngumiti.

Natawa naman siya sa sinabi ko, samantalang ako hindi alam ang gagawin. Sobrang ramdam ko ang mariin na paninitig ni Phoenix. Kunyaring nagkakamot ako ng noo pero lumingon ako kay Phoenix.

Iyong tingin niya ngayon parang handa niyang sakmalin ang lalaking 'to.

"It's a fact anyway," sang-ayon ng nasa harapan ko kaya naibalik ko ang tingin sa kaniya.

Biglang umingay ang earpiece ko.

"[Damn, that freaking Gavin Pascual.]"

Hala, boses babae.

"[What's with the irritated voice, Violet?]"

Violet ang pangalan ng unang nagsalita.

"[He knows very well! Damn it, I almost lost my life!]" Inis na sabi ng Violet.

Bobo ka lang talaga kaya hindi mo nagawa ang trabaho mo. Yari ka pa kay Laureen kapag nakita niya ang pagmumukha mo!

"[Gavin is really talented when it comes to this, Violet. You can't win over him.]" boses 'yon ni Trevor.

"[Of course, I can win!]" sabi ni Violet.

Asa ka naman, galing-galing ni Gavin, e.

"[Then why you didn't fulfill your job, Violet?]" boses naman ito ng lalaki.

"[Look who's talking! A man who almost lost his brother and life because of the heiress! Spencer, isa lang siya, ha? Pero talo kayong lahat, kayong lahat na pinadala ni Mr. Morriston para makuha siya. Good thing you escaped.]" may halong sarkasmo ang boses ni Violet.

Iyong Spencer na pinatakas ko. Kasapi nga talaga siya. At ayan na naman sila sa Heiress.

"You want drinks?"

Kumurap ako. "Yeah." Tumango ako.

"You're being occupied, huh? Are you okay?" Iniwas ko patagilid ang mukha ko nang akma niyang hahawakan ang mukha ko.

Huwag ka nang magtangkang humawak. Todas ka kay, Phoenix.

"I'm fine! Don't mind me and get my drink, please?" Nanatili ang paningin niya sa akin nang gawin kong mababa ang boses ko. "Hey." Kumaway pa ako sa kaniya kaya agad naman siyang napakurap.

"Oh, okay, I'll be back," aniya at tumalikod.

Nakakainis naman 'yon. Mabuti na lang talaga marunong ako makipagplastikan.

"[FYI, Violet, that woman let me escaped.]" May halong sarkasmo rin ang boses ni Spencer. "[She's kind actually.]"

"[She is, but she has a reason why she did that. She has weaknesses too." Si Trevor parang tanga. "And believe me... sooner or later you all die because of her.]"

"[A woman like her doesn't have the right to kill a person, Cordova.]" panibagong boses na naman.

"[We all know that, Akirah. But she did already...]" pucha, panibagong boses na naman ang narinig ko. "[But don't you think, guys, why Mr. Morriston wants her? I mean what kind of heiress she is? Why does Mr. Morriston want her head so badly?]"

Ayan na. Hindi ko rin talaga alam kung bakit, at kung anong heiress 'yon. I mean, wala namang nasasabi na kung ano sa akin si Papa about sa mga ganiyan.

"[Maybe she's really an heiress not to a Mafia Organization but to a Royal Family. Mr. Morriston and his sister have royal blood, right?]"

Natahimik naman ako.

Tama, may royal blood rin si Mama. At ang alam ko dahil iyon sa grandparents ko. Wala kasi akong alam sa buhay ni Mama, e, siguro Heiress si Mama o 'di kaya naman ay anak siya ng Reyna? Hindi ko na alam.

Hindi ko talaga alam, si Mama lang ang may alam. Hindi ko rin alam kung trabaho nga ba talaga ang pinupunta niya sa ibang bansa.

"[But those are maybe's.]" si Trevor. "[Anyway, why are we all here again? My members would be suspicious if they can't see me.]"

Galing magpanggap ni Trevor. Bigyan ng talent fee 'yan.

"[I forgot.]" si Violet. "[We are all here because Mr. Morriston wants us to be prepared for his new move. He said that we should be more careful especially to the woman named Darlene. Lakas raw manggago no'n.]"

Aray, ha! Grabe naman ang Violet na 'to!

"Here's your drink." Napaangat ako ng tingin. "I'm sorry, I took so long. Someone talked to me."

Okay lang, wala naman akong care.

"It's okay, I'm not that thirsty naman," sambit ko.

"Enjoy your drink," aniya at inasikaso ang mga nag-o-order.

Bumaba ang paningin ko sa cocktail glass.

Paano ako makakasigurong walang nilagay ang lalaking 'yon dito na kung ano? Malay mo lang naman, 'di ba? Kinuha ko ang baso at pasimpleng tinapon sa sahig.

May trust issues ako sa mga ganito. Kaya sa ikakabuti ko, hindi ko na lang iinumin! Mahirap na rin kasing magtiwala sa panahon ngayon, hindi mo alam kung sino ang mabuti at nagpapanggap lang na mabuti. At isa pa nasa lugar kami ng kalaban, malay ba nating may plano siyang iba towards me.

"[I've seen her already and she's a happy woman, huh? Especially when she always with... who's that man again?]" tanong ng Akirah.

Boyfriend ko 'yon! Suntukin kaya kita, Akirah?

"[That's her boyfriend! Sayang! I thought they are just friends.]"

Nagsalubong naman ang kilay ko sa narinig. Sino ang nagsalitang 'yon? Iyong kamay ko nangangati na manakit! Sayang raw?!

"Let's not talk about their relationship." Si Violet. "So, like what I've said, we need to be more careful. The Black Matrix will help also."

Ano'ng klaseng Organization naman 'yon?

"[What's Black Matrix, Violet?]" tanong ni Trevor.

"[It's a Mafia Organization also, Cordova. Black Matrix and Scythe are good and helping each other. Your Mafia group members don't know about them, I know their clueless who's helping the Scythe. And I also believe that they think that Scythe can't afford to fight Black Forum. But they are wrong...]"

Ito ang sinasabi nila Darius na nagtataka sila kung paano nagawa nilang lumaban ganoong maraming miyembro ang Black Forum at hinati pa sa dalawa.

Ang Black Matrix ang tumutulong sa kanila! Pero sino ang nagpapatakbo? Paniguradong magaling rin dahil talagang hindi nagpapakita habang patuloy sa pagtulong.

"[The Scythe-]" biglang nawala ang boses ni Violet.

Hala, bakit nawala? Hindi pa kami tapos makinig! Tumingin ako kay Gianna na nasa malapit sa akin. Umiling siya para sabihing nawala rin ang sa kaniya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto para lang bumalik ang linya at marinig namin ang usapan nilang lahat. Iyong usapan namin sa GC lang dahil malayo ang pagitan naming lahat.

Darius 'Papansin' Miranda: What the heck? What's happening out there?

Phoenix Ryler Velasquez na inlove sa isang babaeng palamura: that fucking Black Matrix, who's the Mafia Leader?

Renz: Galit na galit ka naman masyado! Relax lang, hindi naman aagawin si Darlene sayo.

Harris na BJ is layf: Maybe something happened on Trevor's table with his fake member.

Harris na BJ is layf: What the fucking fuck?! This fucking nickname!!

Hindi ako crush ng crush ko(Andrei): Sa hideout na lang natin 'yan pag-usapan.

Amputa, si Andrei pala 'yon.

Fckboi(Owen): BJ is layf si Salazar. HAHAHAHA

Harris na BJ is layf: Gago. 🖕

Nainlove sa tropa (Dash): may nakatingin na chicka babe kay Nix @Asawa ni Nix.

Nagsalubong ang kilay ko nang mabasa ang nickname ko sa GC. Hayop na 'yan. Sino kaya ang taong naglagay ng mga nickname namin sa GC?

Stick to one (Rafael): torres, paalis mo nga 'tong babae sa harapan ko!

Tumingin ako kay Rafael at may babae nga sa harapan niya. Hindi naman siya pinapansin ni Rafael dahil nakatutok sa cellphone.

Bumaba ulit ang tingin ko sa screen ng cellphone ko.

Sugarol ng taon (Finn): Mga men, nahack ko ang CCTV nila, dinekwat ko ang laptop ni Dash. Nakuhaan pala ng CCTV footage kung paano tinutukan ni Darlene ng baril ang mga tao sa likod ng kitchen.

Sugarol ng taon (Finn): Pero don't ya worry binura ko ang footage. Dapat niyo akong bigyan ng isang milyon.

Kaniya-kaniya kaming send ng emoji na middle finger sa kaniya. Kusang bumaba ang cellphone ko nang bumalik na si Markus. Tinuon ko ang paningin sa kaniya.

Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari. Baka kung ano na ang nangyayari kay Trevor doon sa table kung nasaan siya.

"Are you getting bored now?" tanong ni Markus bigla.

Umiling naman ako. "No, I'm enjoying here."

Pasimple kong pinindot ang button ng earpiece ko para hindi niya mapansin. Pinatay ko na lang muna 'yon bago tumingin kay Markus.

"This is the first time I saw you here or maybe you're here but I just can't see you."

Ngayon lang naman kasi ako pumunta rito, baliw lang?

"I am new here," ngumiti ako. "Ikaw?"

"I've been here for a long time."

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko nang mag-vibrate. May dalawang message na pumasok.

From: bibi
Don't make me fucking jealous, Miranda. I almost murder that fucker inside of my head! I don't like your smiles towards that freaking shrimp!

May isa pang message.

From: bibi
Love, stop smiling. Damn it. Iuuwi kita sa condo ko kapag hindi ka tumigil.

May pumasok na namang bago.

From: bibi
Huwag ka na ngang makipag-usap diyan. Naaasar ako.

Natatawa ako sa text message niya.

"Why are you laughing?" tanong ni Markus.

Umiling ako. "Wala." Nagtipa kaagad ako ng ire-reply.

To: bibi
'Wag ka nang maasar.

Si Flash yata 'to, ang bilis, e.

From: bibi.
Tss.

Tinabi ko na lang ang cellphone sa lamesa. "This place is great and fun, who is the real owner of this?" Pinatong ko ang siko sa lamesa at diretsong tumingin sa kaniya.

"Two owner, actually," sagot niya. "But they aren't here. They having a you know... some games," dagdag niya na parang natutuwa pa.

Peke akong tumawa. "For sure that game is fun.. by the way, what kind of game is it? Maybe I can join."

"Oh, sorry but the game doesn't suit you."

"Why?" May halong lungkot ang boses ko.

"Well... it's only for..." napalingon siya sa gilid ko kaya sinundan ko ang tingin niya.

Nilapitan ni Markus ang lalaking nakatingin rin sa akin. Napatigil ako nang makita si Acel, ang kapatid ni Spencer. Tangina, hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukha na 'yan.

At kung noon ay puro takot at awa ang nasa mata niya ngayon ay galit. Hindi niya rin siguro makalimutan kung paano ko tinutok sa kaniya ang baril ko. At kung paano ko inubos ang mga kasamahan niya.

"You..." may bahid ng galit sa boses niya.

Agad akong umupo sa lamesa at patalon na bumaba para maiwasan ang gagawin niya, kinuha ko rin ang baril sa likod nang kumuha siya ng baril sa bulsa, naunahan ko siyang barilin ang braso niya bago makatago sa ilalim. Sunod-sunod siyang nagpaputok ng mga bala sa buong harap ng counter bar.

Tanging pagbasag ng mga bote ng alak ang naririnig namin sa buong lugar, napatigil ang lahat at nagsigawan dahil sa nangyari.

Hindi naman ako natatamaan ng bubog kahit nasa ilalim ako at pilit na iniiwasan ang bala.

"Putangina!" Kinapa ko ang sarili.

Tumayo na ako nang tumigil siya sa pagpapaputok ng baril. Akala ko mamamatay na ako sa ginawa niya.

Ampucha, pagkatayong-tayo ko nakita ko sila Phoenix na nakatutok ang baril kay Trevor. Hala, pucha naman, oh! Bakit niya tinututukan ng baril si Trevor? Tapos 'yong iba gano'n rin.

Pero tangina naman bakit ang bilis? May tama na sa braso ang isang miyembro ng Scythe at ako ang may gawa no'n.

"Tangina, pasalamat ka buhay pa ako ngayon dahil kapag nangyari 'yon ay yari ka, gago!" Pinagpagan ko ang sarili.

"I remembered the day you pointed your gun at me!" galit na sigaw ni Acel.

"Naaalala ko rin kung paano ka nakatakot at kung paano magmakaawa ang kapatid mo huwag ko lang wakasan ang buhay mo!" sigaw ko rin.

Napatingin sina Darius sa akin.

"Pasalamat ka nga hindi kita binaril! Gusto mo ngayon ko gawin sa 'yo?!" Diniretso ko ang baril sa noo niya. "Gigil mo si ako!"

Hindi nila ako pinansin dahil sa pagsasalita ng babae.

"What the heck?! You did that, Spencer?!" Tumingin ang babae kay Spencer.

"Of course, I will save him! He's my brother!" si Spencer.

Hindi naman makasagot si Acel dahil nakatutok pa rin ang baril ko sa noo niya.

Isang maling sagot mo, yari ka sa akin.

"Biro lang ang sinabi ko. Ayokong masayang ang bala ko sa 'yo, wala ka namang dulot, e." Tinago ko ang baril likod ko at naglakad papunta kay Phoenix habang nagsisigawan sila.

Hello? May pagkaginto ang bala ko. Sayang naman 'yon kung sa kaniya lang mapupunta 'di ba? Dapat sa worth it na tao lang, ayoko sa kaniya.

"How can she joke in this situation?" sabi ni Mavis habang nakatingin sa akin.

"Ganda lang ang sagot diyan," sabi ko. "Tangina, bal, daig ko pa nag-swimming. Sakit ng braso ko." Ini-stretch ko ang braso ko.

"I told you not to swim without water. Sometimes, you are a.. you know... stupid."

Binatukan ko siya. "Tanga ka rin naman, pareho tayong tanga, bal. Hindi lang ako pero madalas ikaw palagi."

Totoo naman tanga siya, e.

"Wow, me? Really? Who's the person who almost slipped on the stairs because of her stupidity."

"Kasalanan ng hagdan 'yon," sagot ko.

"Now it's the stairs fault-"

"Dude!" putol ko.

"How's stupid, baby."

"Nye." Irap ko.

"Nye..." panggagaya niya.

"Ganiyan ba kayo magmahalan dalawa?" umirap ang babaeng nasa likod ni Trevor.

"Sino ba kasing nagmamahalan kaming dalawa?" Syempre joke lang, love-love ko kaya 'to.

"What?" Lumingon si Phoenix sa akin.

"What?" Panggagaya ko.

"Oh, damn," aniya at humarap. "Stop repeating my words."

"Okay!" sabi ko. "Wala yatang nagmamahal sa 'yo kaya ka bitter." Turo ko sa babaeng nagsalita kanina.

"Someone is loving me, bitch!"

"Imagination mo lang 'yon, tanga!" Sagot ko.

"Damn it! Akirah, stop talking to her."

Akirah pala ang pangalan nitong kasagutan ko.

Dumiretso ang tingin ko sa kanilang lahat. "In fairness, ang gaganda niyo. Lalo ka na." Tinuro ko 'yong babaeng kulot ang buhok.

"Should I say thank you?" sarcastic na sabi niya.

"Try mong itanong sa kaniya." Tinuro ko 'yong babaeng nasa tabi niya. "Baka sakaling sagutin ka."

"What the fuck you all doing here?!" Tanong ng nasa tabi ni Trevor.

"We just found out that someone is betraying us," malamig na sinabi ni Darius.

Huh?!

"I thought you were one of us, Trevor?" Tanong ni Phoenix.

Tangina, hindi ko maintindihan!

"Traydor ka, Cordova." Napatingin naman ako kay Dash. "Kaya ka pala laging wala o late dahil dito ka pala pumupunta!"

Hala, ano bang nangyayari?

"If my father found out about this? You'll be dead, Trevor." Totoong seryoso at galit si Darius.

"I don't care if I'll be dead or not, at least I joined to the most powerful Organization unlike the Black Forum, it's fucking useless."

"Aba gago 'to!" Hinawakan ni Phoenix ang braso ko nang akmang hahampasin ko ng bote si Trevor. "Hahampasin ko 'to! Ano ba?!"

"Stay out of it," sambit ni Phoenix at kinuha ang hawak ko.

"How poor of you people! Someone betrayed you all!" sabi ni Akirah. "He's the reason why we found out about your identities." Nilibot niya ang paningin sa amin.

"Traydor ka pala, Trevor!" Inis na sabi ko. "Crush pa naman kita noon!"

"What?" Nagsalubong ang kilay ni Phoenix.

"Bal, sabi ko noon. Relax ka lang." Hinawakan ko ang kamay niya. "Traitor ka pa rin, Trevor."

"You fucking betrayed the Organization, Cordova. You will receive your fucking punishment." Galit pa rin ang boses ni Darius.

"Like what I've said, I don't care about you all and to fucking punishment." Trevor smirked.

"You will pay this, Trevor." Biglang nagkasa ng baril ang kapatid ko.

Hinila ako ni Phoenix palayo nang biglang nag-sagupaan sa buong lugar.

"Stay here." Pinaupo niya ako sa bakanteng upuan. "Stop mentioning that you had a crush on Trevor, it makes me fucking sick."

"Oo na! Hindi na, pero bal, ang traydor ng kaibigan mo! Akala ko ba spy-spy lang pero-" Humina ang boses ko.

"It's time for you to relax,"putol niya sa sinasabi ko.

Nakita kong nahawakan ni Gianna ang braso ng babae na pangalan pala ay Akirah. Inikot ni Gianna ang kamay ng babae kaya napaigik sa sakit si Akirah, sabay silang dalawa na umikot nang pwersahang inalis ni Akirah ang kamay niya.

Nabitiwan ni Gianna ang baril niya pero si Akirah may hawak na baril. Pero saglit lang na nahawakan ni Akirah ang baril dahil biglang sinipa ni Gianna ang baril papunta sa isang direction pataas, nasalo naman 'yon ni Andrei nang matapos siyang pabagsakin ang kaharap niya bago itinutok kay Akirah.

"Tangina, ang galing!" pumalakpak pa ako. "Bal, nakita mo ba 'yon? Ang galing nila!"

"I saw it." Nanonood rin pala siya. "I can't leave you here for freaking sake."

Napatingin naman ako kay Darius, shit ang gwapong makipaglaban ng kapatid ko! Si Trevor ang kalaban niya at parehas na galit at seryoso ang mukha.

"Gusto mong gummy bear?" tanong ko kay Phoenix.

"I want a sushi, but yeah, I want a gummy bear." Basta-basta na lang siya kumuha ng gummy bear sa bra ko.

Kumain na lang rin ako ng gummy bear habang pinapanood silang magpatayan. Binalik ko ang tingin kay Trevor at Darius. May pasa na sa labi si Trevor at kita ko ang galit sa mata niya.

"You fucking go to hell, Trevor." Si Darius. "You're no longer part of Black Forum." May dugo na sa labi si Darius, at agad naman niyang inalis ang dugo doon.

"At least I have Scythe! I only joined your Dad's Organization just to find information. And looks like I fulfilled my job."

Naguguluhan na talaga ako! Hindi ko na alam kung ano na talaga ang nangyayari!

"And I'll give you a time to leave this place, Darius, together with your trash friends."

"Ouch! Trevor! Kailan ka pa naging ganiyan?!" Humawak si Finn sa dibdib niya.

"Akala ko ba tropa tayong lahat pero bakit parang mas gusto mo pa ang mga 'yan?"

"Isa kang peke!"

Bakit naman kasi ganito? Hindi ko maintindihan. Napapakamot na lang ako sa noo.

"Leave this place now!" si Trevor at halos sigawan kaming lahat.

Nasasaktan akong ganito si Trevor sa amin, kaibigan namin siya pero bakit siya ganito?

"Don't ever stepped inside of Black Forum and GFS ever again." Hinila ako ni Phoenix palabas ng lugar na 'yon.

"Ever again." Sabay-sabay na ulit ng mga ugok bago tuluyang sumunod sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 100 25
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."
755K 2.8K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
62.4K 3.5K 35
Lucius doesn't like other supernaturals in his territory. All supernaturals either work for him or ask for his permission before entering, because i...
527K 15.1K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?